Vincent's PoV "Bro, intindihin na lang natin si King. Girlfriend niya ang apektado rito at hindi rin tama na patulan mo pa siya," pang-aawat sa akin ni Justine. "Alam ko naman na nakakatanda ko kayong mga kaibigan, e. Kaya lang hindi ko naiintindihan kung bakit sa akin ipinapasa ni King ang pagbabantay kay Max? Ano ba ang gusto niyang sabihin sa akin? Na may gusto ako sa girlfriend niya?" naiinis na sambit ko. "Siguro dahil alam ni King na palagi mong kasama si Maxienian kaya niya iyon nasabi sa iyo. Kaibigan mo rin naman si Maxienian, hindi ba?" Tumango ako sa sinabi ni Justine. "Nagi-guilty ako dahil wala ako kanina." "Relax, bro." Tinapik ni Justine ang balikat ko. "Kahit nga ako guilty dahil nahuli ako ng dating... pati si King nadamay at kung hindi ako umawat kanina baka napatay