“GISING NA, HOY!” sabi ni Dior. Dahan-dahan na iminulat ni Yvony ang mga mata niya at bumungad sa harapan niya ang mukha ni Dior. Nakatulog pala siya sa sasakyan nito habang papauwi na sila sa mansion ng Consunji. Napatitig siya sa mukha ni Dior at nakangiti lang ito habang nakatingin sa labi niya. Agad naman niyang itinikom ang bibig niya nang mapansin na nakanguso pala siya. Napabuntonghininga siya. Masamang panaginip lang pala ang lahat. Una, idinala sa hospital ang bunso nila sa magkakapatid. Pangalawa, sinagot na niya si Dior sa pamamagitan ng pagsagot sa halik nito. Alam niya na iyon ang sinabi niya rito pero hindi niya inaasahan na pati sa panaginip ay ganoon din ang magiging eksena. Napangiti naman siya bigla nang maalala niya na pinagtimplahan siya ni Dior ng gatas. Tapos kil