Vincent's PoV Niyakap ko si Max dahil pakiramdam ko bibigay na ang aking katawan sa puyat ko kagabi. Halos hindi ako natulog dahil iniisip ko ang huling sinabi sa akin ni Yen. Nagtapat na ako ng pag-ibig ko sa kaniya ngunit imbes na tugunin niya ang pagmamahal ko ay tinanggihan niya iyon. Kaibigan lamang daw ang turing niya sa akin at trinato lang niya akong nakababatang kapatid. Ang sakit... sobrang sakit. Hinintay ko siya nang napakatagal at ngayon ganoon na lamang ang pagtanggi niya sa pagmamahal ko. Naramdaman ko ang pagtapik ni Max sa aking balikat. "Vincent, o-okay ka lang ba?" nauutal na tanong ni Max. Alam kong nahihiya na siya dahil maraming nakatingin sa aming dalawa sa may pathway. Inilayo ko ang sarili ko kay Max at pilit na ngumiti rito. "Yes, I'm okay." Medyo nagugul