Serious
Humihikab ako habang papasok ng school. Ang isa kong kamay ay nakahawak sa ulo kong pumipintig. Damn it! Hindi naman ako uminom ah pero ba't ganito kasakit? Maybe dahil kulang ako sa tulog. Anong oras narin kaming nakauwi kagabi. It was very late. Hindi na natopic kaninang umaga sa bahay dahil nagmamadali ako.
I was holding my head when someone spoke. Sa pagkagulantang ko ay mabilis akong napaangat ng tingin sa lalakeng nilagpasan nalang ako.
"Kababaeng tao umiinom." He even tsked. T-Teka?
"How did you know?" Hinabol ko ang presensya ni Tres, pumantay ako sa kanyang paglalakad at dinungaw ang kanyang mukha.
Hindi siya sumagot kaya ngumuso ako. "I didn't drink last night no. Siguro nandoon ka kasi nandoon rin ang kuya mo--"Hindi ako interesado." Sa sinabi niyang iyon, mas nauna na siyang naglakad dahil sa paglaki at pagbilis ng kanyang hakbang.
Nasira ang aking ekspresyon. Tres is the coldest guy I know. Na kahit ako ay nanlalamig diyan sa ugali niya. Why is he like that?
Tumakbo akong muli, hinabol ang natitirang espasyo sa aming dalawa. Hinawakan ko ang dulo ng kanyang uniporme sanhi para matigil siya.
"Teka!"
Lumingon ito sa akin, matalim ang tingin sa aking kamay na nakahawak sa dulo ng kanyang uniporme.
"Pag yan nagusot sisirain ko rin iyang botones ng suot mo." Bumaba ang tingin niya sa aking dibdib na ikinalaglag ng aking panga. Mabilis kong binitiwan ang kanyang uniporme dahil sa pagkasindak.
"A-Ang suplado mo!"
Umismid siya sakin. "Papansin."
Gosh! Anong klaseng ugali ba ang meron siya?! Ang sakit magsalita! No wonder napapaiyak iyong mga may gusto sa kanya.
Umabante akong muli, pinantayan siya. "Papansin ako dahil gusto kita." I said softly. Nilingon niya ako, tumaas ang isang kilay kaya ngumiti ako ng matamis.
"Gusto kita Tres." Ulit ko, mas malinaw sa pagkakataong ito.
I never done this before. Iyong sasabihan ko ang lalakeng gusto ko. Pero sa ugali ni Tres, sa kanyang pinaggagawa sa akin, mapipilitan talaga ako sa ganitong bagay. Why am I into this game anyway? Just to remind you Red, magiging homeless ka. Alright!
Ilang sigundo ko siyang tinitigan. Ang reaksyon niyang hindi man lang nagbabago. Hindi niya ba nagustuhan ang pag-amin ko? Siguro kung sa ibang lalake ko ito ginawa baka namula na ang kanilang pisngi. Pero itong si Tres...
"Playgirl." sabi niya na ikinalaglag ng panga ko. Did he just called me a p-playgirl?
"I am not!" Namula ang aking pisngi.
Ang kanyang walang buhay na mga mata ay hindi nagtagal sa akin at nalipat rin iyon sa harapan.
"Wala akong panahon sa pag-ibig kaya tumigil kana." Pag-amin niya saka ako nilingon. Yumuko siya, inilebel ang mukha sa akin habang nakapamulsa."Wala akong panahon sa'yo."
Napakurap ako. Ilang sigundo kong tinitigan ang kanyang malalim at misteryosong mga mata. Katulad ng mga kapatid niya, ganito rin ang kanilang mga mata pero may kung ano sa mga mata ni Tres na mas natutulak kang pasukin ang madilim na parteng iyon. Na parang may nag-uudyok sa'yong pasukin ang isang lugar na alam mong ipinagbabawal.
Nagkasalubong ang kanyang kilay. Unti-unti akong bumalik sa aking sarili at humagalpak rin ng tawa. Hawak ko ang aking tiyan, hindi maawat ang sarili.
"I just said I like you! Hindi ko naman sinabing gustuhin mo rin ako pabalik! Oh my gosh you're assuming!" I pointed his face, laughing.
Hindi ko alam kung naoffend ba siya o ano pero tumayo lamang siya ng tuwid, ilang sandali akong tiningnan sa blangko niyang emosyon na nagpapamukha saking para akong weirdo dito sa kanyang harapan kakatawa kahit wala namang nakakatawa.
"Mongoloid." sambit niya na ikinatigil ko sa pagtawa. Pagkatapos niyang sabihin iyon ay naglakad na siya. M-Mongoloid? Wait? A-Ako?
Imbes na sundan ulit ito ay isinalba ko nalang ang sariling dignidad at dumeritso na sa aking classroom. Baka kasi pag hinabol ko siyang muli ay ano na naman ang lumabas roon sa bibig niya. Iyon ba talaga ang tingin niya sa akin?! Papansin, playgirl, at higit sa lahat mongoloid?! Nagsalita ang abnoy!
"Mongoloid ba ako?" Out of nowhere kong tanong sa mga kaibigan kong kumakain rito sa cafeteria.
Nahinto sila sa pagsubo, na kahit si Troy ay nabulunan dahil sa biglaan kong pagtanong. Si Klint naman ay bumagal ang pagmuya. Ang mga mata ay nakatuon na sa akin.
Humagalpak ng tawa si Troy nang makabawi sa pagkasamid. Kung hindi siya binatukan ni Klint ay hindi siya matitigil.
"San yan nanggaling, Red?" Hannan asked me.
Ngumuso ako. "Uh, i-iyong isa sa mga binasted ko noon. Siguro ay nagtanim ng galit." I lied. Hindi rin naman kasi pwedeng sabihin na si Tres iyon! I'm sure magdidiwang sila dahil halatang walang progress na nangyayari sa pang-aakit ko sa lalakeng iyon.
"Napakawalang-puso naman ng nagsabi niyan sa'yo, Red! Di ka kaya mongoloid!" Si Yashin, pero kinakagat ang pang-ibabang labi at pinipigilang hindi matawa.
"Sinong lalake ba yan, Red?" Singit naman ni Klint na mas seryoso sa lima. Ngumuso ako.
"Uh, I forgot his name eh."
"Ituro mo sakin mamaya."
Nagkatinginan si Leeland at Troy. Kahit si Yashin ay sumeryoso ang mukha. We all know kung paano magalit si Klint. Kahit na mukha itong happy-go-lucky, pero sa oras na nagseryoso ay nakakatakot.
Tumawa ako. "Ano ka ba Klint! Hindi naman bigdeal! I am just asking kasi curious ako baka ganoon na talaga ako."
"You're not like that, Red." Si Leeland.
"Oo nga! Di lang matanggap ng lalakeng iyon ang pambabasted mo kaya ganoon siya makapagsalita." Si Troy.
Tumango-tango ako. Nakontento sa pinagsasabi ng dalawa. While Klint is clinching his jaw.
"Init ng ulo mo, Klint. Regla?" Pagbibiro ni Troy na ikinatawa namin.
"May extra ako, Klint!" Si Yashin naman.
Ngumisi siya, pero iyong nakakaloko.
Alam kong overprotective sa akin ang mga kaibigan ko lalo na iyang mga lalake. And I really appreciate it. Natutuwa ako dahil may mga ganoon akong kaibigan.
Kaya nga hindi ko lubos maisip ang estado ni Tres. Iyong dalawa niyang kapatid hindi naman mga anti-social. Si Dos kahit walang squad rito, may mga babae naman siyang kasama. Nakita ko pa nga iyon sa pinagtatambayan nila Klint at nakikipaghalubilo sa isa kahit na nakakasindak siya. While Uno, he's very friendly too. Lalo na sa mga babae. NagbaBar pa nga iyon. Unlike Tres... Para siyang bumubuo ng sarili niyang mundo at kung papasok ka ay mapapatapon kalang palabas.
Maybe I should start being his friend. And after I get to know him, mas madali na iyon sa akin. I'll attack him slowly. In that way, baka mas makilala ko ang tunay na misteryosong si Tres.
Sumilip ako sa classroom nila Hannan. She was not here lalo na't nasa gymnasium na naman iyon, nagpapractice. At katulad noong una kong punta rito, wala na namang tao tuwing lunch maliban sa isang lalake.
Itinulak ko ang pinto. Ang nakaupong si Tres sa kanyang silya, may hawak na libro, tanging pangloob na puting polo ang suot at pulang necktie, nilingon niya ako gamit ang walang emosyon niya na namang mukha.
"Uh, pumasok ako!--"Kita mong sarado pumasok ka pa." Putol niya agad sa akin.
Ngumuso ako, ipinagpatuloy ang paglalakad. "Eh hindi nakalock!"
Hindi na siya nag-abalang sumagot. Ibinalik niya lang ang tingin sa kanyang hawak na libro. Tuluyan akong nakalapit sa kanya. Umupo ako roon sa kanyang tabi at dumungaw sa binabasa niya.
"Book lover ka pala?" Magiliw kong tanong.
Imbes na sumagot, itinulak niya ang aking upuan palayo sa kanya. Ngumuso ako. Allergic ba siya sa tao?
Humilig ako sa mesa, nasa kanya ang tingin. I watched his jaw closely. Ang perfect naman ng lalakeng ito kahit nakasideview. Itinagilid ko ang aking ulo at tiningnan ang kanyang anggulo na mas nagpakumbinsi sa aking perpekto talaga siya. No wonder ang raming nababaliw sa kanyang babae. Siguro kung romantic lang siya at palangiti, friendly, maybe... I'm gonna like him.
Nagkasalubong ang kanyang mga kilay. Nabahiran na naman ng pagkakairita ang mukha at nilingon ako.
"Ba't ka ba nandito?"
"Wala lang. Sinasamahan lang kita kasi mag-isa ka." Ngumiti ako. s**t naman! Para akong timang rito!
"I don't need you here." sagot niya, tumatabas na naman ang dila.
"Sinabi ko naman na gusto kita diba. Kaya ko ito ginagawa dahil gusto kita. Gustong kitang kasama. Gusto kitang makita. Gusto kitang kausap." Paliwanag ko, mas nilalambingan ang boses.
"Hindi kita gusto. Labas." Matalim niya akong tiningnan. Napangiwi ako. Siguro kung may kasamang pagmamahal itong pinaggagawa ko, baka nateary-eyed na ako sa pananaboy na niya. His words were just too much to take!
"Ouch, Tres." I acted. Sapo pa ang sarili kong dibdib. Dumako ang kanyang tingin roon.
"May nahawakan ka?"
Sa sobra kong pagkagulantang. Mabilis na nawala ang pagdadrama sa aking mukha at napalitan ng panlalake ng aking mga mata.
"B-Bastos! Meron akong dibdib!" Naisigaw ko na talaga iyon.
"Ah, hindi halata." Walang buhay niyang sabi, ibinalik ulit sa libro ang tingin.
Gusto ko nang magbuhat ng isang bangko rito at ipukpok sa kanyang ulo dahil lang sa ugali niya. Why is he like that?! Grabe!
"K-Kahit hawakan mo pa!" I challenged.
Nilingon niya ang dibdib ko, namula ang aking pisngi. Damn... Ano bang laro itong pinasok ko? Parang ako itong napaglalaruan.
"Para mo narin akong inutusang hawakan ang blackboard sa harapan."
Laglag panga ako. Oh my gosh nakakagigil ka Tres! Anong klaseng lalake ka ba?!
"May dibdib ako. Palibhasa ang gusto niyo iyong mga boobs ng pangpornstar! Yuck!"
"Gusto mo ako?" Biglang pag-iba ng kanyang topic. Seryoso parin ang mukha.
Huminahon ang aking mukha at dahan-dahang tumango.
"Anong hahawakan ko pag naging tayo?" Bumaba muli ang kanyang tingin sa aking dibdib. Oh s**t.
Kulang nalang ay pasukan ng langaw ang aking bibig dahil sa pagkakaawang nito ng malaki. Ang bastos ng lalakeng ito! No wonder isa siyang Buenaventura! Na kahit hindi siya mambabae, may ganoon parin siyang likas na ugali.
"Syempre a-ang kamay ko! Holding hands!"
"Pag public. Pero pag tayong dalawa lang?" Dagdag niya na ikinapula ng aking pisngi. I am not expecting this kind of topic. Akala ko kasi tahimik lang siya. Akala ko ako lang itong dadaldal. Pero s**t lang! Ako itong natatameme ngayon!
"Ganoon ang gusto mong babae?" Tanong ko, unti-unti na akong nawawala sa aking kompostura.
"Malamang babae ang gusto ko. Edi may dibdib."
Hindi ko alam kung maooffend ba ako o ano. Meron naman ah?! Kahit 15 pa ako alam kong meron! Paano na kaya pag nagdalaga ako! Lalaki ito!
Sa sobrang pula ng aking pisngi, napatayo na ako ng wala sa oras. Nakakuyom ang dalawa kong kamay, kagat-kagat ang pang-ibabang labi.
He lazily watched me. Tumalikod ako at nagmartsa na. Wala na akong iniwang salita. I can't take his attitude! Never akong nabastos ng ganito sa tanang buhay ko!
"Now you have no reason to like me." Narinig kong sabi niya nang pipihitin ko na sana iyong doorknob para tuluyang makalabas.
Nilingon ko siya, balik na ang kanyang tingin sa librong hawak. Sinadya niya ba iyon para tabuyin ako?
Hindi na ako nag-abalang sumagot pa. Napabuntong nalang ako ng hininga pagkalabas ko. Eksaktong kakaakyat lang ni Hannan, pawisan ito at may hawak na bottled water. She was still wearing her outfit. Tanging cycling short at halterback sando. Basang basa ang kanyang leeg at hinihingal.
