"Ann! Gising na! Baka ma late ka pa sa pasok mo!" Hindi niya mapigilang mapaungol nang marinig ang malakas na boses ng kaniyang Lola. Kahit na matanda na ang Lola ay kasing lakas pa rin ng megaphone ang boses nito. Napakamot na lang siya sa kaniyang ulo. Gusto pa niyang matulog pero mukhang hindi na puwede dahil ngayong araw na ang una niyang pasok sa skwelahan.
Hindi kagaya noon, na sa tuwing unang araw ng pasukan ay excited siya, ngayon ay hindi. Imbes na excitement ang nararamdaman, hindi niya mapigilang makaramdam ng kaba at nerbyos. She never really experienced transferring to another school before. Mula elementary hanggang sa nag highschool siya ay iisang skwelahan lang talaga ang kaniyang pinasukan. She's already old and she can now handle herself but she's still nervous.
Papikit-pikit ang mga mata niya nang magtungo siya sa CR para maligo na. Nang tingnan niya ang kaniyang sarili sa salamin ay muntik na siyang napasigaw nang makita ang kabuuan ng kaniyang mukha. Sobrang gulo ng kaniyang buhok, kasing gulo ng mga mambabarang na nakikita niya sa telebisyon. Hindi lang buhok ang nagpagulat sa kaniya, pati din ang kaniyang mukha na halatang walang saktong tulog.
Sino ba naman ang makakatulog nang maayos kagabi? Nanuod kasi sila ni Wilma ng isang horror film. Akala nilang dalawa ay hindi iyon gaano ka nakakatakot dahil sabi iyon ni Jaya na nag recommend sa kanila na panuorin iyon. Pero scam naman ang babae. Halos maubos na nga ang kaniyang boses kakasigaw kagabi. Mabuti na lang at hindi magkalapit ang mga bahay dito kaya wala silang na d-disturbo.
It's really not a good day to watch horror films, especially if the next day is the first day of school. But what can she do? She's really curious that's why she and Wilma watches it during the night.
Hindi siya nakatulog nang maayos, mabuti na lang din at nakatulog pa rin siya kahit papaano. Sobrang bilis ng araw at hindi siya makapaniwala na pasukan na pala. Iba ang schedule ng pasukan dito sa Probinsya ng Alseo kaysa doon sa syudad. Normally, a school year starts during June or maybe in July and ended during March or April. But here in the province, it starts after new year break. The school here is semi private at hindi gobyerno ang nagpapatakbo kaya din siguro ganoon.
Back when she was still studying in the city, her school is private, it always starts during June. It just felt weird to start a new school year in January. Well it's not like she cares.
Bahala na kung anong petsa magsisimula, basta may pasukan 'yon na.
Mabilis na tinapos niya ang pag-aayos ng kaniyang sarili. Nang tingnan siya ang kaniyang kabuuan sa whole body length mirror ay tumaas ang kaniyang kilay.
"In fairness, ang sexy ko..." Napahagikhik na lang siya mag-isa. Bagay na bagay sa kaniya ang kaniyang bagong uniform. It's a raven black skirt above the knee paired with also a raven black blazer and a white polo inside. There's also a white ribbon. May malaking logo ng school sa kaniyang dibdib and it's shining. She looks so stunning in her new uniform. Mas maganda pa ata ang uniform na ito kaysa sa dati niyang uniform.
Ang badoy noong dati niyang uniform. Sino ba nag-design no'n?
"Ann? Tapos ka na ba? Kakain na tayo." Napabaling siya sa kaniyang pinto nang bumukas iyon. Sumalubong sa kaniyang paningin ang mukha ni Wilma. Nakasuot na rin ito ng uniform kagaya niya. Napatigil ang babae at napatitig sa kaniya bigla. Natawa na lang siya at nagsimulang maglakad palapit kay Wilma.
"Tara na sa baba, gutom na ako," nakangiti niyang wika at hinawakan ang braso ng nakatulalang si Wilma. Bago pa man ito makapagsalita ay hinila na niya ito. Nang makarating na sila sa baba ay nandoon na rin ang kaniyang Lolo at ang kaniyang Lola. Nagkakape ang mga ito habang may binabasa na diyaryo.
"Oh, nandito na pala kayo. Magsimula na kayong kumain," untag ng kaniyang Lola at pinaghila siya ng upuan. Kaagad na umupo siya doon katabi ng kaniyang Lola.
"Salamat po La," she mumbled smiling and started getting her own food. Nang matapos na sila mag agahan ay kaagad na lumabas na sila ng bahay para pumunta na ng skwelahan. Sa tapat ng gate ay may tricycle na nakaparada. 'Yon daw ang sasakyan nila dahil medyo malayo ang paaralan. Fifteen minutes daw ang byahe bago makarating. Gusto sana niyang maglakad lang dahil sabi ni Wilma noon na puwede naman maglakad pero dahil nga ay malapit ng mag alas siyete ay hindi puwede.
Alas otso ang simula ng kanilang first period. Tuwing seven am naman ang flag raising. Since first day of school ngayon, kailangan ay maaga siya dahil hahanapin niya pa ang kaniyang room dahil hindi naman niya alam kung anong section siya at si Wilma. Hindi naman kasi sinabi.
"Woah, pangalawang beses ko na 'to," namamangha niyang saad bigla nang makaupo na siya sa loob ng tricycle. Unang beses na nakasakay siya ng tricycle ay noong nagpunta sila dito noon. Wala naman din kasing tricycle sa syudad at puro lang jeep nandoon.
"Marunong ka bang mag drive Ann? May tricycle doon sa bahay, baka gusto mo sakyan iyon." Nanlaki ang kaniyang mga mata matapos marinig ang sinabi ni Wilma. Kaagad na tumango siya sa babae.
"Really? Yes! I know how to drive. You help me convince Lolo okay?" she uttered excitedly. Natawa na lang si Wilma sa kaniyang pagiging hyper.
Sobrang bilis nang pintig ng kaniyang puso habang nakatingin siya sa paaralan na nasa kaniyang harap. Napakaraming estudyante sa kaniyang paligid. Mas marami pa ata kaysa sa huling paaralan na pinag-aralan niya. Sa gilid ng gate ay nandoon ang guard house, habang sa kabila naman ng gate ay may malaking parang landmark doon ng paaralan. May malaking logo din at iba pa.
"Tara na Ann?" Napalunok siya at kaagad na tinanggap ang kamay ni Wilma. Habang pumapasok sila ay napapatingin ang ibang estudyante sa kanila, partikular na sa kaniya. Habang chinecheck ni Manong guard ang mga ID at bag, rinig na rinig niya ang mga bulungan ng mga ito. At dahil sawang-sawa na siya doon dahil halos ganoon din naman naririnig niya noon ay hindi na lang niya iyon pinansin.
Nang makapasok na sila ng tuluyan sa skwelahan ay napaawang ang kaniyang labi sa sobrang ganda at lawak ng school. Ang tataas ng mga building at parang isang community sa isang university na talaga. She heard it's a semi private school owned by the governor before he got the position. Sure ba sila na semi lang ito at hindi private talaga?
Hindi ganoon ka laki ang tuition sa paaralang ito at maganda rin ang education system kaya marami talagang gustong mag-aral dito. High school, senior highschool and college ay nandito na kasi. Magkaiba nga lang ang mga building. Sa south wing ay nandoon ang highschool building, at kung saan kami. Sa west naman ay ang sa senior high and for the north is the college. And sa east, building for faculty staffs and so on.
Sobrang gara talaga ng paaralan na ito. I wonder why I didn't hear about it? Nag-alala pa ako dahil baka pangit mapapasukan kong paaralan. Lalo na ngayon at grade ten na ako.
"Woah, ang daming tao hindi kagaya last year." Napatingin siya kay Wilma nang bigla na lang sabihin iyon ng babae.
"Talag–"
"Ann my loves! Morning!" Nanlaki ang kaniyang mga mata kasabay nang pagsilay ng isang ngiti sa kaniyang labi nang marinig niya ang pamilyar na boses na iyon. Kaagad na lumingon siya sa kaniyang likod at sumalabong sa kaniyang paningin ang mga mukha nila Jaya at Issa.
"Morning! Nasaan nga pala ang iba?" medyo nagtataka niyang tanong nang hindi makita sila Kevin at Betty.
"Iwan ko kung nasaan sila Kevin pero si Betty ay nasa room na nito. Nasa west wing kasi ang building no'n," sagot sa kaniya ni Issa at kaagad na hinawakan ang kaniyang braso. Napangiti na lang siya.
Mula noong sumama sila ni Wilma na kumain sa kainan nila Bryan ay naka close na nila ang mga ito. Hindi na rin siya nahihiya at casual na ang pakikitungo sa kanila. Maliban na lang siguro kay Zadkiel na hanggang ngayon ay hindi pa rin niya magawang tingnan sa mga mata.
Nahihiya talaga ako sa lalaki. Iwan ko ba pero 'yong mga mata niya ay nakakapanghina ng mga tuhod. Is he a sorcerer by chance?
