King's PoV "Pakiulit mo nga sinabi mo, King?" hindi makapaniwalang tanong ni Justine sa akin. "Girlfriend ko na si Maxienian, nakakabingi ba iyon, Justine?" nakangising tanong ko rito. Base sa reaksyon ng mga kaibigan ko hindi talaga sila naniniwala sa sinasabi ko. Sinabi ko na kasi sa mga kaibigan ko na girlfriend ko na si Max. Sinabi kong sinagot na niya ako at kami ng dalawa. Tahimik naman na nakikinig si Vincent na nakahiga sa lapag ng sahig. "Panalo ka na sa pustahan kung ganoon, King. Okay, talo na kami ni Justine," malungkot naman na sabi ni Roel na nagtaas pa ng dalawang kamay. "Hayaan na ninyo ang pustahan, bro. Hindi na ito pustahan lang... in love sa akin si Max, Roel. Doon pa lang panalo na ako. Ano ang masasabi mo, Vincent?" "Malay ko sa inyo... kayo ang nag-uusap noon