Max's PoV Nagising ako sa ringtone ng cellphone ko. napabalikwas ako sa couch na hinihigaan ko. Wala na sina Justine at Vincent dito sa bahay ni Carl. Mukhang iniwan ako ng dalawang iyon at hindi man lang ako ginising para magpaalam. Nagtungo ako sa may kusina para maghilamos pero nakita ko ang sticker note na nakadikit sa noo ko. Binasa ko iyon. "Hoy! Maxienian, kumain ka ng breakfast na binili ko. Uminom ka rin nga gamot at magpalakas ka. Huwag ka ng papasok ngayon para makauwi ka na sa inyo kapag naging okay ka na." Galing iyon kay King. Naiinis ako kay King pero natutuwa rin ako. In fairness may pagkamaalalahanin ang mokong na iyon kahit na bully siya. Naghilamos na ako at inilagay ko na lang sa bulsa ko ang note ni King. Nagtungo ulit ako sa sala at naupo sa couch para kumain ng