"Wow! Ang ganda," she couldn't help but muttered in pure amazement as she gazes at the wonderful scenario in her front. Ang lakas nang t***k ng kaniyang puso habang pinagmamasdan ang magandang tanawin.
This is the first time she saw something like this. It's making her heart unusually happy and contented. Hindi niya alam pero parang may humaplos na mainit na bagay sa kaniyang puso.
"M-miss A-ann, ang b-bilis mo p-pong tumakbo." Napabaling ang kaniyang atensyon kay Wilma na kararating lang sa kaniyang likod. Hindi niya mapigilang matawa nang mahina dahil sa sinabi nito.
Nakahawak si Wilma sa kaniyang dalawang tuhod habang mabilis na humihinga. Napangiti siya at nilahad ang kamay niya rito. Nagtatakang tiningnan ni Wilma ang kaniyang kamay peto tinanguan niya lang ito.
"Hold my hand," she mumbled in a sweet voice. Napatigil si Wilma sa kaniyang kinatatayuan, hindi alam ang gagawin. Mga ilang segundo rin ay dahan-dahan nitong tinanggap ang kaniyang nakalahad na kamay.
Mas lalong lumawak ang kaniyang ngiti at humarap sa magandang tanawin. Kumikinang ang karagatan dahil sa ilaw na nanggagaling sa araw. May nakikita rin siyang mga bangka sa malalim na parte ng dagat at mga bahay-bahayan na hindi niya alam kung para sa ano.
"Isn't it beautiful?" Nakangiting bumaling siya kay Wilma na nasa kaniyang tabi. Hindi niya namalayan na nakatingin din pala ito sa kaniya. Nanlaki ang mga mata nito at mabilis na nag-iwas nang tingin.
"O-opo, ang ganda..." Nahihiyang yumuko ito para hindi magtama ang kanilang paningin. Mas lalong lumaki ang kaniyang ngiti dahil sa simple nitong ginawa.
"You're so cute Wilma!" she muttered happily. Mas lalong pumula ang buong mukha nito at pumikit dahil sa nahihiya.
"Huwag kang mahiya sa akin Wilma. We're friends now okay?" She looked at the girl who has the same age as her warmly. Bago niya nakilala si Wilma sa personal ay may sinabi ang kaniyang Lola sa kaniya.
Mahiyain daw si Wilma at walang kaibigan. Nahihiya raw ito kapag maraming tao at hindi nakikipag kaibigan sa iba. Palagi raw nitong kinukulong ang sarili sa loob ng mansyon para magtrabaho.
Noong narinig niya 'yon ay naawa siya sa babae. Kasing edad niya ito pero parang wala itong alam sa mundo maliban sa pagtrabaho. Ang inosente nitong tingnan at halatang walang karanasan sa pakikipagkaibigan.
Simula noong nag landas ang kaniyang tingin sa babae ay gusto na niya kaagad itong kaibiganin, pero alam niyang nahihiya ito sa kaniya. Kaya sinasanay na niya ito, dahil alam niya na sa mga susunod na buwan ay ito na ang kaniyang makakasama. At alam niya na mas lalong lumalalim ang kanilang samahan bilang magkaibigan.
"S-sige Ann..." Her smile widened and tightened her grip on Wilma's hand. Masayang bumaling ulit siya sa karagatan at pinagmasdan ang magandang tanawin.
The cold wind blew softly and conquered her whole body. Napangiti siya sa lamig na kaniyang nararamdaman. Binitawan niya ang kamay ni Wilma at dinama ang paglandas ng hangin sa bawat sulok ng kaniyang katawan.
She was born on the fifth day of the twelfth month of the year two thousand. Malamig noong siya ay ipinanganak. Hindi niya alam kung bakit pero gustong-gusto niya na malamig ang paligid.
She feel tranquil and peaceful when it's cold. Kaya gustong-gusto niya kapag Disyembre, dahil na rin sa kaniyang kaarawan at sa lamig na dala nito.
"Ah!" she exclaimed happily and hold the hem of her dress. Magiliw na sumasayaw ito sa hangin. Ang kaniyang buhok din ay tinatangay ng hangin. Napahawak nalang siya sa kaniyang straw hat nang mas lalong lumakas ang hangin.
"Ang lamig," giniginaw at nanginginig na saad ni Wilma. Natatawang bumaling siya sa babaeng katabi at umiling-iling.
"Really? Hindi naman ganoon ka lamig para sa akin," natatawang saad niya sabay tanggal sa kaniyang straw hat. Binigay niya ito kay Wilma at hinayaan ang buhok na tangayin ng malakas na hangin. Binitawan din niya ang dulo ng kaniyang dress at hinayaan ito na magsayaw sa hangin.
She smiled as she spread both her arms in the air. Pumikit siya at dinama ang lamig na dulot ng hangin. Parang niyayakap ang buo niyang katawan. She couldn't help but chortled as she felt the familiar warm feeling coating in her beating heart.
She feels happy.
"Gustong-gusto ko nang maligo sa dagat." Napabukas siya ng kaniyang mga mata at hindi mapigilan na mapanguso.
Kating-kati na siya na maligo pero sabi ng kaniyang Lolo ay hindi pa raw puwede. Parang gusto niyang suwayin ang mahigpit na bilin nito nang makita ang magandang tanawin. Pero ayaw niya rin namang bigyan ng problema ang kaniyang Lolo.
"Huwag kang mag-alala Miss Ann. Makakaligo ka na sa mga susunod na araw." Nanlaki ang kaniyang mga mata at mabilis na napabaling kay Wilma dahil sa sinabi nito. Excited na hinawakan niya ang dalawa nitong kamay.
"Talaga Wilma?" She looked at the young girl excitedly. Nakangiting tumango si Wilma. Mas lalong kuminang ang kaniyang mga mata dahil sa sobrang kasabikan.
Wala sa sariling napatalon siya sa sobrang saya. Ilang araw na siyang naghintay para makaligo sa dagat. At mukhang mangyayari na nga iyon. Kunting hintay lang at makakaligo na rin siya sa dagat.
"Hooray! I'm so excited!" she exclaimed happily and couldn't help but jumped in pure happiness. Nakangiti lang si Wilma habang pinagmamasdan siya na masaya habang tumatalon-talon sa buhanginan.
Muntik pa nga siyang matumba, mabuti nalang at nahawakan siya ni Wilma sa kamay. Natatawang napaupo siya maputing buhangin at bumaling sa kaniyang gilid.
At doon nakita niya ang mga bata na sumusunod sa kaniya kanina. Malayo ang mga ito sa kanila at may ginagawa. Kumunot ang kaniyang noo nang makita kung ano ang ginagawa ng mga ito.
Pinoporma nila ang puting buhangin nang pabilog sabay tapon sa isa't isa. Napailing-iling na lang siya.
Hindi ba nagkakasakitan ang mga ito?
"Wilma, anong ginagawa nila?" Kahit alam naman niya kung ano ang mga ginagawa ng mga bata ay nagtanong pa rin siya. Napabaling ang atensyon ni Wilma sa mga bata na masayang naglalaro.
"Hindi ko po alam eh kung anong tawag sa laro nilang 'yan. Pero gumagawa po sila ng mga bilog na gawa sa buhangin at tinatapon sa isa't isa." Marahan siyang tumango sa sinabi nito. Dahan-dahan siyang tumayo mula sa pagkakaupo sa buhanginan at nakangiting tiningnan si Wilma.
"Punta tayo roon," nakangiti niyang ani sabay turo kung nasaan ang mga bata. Nagtatakang tiningnan siya ni Wilma pero tumango rin kalaunan.
Masayang naglalakad siya papunta sa mga bata na naglalaro. Napatigil ang mga ito nang mapansin na papalapit silang dalawa ni Wilma.
"Hi! Puwede ba aking sumali?" Matamis na nginitian niya ang mga bata na nanlalaki ang mga mata habang nakatingin sa kaniya. She couldn't help but chortled softly. They look so adorable.
"H-huh? Opo! Sige po ate na maganda," masayang saad noong batang lalaki na kaaway kanina ni Wilma. Mas lalong lumaki ang kaniyang ngiti at mabilis na dumalo sa mga bata, na sa tingin niya ay mga sampung taong gulang na.
Pito lahat ang mga bata. Tatlong babae at apat na lalaki. Masaya ang mga ito habang bumubuo ng hugis bola na gawa sa buhangin.
"Ganito ba?" Nilahad niya ang kaniyang ginawa sa batang lalaki na katabi niya. Mabilis na tumango ito at nag ok sign sa kaniya.
"Opo ate! Ang galing mo po." Napangiti siya sa sinabi ng batang lalaki. Hindi talaga marunong magsinungaling ang mga ito.
Habang busy siya sa kaniyang ginagawa ay may napansin ang kaniyang mata. Nahagip ng kaniyang mga mata ang mga nag kukumpulang mga tao.
"Anong ginagawa nila?" Sabay na tumingin si Wilma at ang batang lalaki sa kaniyang tiningnan.
"Ah, naglalaro ang mga 'yan." Mas lalo siyang na curious at itinigil ang ginagawa.
"Gusto mo po punta tayo roon?" Napabaling ang kaniyang tingin sa batang babae nang bigla itong magsalita. Maliit ang boses nito at ang sarap pakinggan.
"Sige ba," nakangiti niyang ani sa batang babae sabay alis sa mga buhangin na dumikit sa kaniyang kamay. Nang wala ng buhangin sa kaniyang katawan ay mabilis silang pumunta kung nasaan ang nagkumpulang mga tao.
Habang papalapit sila roon ay nagtitinginan ang ibang tao na nakapansin sa kanila. Ramdam na ramdam niya ang mga tingin ng mga ito sa kaniya pero hindi niya ito pinansin.
Nang makalapit na sila ay nakita niya ang mga naglalaro. Mga kalalakihan na naglalaro ng basketball. Walang pangitaas na damit ang mga ito habang naglalaro.
May mga babae, matanda at mga bakla ang nanunuod sa laro. Tudo sigaw ang mga ito habang nanunuod ng laban.
Pawisan ang mga katawan nito at halatang seryoso sa paglalaro. Napalunok siya nang may isang lalaki ang nakakuha sa kaniyang atensyon.
"Wow, ang gaganda ng kanilang katawan." Hindi niya pinansin ang sinabi ni Wilma at nakatingin pa rin sa lalaki.
Ang berde nitong mga mata na tila yelo sa sobrang lamig. Walang emosyon ang makikita rito. Pawisan ang maganda nitong katawan at halatang hindi purong Filipino ang lahi.
Natapos na lang ang laro pero ang kaniyang paningin ay nasa lalaki pa rin. Napalunok siya nang paulit-ulit nang bigla nalang magtama ang kanilang paningin.
His green orbs glistened with coldness and mischievousness. She doesn't know why but his intense cold stairs are making her whole body hot. Gumalaw ang bagang nito habang nakatingin pa rin sa kaniya.
She gulped and clenched her fist when her heart began beating at a fast rate. She felt her heart constricted. It's hurting yet she's wondering why she feels good?
Ang malamig nitong mga mata ay madilim pa rin na nakatitig sa kaniya. Tila hinuhusgahan ang kaniyang pagkatao. Sa hindi malamang dahilan ay may mainit na bagay ang humaplos sa kaniyang puso.
While staring at his cold eyes, she realized something. Instead of feeling stiff and uncomfortable, she felt comfortable and tranquil. While feeling her beating heart, a thought suddenly crossed her mind.
Did I fall in love at first sight?