KABANATA 4

2242 Words
NAPANGITI SI YVONY nang makitang dumating na ang kanilang ina at ama. Kinuha naman nina Yassi at Ysabel ang mga pinamili nito sa palengke para hugasan sa likuran ng kanilang bahay. Hindi naman mapigilan ng kaniyang sarili na matuwa sa kaniyang mga kapatid na hindi na talaga kailangan utusan. May pagkukusa ang mga ito sapagkat alam na ng mga ito ang dapat na gagawin. “Si Sir Dior mo ba iyong nasa sala?” mahinang tanong ni Erma, ang ina ni Yvony. “Hindi namamansin, ’Nak. Tiningnan lang kami,” sabi ni Yorme. “Gaya po nang sabi ko, masama po ang ugali ni Dior. Kaya ’wag na kayo mag-expect, Ma at Pa. Pero hindi naman po talaga sobrang sama. Tamang nakakapikon lang,” mahinang sagot niya sa kaniyang ina at ama. Napangiti ang ina sabay tapik sa ilalim ng baba nito. “Pero ang gwapo, ’Nak. Sayang ang ugali.” “Si Tisoy po si Dior, Ma. Nakita niya ang larawan namin dalawa kanina,” aniya. “Totoo? Tunay nga na maliit ang mundo, Anak. Sa mga pagkakataong ganiyan, naniniwala ako na may rason ang lahat,” sabi ng kaniyang ina. “Oo. Ang maging personal maid niya ako. Natutulungan niya ako at natutulungan ko siya. Ganoon siguro ang dahilan. Pero inaamin ko na nakamamangha na magkita muli kaming dalawa,” aniya. “Subukan kong makipag-usap sa batang iyon. Baka kulang lang iyon sa pansin,” sabi ng kaniyang ina. Sasagot na sana siya pero umalis na ito. Paglingon niya sa kaniyang ama, pumasok na rin ito sa kuwarto ng kaniyang kapatid na hindi nagpapadisturbo. Marahil naglalaro ito ng mobile games. Dahil luto na ang lahat ay ihinanda na niya ang mga pagkain sa mesa. Nang natapos, tinawag na niya ang kaniyang mga kapatid. Isa-isa ng dumating ang mga ito hanggang sa nakumpleto na sila sa mesa. Umupo na rin ang kaniyang ama sa puwesto nito. “Ma, Dior, hali na kayo,” pagtawag niya. Para hindi mahiya si Dior, pinuntuhan niya ito. Napangiti naman siya nang makitang nakangiti ito habang kausap ang kaniyang ina. Ibinaling niya ang tingin sa kaniyang ina at halatang kumportable itong kausap ang kaniyang alaga. “Mukhang ang saya ninyo, ha?” tanong niya. “Masaya lang ako sa sinabi niya na magandang impluwensiya ka raw sa kaniya,” sagot ni Erma. Napalingon siya kay Dior. “Ang plastic mo.” Napangiti ang kaniyang ina. “Hindi naman siguro. Mukhang nagsasabi naman ng totoo. Hindi lang iyon, may mga kaibigan daw siya na gusto ka pero pinagbabawalan niya ang mga ito sa iyo.” “Mom, hindi mo kilala si Dior. Hindi siya ganyan. Doon ka na po sa mesa. Ako na ang bahala sa taong iyan,” aniya. Pag-alis ng kaniyang ina, inabot niya ang kaniyang kamay rito. Tinanggap naman nito iyon at tumayo. “Ikaw, kung anu-ano na lang ang pinagsasabi mo,” irap na sabi niya rito. “Totoo. Gusto ko ng mga kaibigan ko. Pero ayaw ko lang sa kanila para sa iyo dahil baka mabuntis ka nang maaga,” sabi nito. “Pinagsasabi mo riyan. Buntis ka riyan!” Pagdating nila sa kusina, pinaupo na niya si Dior sa kaniyang tabi. Nasa kaliwa niya ito habang ang nasa kaniyang kanan ay si Ylo. Pinaggitnaan siya ng dalawa. “Sir Dior, kumakain ka ba ng gulay?” tanong ni Erma. “Hindi po, Tita.” “Kakain po iyan, Ma,” sagot ni Yvony. Nilingon niya ito. “Kakain ka, ’di ba?” “Hindi nga. Hindi ko kaya. Mamatay ako,” sagot nito. “Wala na kaming ibang ulam. ’Wag ka ng maarte. Karne ng baboy naman ang sahog. Iyon na lang,” giit niya rito. “Ipagprito na lang kita ng karne, Sir Dior,” sabi ng kaniyang ina. Napatayo si Ylo sa kinauupuan nito. “Ako na, Ma.” Napangiti si Erma. “Salamat, Anak.” “Bro, kunti lang ang salt. Then siguraduhin mong luto sa loob, ah? Hindi ako kumakain ng hi—” Siniko ni Yvony ang alaga. “Ang demanding mo. Tumahimik ka na nga. Bunso, upo ka na. Ako na ang magluto.” “Ate, ako na. Kumain na kayo,” sabi nito. Hinawakan niya ang kamay nito at pinaupo. “Ako na.” Habang naghihiwa si Yvony ng karne na lulutuin para sa kaniyang alaga, nagsimula ng magdasal si Ylo. Nilingon niya ang kaniyang alaga para tingnan kung ano ang reaksiyon nito. Ang sigurado siya ay may masasabi ito lalo pa at hindi ito sanay na magdasal habang kumakain. Ni hindi nga niya ito nakitang sumama sa pamilya nito na magsimba tuwing linggo. Nang makita na niya ito, nagpipigil na siya sa tawa nang makumpira na para itong baliw. Ang sama ng tingin nito sa kaniyang kapatid na binibigkas ang pasasalamat nito sa Diyos. Nang natapos sa pagdarasal si Ylo, nagsimula ng kumain ang mga ito maliban kay Dior na hinihintay na maluto ang kaniyang niluluto. Habang hinihintay na maluto ang karne, humarap muna siya sa kaniyang pamilya. Natutuwa naman siyang makita na nagustuhan ng mga ito ang kaniyang niluto. Iginiya niya ang kaniyang tingin sa kaniyang alaga at umiinom lang ito ng softdrink habang nakikinig sa pag-uusap ng mga ito. Napakunot naman ang kaniyang noo nang mapansin na nakitawa ito. “Dior, maghintay ka lang nang kunti. Malapit na ito,” sabi niya rito. Nilingon siya nito. “Madami iyan? You know me.” “Oo.” “Good. Babawi lang ako later.” “L-Later? Hindi ka pa ba uuwi after lunch? Tapos na naman ang assignments mo.” “Grabe ka naman, ’Nak. Dito lang muna iyan si Sir Dior,” sabi ng kaniyang ina. “Si Tita na ang nagsabi. Pero Ta, Dior na lang at ’wag na lang sir. Nagagalit kasi ang bunso ninyo.” Napalingon si Ylo sa kaniyang alaga. “May sinabi ba ako?” “Galit nga siya, Ta. Ang sama kong tumitig,” sabi ni Dior. Nilapitan ni Yvony ang bunsong kapatid at ginulo ang buhok nito. “Inaasar ka lang. Hayaan muna, Bunso.” “Masusunog na ang niluluto mo, Ate,” sagot nito. “Yvonne, ayaw ko ng sunog. Tama na iyan,” sabi ni Dior. “Oo na,” sagot niya rito. Pinatay na niya ang gasul at kinuha ang karne roon. Pakatapos, inilapag na niya ito sa gitna ng mesa bago umupo sa kaniyang upuaan. “Bakit nasa gitna iyan? It’s all mine, right?” tanong ni Dior. “Kapag nandito ka sa bahay. You must know how to share. ’Wag mong dalhin ang ugali mo rito sa bahay namin,” aniya. “Paano kung maubos? So wala na akong ulam?” Napataas ang kaniyang kilay. “Kahit inilagay ko iyan sa gitna ng mesa. Walang kukuha niyan dahil alam nila na para sa iyo iyan.” “Kung ganoon naman pala. Bakit hindi na lang dito sa tapat ko?” “Diormonyo, alam mo iyong tinatawag na tendency? Kahit alam nilang sa iyo iyan. May tendency na gusto pa rin nila tikman iyan. Alam mo? Wala ka na dapat maraming tanong kung hindi ka maramot,” litanya niya rito. Nilingon niya ang kaniyang pamilya. “Pagpasensiyahan ninyo na si Dior. Hindi lang siya sanay sa ganitong set up. Hindi kasi sila sabay-sabay kumain ng pamilya niya. Maliban na lang kung may event. At isa pa, nasanay siya na kung anong ulam nasa tapat niya ay sa kaniya talaga. Nagpapaluto lang kasi iyan sa akin.” “Wala bang GMRC sa private school, Ate? Kung saan ipaalala ng guro na isa sa mga mabuting asal ng tao ay ang maging mapagbigay sa kapwa?” tanong ni Ylo. Sinilip ni Dior ang kaniyang bunsong kapatid. “Meron, ah!” “Ah, so tulog ka niyon, Kuya,” matapang na sagot ni Ylo. “Y-Ylo,” nauutal na sambit niya rito. “I’m done. Tawagin ninyo lang ako kung tapos na kayo para makapaghugas na ako.” Napatitig na lang siya sa kaniyang mga magulang nang umalis na ang kaniyang bunsong kapatid. Kahit ang kaniyang mga magulang at mga kapatid na babae ay natahimik na lang. Aminado sila na hindi talaga nila mapipigilan ang bibig ni Ylo. Kung may gusto itong sabihin, sasabihin talaga nito. Hindi ito iyong tipo na tatahimik lang. Inakbayan siya ni Dior. “My heart. Kanina pa ang sama ng timpla ng kapatid mo sa akin.” “Pagpasensiyahan mo na ang bunso namin. Honest lang talaga iyon,” sabi ni Erma. “Pwede ko ba siyang bugbugin?” tanong ni Dior. Nilingon ito ni Yvony. “Subukan mo. Papat*yin kita.” “Bibig mo, Yvony,” suway ni Yorme. “Sorry. Nakakapikon lang kasi.” “Ta, To, ang tatapang ng mga anak ninyo po.” Dinuro nito ang kaniyang dalawang kapatid. “Mukhang ang dalawa lang ang walang say sa buhay.” Hinawakan niya ang kamay nito at ibinaba. “Pwede bang ’wag kang manduro kung nasa malapit lang naman ang tinutukoy mo? Para kang may kaaway riyan. Mabait iyang dalawa kaya ibahin mo ako. Ako ang panganay kaya kailangan ko maging matapang para sa kanila.” “Pero bakit iyong bunso ninyo? Ang tapang?” tanong nito. “Nag-iisang lalaki sa magkakapatid. Ano ang aasahan mo? Bunso lang iyan sa papel pero tumatayo iyang panganay sa amin.” “So wow. Edi siya na?” Sasagot pa sana siya pero nagsimula na itong kumain kaya kumain na lang din siya. Habang kumakain pa sila, natapos na rin ang kaniyang pamilya kaya sila na lang dalawa. Umalis na ang mga ito at sa tingin niya nasa kubo nila ang mga ito tumambay. “Baka sila sa likuran dumaan? Ano ang meron doon?” tanong ni Dior. “May maliit kami na kubo sa likuran ng bahay.” “Mahangin doon?” “Oo. Pero mas mahangin ka.” “My heart. Inaaway mo ako.” Napangiti siya sa narinig. “Pauso ka sa my heart mo.” “Nakita ko lang iyan sa Taktak. Feeling ko kasi cute rin ako kung gayahin ko iyon.” “Gaya-gaya ka na pala ngayon?” “Parang ganoon na rin. Pero bagay ba sa akin? Iyong totoo? Ipinanganak naman kayong honest, ’di ba?” Napatango siya. “Cute. Swerte mo kasi gwapo ka.” Napahawak ito sa dibdib nito. “My heart.” Napailing-iling na lang siya rito. Hindi niya maipagkakaila na sa pagkakataong iyon ay natutuwa siya rito. Hindi ito nakaiinis sa tuwing ganoon ang ugali nito. “Kumain ka na nga. Baka gusto mong tumambay tayo sa kubo after this?” tanong niya rito. “Hindi mo na ako papauwiin nang maaga? Mabuti lang sa iyo na nandito ako?” “Kung magpapakabait ka. Why not? Wala naman kasi magiging problema kung ganoon ka. Kahit dito lang sa bahay namin. Kahit ngayong araw lang.” “Ganoon ba talaga ako kasama para sa iyo? Pero bakit pakiramdam ko walang masama sa ginagawa ko?” “Lumaki ka kasi na kulang sa disiplina ng mga magulang mo. Tapos mga taong nasa paligid mo ay hindi ka sinusuway dahil ganoon din sila katulad mo. Alam mo kasi Dior, kung hindi natin alam kung ano talaga tayo, ibang tao ang makakapansin niyon para sa atin.” “Ikaw? Kilala mo ba ang sarili mo?” “Oo. Hindi ako mabait. Sakto lang. Basta ang sigurado ako, matapang akong babae kasi ayaw ko na magpapa-api.” “Kung matapang ka? Bakit wala kang ginagawa? You are voiceless lalo na kapag nasa mansion ka namin,” sabi nito. Napangiti siya. “Isa rin sa ugali ko na ipinagmamalaki ko ay marunong akong magtimpi para sa ikabubuti. Katulad na lang sa ugali mo at ng mga magulang mo. Kahit baluktot kayo madalas mag-isip, wala kayong maririnig sa akin dahil ayaw kong mawalan ng trabaho.” “Bakit takot ka mawalan ng trabaho? Pwede ka naman tumigil sa amin at maghanap ng ibang trabaho.” “Alam mo, wala kasing conflict ang oras natin dalawa. We are in the same school. Advantage rin sa akin na libre ang pamasahe ko dahil sa sasakyan mo, kahit snacks at lunch ay libre rin dahil sa stocks sa mansion ninyo. Makakatipid ako. Kung uuwi ka, uuwi rin ako. Unlike sa kung iba ako magtatrabaho, kailangan ko pang gumastos ng pamasahe at magpalit ng uniporme. Kaya kahit paano, salamat sa inyo.” “Mas malaki pa pala ang benefits mo kumpara sa akin. Sana lahat,” pagmamayabang nito. “Hello? Kung wala ako, kaya mo? Kaya mong maglaba, magluto, magtupi, mamalantsa, at tagasagot ng mga assignments mo? Gaya ng sabi ko kanina, kailangan natin ang isa’t isa.” Napatango ito. “I couldn’t agree more. . . na lang.” “Pero ’wag kang mag-aalala. Kapag nakapagtapos na ako, aalis na rin naman ako para makahanap ng mas magandang trabaho na related sa course ko.” “Kaya mo akong iwan? Ilang taon na tayong nagsama. Hindi ka maawa sa akin?” Napahawak ito sa dibdib nito. “My heart.” Napangiti siya. “Ang cute mo. Pero mas cute ang kaibig—” Napatigil siya sa pagsasalita nang muntikan na siyang madulas. Para sa kaniya, hindi dapat nito malaman na may gusto siya sa isa sa mga kaibigan nito. Kung mangyari man iyon, malalagot talaga siya rito. Wala na siyang mukhang maihaharap sa isa sa mga kaibigan nito. “Sh*t!” sabi niya sa kaniyang isipan. ~~~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD