Quit
Para akong kiti-kiting hindi mapakali sa aking kama. Gaga ka Red! Bakit ka naman kasi nagpadalos dalos sa pagbibitiw ng salita?! Nakalimutan mo na bang nasa listahan mo siya?! Nakita mo lang iyong katawan niya nawala kana sa isip mo!
Dapat nga inakit mo iyon e! Dapat sinabi mong matagal kanang may lihim na pagtingin sa kanya at tinatago mo lang dahil nga wala siyang interes sa babae! Gaga ka talaga!
Oh damn, this is a disaster. Baka mas mahirapan akong paamuhin iyon. Oh my gosh I don't want to lose our house! Dad will surely get mad pag nalaman niya itong mga kalokohan ko! Oh no mahihimatay ata ako!
Nang gabing iyon ay nagbrainstorming ako sa mga ways na pwede kong gawin maakit lamang siya. Nagawa ko pang magresearch. Ang landi ko naman, masyado akong nag-eeffort sa ganito. Tsk.
But come to think of it, Red! Hindi ka naman masasaktan sa pananaboy ni Tres sa'yo kung sakali dahil wala ka namang nararamdaman para sa kanya. Oo nga naman! I think chasing someone as heartless as Tres is quite fun! I'm going to make him think na deds na deds na ako sa kanya. Ipapakita ko sa kanya na nababaliw na ako sa pagmamahal na nararamdaman ko. Baka bumigay iyon! Kahit 0% ang tsansang may puso iyon, may pag-asa parin! Zero is a number too! Kasunod noon ang one kaya may katiting paring pag-asa!
"Blooming natin ngayon ah. Hindi naman ikaw ang nasaktan pero ba't paganda ka nang paganda?" Bola sa akin ni Klint pagkapasok ko ng room. Nagawa pa akong akbayan na hinayaan ko lang dahil sanay naman ako sa mga ganoong paandar niya.
Nakatunganga naman si Yashin sa kanyang notebook. Mukhang sinasagutan ang assignment ni Klint na nakalimutan ring gawin.
Tumawa ako. "Natural sa akin ang pagiging maganda Klint. At natural rin na lumalala ito araw-araw." Hinawi ko ang aking side bangs, ngumiti ng matamis.
"That's our girl." Kinurot-kurot ni Klint ang aking pisngi na ikinanguso ko.
"Stop it na nga!" Natatawa ko siyang itinulak paalis.
Tumabi ako kay Yashin at inilabas ang aking notebook. Inilapag ko iyon sa kanyang tabi.
"Yash pasuyo rin ako. Nakalimutan ko ring sagutan eh." Ngumuso ako.
"Sure!" Ngumiti sa akin si Yash, hindi na nag-abalang tingnan ako dahil masyadong tutok sa pagsagot.
"Thanks! Libre kita later ng lunch."
Hindi maawat sa kakatawa ang mga lalake noong nasa cafeteria na kami. As expected, kumalat nga sa buong campus iyong litrato naming dalawa ni Jed. Nakaluhod ito sa aking harapan at hinahawakan ang aking pulso hanggang sa unti-unti ko iyong binawi sa kanya. Lahat ng pictures ay detalyado lalo na noong nagwalk-out ako.
"Ang dakilang heartbreaker." Sabi ni Klint, itinapat sa aking bibig ang fries kaya natatawa ko iyong kinain.
"Oh! Si Tres na ang sunod!" Napapapalakpak na si Yashin, kinukuha lahat ng atensyon.
"Bawal magback-out, Red ha! Susuotin mo ang isang buwang walang laba na brief ni Leeland pag umatras ka! Parusa yan!" Sabi ni Troy na nagpangiwi sa akin.
"Ew! Kadiri ka Troy!" Pumulot ako ng isang fries at itinapon sa kanya kaso nashoot rin iyon sa kanyang bibig dahil sa pagnganga niya ng malaki.
"You need to stop playing with someone's feelings guys." Biglang react ni Hannan na ikinatigil namin. Nasa akin na ang kanyang tingin, ang mga mata niyang may pinupunto sa akin. "It's no fun."
I chuckled. "Ang seryoso mo naman Hannan. May gusto ka pa kay Tres no?" I pointed her, inaasar ito.
Nailing siya, uminom ng ice tea. Walang nagsalita at nasa kanya lamang ang tingin hanggang inilapag niyang muli ang baso.
"Hindi naman ito tungkol sa feelings ko. Tungkol ito sa feelings ng iba na pinaglalaruan mo." Deklara niya na ipinagsalubong ng aking kilay hanggang sa humagalpak ako ng tawa. Ngayon pa ba siya magrereklamo eh halos matapos na ako sa pakikipaglaro?
"Oh please Hannan! Kaya nga dare diba. Kaya nga tinawag na laro dahil naglalaro lang naman tayo. What's the bigdeal ba?" I sipped my frappe while eyeing her. Gosh, she's unbelievable! Ang kj talaga eh.
"Kaya okay lang sa'yong paglaruan ang damdamin ng iba dahil laro lang naman iyon sa'yo? But what about them Red? They're serious about courting you." She said almost a hissed, namumula narin ang pisngi sa kakapaliwanag.
Gusto kong humagalpak ng tawa pero tanging ngisi nalang ang nakayanan.
"Di ko na ata iyon problema. Come on, Hannan. You know me."
Nailing siya, tumayo. "Grow up, Red." Pagkatapos noon ay umalis siya sa aming harapan.
Ngumuso ako. Hindi talaga mapunto ang galit niya. At isa pa, kasali naman siya sa dare ah?! She even scribbled their names! Tapos kung makareact ito akala mo ay pinaglalaruan rin siya.
"What's her problem ba?" Nakangiwi kong tanong na ipinagkibit-balikat lang ng mga lalake. Pagdating kasi sa ganyang sagutan, tikom ang kanilang bibig. Di sila nakikisali dahil iba rin ang takbo ng utak ng mga babae.
"Ikaw Yashin." Binalingan ni Klint ang isa naming kaibigan na tahimik lang. Kumurap kurap ito.
"Naooffend ka ba sa larong 'to?" Tanong nito.
Mabilis na umiling si Yashin. "Hindi ah! Ang cool nga ni Red, eh!"
"She's sport. Unlike Hannan. Hindi kaya ay may period ang babaeng iyon?" Nagtatakang tanong ni Troy.
"She'll get over it again. Hintayin nalang nating humupa iyang pagdadrama niya." Sabi ko.
Grow up, Red. Tsk. Hindi purket matanda siya sa akin ng isang taon ay immature na ako sa paningin niya. Masama bang magsaya? Kaya nga tinawag na just for fun dahil wala naman talagang balak seryosohin. But why is she like that all of a sudden? Siguro ay aburido na ang kanyang utak sa mga bagay bagay at idagdag pa ang pagiging cheerleader niya. To think na matalino rin ito at nangunguna sa kanilang klase.
Hindi ko binigdeal ang sagutan namin ni Hannan. She's my friend afterall kaya hahayaan ko nalang kaysa patulan. At hindi naman ako affected sa pinagsasabi niya.
"Grabe no? Wala talaga siyang interes sa mga babae." Narinig ko ang dalawang babaeng nakasalubong ko sa corridor. They're talking about someone familiar to me.
Binagalan ko ang aking paglalakad at mas nilakihan ang mga tenga. I need to get infos! Ano na naman kayang ginawa ng walang pusong nilalang na iyon?
"Oo nga eh. Biruin mo ang ganda ni Keisha pero nagawa niyang hindi tanggapin iyong binigay nitong loveletter. And worst pinabasa niya ito sa harapan niya dahil lang natatamad siyang buksan ito. Grabe naman! Bilib ako sa confidence ni Keisha!"
"Pero katulad ng mga babaeng tinaboy niya, isa lang doon si Keisha. Ang swerte naman ng magugustuhan ni Tres!"
Keisha? Iyong maganda sa kabilang section? Patay na patay rin iyon kay Tres?! Sayang naman ang maganda niyang mga mata kung mapapaiyak rin siya noong lalakeng iyon! Napakaheartless.
Sa hindi kalayuan, nakita ko ang kanyang kapatid na si Uno at pinapalibutan ng mga babae. Nakikipagtawanan siya sa mga ito habang may inaakbayan siyang magandang babae. Familiar ako sa babae dahil modelo iyan at sikat rito.
Kung gaano kaheartless si Tres sa mga babae, itong si Uno naman ay nasobrahan ata kalaki ang puso at akala niya ay kasya lahat ng babae roon!
"Uno." I called him. Huminto sila sa aking harapan. Ngumisi siya sa akin. Tsk. Womanizer.
"Hey babygirl..." He said in his most sexiest way while smiling at me. Wow, he's really charming! Iyong parang bumaba lahat ng bituin sa langit at napunta sa kanyang gilid kaya ganoon nalang siya kaliwanag. Nakakasilaw naman ang lalakeng ito.
"Babe..." Tawag noong babae na inaakbayan niya. Hinihila niya na ang polo nito. Ay ano ba iyan parang tuko kung makakapit.
"May kailangan ka ba?" Tanong ni Uno sa akin nang mapansin na naiinip na iyong babae.
"Uh, about your brother..."
"Hmm, you mean Dos? Isa ka ba sa nilandi ng lalakeng iyon? Can't get over him that's why you want my help---"No it's Tres." Putol ko agad sa kanya na ikinaawang ng bibig niya. Binasa niya ang pang-ibabang labi at suminghap.
"Oh!" Medyo gulat ang kanyang mukha.
Tumango ako. "Uh, pwede mahingi ang number niya? Ang suplado kasi ng kapatid mo eh." Sabi ko.
I am not sure if he's going to give it or not. Pero mabait naman si Uno. Maybe just in case.
"Ikaw si Red diba?" Naiiritang tanong noong isa sa mga babaeng kasama niya, nakahalukipkip habang ang iba'y tinataasan ako ng kilay.
Tumango ako. Mga ahead sila ng isang taon sa akin at ka batch ni Uno kaya wala ako gaanong kilala. Nakakapagtaka at kilala nila ako.
"Red? That girl who dumped Jed?" Pagtatama naman noong isa.
"Marami siyang binasted eh. Ang ganda mo naman ata hija." Nakakaloko siyang ngumisi. Mas matangkad ito sa akin, may malaking dibdib.
"Easy there, girls. H'wag niyong awayin ang bata." Humalakhak si Uno. Purket 15 ako!
"You like Tres?" Tanong noong inaakbayan ni Uno. Tumango ako, walang pag-aalinlangan.
"Really huh? O baka naman nachachallenge ka lang dahil wala iyong pakialam sa babae. Sa dami daming gustong manligaw sa'yo ay si Tres pa talaga ang gusto mo." Iyong may malaking boobs.
Kung alam niyo lang! Magiging homeless ako kaya shut up kayong lahat. And what's the bigdeal ba? The heck.
"Can I have his number, Uno?" Inilahad ko sa kanya ang aking cellphone, binabalewala ang pinagsasabi ng mga alipores niya. Desperadang tingnan pero dapat iyon talaga ang makita ni Tres sa akin para naman masabi niyang may gusto ako sa kanya. And when he fell then boom! Red win again!
"I can't I'm sorry. That's my brothers privacy. Just ask him for his number." He patted my head at iniwan rin ako rito.
Wow. Ang bait naman. Kumpara doon kay Dos! Kung gaano kadilim ang nakikita ko sa kanya ganoon naman kaliwanag kay Uno.
Hindi rin naman pwedeng kay Dos ako manghingi diba? And speaking of Dos! Namataan ko ito sa di kalayuan. Kaso may hinihilang babae ano ba yan. Mga womanizer talaga.
I suddenly remembered Hannan. Magkaklase silang dalawa! Baka naman pwede ko siyang puntahan sa classroom nila para narin masilip si Tres. She knew about the dare. Baka sakaling matulungan ako noon.
I hurriedly went in her classroom. Mabilis kong tinahak ang hagdan. Habol habol ko ang aking hininga nang tuluyang makarating roon.
Iginala ko ang tingin sa loob. Sobrang tahimik noon at wala man lang estudyante maliban sa isa. May napansin akong isang lalakeng nakapatong ang magkabilang hita sa desk habang nakasandal sa kanyang upuan at may takip na libro ang kanyang mukha. That's Tres! Hindi ako pwedeng magkamali.
Out of curiousity, dahan dahan kong binuksan ang pinto. Pumasok ako at maingat na inihakbang ang mga paa.
Pagdating ko sa kanyang harapan ay akma kong kukunin iyong nakatakip na libro nang bigla niyang hinawakan ang aking pulso. Sa sobra kong gulat ay napatili ako, nagpupumiglas ako sa kanyang kamay na sana ay bitiwan niya iyon.
"Pakialamera." Usal niya.
Napalunok ako ng laway. "L-Let go of me."
"Why are you here?" tanong niya, mas hinila ako. Kung wala ang takip na libro sa kanyang mukha ay baka nagkatitigan na kami. Some of my hair were falling on the cover of the book. At kahit anong bawi ko sa kamay ko, mas lalo iyong humihigpit. Mas hindi ako nakakawala.
"Hannan is my friend. Siya ang sadya ko." Rason ko.
"Nakita mong wala siya rito pero pumasok ka parin." Sabi nito sa baritonong boses.
"Uh, akala ko kasi tulog ka."
He tsked. "What an excuse." Binitiwan niya ang aking pulso. "Leave."
Nahawakan ko ang sariling pulso pagkatapos niya iyong bitawan. Halos magmarka iyon ng pula dahil sa pagkakahawak niya ng mahigpit. Heartless!
Nag-akma na akong tumalikod nang mapagtanto kong may kailangan pala ako sa lalakeng ito. Ugh, alam kong mabobored ako pero kailangan ko paring magtiis.
Umupo ako roon sa bakanteng upuan katabi ng kanya nang walang ginagawang ingay. Humilig ako sa mesa, maigi ko siyang tiningnan.
I heard him tsked again. Siguro ay nararamdaman niya parin ang presensya ko. I don't know how he do it.
"Labas na. Disturbo."
"Edi wala kang kasama." Marahan kong sabi.
"Gusto kong mapag-isa."
"Huh? Ang boring naman ng ganoon. Mas masarap sa pakiramdam na may kasama ka."
"Kung kasingdaldal mo lang rin naman mas mabuting mag-isa nalang."
Naka 9 words siya. Dapat na ba akong matuwa dahil mahaba na iyong sinabi niya?
"Wala ka bang kaibigan?"
"Wala."
Having no friend to talk with, is very boring! Paano niya nakakaya ang boredom?
"Bakit wala?"
"Dahil ayoko."
"Bakit ayaw mo? Ayaw mo bang may kausap ka?"
"I'm not talkative." Hmm, that's not an excuse.
Nakulangan ako ng sasabihin dahil sa mga sagot niya. It's like he's always ending the conversation para hindi mo na siya kausapin pa. Iyong sasagot lang at walang balak dagdagan dahil ayaw niyang humaba ang usapan niyong dalawa.
Ngumuso ako. Hindi katulad noong apat, sila naman palagi ang nag-oopen up ng topic para dumaldal lamang ako at makausap nila ako ng matagal. Pero itong si Tres, kahit ata sa boses ko ay ayaw niya.
"Ang introvert mo naman..." Wala sa sarili kong bulong, nakahilig parin sa mesa, nasa libro ang tingin.
"Ang daldal mo labas na."
Grabe naman kung makataboy ang walang pusong lalakeng ito! Kaya siguro iyong mga may gusto sa kanya ay naiiyak talaga. Masakit para sa part nila na nirereject sila ng taong mahal nila. I'm not hurt anyway. Dapat nga sina Leeland ang kasama ko ngayon at nagsasaya hindi ang coldhearted na si Tres.
"Paano kung..." I started to compose my words, heto na!
"Paano kung nagkagusto ako sa'yo? What will happen?"
"I'm going to reject you just like how I rejected annoying girls." Deritsahan niyang sagot na ikinalaglag ng panga ko. Ano ba kasing nakain ni Leeland at isinali nila ang lalakeng ito?! At hoy! I am not annoying! I am darn cute!
Prove them wrong, Red! Kaya mong paamuhin ang lalakeng iyan!
"Paano kung hindi ako sumuko at kinulit kita lalo?"
Hindi ko inaasahang hahawiin niya ang nakatakip na libro sa kanyang mukha. Nagtama ang aming mga mata. Napasinghap ako. Ang walang buhay niyang ekspresyon at ang inaantok na matalim niyang mga mata ay nakikita ko na.
"Wala kanang mahanap na ibang lalakeng paglalaruan kaya ako na ang napili mo?" Cold niyang sabi. Na kahit ako ay naramdaman ang lamig ng kanyang ugali.
Why is he like that? He's very certain with his words. Hindi niya man lang iniisip na baka masasaktan iyong sinasabihan niya. Kaya ang raming umiiyak dahil masyado siyang heartless!
"What? I am not like that." Pagtanggi ko sa kanyang paratang. Halata ba?
"Nachachallenge kang pabigayin ako sa'yo?" Now his brow was raising. Para iyong nagsasabi na nababasa niya ang galaw ko. Na hindi ko siya malilinlang dahil hindi siya katulad ng iba.
"W-What are you saying?" I laughed a bit.
He tsked. Kinuha niya ang libro at itinakip muli sa kanyang mukha.
"Hindi lahat ng lalake rito, mapapaluhod mo sa'yo."
May parte sa akin ang kumirot. His words were like bullets, natatamaan ako at tumatagos iyon sa aking likod. Nag-iiwan nalang ito ng mga damage sa aking loob.
"Red?"
It was Hannan's voice. Mabilis ang aking pagtayo sa upuan at nilingon siya.
She titled her head, sinisilip si Tres sa aking likuran saka ibinaling sa akin ang buong atensyon.
"Why are you here?"
"Uh, pinuntahan kita. Tapos..." Sumenyas ako at tinuro si Tres na agad niya namang napunto. Alam niya naman iyong sa dare eh.
"Just leave him, Red. He's taking a rest." Sabi niya sakin. Buti pa nga!
Hindi na ako nagsalita. Naglakad nalang ako patungo sa kanya. Suot niya pa ang madalas niyang suotin pag nagpapractice sila. Hindi pa ba siya tapos?
Talak ako nang talak nang makalabas na kaming dalawa. Nakalimutan ko na nga na nagkasagutan kami noong nakaraang araw.
"Ang sama ng ugali ni Tres, Hannan! Diba gusto mo iyan noon? Paano mo nagustuhan ang ganoong klaseng lalake?"
Halos isuka ko ang mga salitang iyon sa sobrang inis. I never been this angry before with someone! Ngayon lang talaga!
"I don't know either. 'Tsaka malayo rin naman sa kagya niya ang type mo kaya hindi mo siya nakakayang gustuhin." Paliwanag niya.
Hinawi ko ang aking side bangs. Halos pumantay na sa linya ang magkasalubong kong kilay. Ang sarap inailcutter ng balahibo sa ibaba ni Tres sa totoo lang! Naiinis talaga ako sa kanya! He's just too heartless!
"Talagang malayo! Opposite siya sa standards ko! Malayong malayo." Nailing ako.
"Opposite attracts." Tumawa siya ng marahan.
"Ang boring niya kaya! I'm not into silent type of guys! Ano iyon, magtititigan lang kami hanggang magkaintindihan kaming dalawa?"
"Then just quit the game, Red. Stop being childish. Grow up."