Max's PoV "Sa tingin mo kaya effective naman ang pagpapanggap natin kanina sa harapan ni Yen? Alam mo bang nakakatakot pala ang Yen na iyon?" kinakabahang sabi ko kay King. Nasa salon kamimg dalawa para ibalik ang nirentahan ni King na damit ko. Nagpalit na rin ako ng damit at isinuot ang uniform ko. "Hindi ko alam... ano ba sa tingin mo. Hindi ka kasi sweet sa akin, e. Kailangan mong maging clingy sa akin." "Ano? Ayoko nga! Ang usapan lang naman natin magpanggap tayong dalawa, hindi makipaglandian ako sa iyo." Naiinis ako kay King kaya iniwan ko siya sa salon at lumabas na ako roon. Nakaharap ako sa mga bodyguards ni King na parang estatwa. "Sige na, uuwi na ako. Tawagan mo na lang ako kapag may ipapagawa ka pa. Ayokong mag-alala sa akin si Nanay." Hindi ko na hinintay ang sasabihin