"Tara na mga sis! Hanapin na natin room natin, baka ma late pa tayo. Balita ko strict mga guro sa grade ten." Napapintig ang kaniyang tainga dahil sa sinabi bigla ni Jaya.
"Talaga sis? Sinong nagsabi?" nai-intriga ring tanong ni Issa kay Jaya.
"Duh! Sino pa ba? E 'di 'yong last batch. Sabi nila napaka strict daw, na halos kakainin ka na kapag naging pasaway ka." Hindi niya alam kung dapat ba siyang matakot o matawa na lang sa sinabi ni Jaya. Kung totoo man ang sinabi nito na napaka strict ng mga guro sa baitang sampu ay okay lang siguro.
Sa dati nga niyang paaralan ay mga walang pake ang mga guro sa kanila. Hindi nga ang mga ito nagtuturo nang maayos at bibigyan lang sila ng page number sa libro at sila na ang bahala. Kung papipiliin siya ay mas gusto niya na strict ang kaniyang magiging guro kaysa naman sa mga walang pakialaman 'di ba?
Mag-iisang oras na ata silang naghahanap sa kanilang silid pero hindi pa rin nila mahanap ang kanilang pangalan. Sa isang baitang kasi ay may limang section. Bawat silid ay may nakalagay kung anong section at mga pangalan ng estudyante. Nagsimula silang maghanap sa section E hanggang B pero wala doon ang kanilang mga pangalan. Mukhang sa section A ata silang apat.
"Gosh! Is this true? Section A tayo? Nanaginip ata ako eh," parang kinikilig na wika ni Jaya at napatalon- talon pa. Natawa na lang sila sa naging reaksyon nito.
Tinapik ni Issa ang balikat ng lalaki at proud na ngumiti.
"Yes sis, mukhang section A tayo," natatawang tugon ni Issa kay Jaya. Tumili ang dalawa at nagtawanan. Nagtatalon-talon ang mga ito sa sobrang saya.
I guess being on section A here is a big deal. They look really happy, I'm glad I'm at the same room with them.
"Mamaya na kayo magsaya, baka sa section F pala tayo," walang ka gana-gana na ani bigla ni Wilma at nauna na sa kanila na maglakad. Natawa na lang siya nang malakas at kaagad na sinundan ang babae.
"Bitter mo naman Wilma! Walang section F, tanga." Nagtawanan na lang silang tatlo habang si Wilma ay ganoon pa rin ang ekspresyon. Akala talaga niya ay isang malungkutin na bata si Wilma at walang kahit ni isang kaibigan pero mukhang may mga kaibigan naman ito, hindi lang siguro na r-realized ng babae na meron pala.
Nasa third floor daw ng building ang section A kaya kailangan pa nilang umakyat doon dahil wala naman silang elevator. Hindi kagaya sa senior highschool at college na meron. Nang makarating na sila sa pangatlong palapag ay kaagad na sumalubong sa kanila ang nagkukumpolang mga estudyante.
"Huh? Ba't nasa labas sila lahat? Sarado ba ang pinto?" takang tanong ni Issa nang makita ang mga estudyante na hindi pa rin pumapasok sa silid. Naglakad sila papalapit doon at kaagad na nakaagaw sa kaniyang atensyon sila si Kevin at Bryan. Ang tataas kasi ng mga ito, hindi mo talaga mapigilan mapatingin sa kanila.
Nang mapansin ni Kevin na nakatingin sila sa kaniya ay nanlaki ang mga mata nito at kaagad na kumaway-kaway.
"Woy! Bilisan niyo. Dito 'yong silid na'tin," the boy shouted happily.
"Ang ingay talaga." Natawa na lang siya nang e bulong iyon ni Wilma at umirap pa. Hate na hate talaga niya si Kevin.
"Weh? Sure ka? Scam ka ata eh. Hanapin na lang natin." Mabilis na nakisiksik sila sa mga nagkukumpolang mga estudyante at kaagad na hinanap ang isang papel na nakadikit sa dingding kung saan doon naka lista ang lahat ng estudyante sa seksyon na iyon.
Habang hinahanap niya ang kaniyang pangalan ay bigla na lang umatras ang estudyante na nasa kaniyang harapan. Dahil nang pagkawala ng kaniyang balanse. Napapikit na lang siya ng kaniyang mga mata at hinintay ang sarili na bumagsak. Pero bago pa man iyon mangyari ay may sumalo sa kaniya.
"Careful." Nanindig ang buong balahibo niya sa katawan nang marinig ang pamilyar na malamig na boses na iyon. When she glance at the person who catches her, her breathing hitched the same time her her pounded crazily.
Zadkiel!