Hindi alam ni Anne kung ano ang gagawin. Parang na glue ang kaniyang mga mata sa lalaki at hindi man lang siya makatingin sa iba. Tutok na tutok siya sa mukha nito at sa mga galaw ng lalaki na napaka suwabeng tingnan. Ito ang pinakaunang beses na natulala siya sa isang lalaki nang ganito. Kakaiba ang karisma na hatid ng lalaki. Samahan pa ng malamig nitong mga mata at guwapo nitong mukha.
Napalunok na lang siya nang nag-iwas ng tingin ang lalaki sa kaniya at tumingin ito sa mga kasamahan nito. Nagkaroon ng ilang minutong break ang laro kaya humanap muna sila ni Wilma nang mauupuan. Marami-rami rin ang mga tao na nanunuod ng laro. Habang naghahanap sila ni Wilma ay ramdam niya ang mga tingin ng mga ito sa kaniya, pero hindi niya iyon pinansin.
Nakasunod pa rin sa kanila ni Wilma ang mga bata na kasama nila kanina. Akala ni Ann ay wala na silang mahahanap na bench na gawa sa kahoy, mabuti na lang at meron pa palang bakante. Kaagad na umupo sila doon pati na rin ang mga bata, dahil mahaba naman iyon at kasya silang lahat. Nang tumingin ulit si Ann sa court ay napahigit na lang siya ng kaniyang hininga nang mapagtanto na napakalapit pala ng bench kung saan ang team ng lalaking iyon at ang bench na ngayon ay kinauupuan niya. Kaharap lang nila ang bench ng lalaki.
Pati ang mga naglalaro ay napatingin din sa kaniya. Hindi na lang niya sinalubong ang mga tingin nito at bumaling kay Wilma na ngayon ay tahimik sa kaniyang gilid. Nang mapansin ng babae ang kaniyang mga titig ay nataranta ito bigla.
"Nauuhaw po ba kayo?" mahinang tanong nito sa kaniya. Ngumiti si Ann at umiling-iling.
"Hindi naman, naiilang lang ako sa kanilang mga titig..." bulong niya at mahigpit na napahawak sa kaniyang cellphone. Sanay na talaga siya na kapag may nakakasalubong siya or hindi kaya ay nadadaanan ay napapatingin ang mga ito sa kaniya, pero ganitong titig ay hindi niya kaya.
Napabuntong hininga si Wilma nang marinig ang kaniyang sinabi. Natigilan si Ann ng hawakan ng babae ang kaniyang kamay.
"Alis na lang tayo? Mukhang wala silang planong tumigil sa pagtitig sa 'yo Ann..." Napangiti na lang siya nang binanggit nito ang kaniyang pangalan, pagkaraan ay umiling-iling lang siya.
"It's okay. Kaya ko pa naman ang mga titig nila. Besides, gusto ko pang manuod ng laro." Nag-aalinlangang tumango si Wilma. Halatang hindi ito komportable sa kaniyang naging desisyon pero wala rin naman itong magagawa.
Kahit na naiilang siya sa mga titig ng mga tao rito ay kaya niyang lunukin ang pagkailang na 'yon. Ayaw niya naman umuwi dahil alam niya na wala naman siyang gagawin doon na magpapaligaya sa kaniya. Okay rin ito kung saan ay maglilibot siya sa buong lugar at makipagkilala sa mga nakatira dito.
Habang hindi pa nagsisimula ang laro ay naisipan ni Ann na mag cellphone na muna kaysa naman sa awkward lang siyang tumingin-tingin sa kawalan. Sa kalagitnaan ng kaniyang paglalaro sa kaniyang cellphone ay may naramdaman siyang kakaibang titig sa kaniya. Nang itinaas niya ang kaniyang ulo at tumingin sa kaniyang harap ay napahigit na lang siya ng kaniyang hininga nang magtama ang paningin nila ng lalaki na kaniyang tinitigan kanina.
Nakaupo ito sa bench kaharap niya. May hawak-hawak na bote ng tubig. Katabi nito ang mga kasamahan nito na nag-uusap habang nakatingin din sa kaniya. May kung anong binulong ang isa nitong kalaro sa lalaki kaya nag-iwas siya ng tingin ulit. Hindi makayanan ang intensidad na dala ng mga titig nito sa kaniya.
Napakagat siya ng kaniyang labi pagkatapos ay napahawak sa kaniyang nagwawalang puso. Para na iyong sasabog sa kaniyang loob at hindi siya hinayaan na makahinga nang maayos. Sa buong oras na nanunuod si Ann ng laro ng lalaki ay para na siyang mawawala sa kaniyang sarili. Kahit na hindi na ulit nagtama ang kanilang paningin ay wala pa ring tigil sa pagkabog ang kaniyang puso.
Sa tuwing nakaka score ang lalaki ay hindi niya mapigilang makaramdam ng saya at gustong makitili rin doon sa mga babae at bakla na grabe ang tili tuwing nakakapasok ito ng bula. Ito ang pinakaunang beses na nakaramdam siya ng ganitong saya at excitement sa tanang buhay niya. Hindi ito ang pinakaunang beses na nanuod siya ng basketball game. Noong may intramurals sa dati niyang school ay nanuod din siya ng basketball game kasama ang kaniyang mga kaklase para mag cheer.
Pero hindi talaga siya nakaramdam noon ng saya hindi kagaya ngayon. Sa buong oras na pinapanuod niya ang lalaki na naglaro ay masasabi niya talaga na nag enjoy siya. Nanalo ang mga ito at nagdiwang na sa gitna ng court. Tumayo na siya at ganoon rin ang ginawa ni Wilma. Hinarap niya ang babae at ngumiti.
"Tara na," aya niya sa babae na umuwi na. Alas tres na ng hapon at kailangan na nilang umuwi. Baka nag-alala na ang kaniyang Lola at Lolo dahil hindi pa naman sila nagpaalam kanina. Aalis na sana sila sa lugar na iyon nang may bigla na lang tumawag sa pangalan ni Wilma.
"Teka lang! Huwag muna kayong umuwi!" Sabay na lumingon sila ni Wilma sa likod. Sumalubong sa kaniya ang isang lalaki na puno ng pawis. Hinihingal ito dahil sa ginawang pagtakbo. Isa ito sa mga kasama noong lalaking may berdeng mga mata. Nang mabawi na nito ang kaniyang hininga ay tumayo ito nang tuwid. Medyo mataas ito kaya hanggang leeg lang siya ng lalaki.
"Manlilibre si Bryan, Wilma. Sama raw kayo sa amin, libre niya," nakangiti nitong wika at lumipat ang tingin sa kaniya. Sumilay ang isang biloy sa kaliwang pisngi ng lalaki dahil sa pag ngiti nito. Singkit ang mga mata nito at medyo tanned ang skin. Malamang dahil malapit ito sa dagat at palagi sigurong naliligo. Mabilis na umiling si Wilma matapos marinig ang sinabi ng lalaki.
"Kayo na lang, kailangan na naming umuwi," malamig na wika ni Wilma bigla na nagpagulat sa kaniya. Why is she cold all of a sudden? Palagi tong mahinhin at mahiyain pagdating sa kaniya pero pagdating sa ibang tao ay matapang at malamig ito.
"Grabe naman oh, parang hindi tayo magkaklase. Sige na, ngayon lang naman Wilma." Naiinis na napakamot na lang ang babae sa kaniyang ulo. Halatang nainis ito dahil sa pangungulit ng lalaki na kaklase pala nito. Binalingan siya ng tingin ni Wilma, na para bang humihingi ito ng permiso sa kaniya. Mahina lang siyang tumango.
Wala namang masama kung tatanggapin nila ang alok bigla ng lalaki. It's actually a good opportunity. Para rin ay may makilala siyang iba maliban kay Wilma.
"Sige na nga! Sasama na kami," napipilitang untag ni Wilma. Naging malawak ang ngiti ng lalaki.
"Yes! I'll go tell them." Kaagad na nag jog ang lalaki papunta sa mga kasamahan nito. Nang tingnan ni Ann ang mga ito ay nag-uusap usap pala ang mga ito. Pito lahat ng lalaki doon, at lahat ng iyon ay 'yong mga naglalaro kanina na nanalo. Nandoon din ang mga babae na nakita niyang nag cheer kanina pero kaunti na lang sila. Tatlong babae at isang bakla. Bali ay eleven lahat ang nandoon, kasama na 'yong lalaking nagyaya sa kanila.
"What's his name?" kuryosong tanong ni Ann kay Wilma.
"Kevin, magiging kaklase natin siya ngayong pasukan." Napatango-tango si Ann at napangiti. Sa wakas ay may bagong tao na siyang nakilala, at ang magiging kaklase pa niya. Mabuti na rin ito para may pamilyar na mukha siyang makilala.
Tahimik na naghintay sila ni Wilma doon sa mga nag-aya sa kanila ng libre. Umalis na rin ang mga tao pati na rin iyon mga bata na sumusunod sa kanila kanina. Ang naiwan na lang ay 'yong grupo ng mga lumaro kanina at silang dalawa ni Wilma. Hindi alam ni Ann kung bakit sobrang bilis nang pintig ng kaniyang puso habang hinihintay ang mga ito na makalapit.
Is it because of that handsome man with green eyes? She doesn't know. Nalilito rin siya sa inaasta niya ngayon. It's better to wait and see more of her body's reaction when that man came closer.
"Uy Wilma! Hali na kayong dalawa!" Ann swallowed and immediately followed Wilma. Gusto niyang hawakan ang kamay ng babae pero nahihiya naman siya. Kaya ang kaniyang ginawa ay hinawak niya ang pinakadulo ng damit nito. Hinayaan lang din siya ni Wilma.
Nang makalapit na silang dalawa doon ay titig na titig ang mga ito sa kaniya. Pigil ang hininga at hindi siya makatingin sa mga ito. Nahihiya siya kahit hindi naman talaga siya mahiyain.
"Wow, akala ko sa malayo lang. Pero ang ganda mo sa malapitan!" namamanghang wika noong babae na may straight na buhok. Mabilis na lumapit ito sa kaniya at malawak na ngumiti.
"Ako nga pala si Issa, anong pangalan mo be?" Parang manipis na bagay ang kaniyang hiya at basta na lang iyong tinangay ng hangin. Akala niya ay hindi mababait ang mga ito kaya hindi niya mapigilang mahiya pero mukhang hindi naman.
"I'm Penelope Ann, puwede namang Ann lang," masaya niyang sagot sa babae. Nanlaki ang mga mata nito at mabilis na napatakip ng bibig gamit ang dalawang palad.
"Omg! So ikaw pala 'yong apo ni Lolo Leo?" gulat na tanong nito. Mabilis na tumango siya.
"Oh 'di ba? Sabi ko sa inyo siya 'yon eh!" natatawang wika noong isang lalaki na may magulong buhok. Nang magtama ang kanilang tingin ay matamis na ngumiti ito sa kaniyang at nakipag kamay.
"Ako nga pala si Bryan. By the way, ang ganda mo." Nang dahil sa sinabi nito ay nagsigawan ang iba nitong kasamahan. Awkward na tumawa na lang siya. Nagpakilala rin ang iba hanggang sa ang tao na lang na hindi pa nagpapakilala ay 'yong lalaking may berdeng mga mata.
Ann glance at his side and gulped when their gaze meet. Itinaas ng lalaki ang kamay nito at seryoso pa rin ang mukha.
"He's Zadkiel by the way, nag-iisang anak ni Gov." Pinilit ni Ann ang sarili na hindi matulala at tinanggap ang kamay nito.
"Hi..." she mumbled shyly. Nagsipulan ang mga lalaking kasamahan nito. Ann pouted a bit when both her cheeks are starting to heat. Tinanggap niya ang kamay ng lalaki at kaagad din namang binawi nang makaramdam ng kakaibang kiliti at kuryente nang magtama ang kanilang balat.
Pagkatapos ng pakikipagkilala ay umalis na rin sila doon sa court at nagpunta sa kainan na pagmamay-ari nila Bryan. Masaya ang puso ni Ann habang nakikipag-usap sa kanila. Magaan ang kaniyang loob at napakadali lang ng mga ito pakisamahan. Kahit na bago lang niya nakilala ang mga ito ay napaka friendly na ng mga ito sa kaniya.
Kung ano-ano lang ang kanilang tinatanong hanggang sa dumating na sila sa kainan kung saan kuno sila kakain. Hindi na kailangan pumasok dahil may mahaba namang upoan CA counter mismo. At dahil pagdating nila ay walang costumer, na sulo nila ang buong lugar. Umupo na ang mga ito at ganoon din ang kaniyang ginawa. Katabi niya pa rin si Wilma na ngayon ay may kasagutan.
"Puwede ba Kevin! Ang likot mo!" inis na wika ni Wilma at tinulak si Kevin na pilit itong iniipit.
"Ang sikip kaya! Umisog ka nga!" buwelta rin ni Kevin kay Wilma. Inis na umisog si Wilma papalapit sa kaniya. Natatawa na lang siya. Hindi pa niya nakitang umakto nang ganito si Wilma. Somehow, it's refreshing and feels nostalgic.
Nagtagal ang bangayan ni Wilma at Kevin hanggang sa umabot na ito sa ibang bagay. Palagi siyang nagagalaw dahil sa sobrang likot ng dalawa, pero tiniis na lang niya iyon.
"You can move if you're uncomfortable." Natigilan si Ann nang magsalita ang kaniyang katabi. Nang lingunin niya kung sino iyon ay parang tumigil sa pag-ikot ang kaniyang buong mundo nang makita na si Zadkiel pala 'yon. Ang guwapong lalaki na nakakuha sa kaniyang atensyon.
"N-no, it's fine." Ann chuckled nervously. She doesn't know why she suddenly became nervous. Is it because she's so close to him? That's why her heart won't stop rampaging inside her chest?
Hindi nagsalita ang lalaki at hinayaan lang siya sa kaniyang gusto. Mga ilang minuto pang paghihintay ay sa wakas, sinerve na rin ang mga pagkain.
"Huwag kayong mahiya, kumain kayo nang marami."
"Yes sir!"
Napalunok si Ann nang paulit-ulit habang nakatingin sa pagkain na nasa kaniyang harap. Puno iyon ng mga sili sa ibabaw. She bit her lower lip and couldn't help but feel nervous. She can't it spicy foods. She doesn't know it would be a spicy food. Kung hindi niya naman ito kakain ay baka ma offend niya si Bryan. Pero hindi niya talaga kayang kainin ito. She's afraid she'll–
"Here." Ann was stunned when Zadkiel suddenly swapped their bowl. She swallowed hard when she realizes that Zadkiel's food is not spicy.
"I'll eat this for you." Ann doesn't know what to say. She was too stunned to even react. Did Zadkiel just swapped their foods just because he noticed her reaction?
Gosh, her heart is going crazy because of this.