“IHAHATID KO MUNA ang laptop ni Dior sa kanila,” pagpapaalam ni Yvony. “Go, fake independent woman my a*s,” sagot ni Dessa. Natawa si Yvony. “Ewan ko sa iyo.” Napatayo na si Yvony sa kinauupuan niya at agad nagmamadaling lumabas ng silid-aralan nila. Kahit nagmamadali siya, hindi niya kinakalimutan na mag-ingat lalo pa at hawak niya ang laptop ni Dior. Kahit nakalagay ito sa isang bag, hindi pa rin siya puwedeng magpakampante. “Hi, Miss Yvony,” bati ng iilang estudyante. “Hello,” nakangiting sagot niya sa mga ito. Isa sa mga nagustuhan niya sa unibersidad nila, kahit iilan sa mga ito ay may kaya sa buhay, hindi naging hadlang iyon para hindi ang mga ito maging mabuting tao. May iilan sa mga ito na kilala siya. Hindi naman sana siya sikat. Baka isa sa mga dahilan ay maid siya ni Dior.