CHAPTER 3

2180 Words
SUNNY’S POV Nagising ako kinabukasan at nakita ko si Rianna na nasa k’warto ko at napahikab ako kasi hindi pa ako sanay na matulog sa mundong ito at sa pagkakataon na ‘to ay med’yo naninibago pa ako lalo na sa klima. Bumangon akong med’yo antok pa at saka ako pumunta sa banyo para maligo. Nang matapos akong maligo ay saka ako nagbihis at nang makalabas ng banyo ay bahagya akong nagulat kay Rianna kasi nasa bungad sya ng pinto. “Hindi ko alam kung dapat ba akong matawa o dapat akong mainis kasi nagulat ka?” sabi nito at saka ako bumuntong hininga. “Hindi ko naman kasalanan na nasa bungad ka ng pinto hindi ba?” sagot ko at saka ko nakita ang reflection nya sa salamin. “Alam mo pasalamat ka at maganda ka kasi kung hindi ay babangasan ko talaga ang mukha mo,” sabi nya at saka ako matawa. Nang makapag-asyo na ako ay saka ako tumayo at saka kami nagpaalam kila tita Anna at tito Roy. Hindi ko alam na marami pala akong na-miss sa mundong ito dahil ang tagal din noong huling nandito at halos hindi ko na nga rin maalala ang nangyare ng mga araw na iyon. Nang makarating kami sa school ay nakita kong maganda ang buong paligid at marami din ang mga estud’yante. Sa totoo lang ay mas malaki naman ang Academy sa Mystica at hindi nagkukulang ng mga gamit doon. Hindi ko lang alam dito pero sapat na ang nakikita ko para sa mga tanong na nasa isip ko. Hindi ko lang alam kung anong mga pagkain dito na hindi ko pa natitikman. Gusto kong makaman at gusto kong matuklasan. “Hindi ito katulad ng sa mundo natin, Sunny ah,” sabi ni Rianna. “Alam ko,” sagot ko at nginingitian ko ang sino mang dumapo ang tingin sa ‘kin. Nang makapasok kami sa room ay saka ko nakita ang iba pang mga classmates na nagkukuwentuhan at bigla silang napatingin sa ‘min at mas lalo na sa ‘kin. Hindi ko lam kung bakit at napahawak ako sa mukha ko sa pag-aakalang may dumi ako pero tingin ko naman ay wala. Tumingin ako kay Rianna at saka ko sya kinausap gamit ang isip namin. “Hindi naman ako marumi ‘di ba?” takang sambit ko at nagkibit balikat sya sa ‘kin. “Maganda ka walang marumi sa ‘yo at isa pa… kaya sila nakatingin kasi bago ka lang sa school na ‘to,” sabi naman nya at saka ako napaisip at ngumiti. “Oo nga ano?” sabi ko at saka sya nailing sa ‘kin. May lumapit sa ‘kin na babae at mero’n syang maiksing buhok na may bangs at matangos ang ilong nya. Ang amo ng mukha nya at tila isang anghel sa langit na gugustuhin mong maging kaibigan. Ngumiti sya sa ‘kin at saka nya nilatag ang kamay nya at tinignan ko lang ito. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko at bahagya pa akong nangunot dahil hindi ko kaagad napagtanto. Siniko ako ni Rianna at saka ako natauhan at saka ako inis na tumingin sa kanya. Sinenyasan nya ako na abutin ang kamay noong babae at ginawa ko naman at saka ako nagpakilala. “I’m Sunny,” pagpapakilala ko. “And I’m Lili,” sabi naman nito ng nakangiti. Hindi ko alam kung bakit tila may isang tao akong naaalala sa kanya pero wala naman akong naalalang may kaibigan ako sa Mystica at hindi naman ako masyadong pumapasok noon sa school. Imposible nga kaya? “Welcome to Mystic University,” sabi naman ng isang babae sa likuran nya. “Salamat!” masiglang sabi ko. Nagsi upon a kami at saka kami nagkanyakanyang p’westo. Hindi ko alam kung mabilis akong makakapag-adjust just like before, pero hindi ko rin masasabi ang mga mangyayare. Nagpakilala ako sa lahat at mukhang mabait naman sila kaya wala akong magiging problema. Lumipas ang ilang oras at natapos ang unang klase. Buti nalang at nilagyan ako ng kaalaman ni Rianna at hindi ako magtataka kung bakit ang talino nya. Nang lalabas na sana kami ni Rianna ay biglang lumapit sa ‘min si Lili at inaya kami na mag-cafe. Hindi ko alam na p’wede palang magkape sa tanghali? Sa Mystica ay limitado ang pagkakape ko dahil sabi ni Ama hindi ako p’wedeng magkape. Pumayag kami ni Rianna at binulong nya sa akin na mabait daw talaga si Lili. Hindi naman maipagkakaila iyon dahil isa pa ay mukha naman syang matalino. Hindi ko nga lang maintindihgan kung bakit parang ang seryoso nya sa pag-aaral samantalang hindi naman nakakagana ang mag-aral ng ganito. Mas gusto ko ang ginagawa naming si Mystica kaysa sa mundong ito. Nang makarating sa isang café ay nagulat ako ng batiin ako ng mga nandoon at saka ako napatingin kay Rianna. “Hindi ba nasabi sa ‘yo ni tito Zemji ang tungkol sa mga ari-arian nyo?” takang tanong ni Rianna sa ‘kin at saka ako umiling. “Wow? So, this café is yours?” hindi makapaniwalang sabi ng kasama ni Lili. “I don’t know?” sagot ko at saka tumingin sa babaeng nasa harapan ko. “Kay Papa po ba ito?” tanong ko sa kanya at saka sya tumangot. “Hala? Ang galing!” masayang sabi ko at saka kami tumuloy. Hindi ako makapaniwalang mero’n pala kaming mga ari-arian sa mundong ito dahil ang tanging alam ko lang ay may kakayahan kaming tumira dito hindi bilang ano kami sa mundo naming kung hindi bilang isang ordinaryong tao. “Hindi ito sinabi ni Papa sa ‘kin,” sabi k okay Rianna. “Great thing, e’di ilibre mo na kami,” sabi nya at saka ako tumingin kay Lili na nakangiti lang sa ‘kin. “Oo nga! Bilang anak ng may-ari libre mo kami!” sang-ayon nya kay Rianna at saka ako tumango. Hindi na ako tumutol pa at saka kami kumuha ng isang magandang p’westo at nang makakuha ay saa nag-serve sa amin ang babae. Hindi ko pa nakikita sila lolo at lola. P’wera noong bata pa ako dahil sila ang nag-aalaga sa ‘kin noon at si papa naman ay laging busy sa kanyang kaharian na ani mo ay ayaw na itong iwan Hindi ko nga alam kung bait tila mas busy pa sya sa ginagawa nya sa Mystica. Simula ng mawala ang nanay ni Chichi ay mas pinagtutuuanan na nya ng pasin ang palasyo at lahat ng mga taong naninirahan doon. “Hindi naman siguro tayo maririnig nga mga nasa labas hindi ba?” bulong ni Lili at saka ako nangunot ng noo. “Ano bang mero’n?” takang tanong ko naman sa kanila. “Hindi ba nasabi sa ‘yo ang tungkol sa mga iilang ginagawa sa school, Sunny?” takang tanong nga kasama nya. “Ayy teka nakalimutan kong magpakilala. Ako si Xela. Hindi naman ako masyadong epal ano?” sabi nito at natawa nalang ako. “Hindi naman,” sagot ni Rianna kahit na hindi naman sya ang tinanong nito. “So, ano ang mero’n sa school?” tanong ko at saka sila tumingin sa paligid. Naramdaman ko ang excitement sa katawan ko at ng masigurado nilang wala namang nakatingin ay saka nila ito ibinulong sa akin. Hindi ko alam kung maniniwala ba ako o hindi pero gusto ko ang narinig ko dahil hindi lang kami ni Rianna ang mero’ng kakaibang kakayahan na wala sa tao. Tinaas ni Rianna ang kamay nya at saka kumalat sa buong paligid ang kakaibang tubig at bumalot iyon sa amin dahilan para mapangiti ako. “Hindi nila tayo maririnig o kaya ay mahahala. Minsan kaya ginagamit ko ‘to pangtakas kila Mommy at Daddy. Madalas kasi silang nasa bahay.” “Ohh!!! Isa ka pa lang water user Rianna,” sabi ni Xena. “Oo, e, ikaw ba?” tanong naman nito kay Xena. Pinakita ni Xena ang apat na lumulutang na bato sa harapan naming at saka ako tumingin kay Rianna. Hindi naman na ito bago sa ‘kin pero nakakapagtaka lang na mero’n nito sa mundo ng mga tao at hindi alam ng iilan. Kung sa bagay ay bakit nga ba ako magtataka kung nasa isang gubat ang paaralan naming at malayo sa iilang kalsada. Kailangan pa kasing maglakad para matanaw mo ang kalsada at kanina ay nagtaka ako sa kasabayan naming nasa labas agad kahit na kasabay lang naming sya no’ng naglakad. Pinakita naman ni Lili ang kanya at nakita ko ang kakaibang usok na syang bumabalot sa kamay nya at hindi ko alam kung matutuwa ba ako pero tingin ko ay lahi syang witch at hindi naman bago iyon sa kanila. Pero dati ay sinabihan ako na ang kahulugan ng violet na