PAPAUWI NA SILA Yvony at abot langit ang saya niya sa nangyari. Masaya lang siya na maganda ang resulta ng pag-uusap nilang dalawa ni Hiro. Muli silang nag-usap dalawa noong natapos silang kumain. Sa pagkakataong iyon, naging kumportable na muli sila sa isa’t isa. Sinigurado niya na rin dito na magkaibigan na lang sila. Labis ang saya niya na taos puso iyong tinanggap ni Hiro. Habang nasa biyahe, napahikab na si Yvony. Inaantok lang siya. Kung walang klase kinabukasan, mas pipiliin nilang hindi matulog at magdamagan lang na magkuwentuhan. Hindi uminom ng alak si Dior. Ang sigurado siya, ginawa nito iyon dahil kasama nila ang kapatid nito. Iniingatan talaga nito iyon. Para sa kaniya, isa iyong katibayan na mabuti talaga itong panganay na kapatid. Hindi niya tuloy mapigilan na mamangha rit