Chapter 6

1033 Words
Inis ang nararamdaman ni King habang nakatingin sa kaniyang ama na paalis. At ang kinakaasar pa niya malapit ito sa ibang tao kaysa sa kaniya na sarili nitong anak. Hindi niya alam kung matutuloy ang pagtakbo nito bilang Governor ng kanilang probinsya. Hindi na niya gusto pang alamin ang bagay na iyon dahil ang tanging gusto niya ay makaalis sa poder nito at magtungo sa America kung saan magiging masaya siya. Tumingin muli si King sa labas ng gate at nahuli niya si Max na nakatingala sa kaniya mula sa balcony. Iniisip ba ni Max kung bakit siya malungkot? Bumuga si King nang malalim at pumasok sa kaniyang kuwarto. Isinara niya ang sliding glass door at ibinagsak ang kaniyang likod sa kama. Nandito si Max ngayon at kailangan niya ng mapaglilibangan. Sa dalaga na lamang niya inubunton ang inis na nararamdaman niya. Bumukas ang pinto ng kuwarto ni King ang lumingon siya roon. Si Max na may dalang pagkain na nakalagay sa tray. Iyon ang merienda na pinapakuha niya kay Manang Hilda kanina. "Senyorito," malamig na sabi nito sa kaniya. "Ilapag mo lang diyan sa study table ko." "Kung wala ka nang iuutos sa akin babalik na ako sa ginagawa ko. Inutusan lang kasi ako ni manang na dalhan la ng merienda at almusal dahil inaasikaso niya ang mga pagkain sa kusina." "Ngayon ka lang yata hindi nagtataas ng boses?" nagtataka siya sa kinikilos ng dalaga sa harapan niya. "Na-realize ko lang na tama ka, amo kita kaya dapat kitang igalang. Nandito kami ni Nanay dahil labandera ninyo siya rito. At si Don Hermain ang tumulong sa akin para makuha ang slot sa scholarship ko. Marami akong ipinagpapasalamat sa pamilya mo, senyorito. Pasensiya ka na kung napagtaasan kita ng boses kanina." Nilapitan ni King ang dalaga para hawakan ang magkabilang balikat nito. Iniangat din niya ang baba ni Max at nagulat siya dahil umiiyak ito. Nabigla siya sa kaniyang nakita. Tinalikuran niya si Max at tumingala sa kisame 'tsaka napailing. "Wala na akong kailangan sa iyo kaya umalis ka na," malamig na sabi niya rito. "Alam kong marami kang p'wedeng gawin kaya nakikiusap ako sa iyo na kung p'wede sa akin mo lang ibunton ang galit mo at huwag na sa nanay ko. Ginagawa niya lahat para sa akin at ayokong nakikita siyang nahihirapan. Pangako na iiwas na ako sa iyo, sa inyo ng mga kaibigan mo." Hindi siya sumagot, naninibago siya kay Max. Hindi ito ang Maxienian na nakilala niya sa park. Narinig ni King ang pagbukas ng pinto at tuluyan itong lumabas. Pumihit si King at ini-lock ang pintuan ng kaniyang kuwarto. Nagdradrama lang ang babaeng iyon sa kaniya. Marahil utos iyon ng kaniyang daddy. Nasipa niya ang gilid ng kaniyang kama dahil sa pagkainis. SUMAPIT ang hapon at nanatili si King sa kaniyang kuwarto at hindi siya lumabas o nagtangkang tumakas katulad ng dati niyang ginagawa. Lihim niyang pinapanuod si Max na nasa garden at masayang inaalagaan ang mga bulaklak doon. Naobserbahan niya kung paano asikasuhin ni Manang Nena ang anak nito. Namimis na niya ang kaniyang sariling ina. Naiinggit siya kay Max, sa simpleng buhay nito ngunit masaya. Samantalang siya, nasa kaniya ang lahat ng kayamanan sa mundo pero heto siya at mag-isa sa isang malaking bahay. Nag-ring ang cellphone niya sa kaniyang tabi at kinuha niya iyon. Si Vincent ang tumatawag. "Ano ang problema mo?" tanong niya sa kaibigan habang nakasilip sa may bintana. "Wala naman bro. Dumating si Yen at gusto niyang makipagkita sa atin. Nandito na kami nina Carl at Justine sa Veniz Club, pumunta ka na lang dito dahil ikaw na lang ang kulang," malakas na sabi nito. Naririnig nga niya ang ingay habang kausap ang kaibigan. Napangiti si King at isinara ang bintana ng kaniyanh kuwarto. "Maliligo lang ako. Ipunin mo na lahat ng lakas ng loob mo para maipagtapat mo kay Yen ang nararamdaman mo Vincent." Tumawa ang kaniyang kaibigan sa kabilang linya. Inihagis niya ang cellphone niya sa ibabaw ng kama at nagtungo na siya sa banyo para maligo. Nang bumaba siya ng hagdan ay nakasalubong niya si Max na may dalang isang plastic bag kasama nito si Manang Hilda. Nagyuko ng ulo si Max nang makita siya. "Bihis na bihis ka Senyorito. Saan ka pupunta?" tanong ni Manang Linda ang masungit na mayordoma at nagsisilbing guardian niya dito sa mansion. "Kailangan ko pa bang sabihin na may lakad kami ng mga kaibigan ko? Malaki na ako manang, kaya ko na ang sarili ko." Tumingin siya kay Max na nakayuko pa rin. "Ibigay na ninyo sa kanila ang ibang pagkain sa refrigerator. Hindi rin naman nagagalaw ang mga iyon at nasisira lang. Wala namang kumakain dito dahil busy si Don Hermain sa sarili niyang buhay," seryosong aniya bago tuluyang humakbang palayo. "Kotse ko ang gagamitin ko at pakisabi na lang kay daddy na umalis ang kaniyang magaling na anak." Hinabol siya ni Manang Linda paglabas niya. "Senyorito King! Ibinilin sa akin ni Don Hermain na huwag kang palalabasin." Niyakap ni King ang kaniyang yaya at saka pinisil ang magkabilang pisngi nito. "Alam ko naman na mahal mo ako Yaya Linda kaya ikaw na ang bahala. Aalis na ako, at kayo na ang bahala rito." "Pagagalitan ako ng daddy mo kapag nalaman niyang wala ka na naman. Nag-aalala ang daddy mo sa iyo kaya ka niya hinihigpitan," pag-aalala ni Manang Linda. "Nag-aalala siya na baka makagawa ako ng hindi niya magustuhan na p'wedeng sumira sa kaniyang pangalan. Iyon naman ang mahalaga kay Don Hermain." "Iho." Bakas sa mukha ni Manang Linda ang kalungkutan sa kaniyang sinabi. "Sige na ho. Aalis na ako, ibigay na ninyo kina Manang Nena ang mga pagkain sa refrigerator. Ilang beses na kayong nagtapon, mapapakinabangan pa iyon ng ibang tao kaysa masayang lang." Tinapunan niya ng tingin si Max na nakatingin na sa kaniya. Bumuga siya nang malalim at tumingin sa sports car niyang minaneho ng kanilang driver. Bumaba ito sa sasakyan niya at hinawakan ang nakabukas na pinto. "Salamat ho." "Mag-iingat ka senyorito," pahabol ni Manang Linda na alam niyang alalang-alala sa kaniya. Matulin niya iyong pinatakbo sa runway ng kanilang bakuran. Nagiging maluwag lang ang pakiramdam niya kapag nakakatakas siya sa kanilang bahay na tinatawag niyang kulungan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD