No fun
"Hindi mo magugustuhan ang katulad ni Tres, Red. He's just going to piss you off." Mataman niyang sabi.
Oo nga naman, Red! Pinapakulo nga ng lalakeng iyon ang dugo mo! Tapos ang boring pang kasama!
"I am not being childish, Hannan." Depensa ko sa dami ng sinabi niya.
Her doe eyes glared at me. Nanliliit iyon. "Anong tawag mo diyan sa ginagawa mo kung ganoon?"
"Uh, dare? Playing games? Having fun?"
"Exactly Red. You're being immature."
Sumimangot ako. "Kung ihihinto ko naman edi pinatunayan ko lang sa tatlong iyon na wala talaga akong panama roon kay Tres."
"So what? Stop saving your ego Red."
May parte sa akin ang gustong sumunod sa pinagsasabi ni Hannan. Pero may parte rin sa akin ang ipagpatuloy nalang. Besides, nakikipag-usap sa akin si Tres! Hindi ba ay malaki na iyong achievement? At isa pa, natutuwa ako sa paghahabol sa kanya.
"Laro lang naman. No bigdeal." Kibit balikat ko.
"Masasaktan ka lang sa lalakeng 'yon." She sighed.
Humalakhak ako. "I don't like him kaya hindi ako masasaktan. Stop worrying about me! Aww... Hannan!" Niyakap ko siya ng mahigpit. "Thank you for caring!"
"You're such a baby," usal niya na ikinahagikhik ko.
Part lang naman siguro sa friendship ang hindi nagkakaintindihan. As long as matibay ang pundasyon ng inyong pagkakaibigan, walang makakasira noon. Kahit pa sa mga maliliit niyong away.
"Akin na Klint!" Natatawang hinabol ni Yashin si Klint sa loob ng classroom. He was holding her lipstick while running. Nagniningning ang mga mata ng kaibigan ko dahil sa kakatawa.
"Akin na nga!" Nahigit ni Yashin ang uniporme ni Klint. Tumingkayad siya pero itinaas lamang ni Klint ang kanyang braso.
"Mas matangkad ako sa'yo." Tumawa si Klint.
"Ay ang daya! You're both having fun without me." Nagpout ako na ikinatigil ng dalawa. Mabilis na binitiwan ni Klint ang hawak na lipstick at pinuntahan ako.
"Where have you been?" Pinitik niya ako sa noo.
"Nangapitbahay ako sa kabilang classroom." Ngumuso ako. "Sinulong ko si Tres kaso sinupladuhan ako, Klint." Parang bata kong sumbong sa kanya.
He patted my head. "Ano? Bubugbugin ko na?"
Humagikhik agad ako, marahang sinapak ang kanyang dibdib.
"I am not yet starting. Matatablan rin iyon ng alindog ko."
"How can he resists our beloved Red? Eh ang ganda ganda mo." Pinagpipisil niya na naman ang aking pisngi. Kung hindi ko sinapak ang kanyang kamay ay hindi siya matitigil.
"Sinupladuhan ka ni Tres, Red?" Nag-uusisa na ngayon si Yashin.
Tumango ako. "Pero okay lang naman! Di ako affected sa kasupladuhan ng lalakeng iyon!"
Inakbayan ako ni Klint. "Ganyan nga babe. Besides, may back-up ka naman. Isang utos lang Red."
Umismid ako. "Yabang mo! Buenaventura iyon."
"Martinez ako! We're powerful too, Red." Pinagkukurot niyang muli ang aking pisngi. Sinasapak ko na ito na tumigil na kaso ang kulit kaya nagtawanan nalang kaming dalawa.
Maaga ulit akong pumasok. Eksaktong nadatnan ko si Tres na papasok kaya halos takbuhin ko ang espasyong namamagitan sa aming dalawa.
Mabilis akong humarang sa kanyang daan, hinihingal ko siyang tiningnan na ngayon ay napahinto na sa aking harapan.
"Good morning! How's your sleep?" Hingal na hingal kong tanong, pilit hinahabol ang hininga pero nagawa ko parin siyang ngitian.
Basa ang kanyang buhok na ginulo niya lamang ata at hindi na nagawang suklayin dahil sa kanyang katamaran. Nakabulsa ang dalawang kamay at may nakasabit na headset sa kanyang polo.
Imbes na sagutin ako, sinaksak niya ang kanyang headset sa magkabilang tenga at nilagpasan ako. Napasimangot ako roon pero humabol rin sa kanya.
"Ang suplado naman!" Natawa ako. "Nagbreakfast ka Tres?" Tanong ko habang nasa likod ang aking dalawang kamay, halos tumakbo narin ako mapantayan lamang ito sa paglalakad dahil sa malalaki niyang hakbang. Kaasar ha!
Nang hindi siya sumagot ay nagtanong akong muli.
"Anong ulam mo?" Tinagilid ko ang aking ulo at dinungaw ang kanyang mukha. Nasa harap ang kanyang tingin, walang emosyon ang mukha.
"Nabusog ka ba?" Wala sa sarili kong hinawakan ang kanyang tiyan na nagpairita sa kanya. Halos mapatalon ako sa gulat at napagtanto narin ang ginawa ko. Nagdududa na talaga ako rito sa kamay ko. Parang may sapi talaga ni Satanas at kung ano ano nalang ang nagagawa ko.
"Ano bang binubuntot-buntot mo?" Iritado niyang tanong.
"Sungit!" Tumawa ako. "Bawal bang malaman kung kumain ka? Anong ulam mo at kung nabusog ka ba?"
"Ba't di ka mag-apply bilang katulong sa bahay nang updated ka." Pagkatapos niya iyong sabihin, mas nilakihan niya ang kanyang paghakbang.
"Hindi ako marunong sa gawaing bahay eh!" Tumakbo narin ako.
"Saan ba ang bahay niyo?" Dagdag ko.
Hindi siya sumagot. Buntot lang ako ng buntot sa kanya. Ang bilis pa maglakad kaya hinawakan ko iyong sling ng bag niya kaso hinila niya iyon sa akin, matalim akong tiningnan.
"Ang kulit mo."
"Ang arte mo!" Ngumuso ako.
Nakarating kami sa kanilang classroom. Derideritso ang kanyang pasok kaya akma narin sana akong papasok nang matigil rin ako dahil sa pagdapo ng kamay ni Tres sa aking noo at itinulak ako palabas ng classroom nila.
"Go back to your room." Usal nito, tinalikuran rin agad ako.
Sumimangot ako habang dinudungaw siya sa loob. May iilan na roong estudyante.
"Red."
Napalingon ako kay Hannan na kararating lang rin. Late comer pala ito?
"You're almost late." Sabi ko sa kanya.
"Ikaw rin naman."
"Sanay na ako." I laughed a little.
Dumungaw siya sandali sa loob ng classroom saka ibinalik sa akin.
"Why are you here? Nasa kabilang building ang classroom mo ah?"
"Hinatid ko si Tres." Natawa ako sa sinabi ko. I can't imagine myself. Kailan pa ako naging ganito sa isang lalake? Swerte ng lalakeng iyon tapos tinataboy taboy lang ako!
"Nakasabay mo siya?" Tanong niya.
Tumango ako na nagpasalubong ng kanyang kilay.
"Itutuloy mo parin iyong game?" Halos pabulong niyang tanong sa akin.
"Oo naman! Di rin naman kasi bigdeal eh."
Bumuntong siya ng hininga. "Do whatever you want stubborn girl."
Natawa ako. Mukhang pati siya ay hindi nalang rin ata iyon ibibigdeal.
"Sige Hannan. See you later sa carfeteria. Bye!" Hinalikan ko ang kanyang pisngi saka rin ako tumakbo paalis.
It was just for fun anyway. At isa pa, wala namang laro ang hindi masaya. Lahat ng laro, nakakaexcite. I have no idea why people get serious with things na dapat ay laro lang naman. Kung hindi sila nagseseryoso sa pag-ibig, edi hindi sila iiyak. Hindi sila masasaktan. Katulad lang iyan ng problema, kung seseryosohin mo, mas mamomroblema ka lang.
"Ba't ayaw mo na namang sumama Yash?" I embraced her arm while we're walking.
Nagyaya kasi si Troy na magBar raw kami this Sunday at hetong si Yashin, ayaw na namang sumama.
"Strict ang parents ko sa mga ganyang bagay, Red. Alam mo naman si Papa." Sumimangot siya.
Hindi rin naman ako pinapayagan sa mga ganito pero pag kinukumbinsi ko si Dad ay napapapayag ko rin naman ito sa huli. Unlike her... siya itong ayaw ring subukang kumbinsihin ang mga magulang niya.
"Ihahatid ka naman namin! At h'wag mo nalang sabihing sa Bar tayo. Just tell them na sa bahay ka namin pupunta. I'm sure hindi yan mag-aalala dahil may bodyguards naman ako."
"Hindi talaga pwede Red. Kailangan ko pang mag-aral dahil malapit na ang exam. Bawal akong makakuha ng maliliit na marka." May pag-aalala ang boses niya. Bakit ba kasi scholar siya.
"Quit being a scholar, Yash. Binubugbog mo naman ang utak mo sa kakaaral. Ang boring ng ganyan." Humalukipkip na ako habang naglalakad.
"Di rin naman kasi kami kasing yaman niyo Red." Tumawa siya.
Bumuntong nalang ako ng hininga. Di ko nalang ito pipilitin kung ayaw niya. Madali naman akong kausap.
Dala ang binili kong frappe, inilapag ko agad iyon sa mesa. Nandito rin pala sa classroom si Troy. Busy ito sa pangongopya ng notes ni Klint na alam kong kinopya niya rin lang naman kay Yashin.
"Si Yashin ayaw na namang sumama." Balita ko sa dalawa na kapwa napalingon na sa amin.
Troy stood up. Mabilis ang hakbang makarating lang sa aming desk.
"Pinapalungkot mo si Red oh, Yash." Dinampot ni Troy ang aking frappe, ininuman iyon.
"Di talaga pwede eh." Pilit na ngumiti si Yashin, nakaupo na ito habang binubuklat ang panibagong aklat.
Ilang sandali lamang ay naramdaman ko narin ang presensya ni Klint sa aking likuran. Inakbayan niya ako at kinuha ang frappe na ipapasok ko na sana sa aking bibig iyong straw.
"Bakit naman Yash?" Tanong ni Klint, nayakap na halos ang aking leeg dahil sa pagsipsip niya sa frappe. Nasa gilid ko na ang kanyang mukha. Yumuko pa talaga ito para lang makapantay ako.
Nag-angat ng tingin si Yashin pero mabilis ring binawi. Itinuon niya iyon sa pahinang nililipat lipat niya.
"Di ako papayagan ni Papa..." Halos pabulong niyang sagot, humihina ang boses.
Nailing si Troy. Nilingon si Klint at mabilis na sinampal.
"Walanghiya ka ako uminom niyan kanina! Nagka indirect kiss tayo!"
"Iinom rin naman si Red dito h'wag kang maarte."
"Bakla ka ba Klint?!" Hindi na nagpaawat si Troy. Kumalas naman si Klint at ibinalik sa akin iyong frappe. Nalihis na ang buong atensyon ng dalawa at nagsasapukan na. Tumawa nalang ako.
Tinabihan ko si Yashin. Dinungaw ko ang kanyang tinitingnan na libro. Nakakapagtaka at baliktad iyon.
"Baliktad ang libro, Yash." Natatawa ko itong ibinalik sa dati. Kumurap siya, nag-iwas ng tingin sa akin. What's wrong with her? Ba't parang wala siya sa kanyang sarili?
Sinipsip ko ang straw. Tumingin siya sa akin sandali, nginitian ko siya at nginitian niya naman ako ng tipid saka rin ibinalik sa libro ang tingin. Laking tuwa ko talaga at mayaman kami dahil kung hindi, baka magiging katulad ako ni Yashin. Hindi naman sa bobo ako, pero ayoko lang talagang magseryoso ng lubusan sa mga bagay bagay. Para kasing wala namang thrill ang ganoon.
"Daddy..." Niyakap ko si Dad na kakauwi lang. Galing siya ng Malacañang at late ng nakakauwi. Tapos pagdating sa bahay pagod na pagod pa.
"Hey, sweetie." Hinalikan niya ang aking noo. Umupo siya sa sofa kaya mabilis akong pumwesto sa kanyang likuran para masahiin ito.
"Mukhang naglalambing ah. What is it, hmm?" Tiningala ako ni Dad. Ngumuso ako.
"Uhm, Dad... Yung friends ko kasi nagkayayan magBar--Christienne Red. Have you forgotten how old you are?" Putol niya agad na ikinasimangot ko.
"Yes Daddy pero I'll bring my bodyguards naman please po! I just want to have fun this night. Please, daddy..." Niyakap ko na siya. Naaamoy ko ang nakasanayan kong pabango sa kanya. It's my Mom's favorite perfume. Her addiction.
"Oh honey, you know I hate it when you're sad." Hinaplos niya ang aking buhok. Ngiting tagumpay agad ako.
"You'll let me?!"
"Magpapapigil ka ba? Dahil kung oo ay pipigilan talaga kita." We both chuckled.
"I'll be good I promise! 'Tsaka exclusive naman iyon Dad eh. Di ako maglalasing swear! I just want to dance!"
"Alright, alright. Bring your bodyguards okay? Have fun."
Sa sobra kong tuwa ay hinalik-halikan ko na ito sa kanyang pisngi. "Thank you Daddy! You're the best!"
Nagtatatakbo na ako paakyat sa aking kwarto.
Eksaktong 10pm nang makarating kami sa sikat na Bar rito. Kumikinang ang malaking pangalan ng Bar sa labas. Tumatakas rin ang malakas na tugtog ng loob. Kaya rin dinadayo ang Bar na ito dahil mga gwapo iyong may-ari na magpipinsan.
Isang bouncing dress ang aking isinuot at 3high heel stilleto. Kinulot ko rin ang dulo ng aking buhok at iniba ang pagkakaayos ng buhok kong nasa left side. Humalo na ang aking side bangs roon at mas nag-eenhance sa mukha ko para maging mature ako tingnan. I need to look like one or else hindi ako papapasukin.
"Let me carry this." Kinuha sa akin ni Klint iyong sling bag ko saka niya iyon isinuot.
"I'm starting to think that you're really gay, Klint." Ngumiwi si Troy na nagpahagalpak ng tawa sa akin.
"It's cute Troy! Stop teasing my babe!" Niyakap ko ang braso ni Klint, inirapan si Troy na nasisira ang ekspresyon.
"Selos lang itong si Troy dahil wala siyang masuot na sling bag." Panggagatong naman ni Klint.
"May pitaka ako lul!" Nagdirty finger siya kay Klint. "At may lamang condom ito para sakaling swertehin ako ngayong gabi at makahanap ng magandang chic!"
Troy went wild in the middle of the dancefloor. May nakakasayaw na itong babae na tinatawanan lang namin ni Klint.
"Tara!" Hinila ko narin ito sa gitna ng dancefloor. Ngumingisi ito sa akin at nagpapahila. Wearing a faded jeans paired with black polo shirt, nakatupi ang magkabilang manggas sa kanyang braso at may suot na isang earring sa tenga. Kumikinang iyon kasabay ng pagngiti niya. He looks like a frigging hot model na may foreign features. Tapos suot niya pa ang slingbag ko.
"You know I don't dance." Kahit hindi marunong, sinabayan niya parin ako.
"Hindi mo kailangang maging dancer para sumayaw sa ganitong lugar, Klint!" Sigaw ko sa kanyang tainga dahil narin sa lumalakas na trance music at nasa peak na.
Hinawakan niya ang aking beywang, hinila ako palapit sa kanya dahil natatamaan rin ako ng ibang sumasayaw.
"Eh kahit ikaw hindi ka naman dancer." Sabi niya sakin.
"But I know how to dance sexily! Hindi man kasing lambot ng katawan ni Hannan iyong akin, marunong naman akong sumayaw pagdating sa ganito!"
"Too close!" Pumagitna bigla si Troy. Laglag ang aking panga nang makita itong topess na at winawagayway ang suot sa ere.
"Oh my gosh, Troy!" Humagalpak ako ng tawa.
"H'wag mo kaming ipahiya!" Si Klint ay nailing narin at natawa.
"Strategy ang tawag dito. I need to show my abs para maglaway ang mga chics!"
"Kadiri ka!" Inawat ko ito pero pursigido talaga siya sa pagpapahiya sa kanyang sarili sa maraming tao. Noong nagmacho dance na ito ay hindi ko na talaga kinaya. I was laughing my ass out at hindi na magawang sumayaw. Hinila nalang namin ito ni Klint para matigil na.
"Nakakahiya kang kaibigan Troy! Gwapo ka lang talaga e!" Umiiling-iling ako at sumimsim roon sa tropicana juice na nasa aking harapan. Bawal alcohol eh.
"Magaling akong sumayaw, Red! Kung naging babae lang ako baka hindi naging cheerleader iyang si Hannan! I'm way better than her!" Tumayo siya, nagsimula na namang sumayaw kaya hinila ko paupo.
"Kumpara sa akin na hindi marunong ay mas katanggap tanggap pa ata ang giling ko." Si Klint. Tinungga niya ang beer at hindi alam kung anong ekspresyon ang ibibigay kay Troy.
Speaking of Hannan, sa pagkakaalam ko ay sinundo pa iyon ni Leeland. Ang tagal naman ata ng dalawa.
Iginala ko nalang ang tingin sa dancefloor, and there I saw Uno grinding hisself at the back of a hot chic. Hawak niya ang balakang nito, sinasabayan ang nakakaakit na giling ng babae habang hinahalik-halikan niya iyon sa gilid ng tenga. Uno is really hot pero napakawomanizer rin talaga!
Speaking of Buenaventura, I wonder if Tres was like that too. Masasahol ang kanyang mga kapatid sa babae. At imposible namang walang karanasan si Tres diba. Baka nga masahol rin iyon--The heck Red what are you thinking oh my gosh! At bakit ko naman iniisip ang lalakeng iyon?! He's hopeless Red. He'll remained like that, boring! Walang ka thrill thrill sa buhay! Katulad ng linya ni Hannan, he's no fun, tsk.