Right Halos masamid ako sa sinabi ni Leeland. Nauubo kong tinanggap ang tubig na inilahad niya sa akin. Ininom ko iyon at kulang nalang ay iligo ko sa aking sarili para lang mahimasmasan sa narinig. Inilapag ko ang baso saka siya pinandilatan ng mata. "You what?!" I almost screamed at the top of my lungs. May mga costumer na napatingin sa akin pero hindi ko na iyon prinoblema dahil sa sinabi ni Leeland na kumuha ng buo kong atensyon. "Ikaw. Gusto kitang maging girlfriend. Pero seryoso. Iyong hindi laro." Mas nanlaki ang mga mata ko dahil sa linaw ng kanyang pagkakasabi. Oh my gosh! Nababaliw na itong si Leeland! "You're inlove with me Leeland?" I almost panicked. Nakakagulantang kasi! I mean... hindi ko lang talaga maiproseso sa utak ko. "Kung ayaw mo naman, pwede mong ipagpatu