PROLOGUE
“Nakikiusap ako. Hangga’t may pasensya pa ako at natitirang awa sa ‘yo at sa lahat ng nandito. Tigilan mo na ako Habriyon.”
Tumingin sya sa ‘kin habang hawak ang espada sa kabilang kamay nya at tila umaapoy ito dahil na rin sa kapangyariha nya. Hindi nya ako kayang tigilan at hindi nya ako kayang pakawalan sa hindi ko malamang dahilan.
“Hindi ko alam kung bakit ganito, Sunny.” Ang mga mata nya ay tila nangungusap at dama ko ang sakit. “Bakit hindi p’wede? Bakit bawal? Hindi naman ako mahirap mahalin ‘di ba?” sabi nito at saka tinuro ang sarili.
Totoong hindi sya mahirap mahalin pero hindi sya ang taong makikita ko sa hinaharap na makakasama ko.
“Hindi ko alam kung bakit hindi mo maintindihan. Naiinis akong habol ka ng habol sa ‘kin kahit alam mong nasasaktan kana. Lahat ng nandito ay nadadamay na dahil sa kagustuhan at kasakiman mo. Lahat ng mga nandito’y kinuhaan mo ng lakas, kapangyarihan at teritoryo. Pati ang pinakamakapangyarihan dyos at dyosa ay nagawa mong traidurin,” mahabang litanya ko saka ako napakuyom ng kamay ko.
“Nagawa ko ‘yon upang patunayan ang kaya kong gawin para sa ‘yo.”
Ngumisi ako sa kanya at walang ganang tinignan sya mula ulo hanggang paa. “Para sa ‘kin? It seems like not. Kahit ako’y kinakalaban mo na rin. Ngayon gusto mo ‘kong mahalin ka dahil gusto mo? Tsk.”
Itinaas ko ang kamay ko saka ako bumuo ng malaking liwanag. Gusto kong kumawala sa gulong ito at gusto kong matapos ito dito. Tumingin ako kay Ina na no’n ay nakatingin sa ‘kin. Nakikita ko ang nangungusap nitong mga nata at dama ko ang lungkot nya. Tumingin ako kay Destin at saka sya umiling sa ‘kin na tila sinasabing h’wag kong ituloy ang aking gagawin.
“I have no choice, I don’t know what I am going to do just to end this fck. Gusto kong kumawala sa gulong ito, Habriyon. Pareho kayo ni Ulap at Zank na ako ang pinag-aagawan. Hindi ko ginustong pare-pareho kayong mahulog sa ‘kin, hindi ko ginustong maging ganito ang lahat.”
“Hindi mo p’wedeng gawin ‘yan, Sunny!” Galit na sabi ni Jarea.
“Alam ko ang ginagawa ko, Jarea.”
“Sunny.”
“Titigil ang gulo na ‘to sa oras na mawala ako dito. Titigil ang gulo na ‘to sa oras na mapagtanto nila ang kung anong mga mali nilang pare-pareho. Gusto ko lang mabuhay ng maayos at maging malakas na dyosa sa mundong ito pero hindi ‘yon mangyayare kung palagi nalang ganito.”
Ramdam ko ang kirot ng dibdib ko at ramdam ko ang tila sama ng loob ko. Ang makita sila na mahirapan at masaktan ng dahil sa ‘kin ay hindi ko kakayanin. Ang makita ang sariling kaibigan kong trumaidor sa ‘kin at hindi ko rin maatim. Sobrang tiwala ang binigay ko sa kanya pero paano nyang nagawang saksakin ako patalikod. Parang kapatid na ang turing ko sa kanya pero kaaway pala ang turing nya sa akin.
“Mas mabuti pa nga na mawala ka.” Tumingin ang lahat sa kanya habang ako naman ay pinapalaki ang kapangyarihan na nasa kamay ko.
“Hindi ko inaakalang ang tinuturing kong kaibigan ang syang magpapahamak sa ‘kin. Tinuring kitang para kong sariling kapatid pero ito ang iginanti mo sa ‘kin. Kung alam ko lang na tatraidurin mo ako at sasaksakin patalikod, e ‘di sana noon pa pinutol ko na ugnayan ko sa iyo.” Ngumisi sya sa ‘kin na tila gusto din nya ang sinabi ko.
Wala akong ibang naging sandalan noon kung hindi sya lang. Wala akong kapatid kaya kahit hindi ko sya kadugo sya ang naging kapatid ko. Kahit pa magkaiba kami ng lamang loob. Humakbang sya papalapit sa ‘kin at nararaman ko na rin ang unting panghihina ng katawan ko.
“Sa oras na mawala ka ay mawawala na rin ako ng kaagaw sa mga bagay na gusto ko, Sunny.”
“Pero iyong mga bagay na gusto mo ay hindi kahit kailan mapapasa iyo, Lili.” Nakangising sabi ko rin sa kanya.
“SUNNY!” sigaw ni tita Destin sa ‘kin at napatingin ako sa tinignan nya.
Hindi ko na alam ang gagawin at hindi ko na rin makontrol ang sarili ko. “SUNNY!!! PLEASE! NAKIKIUSAP AKO ANAK. HUMINAHON KA!” sigaw naman ni mommy.
Tumingin ako kay Habriyon, Ulap at Lili na no’n ay nasa harapan ko lang. Hindi makapaniwala si Habriyon sa nakikita nya at sinubukan nya akong sugurin at gano’n din si Ulap pero hindi iyon umubra. Si Lili ay ginawa ang ginawa nila Habriyon pero wala rin syang napala. Gusto kong danasin nila ang nadanas ko dahil sa ginawa nila. Akala ko noong una’y magiging maayos ang lahat. Ang lahat ng iyon ay hindi pala.
Kaya pala ayaw ako paalisin ni ina sa palasyo dahil alam nyang ganito ang mangyayare. Sa punto na ‘to alam nyang hindi ko makokontrol ang sarili ko at alam nyang hindi ko kakayanin. Three years before maayos ang lahat at naging maganda ang buhay ko. Pero sa mga lumipas na taon na naging estudyante ako ni Habroyon, Ulap at Zank ay nagbago ang lahat. Akala ko noon ay ayos lang na ma-reject ko sila pero mali ako doon.
Inaamin kong may mali ako pero hindi ko naman alam na aabot sa ganito ang lahat ng iyon. Sobrang nasasaktan ako sa nakikita kong ako ang dahilan bakit sila ganito ngayon. Sumuko man si Zank sa ‘kin at naging kaibigan ko hindi pa rin sapat iyon para sa iba. Ang dating guro ko na akala ko’y mabait at may butihing puso ay may tinatagong galit at pagkasakim sa mundo.
“SUNNY!!!” sigaw ni Zank pero hindi ko iyon pinakinggan.
Naririnig ko ang sigaw nilang lahat. Patuloy naman ang pagsugod sa ‘kin nila Habriyon pero hindi iyon sasapat. “Gusto kong matutunan kung paanong makontrol ang kapangyarihan ko. Ang kontrolin ang natatagong lakas ko. Gusto kong maging maayos ang lahat. Gusto kong baguhin ang kung anong pusibleng mangyayare sa hinaharap. Gusto kong matutunan paanong maging mahinahon at paanong lumakas. Sa ngayon, gusto ko munang magpahinga. Hindi bilang ako sa mundong ito kung hindi bilang ako sa ibang mundong kakalakihan ko.”
“Sunny!!! Makinig ka anak please, nakikiusap ako sa ‘yo. Huminahon ka, makakaya naman natin ito, e. Hindi iyong ganito.” Nakikiusap na sabi ni ama.
“Pa, alam kong masakit sa inyo ang gagawin ko. Pero alam ko rin sa sarili kong hindi lang ito ang magagawa ko. Ngayon palang gusto ko ng putulin ito, gusto kong malaman kung paanong maging malakas ng hindi nababase sa kung ano ang maari kong magawa pagkatapos.”
“H-hindi! Hindi please!!!” Iyak ni ina.
Ipinikit ko ang mga mata ko kasabay ng pagpatak ng luha ko. Ang unti-unting pagkalat ng liwanag sa buong paligid ang syang magbabalik sa dati ng lahat. Babalik ang kung sino sila, ano sila at sa kung anong dapat ang nasa kanila. Babalik ang lahat na para bang wala ako bilang ako sa mundong ito. Naramdaman kong para akong lumiliit at ramdam ko rin ang kakaibang pagbabago sa katawan ko.
“Ito na ang bagong simula at ang bagong kabanata.”