NANG NAPAGTANTO NI Yvony na hindi dapat siya magpahalik kay Dior ay agad niya itong itinulak. Mabuti hindi siya nadala. Mabuti hindi niya sinagutan ang halik nito. Kung ginawa niya iyon, magkakaroon na sila ng relasyon. Sinabi pa naman niya rito kung sa oras na hahalikan siya nito at sasagot siya sa halik nito, magiging opisyal na sila. “Yvonne, ang gatas!” sabi ni Dior. Napahinto si Yvony at bumalik sa mesa. Hinanap niya ang gatas kahit madilim. Nang mahawakan na niya ang baso, kinuha niya na iyon. “Still thank you for this,” sabi niya sabay alis. “Yvonne,” sambit ni Dior. “I need to sleep. Have a wonderful night!” aniya. “I love you.” Hindi na siya sumagot at nagpatuloy na lang sa paglalakad. Habang naglalakad, hindi niya matikom ang bibig niya sa kadahilanang hindi niya alam kung