Chapter 3

1224 Words
"Nakanguso ka naman ngayon, Max?" tanong sa kaniya ni Guia, kaibigan niyang matalik sa kanilang lugar. Nakatambay siya ngayon sa tindahan ni Aling Nena dahil inutusan siyang bumili ng toyo ng kaniyang Nanay kanina. Nagpaalam siya rito na tatambay muna dahil nanlilibre si Guia, nasa abroad ang mga magulang nito at tanging ang Lola Nena nito ang nag-aasikaso kay Guia. "Pinagsisihan ko kung bakit ako naging iskolar." Kinagat niya ang kaniyang ibabang labi. "Alam mo, akala ko kapag mga mayayaman, maganda rin ang mga ugali iyon pala nuknukan ng sama. Alam mo bang maraming bully doon. Kung hindi ka matapang, hindi ka mabubuhay." "Grabe naman!" bulalas nito na inabutan siya ng softdrinks. "E, ano ngayon ang balak mo, sayang naman ang iskolar mo sa eskuwelahan na iyon. Hindi mo naman p'wede na biguin si Aling Letty, naku, baka magtampo pa iyon sa iyo." "Iyon nga e." Humaba muli ang kaniyang nguso. "Kaya kailangan kong maging malakas araw-araw, hindi tao ang mga kaklase ko." Tinawanan siya nang malakas ni Guia. "Ahm, Max... si... si King ba?" mahina nitong tanong. Sinulyapan niya ito at napailing. "Naku, Guia. Magkagusto ka na lang sa ibang lalaki huwag lang sa demonyong iyon. Alam mo bang pinahiya niya ako sa canteen, kasama no'ng mga siraulo niyang kaibigan. Kapag nakikita ko ang mukha niya kumukulo ang dugo ko... pakiramdam ko sasabog ako anumang oras. Ganoon siya kasama." "Pero Max aminin mo na siya ang pinakaguwapo sa school na iyon. Malakas ang dating niya, tapos MVP pa siya sa basketball. Alam kong marami siyang mga tagahanga at kahit na masama ang ugali niya... gusto ko pa rin siya." Bumuga nang malalim si Max habang nakatingin sa kaibigan na baliw na baliw kay King. Ano bang nagustuhan ni Guia sa unggoy na iyon? Oo nga at guwapo pero ang ugali napakasama. "P'wede mo ba akong tulungan na makapasok sa Empress Highschool?" namilog ang mga matang tanong nito. "Ano? Gusto mo bang mawala ang iskolar ko?" "Ahm, kahit sa labas lang ng compound ninyo. Tapos pakiusapan mo si King na makipagkita sa akin gusto ko lang naman na makita siya in person at maibigay ko sa kaniya iyong gift ko." "Gusto mong makipag-usap ako sa demonyo? Nasisiraan ka ba ng ulo?" "Max, naman... kaibigan mo ako hindi ba?" Malungkot siyang tumingin dito. "Okay, fine. Susubukan ko ngunit hindi ko maipapangako dahil---" Bigla siya nitong niyakap sa kaniyang likod. Wala itong pasabi na hinagkan pa siya sa pisngi at paulit-ulit ang pasasalamat nito. Napatingin na lamang siya kay Aling Nena na nakamasid sa kanilang magkaibigan. Bahala na kung paano niya iyon gagawin. Basta ang alam niya... gagawin lamang niya ito dahil sa kaniyang kaibigan. KINABUKASAN suot na niya ang kaniyang uniform sa school. Bagong laba ang kaniyang backpack at bago rin ang kaniyang sapatos na converse. Inutang iyon ng kaniyang ina sa kaibigan nito. Nakatingin ito sa kaniya habang nasa harap siya ng salamin. "Galingan mong mag-aral anak ko... ang ganda-ganda mo. Bagay na bagay sa iyo ang uniform mo, mukha ka na talagang anak mayaman," puri pa nito sa kaniya. Pilit siyang ngumiti rito. Hindi niya gustong makita siya ng kaniyang ina na napipilitan lamang. Proud na proud pa naman ito sa kaniya. "Mauna na ho ako, 'nay," aniya na hinagkan ito sa pisngi bago umalis ng bahay. "Mamayang pag-uwi mo pumunta ka sa El Palacio Subdivision, maglalabada kasi ako ngayon sa mga Del Rio para sabay na tayong umuwi mamayang hapon." Tumango siya rito. Mas lalo siyang aasarin ng unggoy na iyon kapag nalaman nitong ang kaniyang ina ang labandera nito. "Opo," magalang niyang sagot. Nilalakad lamang niya ang eskuwelahan, madadaanan niya ang malapalasyong bahay nina King. Ang malaking gate, ang malawak na garden at ang pinakagusto niya sa lahat na makita ang malaking fountain sa harapan ng mansion. Hugis puso kasi iyon na may dalawang kalapating istraktura sa magkabilang gilid. Nagpatuloy siya sa paglalakad nang biglang huminto sa kaniyang harapan ang pulang kotse na roofless. Itinaas ng lalaki ang suot na shades nito at tumingin sa kaniya. Nakita na naman niya ang unggoy na ito. "Hey. Gusto mo bang sumakay? Pangalawang beses na kitang nakita na naglalakad lang. Naawa naman kasi ako sa suot mong sapatos." Ngumisi pa ito sa kaniya. "Mukha pa naman kasing bago... galing ba sa UK iyan? At bagay pala sa iyo ang naka-uniform, hindi ka mukhang babaeng grasa ngayon." Nagpatuloy siya sa kaniyang paglalakad. Ngunit sinundan siya at binusinahan pa nito. Naiinis na hinarap niya si King at pinamewangan ito. Gulat na gulat ito sa ginawa niya. "Mr. Del Rio or Mr Bully, maganda ang gising ko kanina ngunit naging masama dahil nakita kita. Araw-araw akong naglalakad kaya sanay na sanay na ako. At hindi ako sumasakay sa kotseng minamaneho ng unggoy na katulad mo. At isa pa... naiinis na ako sa pambu-bully mo sa akin. Wala akong ginagawang masama sa iyo kaya please lang... tigilan mo na ako, p'wede?" maangas na sabi ko bago ko marahas na inayos ang uniform ko. Masama siya nitong tinignan at walang ano-ano ay pinaandar niya ang kotse nito. Parang kidlat itong mabilis na naglaho sa kaniyang paningin. "Tama lang ang sinabi mo, Max. Nararapat lamang iyon sa isang bully na katulad ng unggoy na iyon," sermon niya sa kaniyang sarili habang patuloy sa paglalakad. Dumating siya sa campus kasabay ng mga ibang estudyante na inihatid mula sa labas ng mga magulang nito at mga alalay. Nakatingin sa kaniya ang mga ito dahil siya lamang ang bukod tanging walang sasakyan. Naglakad lang naman siya ng fifteen minutes mula sa kanilang bahay. Hindi na lamang niya pinansin ang mga ito. Kahit na naririnig niya ang mga bulung-bulungan na malakas ang loob niyang pumatol sa lider ng Wild Gang. Dumiretso siya sa kaniyang building at nakita niya sina Kate at Goldie na nagpapaganda sa may pathway. "Look at her, Kate. Naka-uniform na siya... saan naman kaya niya iyon hiniram? Oh, baka may naawa sa kaniyang student at binigyan siya ng lumang uniform," ani Goldie na nakataas ang kilay. "Matapang siya kahit na bagong salta lang siya rito," mataray na sabi pa ni Kate. Hinarang siya nito at saka dinuro sa noo. "Who you think you are?" "May problema ka ba?" naiinis niyang tanong at itinulak ang babae sa kaniyang harapan. "How dare you! Hindi mo ba ako kilala, apo ako ni Gilbert Teodoro." Teodoro Hospital, iyon marahil ang tinutukoy nito. "E, ano naman ngayon. Noong isang araw pa ninyo ako inaasar dahil sa uniform ko. Ilang beses ko bang sasabihin sa inyo na nandito lang ako para mag-aral at---" Dumaan mula sa kanilang harapan ang naghihikab na matangkad na lalaki. Huminto ito sandali at saka nagpamulsa ng kamay. "Kate, hindi na naman ba kumpleto ang araw mo kapag wala kang kaaway? Kawawa naman si Miss Transferee." Lumingon ito sa kaniya at nagtama ang kanilang mga mata. Ang cute niya... ang mga mata... ang hugis ng mukha, ang matangos nitong ilong at ang mapupungay nitong mga mata. "Vincent!" anang babae na sinundan ang lalaking tinawag nitong Vincent. Inirapan siya ni Goldie at pumasok na ang mga ito sa loob ng classroom nila. Mula sa sandaling iyon hindi na naalis pa ni Max ang kaniyang tingin sa lalaking iyon. Ngunit nang maalala niya na kasama nito sina King noong isang araw, bigla siyang nalungkot. Mukhang masama rin ang ugali nito gaya ng unggoy na iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD