“DIOR, ANO BA ang nakain mo!? Bakit mo pinatulan ang babae na iyan! Napakababa ng taste mo, ha? Hindi ka man lang gumaya sa akin,” mayabang na sabi ni Tyler. Sasagot na sana si Dior pero pinigilan ito ni Yvony. “T-Tama na, please? ’Wag ka ng sumagot. Let him be what he wants to say!” “N-No! Hindi pwedeng malilitiin ka nila!” galit na sabi ni Dior. Naririnig niya ang gigil sa boses nito. Bumangon si Dior mula sa pagkadapa sa sahig. Pagkatapos, hinarap nito ang ama nito. Nanlilisik ang mga nito sa galit. Hinawakan niya ang kamay nito para pigilan. “Dior, ano ba! Magulang mo pa rin sila!” “May mga magulang bang pipigilan ang kaligayahan ng anak nila? They are selfish! Sarili lang nila ang iniisip nila. Ano ka ba para sa kanila? Droga para ipagbawal sa akin!?” “Iyan ba ang natutunan mo