kapangyarihan ng isang witch ay masama lalo na ang black magic. “Ang galing,” sabi ko at saka sila tumingin sa ‘kin. Tila hinihintay nila ako na magpakita ng kakayahan at s’yempre pinakita ko sa kanila ang bagay na nagagawa ko na hindi pa alam ni Papa. Ang bumuga ng apoy gamit ang bibig ko. Hindi ko alam kung ano ang kahulugan ng ganitong kapangyarihan pero gusto ko ang kakayahan ko at saka ko nilatag ang kamay ko at pinakita ang iba’t-ibang klase ng kapangyarihang apoy. “Waw…” tanging nasabi ni Xena sa ‘kin. “You have that kind of fire power?” sabi naman ni Lili. “Hmm, hindi pa alam ni Papa ang tungkol sa kakayahan kong magbuga ng apoy sa bibig,” sabi ko at saka napatakip ng bibig si Rianna. Agad ko syang sinenyasan at saka sya tumango sa ‘kin at nagtawanan nalang kami at tinapos ang pagkakape. Sa sobrang dami kong nakain ay halos mabusog din ako at ito ang kauna-unahang pagkakataon na nabusog ako ng ganito. Hindi kasi ako makakain ng maayos dahil na rin sa wala akong kasabay na kumain sa palsyo. Madalas pa nga ay si Chichi lang ang nasa palsyo. Masyado kasing mahigpit si papa at sa totoo lang ay halos puro practice lang ang ginagawa naming dalawa at madalas lang ang saya na nararamdaman ko katulad ng ngayon. Isa lang ang subject ngayon pero babalik kami ng school dahil may ipapakita daw sila sa ‘kin. Nang nmakarating sa school ay saka ko nakita ang isang napakalaking field na katulad ng sa Mystica. Sa totoo lang ay hindi ko ‘to nakita kanina o baka hindi ko lang din napansin dahil malawak ang paaralan. Mula sa may unang gusali ay naro’n ang sampung palapag at bawat gusali ay may isang year level na kinabibilangan. Ang una ay para sa mga kinder, grade 1 to 6. Ang ikalawa, ikatlo at ikaapat ay ang para sa mga high school students at mga senior high school. Sa ikalima, ikaanim hanggang ikasampung gusali naman ay nandoon ang mga college students. Ngayon lang ako nakakita nga napakaraming gusali sa iba’t-ibang year level. Ang pagkakaalam ko kasi ay kanya-kanyang school mula grade school hanggang college. “Malaki pa rin ang field sa Mystica ano?” sabi ni Rianna. “Mystica?” takang sambit ni Lili. “Ahh, oo sya ang prinsesa ng Mystica ikaw ba?” tanong nito at nakita kong nagbago ang aura nya at hindi ko alam kung ano ang kahulugan noon. “Witch princess,” sagot nya at saka pumasok sa loob ng field. Mula doon ay nakita ko ang iilang mga students na may kanya-kanyang kakayahan at kapangyarihan na hindi mo aakalain na mero’n pala sila. “Ang iba dito ay pinanganak na may angking kakayahan na hindi alam ng kanilang mga magulang o kahit na sino. Pero hindi naman nila ito ginagamit sa masama bagkus ay pinag-aaralan nila itong makontrol,” paliwanag ni Xena. “Ang iba naman ay galing sa ibang kaharian na may gusto lang matututunan sa mundong ito,” sabi naman ni Rianna. Hindi ko alam kung bakit tila biglang tumahimik si Lili at hindi ko alam kung bakit nag-iba ata ang timpal nya ngayon. Kung gano’n man ang ugali nya ay hindi ko naman sya nmasisisi. Habang nakatingin ako sa buong paligid ay naramdaman kong may babagsak sa ‘kin kaya naman tinapat ko ang kamay ko doon at saka ko nakita ang isang napakalaking apoy na agad ko ring nakontra. “OMG!” sabi ng mga ilang estud’yante at saka ako umayos. “Ayos ka lang ba?” tanong ni Lili sa ‘kin at halata ang pag-aalala. “Ayos lang ako,” sagot ko at saka ako tumingin sa isang lalake kung saan nanggaling ang malaking apoy kanina. “Hindi naman siguro nya iyon sadya hindi ba?” Nakangiwing sabi ko at saka tumingin si Rianna doon sa tinutukoy ko. “Syet.” “Ha?” “Iyan si Blaze, ang makulit na estud’yante ng Mystica, Sunny,” sabi nito at saka ako tumingin sa lalakeng nakangiti sa ‘kin ng nakakaloko. “Tsk. May gana pa syang ngumiti?” inis na sabi ko at saka tumingin sa ‘kin sa ‘kin ng nakakunot ng noo. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD