“HI, BABE,” SAMBIT ni Dior sabay sundot sa kaniyang tagiliran.
Napabuntonghininga na lang sa inis si Yvony sa ginagawa ng kaniyang alaga. Kahit abala na siya sa paggawa ng PPT nito ay walang tigil pa rin ito sa pang-iinis sa kaniya. Hindi man niya ito pinapansin pero hindi niya maipagkakaila na kumukulo ang kaniyang dugo rito. Kung pwede lang hampasin ito nang hampasin ay kaniyang gagawin. Hihingi lang siya ng patawad sa Diyos kung mangyari man iyon.
“Babe, may lubricant ang bunso ninyo? Magsasarili lang sana ako. Tinitigasan kasi ako sa ganda mo,” sabi nito.
“Lord, bigyan mo pa ako ng mahabang pasensiya. Parang awa mo na,” sabi niya sa kaniyang isipan.
“Magsasalita ka o kakamayin kita?” bulong nito sa kaniyang tenga.
Nagsitayuan ang kaniyang mga balahibo sa bulong nito. Hindi niya maitanggi na parang demonyo ang boses nito. Para bang galing sa ilalim ng lupa sa sobrang lalim.
Nilingon niya ito at sinamaan ng tingin. Hindi na niya kayang magtimpi pa. Para sa kaniya ay sumusobra na ito. Ibubuka niya na sana ang kaniyang bibig pero inilapit nito ang mukha nito sa kaniya. Sa sobrang lapit nilang dalawa, naamoy na niya ang hininga nito. Hindi niya maitanggi na mabango iyon.
“Hala si Ate!” magkasabay na sigaw nina Yassi at Ysabel.
Sa gulat ni Yvony sa sigaw ng kaniyang mga kapatid, parang humiwalay ang kaluluwa niya sa kaniyang katawan. Pagtingin niya kay Dior ay napangiti lang ito habang nakanguso pa rin sa kaniyang harapan.
Kinurot niya ang pisngi nito. “Kanina ka pa!”
“Oy, Ate,” panunukso ni Yassi.
Nilingon niya ito. “Tumahimik ka! Mali ang iniisip ninyo.”
“Akala ko ba ay hate mo si Kuya Dior? Bakit may ganoon? Bagay pala kayong dalawa, e!” nakangiting sabi ni Ysabel. Niyakap nito si Yassi sa tabi sa labis na kilig.
Napatayo siya sa kaniyang kinauupuan at nilapitan ang mga kapatid na walang tigil sa panunukso sa kaniya. Wala sanang problema kung kinikilig siya pero hindi ganoon ang nangyari. Nandidiri siya sa mga ginagawa ni Dior sa kaniya. Aminado siya na iba ang tama ng mga ginagawa nito sa kaniya dahil lang sa bago iyon sa kaniya. Para sa kaniya, sino ba ang baliw na gagawa ng ganoon sa isang babae? Si Dior lang.
Pagdating niya sa tapat ng mga kapatid ay tinulak niya ito patungong kusina. Habang ginagawa niya iyon, napatingin siya sa kaniyang alaga at nakangiti itong tinitingnan sila. Dahil nakatitig ito sa kaniya, tumigil na lang siya at bumalik sa tabi nito.
“I am distracted! Ang galing mo talaga sa bagay na iyon,” aniya.
Inakbayan siya nito. “Yummy kasi ako. Anyways, maganda rin ang mga kapatid mo, ah? Lamang ka lang nang laki ng dibdi—ouch!”
Siniko niya ito dahilan para mapainda ito sa sakit. Naiinis lang siya na pati dibdib ng kaniyang mga kapatid ay hindi nakatakas sa makating mga mata nito.
“’Wag na ang mga kapatid ko, okay? Mas gugustuhin ko pa na ako na lang.”
Pinisili nito ang kaniyang braso. “Babe, ang selosa mo. But I like that attitude. I feel secured.”
“Tumahimik ka na nga. Hindi ka nakakatulong.”
“Dele lang,” sagot nito.
Napatigil siya sa ginagawa at nilingon ito. “A-Ano?”
“Do I need to explain?”
“You should.”
“Dahil mabait ka sa akin. . . dele lang.”
“Dior!”
“Oo na. Dele lang means pagtanggi. Ganoon na lang iyon. Baka gusto mo rin ng example from me?”
“No thanks. Sige na, bitawan mo na ako at tatapusin ko na itong ginagawa ko.”
Nang tinanggal na ni Dior ang kamay nito sa kaniyang balikat ay nakaginhawa na siya nang maayos. Habang nagtitipa sa laptop, napatingin siya rito nang tumayo ito. Sinundan niya ito ng tingin nang dahan-dahan itong humakbang. Para itong magnanakaw na nag-iingat sa sarili.
Nang nasa tapat ito ng cabinet nila, may kinuha ito. Nang nakita niyang photo album iyon ay hinayaan niya na ito. Para sa kaniya, wala ng masama roon.
Minuto ang lumipas, umupo na muli ito sa kaniyang tabi. Sa pagkakataong iyon, may inaasahan siyang gawin ito. Pero nang seryoso lang ito na nakasandal sa upuan nila, napalingon siya rito. Napataas ang kilay niya nang mapansin na parang ang seryoso nitong nakatitig sa kanilang photo album.
“Dior, ano ang meron?” nagtatakang tanong niya rito.
“Ako ang batang ito,” sagot nito.
Napakunot ang kaniyang noo. “S-Saan diyan?”
“Ikaw lumapit. Ikaw ang may kailangan,” mabilisan na sagot nito.
Napailing siya. “Sh*t.”
Dahil sa kaniyang kuryusidad, sinunod niya ang gusto nito. Napatayo siya at pumunta sa likuran nito. Para mas makita niya ang larawan, inilapit niya ang kaniyang mukha sa gilid ng mukha ng kaniyang alaga. Pagkatapos, tinitigan na niya ang larawan na tinutukoy nito.
“Ikaw iyan si Tisoy?” nakangiti na kaniyang tanong dito.
“Ako iyan. Teddy bear ko iyang hawak ko. Ibinigay ko iyan sa iyo, ’di ba?”
“S-Sandali,” aniya.
Tumakbo siya sa kaniyang kuwarto. Pagdating niya roon, napangiti siya nang makumpirma na ang teddy bear na palagi niyang katabi sa pagtulog ay ang teddy bear ng lalaking nandoon sa larawan. Nagsitayuan ang kaniyang mga balahibo. Hindi lang niya inaasahan na ang lalaking iyon ay ang kaniyang alaga.
Kinuha niya ang teddy bear bago lumabas ng kuwarto. Nang nakita ni Dior ang kaniyang hawak, napangiti ito. Sa pagkakataong iyon, nakita niya ang totoong ngiti nito.
“W-Wow! Ikaw pala iyon. Grabe! What a small world. Pero ibinalik mo na iyan sa kwarto mo. Mukha pa lang, amoy naliligo na ng laway,” sabi nito.
Napataas ang kaniyang kilay. “Ang sama talaga ng ugali mo. Hello? Nilalabhan ko iyan every month.”
“Malamang hindi mo pa iyan nalabhan sa buwang ito kaya ihagis mo iyan sa kama mo,” anito.
Napabuntonghininga siya sabay tapon ng teddy bear sa kaniyang kama. Pagkatapos, bumalik na siya sa tabi nito. Hindi niya naman mapigilan na mapatitig sa mukha nito habang hindi matikom ang bibig. Natutuwa lang siya na makita muli ang isang bata na hindi mawala sa kaniyang isipan simula noong nakilala niya ito.
“Bakit ka nga umiiyak doon?” pang-aasar niya rito.
“Naligaw ako. Okay ka na?”
“Bakit ka nga naligaw?”
“Tumakas lang naman sa yaya at bodyguard ko. Pero sobrang saya ko noong araw na iyon kasi first time ko sa park noong araw na iyon.”
“Really? Sa yaman ninyo?” Hindi siya makapaniwala sa kaniyang narinig.
“Dahil nga sa yaman namin kaya hindi ako nakapunta roon. Ang sabi ni Mommy sa akin, park is not for our status in life.”
Napataas ang kaniyang kilay. “Kaya ka pala lumaking ganiyan. Ang panget ng pagpapalaki sa iyo, ah?”
“Isumbong kaya kita kay Mommy Dawn?” pagbabanta nito.
“Kung gagawin mo iyan, mawawalan ako ng trabaho. Kung wala ako, sino ang tutulong sa iyo? Sir Diormonyo, hindi mo maitatanggi sa sarili mo na kailangan mo ako. And I’ll be honest din, kailangan ko rin kayo. Kailangan natin ang isa’t isa.”
“Feeling. Sige na at sagutan mo na iyan.”
“Mag-usap muna tayo. Pero seryoso, masaya na malungkot ako na nakita kita muli.”
“Why?”
“Masaya kasi lumaki kang gwapo at malusog. Malungkot kasi ang panget ng changes ng ugali mo. Ang bait mo dati. Ngayon? Do I need to say more?”
“Tumahimik ka na at baka mabugbog pa kita.”
Napatawa na lang siya sa sagot nito. Masaya lang siya na napikon ito sa kaniya. Kahit paano, gumaan ang kaniyang pakiramdam nang makaganti rito.
Habang ipinagpatuloy niya ang takdang-aralin nito, hindi niya pa rin matikom ang kaniyang bibig. Masasabi lang niya na tunay nga na maliit ang mundo.
“Hey! Kinikilig ka siguro, ’no? Feeling mo dahil nagkita tayo muli ay may dahilan ang Diyos? We are destined?” sabi nito.
Nagsitayuan ang kaniyang mga balahibo. “Sa kayabangan mo ay ikaw lang ang kayang mag-isip nang ganiyan.”
Napabuntonghininga na lang siya. Hindi niya maipagkaila na iba talaga ang takbo ng utak nito. Sa lakas ng hangin na dala nito, pwede na siyang dalhin.
“Babe, bibili na lang tayo ng ulam for our lunch. ’Wag mo ng palutuin ang mga kapatid mo,” sabi ni Dior.
Nilingon niya ito. “Seryoso ka? May sakit ka yata?”
“Ang ganda mo,” sabi nito habang nakatitig sa kaniya.
Natapos nitong sabihin iyon ay tumayo muli ito. Hindi niya na ito pinansin at tuluyan ng tinapos ang kaniyang ginagawa.
Minuto ang lumipas, natapos na siya. Napanganga naman siya nang mapansin na wala na ang kaniyang alaga. Napatayo agad siya at hinanap ito.
“Dior?” sambit niya.
“Natutulog,” sagot ni Ylo.
“A-Ano? Papasok ako, Bunso.”
“Oh,” tamad na sagot nito.
Pagpasok niya sa kuwarto ng kaniyang bunsong kapatid, napanganga na lang siya sa kaniyang nakita. Nakahiga nga ito sa gilid ni Ylo habang yakap ang isang unan.
“Wala kang problema na nandiyan siya, Bunso?” paninigurado niya sa kaniyang kapatid.
“Meron. Isang problema na siyang pumasok dito. Hindi man lang nagpaalam.”
Napangiti siya. “Pagpasensiyahan mo na. Pero hindi naman talaga iyan sobrang sama. Nakapipikon lang talaga.”
“Okay.”
“Bunso, hayaan mo na lang muna riyan si Dior para walang disturbo sa akin. Magluluto na muna ang Ate.”
Nang tumango ito, lumabas na siya. Imbes na bibili ng ulam si Dior para sa kanila ay tinulugan lang sila. Kaya wala na siyang magagawa kung hindi ang magluto na lang ng gulay.
“Yassi, Ysa,” pagtawag niya sa dalawang kapatid.
“Pakibili ng gata kina Aleng Terry. Magluluto ako ng ginataan,” aniya.
“Wait, Ate,” sagot ni Yassi.
Paglabas ng dalawa, inabutan niya ito ng pera. Inutusan niya na lang din ang mga ito ng softdrinks para hindi niya na kailangan utusan ang bunso nila sa kanilang pananghalian.
Nagsimula na siyang maghanda ng lulutuin. Mula sa gulay at sa mga iba pang sangkap na kailangan niya sa pagluluto. Inilabas na rin niya ang karne para pangsahog. Kung wala silang bisita sa kanila ay tuyo sana dapat iyon.
Nang dumating na ang kaniyang mga kapatid, tinulungan na siya ng mga ito na maghiwa. Hindi niya maipagkakaila na iba talaga ang magagawa kung magtutulungan. Mas mapapadali ang gawain.
Nang handa na ang lahat, nagsimula na siyang magluto. Hindi naman umalis sina Yassi at Ysabel at nakipagkuwentuhan muna ito sa kaniya.
“Ate, mas gwapo pala si Kuya Dior sa personal,” sabi ni Yassi.
“Sinabi ko nga, ’di ba? Gwapo lang. Hanggang doon lang,” sagot niya rito.
“Pero bagay kayo, Ate,” sabi ni Ysabel.
“Pinagsasabi mo riyan. Pero alam ninyo ba, iyong bata na nagbigay sa akin ng teddy bear noong bata pa lang tayo? Noong sa nasa park tayo? Si Dior pala. Kanina lang namin nalaman,” nakangiti na kaniyang sabi habang inaalala ang araw na iyon.
