King's PoV "Hindi mo ba talaga ako susundin King! Tignan mo nga ang sarili mo! Pumasok ka ng University na ganiyan ang suot mo! Paano ka papasa, sigurado ako na uulit ka na naman next school year!" galit na galit na sermon ni Daddy sa akin. Bumuga ako nang malalim habang nakasandal sa pader. Wala namang bago sa panenermon sa akin ni Daddy na paulit-ulit ko lamang na naririnig. "King, nakikinig ka ba?" Lumapit pa siya sa akin at niyugyog ang balikat ko. Matalim akong tumingin kay Daddy at iwinaksi ang kamay niyang nakahawak sa balikat ko. "Obvious po ba?" pamimilosopo ko rito. "Talaga bang nagrerebelde ka na sa akin! Hindi mo na ako pinapakinggan? Mabuti pa nga ibang anak, nakikinig sa mga parents nila." "Parents? Kayo lang naman po ang nanennermon sa akin." Ipinamulsa ko ang aking k