"Ann! Bilisan mo diyan," malakas na sigaw ng kaniyang Ina. Napaigtad siya sa lakas nang sigaw nito at mas binilisan ang ginagawa. Mabilis na tinapos niya ang kaniyang almusal at kinuha na ang kaniyang bag na may laman ng kaniyang mga gamit.
"I'm coming!" she exclaimed before starting to run towards the door of their house. Excited na lumabas siya ng kanilang bahay. Nang makalabas na siya ay sumalubong sa kaniya ang nakasimangot na mukha ng kaniyang Ina.
"Bakit ang tagal mo?" Nakakunot ang noo ng kaniyang Ina habang kinuha ang kaniyang bag. She smiled at her Mother and hugged her in her not so big belly.
"Eh hindi naman tayo nagmamadali Ma," nakanguso niyang ani. Napailing-iling nalang ang kaniyang ina sa pagpapa cute niya rito.
"Tumigil ka na nga at pumasok ka na. Kanina pa naghihintay ang Papa mo." Napatango-tango siya sa sinabi ng Ina at mabilis na sumakay ng kanilang kotse.
Habang tahimik siya at ang kaniyang Ina na seryoso habang nagmamaneho, ay may bigla nalang pumasok na tanong sa kaniyang isipan.
"Mom, how long will I stay there?" Napabaling ang atensyon ng kaniyang Ina sa kaniya. Tiningnan siya nito gamit ang rear view mirror bago binalik ulit ang tingin sa daan.
"You're going to spend your 10th grade there," her mother uttered warmly. Marahan siyang tumango at hindi na ulit nag tanong pa.
Medyo nagtatampo siya sa kaniyang mga magulang nang bigla nalang magpasya ang mga ito na papuntahin siya sa probinsya ng kaniyang Lolo at Lola. Hindi naman sa ayaw niyang tumira roon, medyo nasanay lang talaga siya na tumira sa siyudad.
Atsaka may mga kaibigan din siya sa kaniyang dating paaralan. Hindi siya nakapag paalam dahil nagmamadali ang kaniyang Ina. Ang kaniyang Ama ay nasa probinsya at isang buwan na siya roon.
Nagkaproblema raw kasi ang negosyo nila roon na hinahawakan ng kaniyang Lolo dahil na rin sa katandaan. Dapat daw na may mag-alaga sa mga ito na kamag-anak.
Nag-iisang anak lang ang kaniyang Ama kaya walang ibang apo ang kaniyang Lolo at Lola. Malapit din naman siya sa mga ito at gusto ring makasama ang mga ito sa araw-araw na buhay, kaya lang ay hindi pa siya sanay.
Mabuti na lang at may break ang paaralan na kaniyang papasukan. May panahon pa siya na makapag handa para sa pasukan at makapag-adjust sa bagong buhay.
Kahit may parte sa kaniyang loob na ayaw niyang tumira sa probinsya, may parte rin sa kaniya na gusto. Excited pa nga siya lalo na noong narinig niya na may dagat roon.
Sa siyudad kasi ay malayo sa dagat at minsan lang silang makapunta. Sa probinsya siya pinanganak pero sa siyudad siya lumaki. Nakapunta na siya sa probinsya noong grade 7 siya, pero limot na niya ang experience niya noon.
Napatingin siya sa labas ng bintana ng sasakyan. Limang oras lang na byahe papunta sa probinsya. Medyo umaambon ang kalangitan, marahil na rin ay malapit na ang Disyembre.
Palagi kasing umuulan sa probinsya kapag malapit na ang Disyembre. Kaya malamig, lalo na at malapit sa dagat at malakas ang hangin. Okay lang din naman sa kaniya kung malamig ang kanilang pasko.
Mas gusto niya kasi na malamig ang panahon kaysa sa tag-init. Hindi niya alam pero nakakaramdam siya nang kaginhawaan lalo na at pag malamig ang panahon. It may sound weird but she really likes it when it's cold.
"Malayo-layo pa ang byahe, Ann. Matulog ka muna," marahan na ani ng kaniyang Ina. Napabaling siya rito na tahimik na nag d-drive. Tumango siya kahit hindi naman siya nito nakikita.
"Okay po," she muttered weakly before yawning. Dahan-dahan niyang sinandal ang ulo sa backrest at pinikit ang kaniyang mga mata.
Mga ilang oras din ang kaniyang tulog bago siya naalimpungatan dahil sa pag yugyug ng kaniyang Ina sa kaniya. She let out a soft yawned before opening her eyes. Sumalubong sa kaniya ang nakangiting mukha ng kaniyang Ina.
"Are we here already?" She yawned once again before stretching her arms.
"Yes, go get you things now." Marahan siyang tumango at sinimulan ng ayusin ang sarili. Nang matapos na siyang mag-ayos ay mabilis niyang kinuha ang kaniyang bag at iba niya pang gamit.
Siya lang kasi ang titira kasama ang kaniyang Lolo at Lola. Dadalawin lang daw siya ng kaniyang mga magulang tuwing holidays at may occasion. Okay lang din naman sa kaniya dahil na sanay na siya na wala ang mga ito, dahil na rin sa trabaho ng kaniyang mga magulang na palagi silang busy.
"Honey, where's Ann?" Narinig niyang tanong ng isang pamilyar na baritonong boses. Mabilis siyang lumabas sa kotse ng kaniyang Ina.
"Pa!" she exclaimed happily before running towards her Father. Nakangiting sinalubong siya ng kaniyang Ama at niyakap ng mahigpit.
"Ang laki na talaga ng dalaga ko. Natatakot ako na baka may aaligid-ligid sa 'yo rito," her father uttered jokingly. Napatawa nalang siya nang mahina at humilay sa kaniyang Ama.
"Where's Lolo at Lola po?" Kinuha ng kaniyang ama ang kaniyang bag at nagsimula na silang tatlo na maglakad papasok sa loob ng malaking bahay.
Malaki ang bahay ng kaniyang Lolo at Lola. Sa tingin niya ay isa ito sa pinakamalaking mansion sa lugar na ito. Business kasi ng kaniyang Lolo ang isang resort na may mga floating cottage at restaurant.
Patok na patok sa mga dayuhan at turista ang resort kaya nakapundar din ng ganito kalaking bahay ang kaniyang Lolo. Ilang taon na ang tanda ng kanilang resort at palagi pa ring dinadayo ng mga turista at dayuhan. Dahil na rin sa ganda ng dagat at kaputian ng buhangin.
Bigla tuloy siyang natakam na maligo agad sa dagat.
"Nasa loob nagpapahinga. Alam mo naman na matanda na ang mga 'yon," marahan na ani ng kaniyang Ama. Mahina siyang tumango at hindi na nagtanong pa.
Ramdam niya sa boses ng kaniyang Ama na malungkot ito. Baka dahil na rin sa kalagayan ng kaniyang Lolo. Balita niya ay malusog ang kaniyang Lola habang ang kaniyang Lolo ay may sakit na.
Kailangan daw na magpahinga na ito at tumigil na sa pag h-handle ng resort. Hindi naman magawa ng kaniyang Lolo na tumigil kaya nilimitahan ito ng kaniyang Ama.
Naging mabuti naman daw ang kalagayan nito. Pero hindi pa rin ang mga ito kampante kaya pinadala na nila siya.
"La! Na miss ko po kayo!" malakas na ani niya sabay yakap sa kaniyang Lola na nakangiting sinalubong siya mula sa pintuan.
"Ang laki mo na apo! Ang ganda-ganda mo pa!" her Grandmother exclaimed before starting to kissed her cheek. Hindi niya mapigilang matawa dahil sa kiliting dala ng mga halik nito.
"May jowa ka na ba Anning?" Hindi niya mapigilang mapanguso dahil sa tinawag sa kaniya ng kaniyang Lola.
"Wala po La. At huwag po Anning please," nakanguso niyang ani na nagpatawa lang sa kaniyang mga magulang at kaniyang Lola.
Nakangusong pinagmasdan niya ang kaniyang Lola. Nasa 70's na ito, pero kahit gano'n ay malakas pa rin. Mukha itong malusog at walang sakit. Baka dahil na rin sa palagi itong nag t-trabaho sa loob ng bahay at umiinom ng vitamins tuwing gabi.
"Oh, ito na ba ang apo ko?" Napabaling ang kaniyang atensyon nang may bigla na lang magsalita sa kanilang gilid. Sumalubong sa kaniya ang kaniyang Lolo na nakangiti.
"Lo!" she muttered happily before hugging her Grandfather. Tumawa ng mahina ang kaniyang Lolo at niyakap siya pabalik.
"Ang laki mo na Ann. Parang kailan lang noong ikaw ay maliit pa," he muttered happily. Marahan siyang tumango habang may mga ngiti sa kaniyang mga labi. Pinagmasdan niyang mabuti ang kaniyang Lolo.
Medyo payat ito pero hindi mukhang masakitin. Masaya at may kulay ang tanned nitong mukha. She couldn't help but chuckled. She is worried about her Grandfather. But it looks like he's already okay.
Tahimik na pinagmasdan niya ang mga batang naglalaro sa labas ng kanilang mansion. Nasa veranda siya kaya kitang-kita niya ang mga ito na naglalaro sa kilid ng kalsada. Kung saan may malaking space.
Naghahabulan ang mga ito at masayang nagtatawanan. May mga bahay din kaharap ng kanilang mga mansion. Kahit hindi 'yon kasing laki ng mansion ng kaniyang Lolo at Lola ay alam niyang mayaman ang mga nakatira roon.
"Bored ka po ba Miss Ann?" Napabaling siya sa kaniyang gilid nang may biglang magsalita. Sumalubong sa kaniya ang nakangiting babae.
"Hindi naman masyado Wilma. At tanggalin mo na ang miss. Puwede mo naman akong tawaging Ann nalang," she uttered smiling. Namula ang buong mukha ni Wilma dahil sa kaniyang sinabi at mabilis na umiling-iling.
"Nako! Nakakahiya po 'yon," she mumbled in a shy tone. Napatawa na lang siya nang mahina habang pinagmamasdan ang namumulang mukha ng babae.
Wilma has the same age as her. Kasama niya itong nakatira kasama ang Lolo at Lola niya sa mansyong ito, maliban sa ibang tauhan ng kaniyang Lolo.
Bata palang daw si Wilma ay nandito na raw ito. Pero hindi ko man lang nakita ito noon. Anak ito ng isa sa mga kasambahay ng mansion na pumanaw. Wala raw kasing kamag-anak nito ang kumupkop sa kaniya kaya napagpasyahan ni Lola na kunin ito.
Mag-iisang linggo na siya sa mansyon ng kaniyang Lolo. Tatlong araw na mula noong umalis na ang kaniyang mga magulang. Medyo na sanay na rin siya sa probinsya. Hindi rin naman siya nababagot dahil may gadgets at wifi, atsaka kinakausap niya minsan si Wilma kapag nagsawa siya sa gadgets.
"Okay lang talaga," marahan niyang saad sa babae. Nahihiyang tumango ito. She smiled and looked at the children playing again.
"Wilma? Punta tayo dagat," wala sa sariling ani niya. Gabi na sila noong dumating sila rito. Kinaumagahan ay mabilis siyang pumunta sa dagat at nagsawa. Pero hindi siya naligo dahil marami daw na makakating jellyfish.
Kahit gustong-gusto na niyang maligo ay pinigilan niya ang sarili. Ayaw rin naman niyang mangati dahil sa kagustuhan niyang maligo ng dagat.
"Sige po." Napangiti siya sa sinabi nito at nagsimula na silang maglakad paalis sa mansion.
Habang naglalakad sila sa daan na hindi simentado papuntang dagat ay nag sitinginan sa kaniya ang mga bata. She couldn't help but let out a laugh in her mind.
Palagi nalang ganito. Sa tuwing uuwi siya ng probinsya ay pinagtitinginan siya ng mga bata at sumusunod pa sa kaniya. Para tuloy siyang artista.
Hindi naman siya naiinis kapag sumusunod ang mga ito. Gusto pa nga niya dahil ang cute ng mga ito pagmasdan.
"Uy! Huwag niyo nga kaming sundan!" malakas na ani ni Wilma sa mga batang nakasunod sa amin. Tumigil siya sa paglalakad at tiningnan ang mga bata na nasa likuran.
"Hindi naman ikaw ang sinusundan namin ah! Si ate na maganda kaya!" malakas din na sigaw ng isang batang lalaki. Kumunot ang noo ni Wilma dahil sa sinabi nito.
"Nako Budong, malilintikan ka talaga sa akin." Wilma glared at the young boy. Imbes na matakot dahil sa pambabanta ni Wilma, ay binilatan lang siya nito. Hindi niya mapigilang matawa at hinawakan ang braso ni Wilma.
"Okay lang Wilma," nakangiting saad niya sa babae. Napabuntong hininga nalang ito at tumango. Mas lalong lumawak ang kaniyang ngiti at nagsimula ulit silang maglakad papunta sa dagat.
Medyo mahaba rin ang kanilang nilakad bago sila makarating sa dagat. Sabi niya kasi kay Wilma na dahil siya sa palagi nitong nililiguan at hindi sa resort ng kaniyang Lolo.
Sawang-sawa na kasi siya roon dahil nalibot na niya ang bawat sulok. Gusto niyang tumingin sa ibang tanawin naman.
"Nandito na tayo Ann," mahina at medyo nahihiyang sabi sa kaniya ni Wilma. She chuckled and looked at the scenery in her front.
The sunlight shone in the white sand and in the clear blue sea. She couldn't help but gasp as she watched the beautiful scenery in front of her.
This is the first time she saw something this beautiful. Kumikinang ang dagat tuwing nasisilawan ng araw.
"Mas maganda pa po papaya, kapag lulubog na ang araw." She gulped as anticipation started to rise within her.
"Wow, I'm excited already." She smiled happily and started to run towards the sea shore.
"Miss Ann! Hinatayin mo po ako!" malakas na sigaw ni Wilma pero hindi niya ito pinansin. Masaya siyang tumakbo papunta sa dalampasigan.