Nasa canteen si Max at kumakain ng merienda habang nakatingin sa ibang mga estudyante na masarap ang mga merienda na binibili. Hindi niya afford ang paggastos ng malaking pera sa pagkain kaya nagbabaon siya ng lunch niya at kaunting snacks. Nagkataon lang na kailangan niyang bumili ng tubig sa canteen kaya siya nagawi rito sa kainan ng mga mayayaman.
Paalis na si Max dahil tapos na niyang kainin ang dala niyang bananacue nang lapitan siya ni Vincent.
Alam niyang member ito ng wild gang at kahit na member ito mukhang ito lang ang mabait sa grupo. Hindi nga lang niya sigurado.
"Hi," nakangiting anito sa kaniya.
Ngumiti na lang din siya sa binata. Hindi niya alam pero malakas ang t***k ng kaniyang puso habang nakaharap dito.
"Nakita kitang kumakain ng bananacue kaya nilapitan kita." Nagkamot ito ng ulo. "May extra ka ba?"
Nahihiya niyang ilabas ang plastic bag na hawak niya ngunit kinuha iyon ng binata sa kamay niya at dinala nito iyon palabas ng canteen.
Nahihiyang sumunod si Max dito.
"Teka, baka hindi mo magustuhan lutong bahay lang kasi iyan at---"
Masama itong tumingin sa kaniya bago ito umupo sa bench sa labas ng canteen.
"Hmm... ano naman ang akala mo sa akin? May gintong ngipin, dila at laway?" anito habang inilabas sa plastic ang tira niyang isang stick na bananacue. Kakainin sana niya iyon mamayang hapon.
Umupo siya malayo sa binata. "Hindi ko lang kasi inaakala na kumakain ang mga mayayamang katulad mo ng bananacue." Tumingin si Max sa mga estudyante na nakatingin sa kanila ni Vincent.
"Miss Transferee, magaling magluto ng bananacue ang Lola Teresa ko. Favorite ko ito kaya nang makita kita naalala ko ang yumao kong lola dahil sa kinakain mo," sabi pa nito habang tinitigan ang bananacue.
Napansin ni Max na nalukot ang mukha nito sa pag-alala sa yumao nitong lola. Naisip niya na baka lumaki ito sa poder ng Lola Teresa nito.
Kinain ni Vincent ang bananacue matapos nitong titigan iyon ng kalahating minuto. Kinuha pa nito ang bawas na mineral water na nainuman na niya. Napalunok tuloy si Max sa nangyayari sa kaniya ngayon.
"Ano nga pala ang pangalan mo Miss Transferee?" mayamaya'y tanong nito sa kaniya matapos nitong maubos ang kinakain.
"Maxienian pero mas kilala ako sa tawag na Max."
"Maxienian..." Tumango-tango ito at saka ibinalik ang tubig sa kaniya. "Thanks sa merienda, Max," anito at saka tumayo. "Ikaw pala iyong palaging binu-bully nina Kate. Don't worry, magiging masaya ang highschool life mo rito sa Empress basta magpakabait ka lang palagi." Tinapik pa ni Vincent ang kaniyang balikat bago ito tuluyang umalis.
Napawi ang ngiti sa kaniyang labi. Tama nga talaga ang kutob niya pinaglalaruan lamang siya ng mga estudyante rito sa campus. Hindi dapat siya pumapayag na minamaliit siya. Ipinanganak siyang matapang... hindi siya aatras sa laban ng buhay bilang isang estudyante.
Bigla siyang napatayo at nagtaas ng kamay. Pinagtinginan siya ng mga estudyante na nabigla sa kaniyang ginawa. Mukhang iniisip na ng mga ito na nasisiraan na siya ng ulo.
***
"HEY, ang lalim naman ng iniisip mo?" tanong ni King kay Vincent na nakatingin mula sa malayo. "Iniisip mo na naman ba si Yen?"
Nasa itaas sila ng rooftop ng kanilang building. Ipinasadya niyang gumawa sila ng tambayan doon para na rin makapagpahinga siya sa oras na gugustuhin niya. Nagmukhang penthouse ang rooftop na may kumpletong gamit, billiards table, couches at refrigerator. Nagdadala sila ng mga beer na hindi alam ng Dean. Natatakot naman ang mga itong magsumbong sa kaniyang ama dahil siguraduhin niyang gaganti siya. Wala siyang kinakatakutan na kahiy na sino.
Bumuga si Vincent nang malalim. "Maganda na ang career ni Yen sa abroad. She gets everything she wants... on her own. Kilala natin siya... gusto niyang maging independent at hindi na umasa sa kaniyang mga magulang kaya siya umalis."
"And you missed her."
"Wala kaming label bro. Alam natin iyan... nakababatang kapatid lang ang turing niya sa akin."
"Damn! Sinasabi mo lang iyan dahil hindi mo pa nasasabi ang feelings mo kay Yen. Bro, it's been a long time... magtapat ka na. Uuwi siya rito sa graduation natin... panahon na para masabi mo ang nararamdaman mo bago ka umalis para sa college."
Hindi siya nito kinibo. Biglang naningkit ang mga mata nito at tumingin sa ibaba ng campus nila, sa may ground floor kung saan naroon nakatayo ang bagong transferee. Ang babaeng iyon na anak ng kanilang labandera.
"Kaklase mo siya hindi ba?" maangas niyang tanong dito.
Tumango naman ito at saka tuluyang humiga sa couch.
"Alam mo bang napakaangas ng babaeng iyan, bro. Masiyado niyang nilalait ang mga katulad natin. Kailangan niyang madisiplina."
Pumikit si Vincent. "Hindi naman ako kumontra sa mga plano mo. Besides, walang gustong kumontra sa iyo dito sa grupo."
Narinig nina Carl at Justine ang sinabi ni Vincent kaya nagtawanan ang dalawa.
"Wala kaming magiging kinalaman diyan," sabi pa ng dalawa na ibinalik ang tingin sa nilalaronh billiard.
"Hindi ba ninyo ako susuportahan? Naiinis ako sa babaeng iyan."
"For the first time may nangahas na bumangga sa isang katulad ni King Del Rio," pang-aasar pa ni Carl.
Tinapunan niya ito ng masamang tingin. "At nagkamali siya na banggain ako. Babae lang siya at---"
"Okay pupusta ako," ani Justine. "Hindi mo siya kaya, bro. Just admit na ngayon pa lang ay talo ka na. Make a bet," anito na lumapit habang dala ang stick ng billiar.
Marahas niyang sinipa ang round chair na nasa kaniyang harapan.
"Call!" malakas na aniya.
Nagtawanan ang dalawa maliban kay Vincent na nanatiling nakapikit. Mukhang wala itong pakialam sa kaniya.
"Iisang babae lang ang kalaban mo rito, bro. Hindi mo na kami kailangan so... make your own plan." Ibinaba ni Justine ang hawak na billiard stick at dinampot ang bag nito. "Aalis na ako, susunduin ko pa ang sweetheart ko."
"Sabay na tayo," habol naman ni Carl sa kaibigan na palabas ng kanilang tambayan.
Sumandal siya sa glass wall at saka tumingin kay Maxienian. Ngumisi siya habang nakatingin sa dalaga na malapit na niyang pahirapan. He never loss... never!