CHAPTER 4

2117 Words
SUNNY’S POV Hindi ko alam kung maiinis ba ako dapat akong matuwa sa ginawa nya dahil alam kong hindi pa rin ako nagbabago. Hindi ko nalang ito pinansin at saka ako tumingin sa kamay ko at hindi naman nagbabago ang kung anong mero’n ako. Pero sa iba’t-ibang uri ng kulay na nailalabas ko ay hindi ko kontrolado ang pinaka malakas. Hindi ko alam kung bakit at hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kung sakaling hindi ko na naman makonrtol ang sarili ko. Sa totoo lang ay hindi naman ako masyadong nakikipag-usap sa ibang mga tao maliban na lang sa mga tao sa palasyo. Umalis na kami sa field at saka kami umuwi na ni Rianna. Habang naglalakad ay hindi ko alam kung bakit tila hindi naging maganda ang pakiramdam ko. Tumingin sa akin si Rianna at saka ako huminto at pinakalma ang sarili ko. Nang mapakalma ko na ang sarili ko ay saka ako tumingin kay Rianna at saka ko sya binuhat papaak’yat sa puno at saka sya nagulat ng makita ang isang halimaw na bago lang din sa paningin ko. Tumingin ako sa paligid at wala pa gaanong tao at hindi ko alam kung nakikita nila ito pero tingin ko naman ay hindi. “Ano ‘yan?” gulat na tanong ni Rianna. “Hindi ko rin alam pero mukhang may itim na aura ang bumabalot sa kanya,” sabi ko naman at saka sya tumingin sa akin. “Ayy alam ko na!” agad na sabi nya at saka sya umalis sa pagkakahawak ko at saka tinaas ang kamay nya dahilan para makalikha sya ng isang ulan na syang babagsak sa lahat. Hindi ko alam kung ano ang pinupunto nya pero sana lang ay maganda ito at hindi makakasakit ng iba. Habang tinitignan ko sya ay nakita kong nagbago ang kulay ng aura ng nilalang na iyon at unti-unting naging asul at unti-unti syang gumaganda. Hindi ako makapaniwala at hindi ko alam paano ni Rianna nalaman na iyon ang kanyang kailangan. Ang ganda nito at tila isang diwata mula sa isang malayong palasyo. “Hindi mo kailangan na mag-alala isa iyang tagapangalaga ng gubat. Hindi kasi masyadong nag-uulan nitong nakaraan kaya naging gano’n ang itsura nya,” paliwanag nya kaya naman bumaba na ako at unti-unting nawala ang nilalang na iyon. Nang makalabas sa gubat ay saka kami sumaklay ng kotse at saka naman nakita si Chichi na no’n ay nasa loob ng sasak’yan at ngumiti sya sa akin at saka ako niyakap. Pero pansin kong wala si Papa kaya naman tumingin ako sa kanya at saka nya sinabi ang dahilan kung bakit ito wala at saka ako tumango sa kanya. Hindi daw ito makakapunta dahil marami pa syang kailangan na asikasuhin sa palasyo at hindi rin naman magtatagal si Chichi dahil babalik din sya at kinamusta nya lang ako. Nakauwi na kami at saka ako sinalubong nila tita at napanguso naman si Rianna dahil imbis na sya ang kamustahin ay ako. Sa totoo lang ay natutuwa akong welcome ako dito at hindi nila ako pinagbabawalan sa mga gusto kong gawin. Hindi nga lang ako masyadong familiar. May binigay na kahon sa akin si tita at saka nangunot ang noo ko ng makita ito. Hindi ko alam ang tawag sa bagay na ito at hindi ko pa ‘to nakikita kahit na noon. Ngayon palang. Binuksan ko iyon at saka nakita ang isang bagay na syang ikinamangha ko. “Woah!? Ano po ito?” tanong ko at saka sila tumawa sa akin na para bang may nakakatawa. “Cellphone ang tawag d’yan Sunny. Hindi kasi malalaman kung nasaan ka at isa pa ay kailangan mo ‘yan dito dahil iyan ang uso,” paliwanag ni tito Roy at saka ako tumango. “Hindi ako magtataka kung bakit ang spoiled ng anak mo Roy,” sabi naman ni tita Anna. “Hari na rin naman ngayon si Rhum at isa pa ay si Rianna ang kailangan bantayan dahil hindi ako papaya na kung sino-sino ang lalakeng aaligid sa kanya,” saad ni tito Roy na syang ikinanguso nito at saka sya lumapit kay tita Anna. “Mommy ano ba naman ‘yan si Daddy!” sabi nito na tila bata. Hindi ko mapigilan ang hindi matuwa at hindi ko rin mapigilan ang hindi mainggit lalo’t mero’n syang isang kumpletong pamilua. Umak’yat na ako sa k’warto at saka ako bumuntong hininga. Hindi ko lang maiwasan ang hindi mag-isip tungkol sa kung ano ang itsura ng tunay kong ina at sa kung ano syang klasing tao. Pero naiisip ko pa rin kung bakit ayaw ipabasa ni Papa sa ‘kin ang isang libro tungkol sa isang babaeng nagbalik ng kapayapaan sa Mystica. Masyadong maraming nangyare sa araw na ‘to at hindi ko nalang inintindi ang nangyare sa Mytica. Ipinikit ko ang mga mata ko at saka ko napagpasyahan na matulog. Nagising ako kinabukasan na may liwanag na ang k’warto at napasinghap ako ng makita ko si Rianna sa harapan ko at saka ko sya sinipa dahilan para tumalsik sya. Sa lakas ng ginawa ko ay nasira ang bubungan at saka bumagsak ang mga kahoy na galing sa taas nito. Hindi ko alam kung matatawa ba ako sa ginawa ko o maiinis ako dahil nasa harapan ko sya at ginulat na nya ako. “Ano ba naman ‘yan, Sunny!!!” inis na sabi nya at saka napahawak sa likuran nya. “Rianna naman kasi bakita ka bumubungad sa paggising ko.” Nakangusong sabi ko at saka ako tumayo at inayos ang bubungan. “Hinahamon kita! Mamaya ano laban tayo?” Nakangiting sabi nya at saka ako tumango bilang sagot sa kanya. Nag-asikaso na ako at saka ako at maya-maya ay nagpahatid na kami sa school. Nang makarating sa school ay saka ko nakita sila Lili at kumaway sila sa amin at ako naman ay hindi maiwasan ang hindi ngumiti sa kanya. Sa totoo lang ay hindi ko alam kung ano ang mero’n kay Lili at gusto ko syang makita pero kapag nasa malapit naman sya ay kakaiba ang pakiramdam ko. Kakaiba at hindi ko alam kung ano ang tawag doon. Nang makapasok sa classroom ay napakunot ang noo ko ng makita ang isang note. “Hindi ko maalalang may kaaway ka, Sunny,” sabi ni Rianna at saka ako tumingin sa paligid. Hindi ko nga rin maalala dahil bago lang din naman ako dito. “Hala ka?” sabi ni Xena at saka ako tumingin sa kanya. “Bakit?” tanong ko at saka nya kinuha ang note. “Sulat ‘to ni Blaze oy! Balita ko nga ay malapit na syang umalis kasi may hinahanap daw sya sa mundong ito,” paliwanag nya at saka naman kinuha ni Lili ang note sa kanya at saka iyon tinapon. “H’wag mo ng pansinin,” sabi nito na syang ikinataka ko at napatinginlang din sa kanya si Xena at kahit ako ay nagtataka. Nag-umpisa na ang klase at saka ako tumingin sa may labas at nakita ko ang ganda ng araw ngayon. Hindi ko maiwasanang hindi mapangiti dahil sa nakikita kong magandang paligid. Ito ang nakakapagpakalma sa sistema ko at ito ang gusto kong klima sa paligid ko. Ang makita ang paligid na ito na tila payapa ay sobrang nakakalakas sa sistema ko at sa pakiramdam ko. Pero biglang may umak’yat sa may puno sa may harapan ko at napasinghap ako sa mukha ni Blaze. Binaling ko ang tingin ko sa professor ko at hindi ko nalang sya pinansin. Pero nakaramdam akong may binabato sya sa akin at hindi ko nalang din iyon binigyang pansin hanggang sa tumingin si Rianna sa may bintana at nanlaki ang mata nya dahil sa nakita. “Hala ka?” sambit nya at saka tumingin sa akin. “Bebe mo tawag ka,” asar nya na syang ikinakunot ko ng noo. “Bebe?” takang tanong ko sa kanya at saka ako tumingin sa may bintana. “Rianna!” inis na sabi ko. “Ay sorry, hehehehe. Ma’am may panggulo po sa klase!!!” sabi nya habang nakataas ang kamay dahilan upang bigyan sya nito ng pansin. “Blaze!” tawag sa kanya ng prof namin at saka ako napakagat sa labi ko at tumingin sa labas. “Yes Ma’am!” sagot nya na tila natuwa pa. “What are you doing there?” tanong ni Ma’am at saka nagpamewang pa. Bumaba sya sa may puno dahilan para magtilian ang iba naming classmate sa pag-aakalang mahuhulog ito at ng makita nilang hindi ito nahulog ay tila nakahinga naman sila ng maluwag, Tumalon kasi ito sa saka umikot sa ere at lumapag sa tapat ng room at saka nag-bow na para bang bilib na bilib sa kanya ang mga tao. “I’m just visiting our new transferee!!!” sabi nito na tila nang-aasar pa. “Hindi ba’t may klase ka?” “Ma’am, I’m just visiting her,” sabi pa nito na may pangungulit. “Hal aka Blaze, hindi naman kasi mahilig sa tao itong si Sunny kaya mabyuti pa ay umalis kana at nai-welcome mo na rin naman sya ayos na ‘yon,” sabi nito at tiniginan ko lang sya. Hindi ko alam ang sasabihin ko at isa pa ay hindi ko naman sya ka-close. Masyado syang makulit at halos hindi naman sya masuway ng prof naming. Gano’n pa man ay tumingin sya sa ‘kin na tila may pahiwatig at saka ako umiwas ng tingin at hindi sinasadyang napatingin ako kay Lili na no’n ay nakatingin kay Blaze sa labas. Tumingin sya sa akin at saka ako napasinghap. Gano’n pa man ay saka nagpatuloy ang prof naming at saka ako bumaling nalang ng tingin dito. Nang matapos ang klase ay saka kami pumunta nila Rianna sa field at saka ako nakahinga ng maliwag ng muli na naman akong makakapag-ensayo. Hindi naman ako gano’n katagal na hindi nakakapag-ensayo pero at least gagawin ko lang din syang libangan habang nandito ako. “Ano na Sunny tara---“ hindi nan i Rianna natuloy ang sasabihin nya ng bigla nalang may sumulpot sa harapan ko at sa ginawa nya ay agad kong pinag-cross ang braso ko at sa pagkakataon na ‘yon nasalagan ko ang tirade nya. Hindi ko alam kung anong sapak ng lalakeng ito at hindi ko alam kung bakit sya nandito. “Ikaw na naman!” inis na sabi ko at saka ako tumingin sa likuran nya at nandoon si Lili at Xena. “Hindi ka naman kasali sa amin bakit ka nandito?” tanong ni Rianna. “Hala ka… Blaze ang g’wapo kapag sa malapitan!” sabi ni Xena na tila kinikilig pa. “Shh tayo lang ang nakakaalam nyan,” sabi naman nito na syang ikinangiwi ko. “Hindi ka naman mayabang ano?” inis na sabi ko at tumango lang sya sa ‘kin. “Hindi naman sakto lang,” sabi nya pa at saka ko sya tinulak ng malakas dahilan para tumalsik sya. Masyado syang mayabang na para bang nasa kanya na ang lahat pero wala naman akong pakialam sa kanya at isa pa ay hindi naman sya gano’n ka-g’wapo. Nang tumalsik sya ay naglabs sya ng kapangyarihan dahilan para muli syang makabangon at sa inaakala kong gano’n lang sya kadaling matalo ay nagkakamali ako. Sumugod sya sa akin at saka ko hinanda ang sarili ko sa atake nya sa pagkakataon na ‘to ay tinapat ko ang kamay ko at saka bumungad sa kanya ang isang malaking apoy na sya namang kinontra nya at saka ako ngumisi sa kanya. Hindi ako magtataka sa kung anong lakas ang mero’n sya at hindi ako magtataka kung sakaling mas magaling sya kaysa sa akin. Pero hindi ko lang naman ma-gets ay bakit inaasar nya ako? Ganito ba sila sa bagong transfer? Hindi naman ata ito makatarungan!!! Naglabas ako ng pana at saka koi yon tinutok sa kanya dahilan para magulat sya at hindi nya iyon inaasahan. Nang tumama ito sa kanya ay saka sya tumilapon at bumagsak sa field at saka ako bumaba at tinignan ko lang sya. “Ano bang problema mo sa ‘kin!” inis na sabi ko at saka lumapit sa ‘kin si Lili. “Sunny calm down,” sabi nito at saka ako tumingin sa kanya at sa inis ko ay umalis ako ng field. Kung mang-aasar lang sya ay dapat hindi gano’n at ang nakakainis ay bakit gano’n ang naging bungad nya sa ‘kin. Kahapon ay binato nya ako ng kapangyarihan tapos kanina ay pumunta sa may classroom para lang mamb’wisit at ngayon ay nakipaglaban sa ‘kin ng walang dahilan. “Sunny wait!!” rinig kong sigaw ni Rianna pero hindi ko pinansin at dumeretso lang ako ng lakad.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD