1

2452 Words
Nerd "Good morning, Red." Bati sa akin ng mistesong lalake pagkapasok ko ng eskwelahan. Katulad ng nakasanayan ko, ngumiti ako ng matamis rito at bumati rin. "Good morning." I said in a softer voice. Hinawi ko ang aking buhok paatras at marahang humagikhik dahil sa pamumula ng mukha nito.  Siguro, kilala ako hindi lang dahil anak ako ng isang senador na gumagawa ng ingay sa politika kundi narin dahil sa pagiging friendly ko. I am treating the people around me nicely. Kadalasan ay mga lalake ang malapit sa akin. To think na dalawa lang rin ang babaeng kaibigan ko rito at mga lalake na ang iba.  "Good morning, babe." Klint greeted me pagkapasok ko. Nakasanayan niya na iyong endearment. Just for fun lang rin naman kaya walang kaso iyon sa akin. I chuckle. "Good morning." Sabi ko, inilapag na ang mga gamit ko sa aking desk.  Klint placed his chin on my desk while grinning. "Hindi ka ba kinakabahan sa dare ni Leeland sa'yo? You might lost it, this time."  Itinulak ko ang kanyang mukha paalis roon na nagpaatras sa kanya. Umupo ako, kinuha ang aking salamin sa loob ng purse at tiningnan ang sarili. "I don't think so. May lalake bang hindi matatablan sa karisma ko, Klint?" Tanong ko habang pinapasadahan ng haplos ang aking mumunting bangs. I placed it sidewards para maenchance ang maganda kong noo at ang maganda kong kilay.  "Oo." He said surely kaya napatingin ako sa kanya. "Who?" "Edi si Tres." Mapang-asar niyang sagot. Tumataas na ang dalawang kilay, ngumingisi ng malaki.  Nailing ako. "Lalake parin naman iyon. Baka konting pacute ko lang bumigay na 'yon." I said softy.  "Hmm... Let's see about that." Sinimangutan ko si Klint. Alam kong kilala ng lahat si Tres rito bilang heartless. Saksi rin kasi lahat ng mga estudyante rito sa pagiging coldhearted ng lalakeng iyon. At isa pa, naging kaklase namin siya ni Hannan noong first year kami. He was very silent at nakaupo lang sa likod, minsan nasa labas ng bintana ang tingin at madalas ay natutulog sa desk.  "Baka nga pag ngitian ko lang 'yon tayuan na iyon ng ano..." Malisyoso ko siyang tiningnan at humagalpak rin ng tawa. Klint's jaw dropped.  "Sabi mo ha!" "Talaga!" Pagmamalaki ko pa. Sa lahat ng mga lalakeng namamansin sa akin, si Tres itong ni minsan ay hindi man lang ako nagawang kausapin kahit na magkaklase kami. I don't even find him attractive kasi nga hindi kagaya niya ang mga type ko. Kaya nga hindi ko rin magawang gustuhin ang katulad niya dahil feeling ko ang boring niyang kasama. I am very outgoing and adventurous, palakaibigan rin ako at hindi ata nabubuhay na walang kasama. Unlike him... Hannan used to like him noon. Iyon rin ang ikinakabahala ko noong nasali si Tres sa dare namin. Baka kasi hanggang ngayon ay gusto niya parin iyon. But that was 2 years ago anyway. I can't imagine myself being with that Buenaventura. Siguro namatay ako sa sobrang tahimik niya. Minsan, namamataan ko iyan sa bleachers, nakahiga roon habang may takip na libro ang mukha. I never seen him on crowded area such as cafeterias, gym, basta iyong maraming tao. Para siyang isang invisible. I wonder bakit may mga ganoong lalake? Nakakacool ba iyon? I find them boring to be honest. Sina Klint, Leeland at Troy ay hindi naman ganoon. Even Marco. They're happy go lucky like me.  Si Yashin at Troy ang kaklase ko habang naiiba naman ng classroom sina Leeland, Hannan at Klint. Yashin is not an early bird person kaya mas nakakadaldalan ko pa sa umaga si Troy kaysa sa kanya. Tamad iyong gumising sa umaga.  Nagtungo kaming dalawa ni Yashin sa gymnasium pagkatapos ng klase. Pagpasok namin, nakita agad namin ang kaibigang pinupunasan ang sarili dahil sa pawis. She was wearing a halter back sando paired with short shorts. Her nape is quite expose dahil sa buhok niyang nakabun.  "Hannan!" It was Yashin who called her. Lumingon ito sa amin, kumaway si Yashin sa kanya kaya kumaway rin ito sa amin, nakangiti.  "Let's have our lunch. Sabi ni Troy manlilibre raw siya." Anyaya ni Yashin. "Mauna na kayo. Kailangan ko pang magpractice. They need my presence here." Paliwanag niya. "Aren't you hungry? I'm sure Leeland will get mad kung nalaman niyang hindi ka kakain ngayon lunch." Sabi ko. "I'll just eat later." Napasimangot kaming dalawa. Lalo na't nagtungo na ito sa bleachers at kumuha roon ng bottled water. Sinenyasan pa kami nitong mauna nalang. "Let's just go, Yash." Hinila ko ang kaibigan paalis roon kahit na mukhang ayaw niya pang umalis para kumbinsihin pa si Hannan. Hannan is a cheerleader. Bukod kasi sa maganda rin ito, flexible ang kanyang katawan at magaling mang-akit ng manonood. Nakakaya niyang kunin ang atensyon ng lahat at titigan na lamang siya sa kanyang ngiti. Wala rin naman kasi akong interes sa mga ganyang bagay kaya nagstick nalang ako sa pag-aaral. Ayoko rin ng distraction dahil iyon nalang ang naibibigay kong kasiyahan sa aking mga magulang na palaging busy.  "Red, si Tres oh!" Itinuro siya ni Yashin. Kapwa kami natigil sa paglalakad dahil sa lalakeng nakapamulsa, may nakayakap na headphone sa leeg at walang emosyon ang mukha.  He was wearing his usual uniform without his ID. Matangkad ito, maganda ang tindig at may misteryosong mga mata.  Pero hindi iyon ang lubos na kumuha ng aking atensyon kundi ang babaeng nasa harapan niya. Nakaupo ito sa sahig at nagkalat ang mga gamit. "T-Tres..." The girl called in a shaky voice.  Yumuko si Tres. Ni hindi nakitaan ng pag-aalala sa eskpresyon nito. "Ikaw ang pumulot total tatanga tanga ka." he said coldly. Nagawa pa nitong hawiin ang gamit ng babaeng nakaharang sa kanyang daanan gamit ang kanyang paa saka umalis roon.  My heartbeats went wild. Ganoon siya kawalang-puso sa mga babaeng nakapaligid sa kanya.  "Hindi man lang tumulong. Napakaheartless." Halos pagalit kong sabi, wala sa aking sarili. Hindi ko namalayang nasa malapit na pala ito. Kung hindi ako siniko ni Yashin ay hindi ako matatauhan sa kanyang presensya. "I think he heard you." Pabulong na sabi sa akin ng kaibigan, kinakabahan.  Nakaramdam narin ako ng kaba pero hindi iyon pinahalata. Nagpatuloy ang kanyang paglalakad hanggang malagpasan kami. Ni hindi man lang nagsalita. I even smelled his manly perfume. Para iyong naiwan sa aking gilid at kumakalat na sa paligid.  I sighed. Handa ko na sanang puntahan ang babae at tulungan kung hindi lang dumating iyong isa niya pang kapatid. Lumuhod si Uno sa harapan nito at tumulong sa pagpulot ng gamit.  "I'm sorry for my brother's behavior. Are you okay?" Tanong ng concern na si Uno. Nahihiyang tumango iyong babae lalo na't hinawakan pa ni Uno iyong kamay niya at pinatayo siya. Hinakot ata ng Buenaventurang iyan ang pagiging gentleman at mabait kaya walang natira sa kapatid niya.  "Oh, nasan si Hannan?" Tanong agad ni Leeland nang makarating kami sa cafeteria.  "Kailangan niya pa raw magpractice eh. Malapit narin ang kompetesyon kaya siguro ganoon na siya kapursigido." Paliwanag ni Yashin. "Eh ba't ang tagal niyo?" Si Troy. "Eh kasi nakita namin si Tres sa hallway! May sinupladuhan na naman." Si Yashin parin. Napatingin sa akin ang tatlo. Ngumuso ako at umubo ng fries.  "H'wag nalang kaya nating isali si Tres, Leeland. Ayoko namang matulad si Red sa mga babaeng pinagmukhang tanga ng lalakeng iyon." Klint complained.  "Stop worrying, Klint. I can handle that heartless man, ako pa!" I assured him. Ginulo ni Troy ang buhok ko. "Oo nga naman. Ikaw pa eh bilib na bilib ka sa sarili mo."  Hinawi ko ang kanyang kamay, umirap. "Makikita mo Troy, pababaliwin ko siya sa akin."  "This is very exciting." Leeland chuckles.  Iyon ang naging usapan namin habang naglalunch. Hindi ko nalang muna prinoblema iyong si Tres dahil nangunguna pa sa listahan iyong baduy na nerd.  Kumuha ako ng kahit anong libro sa bookshelf. Nasa loob ako ng library. Dito rin naman kasi ang tambayan nitong nerd na ito. And as expected, nakita ko siya sa sulok, mag-isang nakaupo at kasama ang mga patong patong na libro. Troy is really making fun of me. Sa daming lalakeng makikita itong nerd pa.  "Hey..." I said sexily in a softer voice. Napakurap ito. Nagawa akong tingalain gamit ang makakapal niyang eyeglasses. "R-Red..." Nauutal niyang tawag. "Uhm, pwedeng umupo?" Ngumiti ako ng matamis na ikinapula ng kanyang pisngi. "H-Ha? Sure!" Mabilis ang kanyang pagtayo. Sa pagkakataranta ay nasagi niya pa iyong pinagpapatong niyang libro sanhi para malaglag. Ay tanga. Napayuko ako at akmang tumulong kung hindi lang rin siya yumuko kaya ang ending ay nagkabungguan ang aming mga ulo. Ang tanga tanga jusko naman! "S-Sorry! Sorry!" Natataranta niyang hinawakan ang aking ulo, kaso nang maalala niyang hinahawakan niya ako ay mas nataranta pa siya. Napakaabsentminded naman ng baduy na nerd na ito. Kinuha ko ang kanyang eyeglasses na nalaglag at ibinigay iyon sa kanya. "Okay lang." Medyo natatawa kong sabi, binabalewala ang masakit kong ulo. Darn it. His cheek turned red. Mabilis ang kanyang kilos sa pagpulot ng libro lalo na't narinig na namin ang librarian na sinasaway kami rito dahil sa pagiging maingay. Isang libro lamang ang nakaya kong pulutin. Tumayo ako at ibinigay iyon sa kanya. Inilapag niya naman iyong iba sa mesa at kinuha narin iyong akin. "S-Salamat." Nahihiya niyang bulong. Ngumiti ako, umupo sa tabi ng kanyang upuan.  Ramdam ko ang pagiging uneasy niya. Kung paano niya inaayos ng mabuti ang kanyang eyeglasses at nililingon ako minsan. Noong tumama ang kanyang braso sa akin, halos mataranta siya. Akala mo nakuryente o ano.  "N-Ngayon lang kita nakita rito. M-Mahilig ka palang magbasa R-Red?" Nauutal niyang tanong.  "Not really." Tumawa ako ng marahan. Kumurap siya, nahihiyang yumuko. Asa naman na mahihilig ako sa pagbabasa. Ang boring. "A-Ah ganon ba..." "Yea... May hinahanap lang akong libro kasi hindi ko magawang sagutan iyong assignment ko." paliwanag ko na ikinaliwanag ng mukha niya. "P-Pwede bang matingnan ang assignment m-mo?"  Tumango ako, ibinigay iyong dala kong notes. Sa totoo lang, sinadya kong hindi sagutan iyong assignment dahil alam kong magagalit ko iyon sa kanya. Matalino ang nerd na iyan kaya magkakainteres talaga siya sa mga assignments ko. Pinasadahan niya iyon ng tingin, seryosong sinusuri ang bawat tables. Math kasi kaya nakakatamad rin sagutan.  "M-Madali lang naman ito." Sabi niya, nagsisimula ng sulatan gamit ang ballpen niyang nasa bulsa ng kanyang polo. Nerd talaga, tsk.  Panay ang kanyang pag-explain sa akin habang ako ay tumatango nalang, gusto ng mahikab dahil sa kanyang pinagsasabi. I am not interested, anyway. s**t talaga itong si Troy!  "Ang talino mo naman! How I wish kasing talino mo ako para hindi ako mahirapan sa assignments ko." Ngumuso ako, pasimpleng nagpapacute sa kanya. Yuck! Namula ang kanyang pisngi, inilagay ang kamay sa batok at parang kinamot iyon. "A-Ah, pwede namang ako nalang ang s-sumagot sa a-assignments mo R-Red..."  "Talaga?" tanong ko, sumisilay na ang ngiting tagumpay sa labi. This is the first step! "O-Oo naman!" We became close. Let's just say tuwing lunch ay kasama ko ito sa library. Pakiramdam ko tuloy nagbabible study kaming dalawa. At minsan, dinadalaw rin talaga ako ng antok sa sobrang boring. Siya na ang sumasagot ng mga assignments ko. At sa mga nagdaang araw ay palagi akong nakakakuha ng mataas na marka dahil nga sa tulong niya. Hindi rin naman pala masama.  "U-Uh, Red..." "Hmm?" Binalingan ko siya, tapos niya ng sagutan ang aking panibagong assignment kaya aalis narin ako.  "A-Ano kasi..." Namula ang kanyang pisngi, hindi na halos makapagsalita ng matino. Bumabaliktad na naman ang dila kaya nabubulol at hindi na alam paano magsalita ng maayos. "Ano 'yon Cesar?" Tanong ko. Kahit ang pangalan niya ang baduy pakinggan.  "P-Pwede bang ano, s-sabay tayong maglunch b-bukas... I-Ililibre naman k-kita..."  "Sure!" Walang pag-aalinlangan kong sagot na mabilis na ikinaangat ng kanyang tingin at lumalaki ang dalawang mga mata dahil sa gulat.  "Talaga?!" Halos mapasigaw siya.  "Keep quiet!" Saway ng librarian sa amin kaya nahihiya siyang tumango roon.  "Yep, why not." I smiled sweetly. "Thank you pala sa assignment ha! See you tomorrow! Bye!"  Iniwan ko ito sa library. Napabuntong nalang ako ng hininga. Nagsisisi tuloy ako kung ba't pa ako pumayag sa paanyaya nitong sabay kaming kumain bukas.  "What?" Yashin laughed hysterically. Halos hampas hampasin niya ang aking desk sa kakatawa ng malutong pagkatapos kong ikwento sa kanya na maglalunch kami ng nerd na iyon bukas.  "Ikaw na talaga Red! Hangang hanga na ako diyan sa karisma mo!" She laughed again, hindi ko na maawat.  Nakabusangot kong isinandal ang aking ulo sa aking desk. What if kumalat na dinidate ko ang nerd na iyon? Pero alam naman ng lahat na super friendly ako kaya iyon rin siguro ang iisipin nila pag kasama ko iyong baduy na nerd.  "Hindi ko alam kung kailan maiisipan ng lalakeng iyon na ligawan ako para matapos na." Reklamo ko.  "Wala iyong confident sa sarili kaya baka nauunahan iyon ng hiya kaysa maisipang ligawan ka." sagot ni Yashin, pinupunasan na ang gilid ng mata sa kakatawa kanina.  "Kating kati na akong bastedin ang lalakeng iyon para matapos na ang pakikipaglaro ko sa kanya. He's a torture."  "Kahit ako, wala sa bukabularyo ko ang pumatol sa nerd!"  Noong nalaman iyon ng mga lalake ay tawang tawa narin sila. They can't believe na nagkalakas-loob raw iyong nerd na yayain akong maglunch bukas. Siguro ay tuluyan na iyong nahulog sa akin. Wala lang talagang lakas ng loob pumorma. Iyon ang hinihintay ko.  It was lunch time, nasa cafeteria kaming anim. May kinukwento sa amin si Troy kaya hindi kami maawat kakatawa. Kung hindi lang talaga sumulpot iyong nerd.  "R-Red..." Nahihiya niyang tawag sa akin na nagpatigil sa amin sa kakatawa.  Palihim na siniko ni Troy si Klint, nagpipigil ng tawa ang dalawa dahil nga sa imahe nito sa aming harapan. Namumula ang kanyang pisngi, suot ang makapal na eyeglasses at ang sinturon niyang nakikita sa suot na pants dahil sa tack-in niyang uniporme. Idagdag pa ang sintas ng kanyang sapatos na may rainbow na kulay. Ang baduy talaga nakakakilabot! "Yes?" tanong ko. Alam ko namang ngayon iyong pag-aanyaya niya sa aking kumain kami ng sabay pero sinadya ko talagang kalimutan.  "U-Uh, d-diba n-niyaya kitang kumain?" "Ay oo nga pala. Nakalimutan ko!" Pagpapanggap ko, iyong mga lalake nagpipigil na ng tawa kahit si Yashin ay kagat kagat ang pang-ibabang labi maliban kay Hannan na nakatitig sa nerd. "G-Ganon ba..." Dismayado ang kanyang mukha, namumutla na ito. "Maybe next time." Sabi ko.  Tumango tango siya, hindi mahitsura ang ekspresyon dahil sa hiya.  "S-Sige." Tumalikod na siya, nag-akma nang umalis kaya tinawag ko itong muli. "Cesar!" "R-Red?" Mabilis ang kanyang paglingon sa akin, lumiliwanag na ang mukha. "Uh, may project kasi yung mga kaibigan ko. Total matalino ka naman, pagawa naman oh."  Nawala ang excitement sa kanyang mga mata dahil sa sinabi ko. Tumango siya, hindi na umaabot ang saya sa kanyang mga mata kahit na nakangiti naman ito. "Sige. Akin na." Lumapit siya sa aming mesa.  Ang tatlo naman ay kanya kanyang kuha sa kanilang mga project at ibinigay kay Cesar. Isinama ko narin iyong akin at kahit si Yashin ay nakisali na.  "Ikaw Hannan. Isali mo na iyong sa'yo total magiging busy ka sa pagpapractice." Sabi ko sa kanya.  "Kaya ko namang sagutan. Kayo nalang." sabi niya sa akin.  "Isama mo nalang. He's smart don't worry. May nerd bang hindi?" Malutong akong natawa na ikinatawa narin ng iba. Yumuko iyong nerd habang si Hannan naman, nagkakasalubong na ang kilay at hindi man lang nagawang makisali sa tawanan. What's wrong with her?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD