KABANATA 4

2213 Words
"W-what? No, it's fine." Mabilis pa sa cheetah na inigaw ni Ann ang bowl na may lamang pagkain matapos marinig ang salitang pinakawalan ng lalaki. Kahit na muntik pa siyang mapaso ay hindi niya iyon ininda. Ang gusto lang niyang gawin iyon ay bawiin ang pagkain na dapat sana sa kaniya at hindi hayaan na ipagpalit ito sa pagkain ng lalaki. Hindi alam ni Ann kung bakit ganito na lang magwala ang kaniyang puso. Dahil ba iyon sa inasta bigla ng lalaki? Hindi man lang niya nalaman na napansin na pala ng lalaki ang kaniyang reaksyon noong una niyang makita ang pagkain na maanghang pala. Hindi naman sa nag-iinarte siya pero hindi talaga siya kumakain ng mga pagkain na maanghang. Sa tuwing nakakatikim kasi siya ay namumula ang kaniyang buong mukha at namamaga. Nangyari na 'yan noong ika siyam na baitang pa lamang siya. Nag-aya ang kaniyang isang kaklase noon na kumain sa isang paresan. Hindi naman ganoon kaanghang ang pares pero namaga at namula pa rin ang kaniyang mukha. Muntik na nga rin siyang dalhin noon sa hospital dahil sa kaniyang kalagayan. Mabuti na lang at naging okay rin nang uminom siya ng gamot para sa allergies. Sa sumunod na araw nag punta sila sa doctor at nalaman nga hindi pala siya puwede sa mga maanghang na pagkain. Ann felt bad because of it. Sa totoo lang ay gusto niya talagang tikman ang pagkain sa kainan nila Bryan pero maanghang naman ito. Mukha pa namang masarap at pinagpaguran talaga ng lalaki na lutuin. Napakagat na lang siya sa kaniyang pang-ibabang labi. She's guilty because of this– "I insisted. You seems to not eat spicy foods. You don't want to offend Bryan, don't you?" Ann glanced at Zadkiel with a trouble expression. Nakaharap din pala ang lalaki sa kaniya habang nakatukod ang siko nito sa lamesa para suportahan ang ulo. Titig na titig ang berdeng mga mata nito sa kaniya. The way he stares at her were like he was staring directly at her soul. Napalunok na lang siya at bumaba ang tingin niya sa pagkain ng lalaki. Hindi iyon maanghang dahil ibang putahe iyon. Mariin na napapikit na lang siya ng kaniyang mga mata. Gulong-gulo ang kaniyang isip. Nakakahiya na hindi niya kakainin ang pagkain na binigay ni Bryan pero mas nakakahiya kung papayag siya sa alok ni Zadkiel. Bago pa nga lang silang dalawa na nagkakilala pero ganito na. Hiyang-hiya siya sa kaniyang sarili at gusto na lang magpalamon sa lupa sa sobrang kahihiyan. Hindi niya alam kung bakit sinabi iyon ni Zadkiel pero sa tingin niya ay gusto lang siyang iligtas ng lalaki. Don't tell me may gusto siya sa akin? Namilog ang mga bilogang mata ni Ann nang maisip 'yon. Hindi siya makapaniwala, o baka nag assume lang talaga siya? Pero bakit kasi ganito ito sa kaniya? Ang hirap pigilan na makaramdam nang kakaiba dahil sa inaasta nito. Humigit siya nang malalim na hininga at kaagad na pinakawalan iyon. Kahit na ayaw niya ay napilitan na tumango na lang siya. Sumilay ang isang ngisi sa labi ni Zadkiel dahil doon. Mabilis na tumalikod siya sa lalaki para hindi nito nakita ang pamumula ng kaniyang magkabilang pisngi. Pinagpalit na nito ang kanilang pagkain at walang salita na nagsimula ng humigop ng sabaw ang lalaki. Sa kanilang lahat ay siya na lang ang hindi kumakain. Dahan-dahan na kinuha niya ang kutsara at pasimpleng tiningnan ang lalaki. His face were serious while eating. Gosh, he still looks handsome in any angle and in any situation– Of f**k! Kasing bilis ng kidlat ang pagbaling niya ng kaniyang mukha sa kabilang side nang bigla na lang huminto si Zadkiel at bumaling sa kaniya. Naramdaman din ata ng lalaki ang kaniyang mga titig kaya napatigil ito. Gosh! Nakakahiya Penelope Ann! Ano na lang iisipin na Zadkiel? Palihim na minura niya ang kaniyang sarili dahil sa kawalanghiyaan na ginawa na naman niya. Ilang beses na ba siyang may ginawang kahihiyan sa harap ng lalaki? Pangalawang beses na ba? Napakarami naman. Baka sa sunod ay hindi na niya makayanan ang sa susunod. Hiyang-hiya sa sarili na kumain na lang si Ann. Kung hindi lang siguro masarap ang pagkain ay baka hindi pa rin niya malimutan ang kahihiyan na kaniyang ginawa. Habang tahimik siyang kumakain at ang iba ay nagtatawanan at nag-uusap ay napahinto siya nang may naglapag ng isang malamig na baso ng tubig sa kaniyang gilid. Nang tingnan niya kung sino ay si Bryan pala iyon. Malawak na nakangiti ito sa kaniya. Ngumiti rin si Ann sa lalaki at nagpasalamat. "Thank you Bryan," she mumbled smiling. Napakamot ang lalaki sa likod ng ulo nito at nahihiyang nag-iwas ng tingin sa kaniya. "A-ano ka ba, okay lang– huh?" Ann couldn't help but feel confused when Bryan suddenly paused. May tinitigan ito kaya dahil na kuryos siya kung ano iyon ay sinundan niya ang tingin ng lalaki. Kagaya ni Bryan ay napatigil din siya nang mapagtanto na ang maanghang na pagkain na binigay sa kaniya nito kanina pala ang tinititigan nito. Oh gosh, did he noticed that Zadkiel and I swapped our foods? Nang balingan niya ng tingin si Zadkiel ay seryoso lang ang mukha nito habang may tinitipa sa cellphone nito. She swallowed when she noticed that his phone is the newest limited edition of a luxurious brand. She heard earlier that he's a son of a governor right? How low-key of him to eat at a place like this... "Hmm, may problema ba?" pag-iiba niya ng usapan para hindi na magtanong pa si Bryan tungkol sa pagkain. Napaigtad ang lalaki at mabilis na umiling-iling. "W-wala naman, sige kain ka lang nang marami Ann. Kung may gusto ka pa, sabihin mo lang sa akin." A smile creapt out her lips because of what he said. "Alright Bryan. Maraming salamat talaga." Nakangiting tumango ang lalaki at tumalikod na para magpunta sa iba nilang kasamahan. Busog na busog si Ann nang matapos silang kumain. Nang tingnan niya ang kaniyang relo ay saktong alas kuwatro na. Magpapaalam na sana niya na uuwi na sila ni Wilma pero mukhang uuwi na rin ang mga ito. "Sabay na tayo umuwi, magkapareho lang naman ang daan na tatahakin na 'tin," wika ni Betty na isa sa mga babae na nag cheer kanina. Lumapit ito sa kaniya kasama si Jay or Jaya, na grabe makatili kanina sa laro at kinabit ang mga braso nito sa kaniya. "Tara na bebe Ann, baka magalit pa si Lolo Leo dahil hindi ka pa umuuwi," natatawang wika ni Jaya. Ngumiti lang si Anne at tumango na rin. 'Yong iba nilang kasamahan kanina na kumain ay umuwi na at hindi na nila kasama dahil ibang daan ang tatahakin ng mga ito. Ang kasama lang niya ngayon ay si Wilma, Kevin, Issa, si Betty at si Zadkiel. "By the way, anong grade ka na pala Ann ngayong pasukan?" tanong ni Betty sa kaniya at inakbayan siya. Nasa likuran niya si Wilma kasama ang dalawang lalaki na si Kevin at Zadkiel. Habang nasa harapan naman silang tatlo nina Betty at Jaya. "Hmm, grade 10 na ako," mahina niyang wika. Napatili bigla si Jaya kaya hindi niya mapigilang napaigtad dahil sa gulat. Kaagad na humingi ng tawad si Jaya nang makita ang kaniyang reaksyon. Ngumiti lang siya sa lalaki para sabihin na okay lang. Ba't ba kasi ito tumili na lang bigla? "Sorry Ann ha, na excite lang kasi ako. Gosh! Magkaklase pala tayo! Itong si Betty lang ang grade 11 na. Tayong lima ay magkaklase, 'yan marami ka ng kakilala. Hindi kana ma a-awkward." Because of what Jaya said, Ann unconsciously glance at Zadkiel's side. Nagsimulang bumilis ang t***k ng kaniyang puso nang magtama ang kanilang paningin. Mabilis na pinutol niya ang kanilang titigan at tumingin ulit sa harap. Pa simple na napahawak na lang siya sa kaniyang nagwawala puso. Gosh! So magkaklase rin kami ni Zadkiel's? Omg, to think we're going to be classmates. I thought na senior high school na ito dahil sa height niya pero mukhang sa mukha lang pala iyon ng lalaki. Hindi alam ni Ann kung bakit bigla na lang lumigaya ang kaniyang puso dahil doon. Ngayon ay masasabi na niya talaga na may crush siya kay Zadkiel. Hindi naman kasi magiging ganito ang kaniyang puso at mga akto kung hindi siya humahanga sa lalaki. Like sino ba ang hindi? Napaka guwapo nito at grabe ang karisma. Maganda at masarap din sa tainga ang boses nito at magaling mag basketball. Hindi niya inaakala na sa ika pangatlong araw niya rito ay may crush na agad siya. Kung malalaman siguro ito ng kaniyang Mama ay baka mapingot na siya nito. Sobrang sakit pa naman no'n. Nang hapon na iyon ay hinatid sila ni Wilma sa kanilang bahay. Kung ano-ano lang ang kanilang pinag-uusapan at tawang-tawa siya dahil palaging nag j-joke si Jaya. Masarap talaga kapag may kaibigan kang bakla. Napapasaya talaga nila ang araw mo. Tahimik naman si Zadkiel habang si Kevin ay inaaway naman si Wilma. Masaya si Ann sa hapon na iyon kaya noong nakapasok na siya sa loob ng kanilang bahay ay sobrang laki ng kaniyang ngiti. Nang makita iyon ng kaniyang Lola Cecile ay napangiti rin ito. "Narinig ko pumunta daw kayo sa kainan nila Bryan. Nag enjoy ka ba apo?" malamyos na tanong ng kaniyang Lola sa kaniya at hinaplos ang kaniyang mahabang buong. Masayang tumango si Ann at niyakap ang kaniyang Lola. "Yes po La, ang babait po ng mga tao rito hehe." Her Grandmother Cecile laughed when she acted cutely. Nanggigil na pinisil ng matanda ang kaniyang pisngi. "Yes, they are. Punta ka na sa kuwarto mo at maglinis ng katawan. Ihanda mo na rin ang mga gamit mo sa skwelahan, sa Lunes na ang pasukan Ann." Magalang siyang tumango at nakipag-usap pa sa kaniyang Lola. Sinabi niya sa matanda ang lahat ng nangyari pero syempre ay hindi niya sinabi na may lalaki na nakakuha ng kaniyang atensyon sa araw na iyon. It's her secret. "Woah, I feel refreshed," mahina niyang untag sa kaniyang sarili pagkalabas niya sa restroom. Katatapos niya lang maglinis ng katawan. Kaagad na dumiretso siya sa kaniyang may kalakihan na kama at humiga doon. Inabot niya ang kaniyang cellphone na nasa ibabaw ng kama at binuksan. She started scrolling on her phone and opened her social media account. And just like usual, binaha na naman siya ng mga messages. Mostly ay galing sa kaniyang mga kaibigan ay kaklase sa city. Hindi kasi siya nakapagpaalam sa mga ito nang maayos kaya hito sila ngayon, binabaha siya ng mga mensahe. Napabuntong hininga si Ann at nireplayan silang lahat kahit na wala naman talaga siyang plano na replayan ang mga ito. Umabot rin siya ng halos isang oras bago naging maayos na ang lahat. Replying all her friends and classmates are exhausting. Pinilit pa siya ng iba na pabalikin pero hindi naman niya puwedeng gawin iyon. Nalulungkot talaga ang mga ito dahil sa kaniyang pag-alis. Ganoon rin naman siya. Mula elementary hanggang ika siyam na baitang ay kasama na niya ang mga ito. May nadagdag at meron rin nawala. Malungkot rin siya dahil lumipat na siya ng bagong mapapasukan. Ann knows to herself that it won't be easy since she only knew few people, but she'll definitely get over this. Hindi na niya inisip pa ang mga iyon dahil baka ma stress lang siya. Papatayin na sana niya ang kaniyang cellphone nang may biglang pumasok sa kaniyang isipan. Dali-daling pinindot niya ang search button at tinipa ang pangalan ng lalaki. Please, please. Show his name– Muntik nang matapon niya ang kaniyang cellphone nang lumitaw ang account ng lalaki. Ang profile picture nito ay pure black at 'yon lang. Hindi na siya nagdalawang isip pa at kaagad na inaadd ang lalaki. Hindi pa siya nakuntento at nag message ng hi sa lalaki. While going back home kanina, nalaman niya na famous pala si Zadkiel at maraming babae ang nagkakagusto dito. Like sino ba namang hindi? Ah, baka hindi niya tatanggapin friend request ko... Napanguso na lang si Ann sa naisip. Mag w-wild talaga siya pag hindi siya nito e a-accept– She stopped when her phone suddenly vibrated. When she look at the new notification, she couldn't help but scream in happiness. "Yay! I thought he won't accept me!" Ann exclaimed and rolled all over her bed. Hindi niya alam kung bakit ganito na lang siya kasaya dahil inaccept siya ng lalaki. Iba talaga ang tama kapag may crush ka. Dahil sa notification na 'yon ay binuksan niya rin ang message niya sa lalaki. Nawala ang ngisi sa kaniyang labi nang makita na seen na pala iyon isang minuto na ang nakalilipas. Nope, he will reply. Let's just wait. Pagpapalakas loob niya sa kaniyang sarili. Pero lumipas na lang ang sampung minuto ay nakaseen pa rin ang lalaki. Napanguso na lang si Ann at inis na tinapon ang cellphone sa kama. Gosh! Napaka seener naman ng lalaking 'yon! Ang snob! Wala man lang hello! Kaya ba hindi ako nito nireplayan ay dahil sobrang bilis ko? Maybe I should act shy right now but I'm not shy at all! Sa gabing iyon ay nagtatampo na natulog na lang siya. Hindi rin maintindihan kung bakit ganito na lang siya umakto dahil lang sa hindi siya nireplayan ng lalaki.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD