Kababaeng tao
Hannan walked out. I don't know what's her problem. Siya na nga itong tinutulungan para hindi mahirapan sa project niya siya pa iyang ganyan. Akala mo kung sinong inapi.
Umalis narin iyong nerd dala dala lahat ng project namin.
"Nag-away ba kayo ni Hannan, Red?" Tanong sa akin ni Yashin na ipinagkibit ko ng balikat.
"I don't know. Let her. Babalik rin 'yon."
"Baka naman magpapractice na ulit iyon." Si Troy. Baka nga.
Hindi ko nalang pinansin ang pagiging cold ni Hannan sa akin. I know she'll get over it at papansinin ulit ako. Hahayaan ko nalang muna siyang magdrama at hindi ko alam kung sa anong dahilan. Busy rin naman kasi siya sa pagiging cheerleader niya kaya hindi na kami gaanong nagkakausap.
"I got higher grades because of you. Thank you for helping me Cesar." Pagpapasalamat ko sa kanya na ikinapula na naman ng mukha niya. Madali mong mababasa ang kanyang nararamdaman dahil masyadong expressive ang kanyang mukha. Kahit ang kanyang mga mata ay kumikislap sa tuwing natutuwa siya sa isang bagay.
Tumayo na ako, handa na naman itong iwan rito sa library na lungga niya. I hope this is the last.
"Uh R-Red..." Hinawakan niya ang aking pulso, pinipigilan ako sa pag-alis. Napatingin ako roon na mabilis niyang ikinataranta at binitiwan agad iyon.
"Hmm?"
"A-Ano kasi... P-Pwede bang ano... m-mang..."
Tumunog ang aking cellphone. Thank God! Natigil siya sa pagsasalita lalo na't nasa screen na ng cellphone ko ang aking buong atensyon.
Klint:
Iwanan mo na iyang nerd. Nasa cafeteria kami.
Ibinulsa ko iyon, binalingan si Cesar na namumutla na naman dahil sa kaba. Para na itong masusuka o ano dahil sa nararamdaman. Ang weird naman ng isang 'to.
"I need to go na eh. My friends are waiting for me. Kung may sasabihin ka sakin, nasa cafeteria lang ako. Bye!" Kinawayan ko siya, ngumiti ng matamis at tuluyan itong tinalikuran.
Nakagat ko ang pang-ibabang labi at nagpipigil ng tawa dahil sa reaksyon noong nerd pag-alis ko. He was so hilarious! Para siyang pinagsakluban ng langit at lupa!
Pagdating ko sa cafeteria, naroon na nga silang lahat. Hannan smiled at me when our eyes met. Mukhang tapos na nga siya sa pagdadrama niya. Mabuti naman.
"Kumusta ang date niyo noong nerd?" Pang-aasar agad ni Yashin.
"Kadiri." Komento ko, umupo sa tabi ni Hannan at kumuha ng fries. Nagkalat sa mesa ang iba't ibang pagkain.
"Did he tried to kiss you?" Troy grins at me. "Imagine him kissing Red... Tapos iyong brace niya. And to think wala iyong karanasan baka makagat niya pa ang labi mo at kumalat ang laway sa baba mo." Humagalpak siya ng tawa habang ako ay nandidiri na.
"Ew!" I almost panicked.
"Poor nerd..." Si Leeland, tawang tawa rin.
"Speaking of." Ngumuso si Klint roon sa may pinto kaya napatingin narin kami. Nakita ko iyong nerd, taas noong naglalakad rito, nakakuyom na naman ang mga kamao at kagat kagat ang pang-ibabang labi. What is it this time?
"This is going to be fun." I heard Troy murmuring.
Hinawi ko ang aking side-bangs, napangiti ng matamis at inaabangan ang paglapit nito.
Napalunok ito ng laway nang mapansin ang pagtitig namin sa kanya pero nagpatuloy siya sa paghakbang. Mukhang ibinuhos niya na ang lahat ng lakas niya para lamang umakto ng ganyan.
"R-Red!" He shouted, looking so proud with his thick glasses.
"Hmm? Cesar?" I called him in a softer voice.
Sa gilid ng aking mga mata, nakita kong palihim na nagvivideo si Troy.
"P-Pwede..." Huminga siya ng malalim lalo na't nakatingin na sa kanya ang lahat dahil sa pagsigaw niya sa aking pangalan kanina.
"Pwedeng?" Tanong ko, nabibitin sa kanyang pagsasalita. Just say it, tsk.
Pumikit siya ng mariin, mas ikinuyom ang mga kamao. "Pwede ba kitang ligawan?!"
Napasinghap ako, nagugulat parin sa kanyang confident na ipinapakita ngayon.
Maraming humiyaw na mga estudyante. Kahit si Klint ay napasipol na. Si Yashin naman ay nailing at natatawa. While Hannan, panay na naman ang titig roon sa nerd.
Tumayo ako, nilapitan ito na nagpalaglag ng kanyang panga. Pulang pula ang kanyang mukha at hindi maalis ang pagkakatitig sa akin.
Huminto ako sa kanyang harapan, kumurap-kurap siya. Matapang akong tiningnan sa mga mata.
"Cesar..." I held his both hands. Kung kanina ay dalawang pisngi lamang ang namumula, ngayon ay ang buo niya ng mukha. Para siyang kamatis.
"Sorry but I only see you as a friend." Madamdamin kong sabi sa kanya na unti-unting ikinawala ng kulay ng kanyang mukha.
"Pasensya na ha. Hindi ko alam na nabibigyan mo na pala ng kahulugan ang pagiging malapit natin. Maybe I'll just leave you alone. Ayoko namang paasahin ka. Mas mabuti sigurong dumistansya nalang ako sa'yo." Malungkot kong sabi, penepeke ang emosyon sa mukha.
He swallowed hard. Napaawang ang bibig para sana magsalita pero nauwi iyon sa pagkatutop.
Binitiwan ko ang kanyang kamay at bumalik sa aking upuan. Nanatili siya ng ilang sigundo roon, nakatayo at naninigas dahil sa kahihiyan lalo na't kinakantyaw na siya ng lahat. Everyone is laughing and teasing him. May nag boo-boo pa.
Mabilis siyang tumalikod at tumakbo paalis kaso sa katangahan ay nakalimutan niyang glass door iyong nasa harapan niya kaya nabangga siya roon. Nabasag ang kanyang suot na eyeglass sanhi para mas umingay sa loob ng cafeteria. Kahit ako, tawang tawa narin. Ang lamya!
Pinulot niya iyon at nagmamadaling lumabas. Napuno ng hiyawan ang loob. Kahit sina Leeland, Troy at Klint ay hindi na maawat sa kakatawa. Yashin just smiled aside from Hannan, naiiba na naman sa aming lahat.
"Why aren't you laughing? That's very funny! Tatanga tangang baduy na nerd!" I said laughing, hawak na ang tiyang sumasakit.
Mas naging seryoso ang mukha ni Hannan. "You humiliated him infront of everyone Red." She said like it was a bigdeal.
"What's the bigdeal Hannan? This is just for fun. At isa pa, siya ang sumugod dito. I didn't ask for it." Paliwanag ko, pinupunasan ang luhang namuo sa gilid ng mata dahil sa kakatawa.
"Oo nga naman Hannan! Ang bait pa nga ni Red at ginamit na naman ang famous line niyang "I only see you as a friend" sa nakakadramang paraan!" Si Klint.
Natawa akong muli lalo na't ginaya pa nito ang tono ng pananalita ko. Nailing si Hannan. Hindi na kumibo at sumubo nalang ng pagkain.
Dahil sa napagkasunduan ay nakuha ko nga ang credit cards ni Troy. I am going to spend it with them, chilling.
"Tara, cut tayo ng class!" Alok ko na ikinapayag agad ng tatlo. Aside from Yashin and Hannan.
"Pero may quiz pa tayo mamaya, Red." Si Yashin, nababahiran na ng pag-aalala ang mukha.
"Who cares, Yash? Pwede namang bayaran nalang ang prof para ipasa tayo."
Nasira ang kanyang mukha. Oo nga pala.
"Oo nga pala, scholar ka lang dito." Sabi ko na ikinaiwas niya ng tingin sa akin. "Kung ayaw mong sumama kami nalang. Pag nagtanong ang prof kung nasan ako sabihin mo umuwi ako. I'll pay you tomorrow."
Nag-iba ang ekspresyon ng kanyang mukha. Hindi na iyon mahitsura.
"Tayo na Yash. May practice pa ako." Hinila siya ni Hannan patayo.
"See you tomorrow!" Sabi ko sa dalawa, kinawayan ito. Nang tuluyang makalabas ay sumimangot rin ako. "Mga kj talaga."
"Seryoso si Yashin sa pag-aaral at seryoso naman si Hannan sa pagiging cheerleader. You can't blame them, Red." Si Klint.
"Pero kahit na. Mas masaya parin kung sasama sila. Masyado silang mga seryoso sa bagay-bagay." Nailing ako.
Lumabas nga kaming apat. Nakabuntot naman sa akin ang dalawa kong bodyguards incase na baka may mangyaring masama sa akin. Hindi naman naexpose sa media na anak ako ni Dad kaya wala ring alam ang ibang tao na hindi nakakakilala sa akin maliban lang sa school.
"Hindi ba magsusumbong ang mga bodyguards mo, Red?" Tanong ni Leeland. Nasa driver's seat ako ng kanyang sports car habang ang dalawa ay nasa likod.
Umiling ako. "Sesesantehin sila ni Dad pag nalaman nilang hinayaan nila akong gumala. Kaya pinayuhan ko nalang sila na h'wag akong isumbong dahil hindi rin naman ako magpapapigil sa pag-alis."
Nailing si Leeland, inipit ang sigarilyo sa gitna ng labi at akma itong sisindihan nang inagaw ko iyon. Nagkasalubong ang kanyang kilay, tiningnan akong ngumingisi na at sinindihan iyon mismo. He smirked after that.
Sumama ako sa madalas nilang puntahan tuwing nagkacutting sila. Nakauniporme pa ako hindi katulad ng tatlo na hinubad lang ang mga polo at nakatshirt nalang.
"Woah..." I was so amazed when we went inside. May mga estudyante rin roon na naglalaro ng billiard. The place looks like a clubhouse. Nagkalat ang mga pasaway na estudyanteng lumiban sa klase para lang tumambay rito.
Nanuot sa aking ilong ang matamis na usok ng vape na binubuga noong isang estudyante lalo na't airconditioned ang loob. Nakaupo ito sa sofa kasama ang mga kaibigan niya at may black label sa kanilang harapan.
"If you got bored then just tell us." Si Klint, nasa aking tabi.
"Bored? This place looks cool, Klint! Hindi ako maboboring!" Manghang-mangha kong sabi.
Natawa ng marahan si Troy sa reaksyon ko. Hindi inaasahang magugustuhan ko ang ganitong lugar na bihira lamang ang mga babae.
They started to play billiard. Nasa gilid naman ako ni Leeland,seryosong pinapanood ang mga bolang tinitira nila para maishoot roon sa mga nagkalat na butas sa bawat gilid ng pool.
Magaling si Leeland. Siya itong nakakashoot palagi. Si Klint naman ay nakakshoot rin minsan hindi kagaya ni Troy na kanina pa nagmumura dahil hindi pa nakakashoot.
"Pahinging stick, Leeland." Naasar na sabi ni Troy.
Kinuha ni Leeland ang isang paketeng sigarilyo sa kanyang bulsa at inihagis iyon kay Troy.
Kumuha siya ng isa roon. Lumapit naman agad ako at ako mismo ang nagsindi ng dulo ng kanyang sigarilyo lalo na't hawak ko lang ang lighter ni Leeland.
"Ano bang feeling, Troy?" Tanong ko habang tinititigan siya sa paninigarilyo.
"Nakakakalma pag mainit ang ulo mo. Want to try it?" Inilahad niya sa akin iyong sigarilyo niya.
Iginala ko ang tingin. Mukhang nasa labas ang dalawa kong bodyguards.
Kinuha ko iyon kay Troy, walang pag-aalinlangan. He was smirking while watching me hold it like a lollipop.
"Paano ba ito?" Nakukuryuso kong tanong, sinusuri ng mabuti ang sigarilyong may black na nakayakap sa dulo.
"Para lang naman iyang enhale exhale. Hithitin mo ang usok tapos ibuga."
"Ah, ganon lang pala."
Hinawakan ko ang dulo at inipit iyon sa mga labi ko saka ko hinithit iyong usok na sinasabi ni Troy. Pero hindi ko palang ito nabubuga ay naubo na ako dahil sa hapdi ng naramdaman ko sa aking lalamunan. Pakiramdam ko lumabas rin ito sa aking ilong!
"Akin na nga yan." Inagaw iyon ni Troy sa akin at natawa sa aking reaksyon.
"Teka! I'll try it again." Kinuha ko ulit sa kanya at inipit muli sa aking labi. Kaso katulad ng nangyari kanina ay naubo na naman ako.
Troy was laughing at me harshly. Seryoso kasi ang dalawa sa paglalaro kaya hindi na kami napansin rito.
"I suck at smoking." Bumusangot ang mukha ko. Sa hindi kalayuan, may nakita akong imahe ng estudyanteng kakapasok lamang. Napakurap-kurap ako nang napagtanto kong ang pamilyar na lalakeng iyon ay isang Buenaventura.
Naglakad ito papalapit sa amin at huminto rin naman sa harap ni Troy. Nakabulsa ang dalawang kamay at nakakasindak ang hitsura. Dito ba siya madalas?
"I'm going to play." Sabi niya kay Troy.
"Ah, sige." Ibinigay ni Troy ang hawak niyang stick. Kinuha agad ng kanyang mga tattoo sa kanyang kamay ang aking buong atensyon.
Binalingan niya ako, inagaw sa akin ang sigarilyo. "You don't even know how to do it properly. Sayang lang ang usok at di ka naman marunong." Sabi niya at inipit iyon sa kanyang labi. Madilim ang ekspresyon nito at matalim ang mga mata. He has this dark awra that can scare you. Marunong ba itong ngumiti?
Umalis ito sa aming harapan. Nagtungo na roon kina Klint at Leeland. Nagkatinginan naman kami ni Troy, kapwa nagugulat at nasindak sa Buenaventura na kumausap sa amin kanina. Feeling ko pag nagsasalita siya nagiging itim yung paligid. Scary!
"Aatakihin ata ako sa puso dahil sa lalakeng iyon." Madramang hinawakan ni Troy ang kanyang dibdib.
Natawa ako. "Ako nga rin eh. He's so intimidating."
"Buti nalang talaga at hindi si Dos ang naisipan ni Leeland na isali sa dare kundi paglalamayan ka talaga, Red." Bulong sa akin ni Troy.
I don't think so. Oo nakakatakot siya pero marunong naman siyang lumandi ng babae. He's a womanizer too, just like his brother Uno. Iyon nga lang mabait lang talaga ang lalakeng iyon kumpara sa kanya na parang dinadaan sa dahas ang lahat.
Para sa akin, mas mahirap parin landiin si Tres. Wala kasi itong interes sa mga babae at walang pakialam sa nakapaligid niya. Siya iyong tipo ng lalakeng kaya maging mabait pero mas pinipiling magsuplado dahil sa katamaran. Parang hinalo ang ugali ng dalawa niyang kapatid at siya ang naging resulta.
I watched that Buenaventura play with my friends. Napapailing na si Leeland sa bawat bolang natatamaan noong si Dos at walang palya sa pagshoshoot. Balita ko, palagi lang itong nagka cut ng klase. Dito rin ba siya madalas pumunta?
"Palagi nalang talaga tayong natatalo ng Buenaventurang iyon." Nailing si Klint, bumubuga narin ng usok ng sigarilyo pagkatapos nilang maglaro.
Nilingon ko si Dos. Naroon na siya sa couch, nakikipag-inuman na sa iba. Siguro ay kilala siya rito. O baka naman hindi lang talaga pumalapag ang mga lalake sa tuwing nakikisawsaw siya. Madalas nga ata ito rito.
"Kaya nga ayokong makipaglaro sa kanya dahil baka pag natalo ko siya ay isaksak niya sa akin iyong stick." Sabi ni Troy na ikinangiwi ng dalawa
"Eh hindi ka rin naman marunong." Si Leeland.
Kinuha ko iyong inilapag na stick ni Klint sa pool. "Turuan niyo ako."
Tumaas ang kilay ni Leeland. "You sure?"
Tumango ako. "Para naman pag nandito ako ay hindi lang puro panonood ang magawa ko. I want to play too."
Pumusisyon si Leeland sa aking likod. Para niya akong niyayakap roon. Hawak niya ang aking kamay sa paggiya ng hawak kong stick.
"Concentrate. Just aim the ball and hit it." Sabi niya, halos ibulong iyon sa aking tenga. Naamoy ko pa ang mint ng sigarilyong hinithit niya kanina.
Nahihirapan akong gamitin iyong stick. Bukod pa sa hindi naman kahabaan itong braso ko kumpara sa mga lalake, hindi rin ako magaling humawak noon.
Nalilibang ako sa tuwing kasama ko ang mga lalake. Sila kasi iyong walang drama at puro pagsasaya lang ata ang iniisip.
Lumiban kaming muli sa klase kinabukasan. Doon na naman kami pumunta. Pero mabilis lang naman kami roon at babalik agad sa eskwelahan lalo na't may long quiz sa huling quiz.
"Run faster, Red!" Hiyaw sa akin ni Klint pagkapasok namin ng gate. Malapit ng magsimula ang huling subject. Kumpara naman sa mahahaba niyang biyas, nahuhuli ako sa pagtakbo at hindi man lang ito mapantayan.
"Wait!" Hinihingal kong sigaw. Halos habulin ang sarili kong hininga.
Sa pagmamadali kong makarating agad, hindi ko na napansin iyong estudyanteng nasa aking harapan at nabangga ito.
Sa sobrang lakas ng impact ay napaupo ako sa sahig. Napasigaw nalang ako dahil sa sobrang sakit ng pagkakatama ng aking pwet roon.
"Oopse! Sorry! My fault." Natatawa kong sabi, tiningala ang lalakeng huminto na sa aking harapan, nakapamulsa at wala man lang reaksyon sa pagkakabangga sa akin. It was my fault anyway.
Tuluyang naglaho ang aking ngiti nang mapagtanto ko kung sino ang lalakeng iyon. Tres was standing infront of me while staring coldly. He didn't even bother offering his hand to help me.
Oh s**t.
"U-Uh... I need a help." Sabi ko, lalo na't masakit ang pagsalampak ko at kailangan ang kamay niya para hilain ako patayo.
He just stared at me blankly. Wala man lang planong ilahad sa akin ang isa niyang kamay na nakabulsa. H'wag kanang umasa Red! You know how heartless that man is!
Inamoy niya ang kanyang polo saka nagkasalubong ang kilay na binalingan akong muli.
"Amoy sigarilyo." Tumaas ang kanyang kilay. May pagkadisgusto ang mga mukha dahil nahawaan ko pa ito.
Nanlaki ang aking mga mata at inamoy ang sarili. Hindi naman ako sumubok ulit kanina pero dahil nga napapaligiran ako ng mga taong nanonigarilyo ay baka dumikit na iyon sa aking blusa.
"B-Baka dumikit lang sa a-akin iyong usok--Hey!" Napasimangot na ako nang nilagpasan niya na ako. Hindi man lang ako tinulungang makatayo!
I heard him tsked. "Kababaeng tao naninigarilyo."