“Siya pala iyong iyakin na iyon, Ate?” natatawa na tanong ni Yassi.
Napatango siya. “Oo. First time niya raw iyon. Baka napilit lang niya ang yaya, bodyguard, at driver niya. Alam ninyo ba kung ano ang nakaloloka? Inilagay sa isipan ng ina niya sa kaniya na sa yaman na meron sila ay hindi para sa kanila ang park.”
“Really? Kaya pala mukhang mayabang, Ate,” sabi ni Ysabel.
“Anong mukhang? Mayabang talaga!” giit niya rito.
“Talaga, Babe?” tanong ni Dior.
Paglingon ni Yvony, nakasandal na ito sa pintuan ng kuwarto ni Ylo. Umayos na ito ng tayo at tumungo palapit sa kaniya. Pagdating nito sa kaniyang gilid, hinawakan nito ang kaniyang bewang.
“Sinisiraan mo ako sa mga hipag ko, Babe,” sabi ni Dior.
Siniko niya ito. “Anong sinisiraan? Nagsasabi lang po ng totoo.”
“Ikaw nga mataray. May reklamo ba ako?”
Napataas ang kaniyang kilay. “Kasi iyon ang deserve mo. You are being mean and rude to me all the time. What do you think am I going to do? Magpakabait for pete’s sake?”
“Kalma, Babe. Oo na, tanggap ko na ganito tayo. Pero bakit ka ba nagluto? Sinabi ko na sa iyo na bibili tayo ng ulam, ’di ba? Alam mo naman na hindi ako kumakain ng damo.”
“Natulog ka, okay? Malay ko na gigising ka pa? Anyway, iba ang damo sa gulay.”
“Iba pala?”
Hinarap niya ito. “At dahil nandito ka sa pamamahay namin, matuto kang makisama. Kumain ka kung ano lang ang kaya naming maibigay.”
“Poor nga talaga kayo. Pero paano ninyo nakayanan mabuhay na masaya? Ang liit ng bahay ninyo.” Inilibot nito ang tingin sa loob ng bahay. “Tapos marami pang butas. How come?”
“Hindi batayan ang tahanan para masabi mo na masaya ang isang tao. Kundi iyon mismo sa mga taong nakatira roon. Iyon ang meron kami na wala ka. Kaya ka siguro barubal, bastos, at walang modo dahil wala kang ganoon sa inyo, tama ba?” pagsulpot ng boses ni Ylo.
“B-Bunso,” sambit ni Yvony.
Napabuntonghininga na lang si Yvony sa sinabi ng kaniyang kapatid. Hindi niya inaasahan iyon. Hindi niya rin naman ito masisisi lalo pa at hindi ito sanay na makahalubilo ng taong katulad ng kaniyang alaga.
“We are happy. I am happy,” sabi ni Dior.
“You are not and that is the thing I’m sure of,” sagot ni Ylo sabay sara ng pinto sa kuwarto nito.
“W-Wow,” tanging salita na lumabas sa bibig ni Dior.
“Umupo ka nga muna roon. Ikaw kasi ang talas ng dila mo. Pasensiyahan mo na ang kapatid ko. Mabait naman talaga iyon,” sabi ni Yvony.
“Talaga? He is not and that is the thing I’m sure of,” sagot nito. Ginaya lang nito ang huling sinabi ng kaniyang kapatid.
Napatawa siya sa sagot nito. “Sige na. Magluluto na ako. Basta. . . kumain ka ng gulay. Masarap ito.”
“Pwede bang isali ko na rin ang nagluto?” anito.
“Doon ka muna sa sala.” Tinulak niya ito.
Nang umalis si Dior, napatingin na lang siya sa kaniyang dalawang kapatid na halatang naiilang sa ginawa ng bunso nila. Para sa kaniya, mukhang nadaplisan nang kunti ang kaniyang alaga roon. Hindi siya bulag para hindi malaman na magulo ang pamilya nito. Madalas mag-away ang mga magulang nito.
Sa tuwing nangyayari iyon, matutulog nang maaga ang kaniyang alaga habang ginagawa niya ang mga takdang-aralin nito sa mismong kuwarto nito. Kahit masama ang ugali nito, hindi niya maiwasan na makaramdam ng lungkot para rito. Para sa kaniya, walang sinumang anak ang nararapat na magkaroon ng magulong pamilya.
~~~