Kumpara sa magandang katawan ni Hannan, mas nahubog iyong kanya. Medyo malaki rin ang kanyang hinahanap. Ngayon pa lang ako nakaramdam ng ganitong insecurity. She's older than me kaya malamang Red mas nahubog na talaga ang kanyang katawan kumpara sa'yo na nagsisimula palang huminog. He's unbelievable. Sa dami ng nagkakagusto sa akin dito ni isa ay wala pang nagreklamo sa pisikal kong hitsura. Siya lang talaga itong may makapal na libag para pagsabihan ako ng ganoon. Bahala nga siya!
"Red?" Medyo nagkasalubong ang kanyang kilay nang makita ako sa tabi ng kanilang classroom. Mabilis agad ang hakbang niya para makarating sa akin.
"Ang suplado ni Tres. Sinabihan akong flatchested ako." Nayayamot kong sabi. Hindi naman iyon talaga ang sinabi niya pero halatang doon rin iyon patungo. Na ipinaparating niyang flatchested ako!
"You're not." Pangungumpirma ni Hannan. See! Hindi talaga!
"Ewan ko diyan kay Tres. Ayoko na sa larong ito. Ayoko nang makipaglaro sa lalakeng wala namang puso." Napairap na ako sa ere at nagpaalam rin kay Hannan.
I wanted to quit this game! Bahala na nga! Ayoko nang bumuntot-buntot sa walang pusong Buenaventura na iyon! Tanggap ko pa iyong mongoloid, pero ang bastusin ako ay hindi ko na makaya. May dibdib ako!
To my fustration, nahawakan ko ang aking dalawang dibdib. Meron nga! Kainis ang lalakeng iyon!
"What are you doing, Red?"
Natauhan ako sa presensya ni Leeland sa aking harapan. Ngumingiwi siya sa akin. Doon ko lang napansin na hawak ko pala ang dalawa kong dibdib. Sa sobra kong pagkagulat ay binaba ko agad iyon. Uminit ang aking pisngi, mabilis na umiling.
"W-Wala! A-Ano lang..." Nangapa ako ng maisasagot. Pero nang ngumisi siya, nailing ay bumuntong nalang ako ng hininga.
"Si Tres sinabihan akong flatchested raw ako." Ngumuso ako.
Nagulat siya. "Really?" Hindi makapaniwala nitong tanong.
Tumango ako. "Oo Leeland. At ayoko nang habulin ang lalakeng iyon. Suko na nga ako. Sige na. Siya na ang pinakawalang puso. Talo na ako. Inaamin ko na." Bumuntong ako ng hininga.
Pumaskil ang malapad na ngisi sa kanyang labi. "Wow, the competitive Christienne Red Valerio is giving up?"
Ngumuso ako. Kaysa naman bumuntot buntot ako sa lalakeng iyon na tinatapakan na ang dignidad ko! He's heartless and I hate it so much! Ako na ang napaglalaruan! Ayoko na talaga.
"Ang bastos niya. Wala pang puso. That Buenaventura is gay, Leeland. Hindi siya attracted sa babae." I reasoned out.
He chuckled. Nilapitan niya ako lalo. Hinila ang aking kamay.
"Tara labas tayo. May malapit na cafe diyan. Ililibre kita ng frappe."
Nagningning agad ang mga mata ko at nagpahila. I really needed this right now. Naubos ata ng Tres na iyon ang energy ko. I can't believe may nag-eexist na katulad niya! Di ko talaga alam ba't ang raming naghahabol sa kanya kung ganoon iyong ugali niya.
Umupo kami ni Leeland sa two-seated round table. Nasa tapat kami ng transparent glass at nakikita ang labas. May iilan ring estudyante rito pero hindi naman gaanong marami. Siguro mga lima ata.
"Total ikaw ang nanalo, diba sabi mo ikaw ang magdedesisyon kung anong gusto mong prize? Labag sa loob ko rin iyong bahay, Leeland. My Dad will surely get mad..." Panimula ko habang hinahalo ang straw sa loob ng frappe. Nandoon ang tingin ko sa cream na unti-unti nang nahahalo.
"Yeah." He chuckled. "I'm sure hindi mo magugustuhan ang hiling ko. You can still continue playing with Tres if you didn't like my offer."
Ngumiwi agad ako. Nag-angat ako ng tingin sa kanya. "Ayoko na nga Leeland. Ang rami ko nang natanggap na masasakit na salita doon. Akala mo kung sinong gwapo." Umirap ako. Gwapo naman talaga pero akala mo kung sino!
"You sure?" Tumaas ang kanyang kilay. Tumango ako at magsasalita na sana kung hindi lang tinakpan ng kanyang boses ang akin.
"Then hear me out first. Baka magbago ang isip mo."
"Ano ba 'yon?" I sipped my frappe while eyeing him. Ngumisi siyang muli, pero sa pagkakataong ito, may pinupunto na iyon.
"I want you to be my girlfriend. I want a serious relationship with you, Red."