Chapter 2
Pag-uwi ni Max sa bahay nila ay bumungad sa kaniya ang kaniyang ina na nasa kanilang maliit na bakuran. Inaasikaso nito ang kanilang mga tanim na talong, okra, ampalaya at kamatis na nakatanim sa mga sako ng semento. Matiyagang inaalagaan ng kniyang ina ang mga iyon dahil palagi nitong sinasabi na maganda sa katawan ang sariwang gulay.
Iyon nga lamang ay madalas na gulay ang kanilang ulam. Kaya siguro hindi siya sakitin habang lumalaki siya. Dalawa lang sila sa bahay ng kaniyang ina. Maaga kasing sumakabilang-bahay ang kaniyang ama. Ipinagpalit sila sa kumare ng kaniyang ng kaniyang ina. At ang nakakatuwa ay matalik pa niyang kaibigan ang step daughter ngayon ng kaniyang ama.
At ang masaklap pa ay kapit-bahay lamang nila ang Papa niya. Napatawad ni Mama si Papa at noong nakaraang taon ay binawian ito ng buhay dahil sa sakit sa bato.
Nilapitan niya ang kaniyang ina at niyakap ito. Bitbit niya ang kaniyang bagong uniform na naka-sealed pa sa plastic.
"Ma, ibinigay nila ang uniform ko kanina," masayang balita niya rito. Hindi na niya sasabihin pa ang hindi magandang araw niya dahil alam niyang mag-aalala lamang ito.
Naglalabada ang Mama niya sa kung kani-kaninong bahay ng mga mayayaman sa kabilang subdivision. Doon nakatira si King Del Rio. Ang lalaking iyon na akala mo kung sino. Akala mo naman kung guwapo. Pero guwapo talaga siya Max.
"Akin na at lalabhan ko. Kailangan mong ingatan ang uniform mo, anak. Ito ang magiging patunay na nag-aaral ka sa Empress Highschool. Ipinagmamalaki kita anak dahil sa isang libong aplikante ay nakapasok ka sa sampung estudyante." Niyakap siya nang mahigpit nito. "Pagbutihin mo ang pag-aaral mo para maipakita mo na kahit na mahirap lamang tayo ay may pangarap tayo sa buhay. Tandaan mo na ikaw ang magpapayaman sa akin, Max," masayang sabi ng kaniyang ina.
Nagkamot ng ulo si Max at pumasok na sila ng bahay ng kaniyang ina. Sa may gripo dumiretso ang kaniyang ina. At maingat na nilabhan ang kaniyang uniform. Apat na piraso iyon at isang P.E uniform. May magagamit na siya bukas sa pagpasok. At nakakatiyak si Max na aasarin na naman siya ng mga kaklase niya.
Nagpalit naman siya ng damit at tinulungan ang kaniyang ina sa gawain. Nagluto siya ng kanilang hapunan. At habang nagluluto siya ay naalala niya ang lalaking katabi niya kanina. Guwapo ito at mapupungay ang mga mata. Mahaba ang buhok at may kapayatan. Mukhang hindi ito kumakain madalas hindi katulad niya na chubby dahil madalas siyang kumain.
Tskk! Ano ba ang iniisip niya!
Ipinilig niya ang ulo at tinanggal ang nasunog na itlog sa kawali.
"Max, may ginagawa ka ba? Naamoy ko na Ang nasunog na itlog!" sigaw ni Mama habang nasa labas.
"O-opo!" ganting sigaw ni Max sa kaniyang ina. Dahil sa pag-iisip sa lalaking iyon ay nasayang ang isang pirasong itlog.
Bumuga nang malalim si Max at tinanggal sa kaniyang isip ang lalaking magiging kaibigan niya sa Empress.
***
"Senyorito King, kanina pa po kayo hinahanap ng Daddy ninyo." Bungad sa kaniya ng dalawang nilang kasambahay na nasa labas. Mukhang alam na niya ang mangyayari dahil hindi na bago iyon sa kaniya.
Nagkamot na lamang ng ulo si King bago tumungo ang opisina ng daddy niya. Mula sa angkan ni politician at businessman ang daddy niya. Sila ang may-ari ng hotel and restaurant sa El Palacio. At malaki ang shares ng kanilang pamilya. Kaya nagagawa niya ang lahat ng nga gusto niyang gawin para ipakita rito ang pagrerebelde niya upang makaalis sa bahay nila at sa poder ng kaniyang ama.
Dalawampu't isa ang katulong sa loob ng bahay nila. Sampung bodyguard ang nakabantay sa kanila. Sa lawak ng malapalasyo nilang bahay. Nasa kaniya ang lahat, pera, gadgets, masasarap na pagkain, magagarang damit at sasakyan. Ngunit balewala sa kaniya ang lahat ng iyon.
Si Mister Bleed ang kanang kamay ni daddy niya. Ito na rin ang tumatayong pangalawang ama niya kapag nasa ibang bansa ang kaniyang ama o busy ito sa negosyo at mga charity events. Palaging negosyo at pagtulong sa ibang tao ang ginagawa ng kaniyang ama. Marahil ay ginagawa nito iyon para kalimutan ang kaniyang ina na nasa ibang bansa kasama ng kaniyang Ate Alexa.
Nakasalubong niya si Manang Lina, ag mayordoma nila sa bahay. Bakas sa mukha nito ang pag-aalala dahil alam nito na pinapatawag siya ng kaniyang ama.
Nginitian lamang niya ang ginang. "Manang, pagawa ako ng meryenda. Thanks," aniya bago lampasan ang matanda. Pumasok siya sa office ng daddy niya. Nadatnan niya na nakaupo ito sa swivel chair at matamang nakatitig sa kaniya. Masama ang tingin nito at mukhang galit na galit.
"Ano ba talaga ang plano mo sa buhay, King. Pumasok ka nga sa University pero hindi ka naman nag-aral. Pinagbigyan kita na maglaro ng basketball dahil iyon ang gusto mong gawin. Pero ano ang ginagawa mo ngayon sa klase. Ilang ulit nang nagsusumbong si Professor Reyal dahil sa mga kalokohan mo. King, hindi ka na bata. First year college ka pa rin at wala kang pagbabago. Hindi ko na alam ang gagawin ko sa iyo. Ipinapatawag na naman ako ng Dean para makausap. Nakakahiya na ang ginagawa mong ito. Isa kang Del Rio, King. Ayusin mo ang sarili mo, nakakahiya sa ibang tao na---
"Nakakahiya sa ibang tao?" Tinawanan niya ito at saka nginisihan. "Sa ibang tao nahihiya kayo? Ah... I know. Balak nga pala ninyong tumakbong counselor sa susunod na eleksyon. At dapat bilang anak ninyo maging mabuti akong tao dahil nakakahiya nga naman," pamimilosopo niyang sagot.
"King!" Ibinagsak ni Dad ang libro na nasa lamesa. "Ginagawa ko ang lahat para sa kinabukasan mo, anak. Hindi mo na iyon nakikita? Bakit ba napakatigas ng ulo mo. You can't live without me... without my help!"
"Anak? Ngayon lamang ninyo ako tinawag na anak. Kapag pinapagalitan ninyo ako. Kapag may nagawa akong mali. Gusto ninyong mag-aral ako rito sa Pilipinas kahit na hindi ko gusto. Gusto kong magtungo ng America, to see Mom and Ate Alexa. She abandoned me but she told me everyday that she loves me. Eh kayo dad? I can live without you! Ipinapamukha ninyo palagi iyan sa akin na wala akong mararating kung wala kayo. And I hate that! Gagawin ko lahat para patunayan ko ang sarili ko sa inyo. Kaya hayaan na ninyo ako sa gusto kong mangyari, Dad. Pumayag na kayo na sa America ako tumira with Mom."
"No! Dito ka lang!" matigas na sabi nito sa kaniya. Kailangan mong magtanda."
"Wala naman kayong panahon sa akin, e!"
Hindi ito nakapagsalita sa sinabi niya. Sandaling katahimikan ang namayani sa kanilang mag-ama.
"I'm busy with our business. Ikaw din ang makikinabang nito kapag nasa right age ka na."
Tinalikuran niya ang kaniyang ama. "Pagod ako, dad. Ayoko nang makipagtalo sa inyo." Masama ang kaniyang loob dahil sa sinabi nitong iyon.
"Kinakausap pa kita!" Bulyaw nito sa kaniya. Ngunit tuluyan siyang umalis sa opisina nito at hindi na ito nilingon pa.
Dumiretso si King sa kaniyang kuwarto at marahas na isinara iyon. Galit siya at naiinis sa kaniyang ama dahil hindi siya nito pinapayagan sa gusto niyang gawin. Hindi niya gustong maging tagapagmana ng Del Rio Corporation. Ang tanging gusto niya ay magkaroon ng simpleng buhay at tumayo sa sarili niyang mga paa na wala ang anino ng kaniyang ama.