Fool
"What happened to her?" Tanong ko pagkapasok ng classroom kinaumagahan. May umiiyak na kaklase ko sa kanyang armchair.
Inilapag ko ang aking mga gamit habang tinatapunan ng tingin iyong babaeng kahit ang mga eyeballs niya ata ay naiiyak niya na palabas. Namatayan ba iyan?
"Si Tres ang salarin." Sagot ni Yashin na ikinabura agad ng haka haka sa aking isipan. Si Tres? Ah, brokenhearted panigurado.
Naging interesado agad ang buo kong atensyon. To think na nakabangga ko pa ito noong nakaraang araw at hindi man lang ako tinulungan! Siguro kung crush ko ito ay matutulad ako sa babaeng iyan, hindi lang ata ang mga mata ko ang maiiyak ko palabas kundi pati narin ang mga lamangloob ko.
Umupo ako, tiningnan sa unahan ang armchair ni Klint na bakante pa. He's not yet here.
"Anong ginawa ni Tres?" I'm curious, alright! Kasi naman, kahit alam kong wala talaga iyong puso, gusto ko paring marinig iyong pinaggagawa niya. Maybe, maiwasan ko iyong pinaggagawa ng ibang babae sa kanya na hindi na gumana.
Binalingan muna ito ni Yashin saka bumulong sa akin. "Nagconfess siya na mahal niya ito..."
Nalaglag ang aking panga. Mahal? Ang bilis naman ata. Posible mo bang magustuhan ang isang lalakeng hindi naman kamahal-mahal ang ugali? Bakit niya ito minahal eh wala nga silang pinagsamahan. Why did she fell inlove with that heartless man? Dahil ba gwapo ito? Sapat na ba ang dahilang iyon para mahalin mo ang isang lalakeng wala namang pakialam sa'yo?
She's a transferee student. Kaya rin siguro malakas ang loob niyang magconfess dahil hindi niya nasaksihan ang ugali ni Tres rito. Hindi ata ito naniniwala sa mga sabi-sabi. O baka naman alam niya at malakas lang talaga ang loob niya.
"At alam mo ba ang sabi ni Tres kaya umiiyak iyan na parang namatayan ngayon?" She paused for a moment just to glimpsed at her. "He's not her type."
Was that enough to hurt you so bad? Sapat na ba iyon para iyakan ang ganoong klaseng lalake? I mean parang ang babaw naman ata. Yes it hurts. Pero kailangan ba talagang magsayang ng luha?
I admit, I've never been inlove. At bata pa naman ako kaya puro laro lang muna itong ginagawa ko. I am having fun because it is not the right time to take things seriously. Anong alam ko sa pagmamahal sa edad na 15? I am just exploring discovering new things. Kaya rin siguro lumalayo ako sa mga love love na iyan dahil wala naman iyang naidudulot sa mga babae kundi sakit lang sa puso. Base on what I see in movies...
Naging usap-usapan sandali sa campus ang pagbasted ko raw doon sa nerd. Sanay na ako sa mga ganoong issue dahil alam rin naman talaga ng lahat na stick ako sa pag-aaral ko. Well...
Kung gaano kabilis ang araw na lumilipas, ganoon rin kabilis nahuhulog ang mga lalakeng pinag-uutos nila sa aking pabigayin ko raw. It is not easy to tame someone you don't exactly know. Bukod kay Tres, may maldito rin pala silang isinali. Akala ko kasi dalawang tao lamang ang may ganoong ugali rito. Iyong si Dos at si Tres.
Pero iyong pagiging maldito niya ay tumiklop rin naman sa akin. He was treating me nicely. I don't know I do it, sadyang naaakit lang talaga sila.
"You dumped 3 guys in just a week. Wow, you're a legend for being a heartbreaker." Kunwari ay naiiyak si Troy habang pinapalakpakan ako. Madrama niya iyong ginagawa rito sa tambayan nila. We cut our classes again.
Tumawa ako. "Bilib ka naman masyado."
Paano ba naman, iyong isa na napabaliw ko sa akin ay pumunta talaga sa classroom at ipinangalandakan ang pagmamahal niya sa akin. Doon ko rin siya binasted. Sa harap ng marami kong kaklase.
Iyong isa naman ay sa gymnasium. Umakyat lang naman ito sa stage at inagaw ang mic roon sa nagsasalitang student council para lang magtapat sa akin sa harapan ng lahat. At katulad ng ginagawa ko, binasted ko rin ito sa maraming tao.
"Isang lalake nalang ang paaamuhin mo at mapupunta kana sa lalakeng katapat mo." Si Klint, ngumingisi na.
Ngumuso ako. Bakit ba iniisip nilang katapat ko ang lalakeng iyon? Have you forgotten what happened between you and Tres, Red? You have no effect on him! Ni hindi ka man lang nagawang tulungan and worst ay mukhang nagalit pa ito sa akin dahil nadikitan ko siya ng amoy ng sigarilyo. Ang arte naman ata ng lalakeng iyon!
Hindi ko na sinabi iyon sa kanila dahil ayoko ring asarin nila at pagtawanan. I'm pretty sure magdidiwang talaga sila pag nalaman nila iyon.
Kinuha ko ang stick ni Troy at pumwesto sa harap ng pool. Yumuko ako ng kaonti at seryosong tiningnan ang bolang gusto kong ishoot. Tinira ko iyon. Bumangga ito sa iba pang mga bola hanggang sa nashoot iyong isa.
Leeland whistled while Klint and Troy were clapping now.
"Para akong isang parents na proud sa pinalaki kong anak at may mga achievements nang ganito." Si Troy
Binatukan siya ni Klint. "Anong klase kang magulang kung tuturuan mo ang anak mo sa mga ganitong klaseng bagay?"
Pumwesto si Leeland sa tabi ko habang nagtatalo ang dalawa. I laughed a bit. Para rin talagang mga bata ang dalawang iyan.
"Are you excited to pin down that Buenaventura, Red?" Tanong sa akin ni Leeland, makikita ang nakakalokong ngisi sa kanyang labi. Like he was so sure with something...
"Oo naman! So prepare yourself Leeland. I am starting to like your sports car. Baka iyon ang hilingin ko sa'yo pag natalo kita." Mayabang kong sabi na ikinatawa niya.
"You're the one who needs to prepare, Red..." Ipinatong niya ang kamay niya sa kamay kong nakakapit sa gilid ng pool. Napakurap ako roon at bumaba ang tingin. Hinaplos haplos niya iyon habang ngumingisi siya sa akin at tumataas ang kilay.
Pasimple ko iyong binawi at tumawa. "I'm always prepared. No need to remind me."
Hindi naman purket wala akong karanasan sa mga bagay bagay ay ignorante na ako sa mga ganito. Sa pagiging heartbreaker ko, nababasa ko na ang iilang gestures ng mga lalake. Nahuhulaan ko kung anong kahulugan ng mga kilos nila. Pero ewan ko ba, I am not falling.
It was a hot afternoon. Naka PE kami at panay ang takbo rito sa gymnasium. I was sweating real big time!
Kaya imbes na manatili roon at makisali, palihim akong tumakas para pumunta sa shower room. I'm going to take a bath! Hindi ako makakatiis sa ganito!
Magkatabi ang locker room ng babae at lalake. Hindi palang ako tuluyang nakakapasok sa locker namin ay may nakita na akong babae sa locker room. Out of curiousity ay doon na pala ako dinala ng dalawa kong mga paa. Patago akong pumasok.
Gaga ka rin talaga Red! Paano kung may ginagawa pala talaga iyang kababalaghan edi nakasaksi ka ng live p**n! Ew! I can't imagine someone pumping his thing in and out inside her! Ang sagwa naman!
Nilalamon ako ng pag-iisip ko kung hindi ko lang narinig ang malambing na boses ng babae.
"T-Tres... please..." Napakurap ako roon. Si Tres na naman? Tsk tsk. Kawawa naman ito. Wala na ba siyang magawang matino sa kanyang buhay kaya pinaglalaanan niya ng oras ang walang pusong lalakeng iyan? Kahit alam ko na ang kahihinatnan niya, hindi ko parin magawang umalis.
"I'll d-do anything... P-Please... Let's just try... B-Bigyan mo naman ako ng chance oh." She's teary-eyed while pleading oh my gosh! May luha na namang masasayang! Araw araw atang pinapabaha ng luha ni Tres rito sa campus! Lahat ata ng babae rito ay kaya niyang paiyakin kahit wala siyang gawin.
"Sabihin mo nga sakin anong nagustuhan mo?" The coldhearted man asked in a baritone voice.
Hindi ko makita ang imahe ni Tres dahil nga sa kakatago ko rito sa gilid. Ang tanging malinaw lamang sa akin ay iyong babae.
"N-Noon palang. N-Noong first day of school gusto na kita!"
He tsked. "We're not even close. Ano yan? Love at first sight?"
"Basta alam ko... g-gusto kita..." Sabi nito sa nanginginig na mga labi.
"Hindi kita gusto." Deritsahang pagbibitiw ng salita ni Tres. Walang labis, walang kulang. Sakto lang para bumuhos ang sandamakmak na luha ng babae. Para takpan ang boses nito at hindi tumakas ang kanyang pag-iyak.
"Now leave. Di mo man lang binigyan ng kahihiyan ang sarili mo at pumasok ka pa talaga sa locker room ng mga lalake." Walang puso nitong sabi. Ouch, natamaan ako doon ha! Eh nacurious ako bakit ba!
Dismayadong dismayado ang babae nang tumakbo ito palabas. Mabilis pa akong nagtago sa sulok at natamaan iyong mga nakalagay na equipments roon kaso mukhang wala itong pakialam sa presensya ko at nagtatakbo na palabas.
Sa sobrang pagpapanic kong makatago ay nagsilabasan ang iilang equipments. Mga barbell iyon na ginagamit ata ng mga lalake rito para magwork-out.
Handa narin akong umalis kung hindi lang talaga may pumulot ng barbell sa aking harapan. Sinundan ko ang braso nito, mula roon ay unti-unti kong inakyat ang aking tingin sa kanyang mukha. Tumayo siya ng tuwid at tiningnan ako sa nakataas niyang kilay. Nanlalaki ang aking mga mata nang mapagtanto ko ang kanyang ayos. His hair was dripping wet without any clothes on! Towel lamang ang nakayakap sa kanyang beywang. Oh my g-gosh!
"Naninilip ka ba?" Tanong niya na ikinaawang ng aking labi. Jusko Red huwag na huwag mong ibababa ang iyong tingin sa kanyang tiyan kung ayaw mong mahimatay sa kanyang kakisigan!
Suminghap ako, hindi magawang makapagsalita. Natutop ang aking bibig. Mabilis akong tumayo. Sa sobrang sikip rito sa sulok ay nahirapan pa akong umalis. Itinulak ko siya paalis sa aking harapan. Nakaya kong hawakan ang basa niyang tiyan oh my gosh oh my gosh ang kamay ko! Nagkakasala na ang malambot kong kamay oh my gosh!
Bago paman ako makaalis ay nahawakan niya na ng mahigpit ang aking pulso. Walang kahirap-hirap niya akong hinila pabalik at isinandal sa locker. Nanlalaki ang aking mga mata nang bumalandra sa akin ang mukha niya. Misteryoso ang matalim at inaantok na mga mata at nakatingin sa akin ng deritsahan.
"T-Tabi nga! Aalis na ako." I tried to escape pero halos mapatalon ako nang marahas niyang itinukod ang isa niyang kamay sa aking gilid sanhi para gumawa iyon ng kalabog. Ngayon ay nakaharang na ang kanyang kamay at lumelebel sa aking leeg.
"What are you doing here?" Tanong niya, hindi nagbabago ang ekspresyon
Mabilis kong pinagana ang aking utak para gawing alibi. Hindi naman pwedeng sabihin kong nacurious ako roon sa babae at baka ano ang isipin nito sa akin!
"N-Naligaw ako okay? Papunta sana ako sa locker room ng mga babae kaso di ko namalayang dito pala ako nakapasok." Paliwanag ko, hindi maipirmi ang mata sa kanyang mukha at bumababa talaga iyon doon sa bumabakat. Tatakasan ata ako ng katinuan sa imahe niya.
Tumaas lalo ang kilay. Halatang hindi kumbinsido ang kanyang nukha.
"Sa tinagal-tagal ng pag-aaral mo rito ngayon ka pa naligaw. What an excuse. Just admit it. You're here to confess your feelings. Am I right?"
Nalaglag ang aking panga. Aba't hindi lang pala ito suplado, walangpuso, walanghiya, walang modo, lahat ng wala, assuming rin pala!
Natawa ako. Sa harapan niya ay humagalpak ako ng tawa. Umigting ang kanyang panga roon.
"Mataas ang standards ko no. Di kita type. Wala kang epekto sa akin." Mataman kong sabi sa lalakeng wala man lang ekspresyon ang mukha. Katulad ng mga lalakeng binabasted ko na makikitaan mo ng sakit sa ekspresyon, siya itong parang hindi interesado kung gusto mo siya o hindi. Ang mahalaga sa kanya ay ang nararamdaman niya.
"Really?" It was like a sarcasm. Lalo na't tumaas pa ang kanyang kilay.
"Oo naman!" Pagmamalaki ko. Bumaba ang tingin sa nakatapis na tuwalya at walang ano-anoy hinila iyon.
Ay s**t ba't mo iyon ginawa Red?! Anong klaseng kadiliman na ba ang sumanib sa kamay mo at mukhang gusto mo ng mapunta sa impyerno?!
"See?" Itinaas ko iyon, ipinakita sa kanya sa kabila ng pagwawala ko sa aking loob at dinadasalan ang sarili na huwag ibaba ang tingin.
Isinabit ko iyon sa kanyang balikat. Don't you dare look down, Red!
"You're heartless. Why would I even like someone like you?" Walang preno kong sabi.
Walang nakitaang kahit ano sa kanyang mukha. Tsk. Wala talaga eh. Matigas ang lalakeng ito.
Lakas loob kong hinawi ang kanyang braso at umalis sa kanyang harapan. Mahinahon ang aking paglalakad.
"Ka babaeng tao manyakis." Narinig kong sabi nito na ikinalunok ko ng laway at mabilis nang kumaripas ng takbo palabas. Feeling ko kasi baka hilain niya ulit ako at madidikit ako sa walang tuwalya niyang katawan!
Kailangan ko atang pumunta sa simbahan at manghingi ng holywater. Kailangan kong patakan ang aking dalawang mata at hugasan ang aking kamay. At ano raw? m******s ako? Eh gusto ko lang naman patunayan sa kanya na wala siyang epekto!
"Kanina ka pa nangingisay. Klint si Red sinasapian ata!" Sigaw ni Yashin nang mapansin akong nangingisay sa aking upuan. Paano ba naman, minumulto ako ng perpektong hubog ng katawan ni Tres! Hindi tinatantanan ang aking utak!
"Nakapag-almusal ka ba Red?" Tanong ni Klint, nasa harapan ko na habang pabaliktad ang pagkakaupo sa upuan.
"Oo naman. May naalala lang ako." Namula ang aking pisngi. Kadiri naman! Polluted na ang aking utak! Ang walang pusong nilalang na iyon ay pinasukan na ng karumihan ang aking loob!
"Are you inlove?" Tanong ni Klint.
Napakurap si Yashin. Nagkatinginan silang dalawa at umiling. "Imposible." Sabay nilang sabi.
"Tigilan niyo nga akong dalawa." Iniub-ob ko ang aking mukha sa aking desk.
"Magsimba kana Red dahil mukhang naengkanto kana." Payo sa akin ni Yashin.
Ano ba kasing meron sa katawan ng Tres na iyon at nagkakaganito ako? Oh my gosh Red don't tell me naattract ka?! That's impossible!
Bumagabag iyon ng husto sa akin buong araw. Nakalimutan ko nang nilalandi ko pala iyong lalakeng ikaapat sa listahan. Kung hindi lang ito humarang sa aking harapan habang palabas ako ng gate ay hindi ko ito maaalala.
"Red." Tawag niya sa akin. Napakurap ako.
"Jed." Ngumiti ako ng matamis. Binalewala ang katawan ni Tres na hindi na umaalis sa aking isipan.
Wala na masyadong tao ay uwian na. May iilan lamang na lumalabas ng gate pero hindi na gaanong marami. Nabibilang mo lang iyon.
Luminga-linga ako. Wala pa ata ang sundo ko roon sa parking lot.
"Red." Tawag niyang muli. Unti-unting ibinaba sa lupa ang isang tuhod hanggang sa sumunod ang isa. Sa sobra kong pagkagulat ay napaatras ako, hindi iyon inaasahan.
Hinila niya ang aking pulso kaya hindi ko na nagawang lumayo sa kanya ng ilang metro. Tinitingala niya ako habang kumikinang ang pares ng mga mata. He was known for being a badboy. Paanong?
"Can I court you?" Walang paligoy-ligoy niyang tanong sa akin. "I know we're just starting to get along together... But you see, I want something deep. I want something Red. More than friendship." Puno ng sinseredad niyang sabi.
Hindi ko man lang maibigay sa kanya ang buong atensyon ko at nagagawa ko pang tingnan ang ibang estudyanteng nalalaglag ang panga at may iba pang kinukunan kami ng picture.
"Alam ko namang marami kanang binabasted. But Red, I'm here in my knees begging for a chance. Just let me prove myself to you."
Kumislap lalo ang kanyang mga mata. Puno iyon ng pag-asa pero nang unti-unti kong binawi ang aking kamay ay mabilis ring nawala ang kislap. His face started to look pale.
"I'm sorry Jed but I only see you as a friend. Hindi pa ako handa sa mga ganitong bagay e. And we're still young--"No, no. Let's just try, Red. You'll realize it eventually--No Jed. Hindi ko na iyon marerealize dahil ngayon palang alam ko na. I'm sorry."
Alright! I'm done! Iyon ang isinisigaw ko ang aking isipan habang naglalakad sa parking lot. Ni hindi ko ito nagawang lingunin. Makakamove-on rin iyon eh gwapo naman siya.
I can't wait to claim my prize! Kinuha ko agad ang aking cellphone sa aking bulsa at handa nang itext si Klint nang may biglang magsalita sa aking likuran na halos magpatalon sa akin.
"Look who's talking about being heartless."
Natigilan ako sa aking kinatatayuan. Hindi na ako makahakbang pa dahil sa malamig na boses na boses ni Tres sa aking likuran.
Ilang sigundo lang ay nasa tabi ko na siya, nakabulsa ang dalawang kamay at nilalagpasan ako.
"You're right. Who would even like someone as heartless as you?" Nilingon niya ako gamit ang madilim niyang mga mata. "They're fool for liking you."