KABANATA 2

1535 Words
NAGPUPUNAS SA KANILANG bintana si Yvony nang may kotse na tumigil sa tapat ng bahay nila. Napatigil siya sa ginagawa habang hindi mapigilan na manlaki ang mga mata niya. Hindi niya inaasahan na totohanin talaga ng alaga niya ang sinabi nito na pupuntahan siya sa bahay nila. Mas nanlaki ang mga mata niya nang dumating ang bunsong kapatid na si Ylo at pinahinto ito ni Dior. Sa tingin niya, magtatanong ito kung taga saan siya. Hindi niya naman mapigilan na matawa nang hindi ito pinansin ng bunsong kapatid niya. Pagdating ng kapatid niya sa loob ng bahay nila, sinenyasan siya nito na nasa labas si Dior. Kilala ng kapatid niya ang mga amo niya. Ang sigurado siya, hindi kilala ng alaga niya ang buong pamilya niya. Lalo pa at alam nito na wala itong pakialam sa buhay niya. “Hayaan mo iyon,” sagot niya. Nang ibinaling niya muli ang atensiyon sa labas ng bahay nila ay kausap na ni Dior ang isa sa mga kapit-bahay nila. Itinuro ng kapit-bahay nila ang bahay nila kaya agad siya nagtago at napabuntonghininga. Sa pagkakataong iyon, tumakbo na siya sa kuwarto nilang magkakapatid at nagbihis ng loose shirt at pajama. Ayaw niyang makita siya nito na nakasuot lang sando at cycling shorts. Hindi siya kumportable. “Yvonne, nandito na ako,” sabi nito. “Napakabastos talaga! Hindi man lang marunog mag tao po. Pero ano ba ang aasahan ko sa taong iyon? Kung ano ang puno, ganoon din ang bunga,” sabi niya. Lumabas na siya ng bahay nila at nakita na niya ang pagmumukha nito. Paglapit niya rito, inabot nito ang susi sa kaniya at inutusan siyang kunin ang bag at laptop niya sa loob ng sasakyan. Napabuntonghininga na lang siya sa ugali nito. Sa isipan niya, pwede naman sana na ito na lang ang nagdala pero hindi nito ginawa dahil umaasa ito sa kaniya. Pagdating niya sa tapat ng sasakyan nito, binuksan niya na iyon at kinuha ang mga gamit nito. Pagbalik niya sa loob ng bahay nila, nanlaki ang mga mata niya nang makitang ipinasok nito ang mga sapatos nito. “Baka nakalimutan mo na hindi mo ito bahay? Tanggalin mo ang sapatos mo,” maawtoridad na sabi niya. “Ang arte mo naman, Babe. Mas malaki pa nga ang kulungan ng phyton namin sa bahay ninyo,” pagmamayabang na sabi ni Dior. “Yes, it’s true. But what matters to me, masasaya kami rito. Kuntento kami sa buhay namin at hindi kami bastos. Kaya ikaw na dayo lang, dapat meron ka niyon. Hubarin mo iyan,” aniya. “Magpasalamat ka dahil bahay mo ito,” sagot nito sabay tanggal ng sapatos. Nang nahubad na nito ang mga sapatos nito ay inabot nito iyon sa kaniya. Wala naman siyang nagawa kung hindi ang tanggapin iyon at ilagay sa shoerack nila sa gilid ng pintuan. “Hey! You have a brother pala, ah? Masama ang ugali niya, ’no?” sabi ni Dior. Halatang may inis ito sa kapatid niya. Nilingon niya ito sabay taas ng kilay. “Coming from you?” “Kung palabasin ko kaya iyang c*m mo?” sagot nito. Napakunot na ang noo nito. “A big thank you to my God na hindi ako ginawang kasing-cheap ng mga kung sinu-sinong babaeng pumapatol sa iyo. Magandang mukha lang naman ang maipagmamalaki mo. Kung magasgasan iyan? You. Are. Nothing.” Napangiti ito sabay de kuwatro. “So inaamin mo talagang gwapo ako?” Napangiti siya sa reaksiyon nito. “Kahit isinusumpa kita sa kaibuturan ng aking puso ay hindi ko kayang itanggi iyon. Gwapo ka nga. Gwapo lang.” “Ang tapang mo talaga kapag tayo lang dalawa, ’no? Pero bakit kaya ang bait mo kapag nasa bahay?” anito. “Ano ba ang sinadya mo rito? Hindi ba magpasagot? Ilabas mo na.” Iniba na niya ang usapan para matigil na ang pinag-uusapan nila. Nanlaki ang mga mata niya nang hinawakan nito ang botones ng pantalon nito. Para bang balak nitong maghubad. Sa inis niya, hinampas niya ang balikat nito. “Ouch, Babe! You have said na ilabas ko na. I’m just a good follower,” sagot nito. Kinindatan pa siya nito. “Kadiri ka talaga. Bilis! Ilabas mo na para makauwi ka na.” “What the f*ck, Babe. Ang swerte mo nga dahil may oras ako sa iyo. Tapos you are atat pa na paalisin ako rito? How dare you really?” Napabuntonghininga siya sabay upo sa tabi nito. Pagkatapos, binuksan na niya ang lalagyan ng laptop nito at inilabas na roon ang laptop. Pagbukas niya ng laptop, natulala siya nang makita ang wallpaper nito. Nakahubad lang naman ito habang nakatakip lang ng bimpo ang p*********i nito. Nakikita niya ang malaking bakat nito. Inakbayan siya nito at hindi pa rin siya makapagsalita. Sa tingin niya, nagkasala na ang mga mata niya. “Bitawan mo ang ate ko,” sabi ni Ylo. Nang marinig ni Yvony ang boses ng kapatid ay parang nahimasmasan siya bigla. Sa pagkakataong iyon, doon pa niya namalayan na nasa balikat na niya ang kamay ng kaniyang alaga. Siniko niya ito sabay tulak palayo sa kaniya. Naiinis lang siya kung bakit ganoong wallpaper ang ipinalit nito sa laptop nito gayong siya ang madalas na gumagamit niyon. “Bastos ka talaga!” sigaw niya sabay hampas pa rin dito. “Ano’ng ginawa niya sa iyo, Ate?” seryosong tanong ni Ylo. Nilingon niya ito. “W-Wala. Bumalik ka na nga sa kwarto mo. Kaya ko ang sarili ko sa demonyong ito. Malakas naman tayo sa Diyos. Ang mga Ate mo? Nasaan na?” “Namili po ng gulay,” sagot ni Ylo. Napatawa si Dior. “G-Gulay? W-Wait. ’Wag ninyong sabihin na iyon ang ipakain ninyo sa akin? God d*mn it! Bibili na lang ako ng buong restaurant.” “Kami ang kakain. Hindi ka naman welcome rito. Pero bakit pumunta ka pa? Ikaw lang ang masaya na nandito ka,” sabi ni Ylo. “Napakaangas na bata, ah? Gusto mong baliin ko iyang buto mo?” pagbabanta ni Dior. “Ylo, save your time. ’Wag mong pag-aksayahan ng oras ito,” sabi niya sa kapatid. Napangiti na lang siya nang makitang ang sama ng tingin ng kapatid niya sa alaga niya bago umalis. Napalingon sa kaniya si Dior at hindi makapaniwala sa inasta ng kapatid niya. Hindi nga siya nagkamali na nakahanap ito ng katapat. Sa isipan niya, kung panganay lang niya si Ylo at malaki na ang katawan nito ay baka binugbog na nito ang alaga niya. Napalingon siya muli sa kapatid niya nang umalis na ito. Para sa kaniya, masasayang lang oras nito sa alaga niya na walang kuwenta. “Matatapang din pala ang mga pobre?” tanong ni Dior sa kaniya. “Oo. Kaya ’wag na ’wag mo kaming maliliitin. Lalo pa at nasa lugar ka namin? Hindi mo kilala ang mga tao rito,” aniya. “Mukhang maganda siguro magkaroon ng lahi sa iyo. Usog ka dito sa akin ang let’s multiply.” Napailing na lang siya at mas piniling hindi na ito pansinin. Ang sigurado siya, tataas lang ang dugo niya rito. Nang dumapo na ang daliri niya sa touchpad ng laptop nito ay hindi niya mapigilan ang panginginig niyon. Naiilang lang siya sa larawan nito na daig pa ang p*rnstar. “Iniisip mo siguro ang laki ng alaga ko, ’no?” bulong nito sa kaniya. “Isang salita mo pa. Paaalisin na kita,” pagbabanta niya. “Saan na pala ang mga magulang mo?” “Wala ka ng pakialam sa kanila. Kaya please, tumahimik ka na.” “Ayaw mo talaga ng matinong usapan, ah? Maghuhubad na nga ako rito.” Napalingon siya rito. “Ano ba! Nagsisimba po!” “Bakit ka ba sumisigaw?” mahinang sabi nito. “Kasi. Demonyo. Ka,” kalmadong sagot niya rito. “Maganda ka pala sa malapitan,” biglang sabi nito. Napatitig lang siya rito habang hindi mapigilan ang sarili na magsalita. Nang ngumiti ito, naramdaman niya ang pang-iinit ng mukha niya. Sa tingin niya, namumula na iyon. “Marupok ka pala, ah? You are my next target.” Kinagat nito ang ibabang parte ng labi sabay pakawala ng malalim na hininga. Pagkatapos, hinawakan nito ang labi niya at marahan na pinisil. “Kakant*tin kita.” Nang mahimasmasan si Yvony sa ginagawa ng alaga niya, pinukpok niya ang sariling noo sa noo nito dahilan para mapasigaw ito. Para sa kaniya, nararapat lang nito na masaktan. Bagaman nasaktan din siya, pero ang sigurado siya ay mas nasaktan ito. “Umayos ka nga!” sigaw niya. Habang tinitigan niya ito, napahalakhak lang ito. Wala naman siyang nagawa kung hindi ang himasin na lang ang sariling noo. Nang tumigil na ito sa katatawa, hinawakan nito ang mukha niya. Hindi naman siya makagalaw at tinitigan lang ito. Nang unti-unting lumapit ang mukha nito sa mukha niya, napapikit siya. Nagsitayuan ang mga balahibo sa katawan niya. Hindi niya lang alam kung ano ang ginagawa niya. Nang iminulat niya ang mga mata niya, nakatitig pa rin ito sa kaniya. Magsasalita na sana siya pera muling hinawakan nito ang labi niya. “Tanggal ang angas mo, ah? Lagot ka sa akin, Babe,” sabi nito sabay pisil sa ilong niya. ~~~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD