CHAPTER 2

2330 Words
SUNNY’S POV   “Ano ‘tong nakikita ko? Bakit ganito ang buong paligid?”   Hindi ko alam ano ang ginagawa ko dito pero isa lang ang alam ko. Tila pamilyar ito sa ‘kin at parang nakapunta na rin ako dito noon. Mula sa harapan ko ay naro’n ang isang babae na may bilog na liwanag ang nababalot sa kanyang katawan. Naro’n din ang mga tila dyos at dyosa na no’n ay pinipigilan iyo sa kung anong maaring maganap.   “SUNNY!!!”   **********   Napabalikwas ako ng bangon at napahawak sa dibdib ko. Ang lakas ng kabog ng puso ko. Hindi ko maintindihan kung bakit ganito ang pakiramdam ko. Tinignan ko ang sarili ko sa salamin at saka ako napabuntong hininga. Tumayo ako at saka lumabas ng k’warto at hinanap si Chichi. Wala si papa ngayon dahil paniguradong nag-iikot iyon sa ibang palasyo upang makipagkasundo.   Nang makita ko si Chichi ay nasa silid lang nya sya at nag-aaral kung paanong humawak ng book spell at paanong gamitin ang kapangyarihan nya. Napangiti ako ng makita ko syang mas nagiging magaling kaysa sa akin. Napalingon ito sa ‘kin at saka sya ngumiti at tumayo at saka ako niyakap.   “Good morning ate!” bati nya at saka ako bumati rin.   “Good morning. Ano ang ginagawa mo?” takang tanong ko.   “Tignan mo ate, natututunan ko na kung paanong gamitin ang kapangyarihan ko. Natutunan ko na rin na mabasa ang book spell na pinamana sa ‘kin.” Nakangiting sabi nito.   Hindi ko na inabala ang sarili kong isipin ang panaginip ko kanina. Kung ano man ang ibig sabihin no’n ay hindi ko alam. Napagpasyahan namin ni Chichi na bumaba upang kumain ng agahan. Dito sa Palasyo ay bantay sarado kami ng mga kawal. Hangga’t wala si Papa ay hindi kami maaring lumabas ng palasyo at hindi maaring makalabas sa bakuran nito. Kahit ang mag-ikot sa bayan ay bawal.   Nakauwi na rin si Papa galing sa ibang bayan at nang matapos ang almusal ay pinasunod nya ako sa field. Nang makarating doon ay nakaupo lamang ito at walang kahit na anong hawak. Nangunot ang noo ko sa kanya at saka ako tumingin sa paligid. Sobrang nakakapanibago nito at hindi ko alam kung anong nangyayare.   “Ngayon na naging bihasa kana sa kapangyarihan mo ay bibigyan kita ng pagkakataon na manatili sa mundo ng mga tao.” Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya.   Matapos ang limang taon na pagtitiis ko sa Mystica ay sa wakas makakalaya ako sa mga kawal at mga ensayo naming dalawa. Na-eexcite ako na hindi ko maintindihan. Tumayo sya at saka lumapit sa ‘kin at hinawakan ang ulo ko. Ngumiti ito at saka ako niyakap. Kahit na paano’y masuwerte pa rin ako sa mga bagay na mero’n ako at lalo na sa pamilyang kinabibilangan ko.   “Sila tita Anna at tito Rence ang magbabantay sa ‘yo doon. Hindi ko maipapangako kung kailan kami susunod ni Chichi pero h’wag kang mag-alala. Maaalagaan ka nila do’n.” Nakangiting sabi nya at tumango ako.   Matapos ang pag-uusap namin ni Papa ay halos hindi ako makatulog dahil na rin sa sobrang kaba at excitement. Pero hindi pa rin maalis sa isip ko ang panaginip ko kaninang umaga. Tinignan ko ang sarili ko sa salamin at saka ko hinawakan ang buhok ko. Ang ganda ng pagkadilaw nito at sa totoo lang ay maraming naiinggit sa ‘kin dahil napaka-natural daw nito. Hindi ko alam bakit kulay dilaw ang buhok ko pero isa lang ang sinabi ni Papa sa ‘kin. Dahil daw iyon sa taglay nakapangyarihan ko.   Kinabukasan ay nag-asikaso ako ng sarili ko at saka ko inayos ang mga gamit ko. Nang makapag-ayos na ako’y saktong pagpasok ni papa sa k’warto ko at ngumiti ako sa kanya. Naro’n naman si Chichi na hawak ang kamay nya at nakatingin rin sa ‘kin.   “Handa kana ba?” tanong ni papa.   Tumango ako bilang sagot at saka ko kinuha ang bagahe ko. Lumabas kami ng k’warto at sa ibaba ay nakaabang na pala si lola Anna at lolo Rence. Ang ganda at g’wapo nilang pareho at nakakatuwa na ngayon ko lang ulit sila nakita matapos ang limang taon. Mula sa likuran nila ay naro’n si Rianna na no’n ay maganda sa kanyang kasuotan.   “Woah!? SUNNY!!!” sigaw nito sabay takbo papalapit sa ‘kin at saka ako niyakap. “I can’t believe!!! Mas lalo ka pang gumanda at mas lalong nag-bloom ang kulay ng buhok mo!” puna nito.   “Salamat.”   “Alam mo ba, I’ve been waiting for you! And now finally tito Zemji give you a chance to get out in this fantasy world!!!” sabi nito at saka tumingin kay Papa.   “Tsk.”   “Alam mo tito Zemji mag-asawa ka na lang ulit!!!”   “I can’t.”   “We? Mommy I can’t daw oh!”   “Alam mo anak, iyong mga katulad nyang tao na hindi pa move on sa ex ay hindi pagpapalain ni Lord.” Natawa ako sa sinabi ni lola Anna at dahil do’n nakita kong nainis ang mukha ni papa.   “Kaya hindi ko gustong nandito kayo, e.” Inis na sabi nya.   “Hindi ba sasama si Chichi?” tanong ni lolo Rence.   “Nope, we have something to do by now. Susunod kami kapag natapos na.”   Umupo ako upang pantayan si Chichi at saka ko hinawakan ang mukha nya. “Mag-iingat kayo ni Papa. Sumunod kayo kaagad kasi mami-miss kita ng sobra-sobra!” Tumango sya sa ‘kin at saka ako kiyakap.   Umalis na kami nila lola Anna at saka kami kumaway kay Papa. Hindi ko alam bakit nagbago ang isip nya ngayon pero pansin ko ang tila kakaiba nitong kilos ng mga nakaraang araw. Gusto ko man syang tanungin kung bakit tila hindi sya napapakali. Mula ng pumasok ako sa library ay panay ang pagpapaalala nito sa mga katulong na isara ng mabuti ang library para walang makapasok. Kung ano man ‘yon ay gusto kong malaman kung bakit.   Bumungad sa harapan ko ang kalsada at naglalakihang mga sasakyan. Agad na napakapit ako kay Rianna at saka sya natawa sa ‘kin. Sa tagal kong nawala sa munsong ito ngayon ko lang napagtantong delekado pala sa kalsada at hindi magandang nag-iisa ka.   “Ba-bakit ba nasa kalsada tayo.” Natatakot kong tanong.   “Ano ka ba! Nandyan na ang sasakyan namin. Isa pa ay nagpasundo kasi si mommy sa driver, tamad syang maglakad, Sunny.” Natatawang sabi nito at saka ako tumingin kay lola.   “Oo nga pala Sunny. Don’t call me lola just call me tita nalang. Hindi ko pa deserve ng apo.”   “O-opo.”   “H’wag kang matakot hindi ako nangangain!” Nakangusong sabi nya at saka ako yumuko.   Dumating na ang sasakyan at agad na sumakay kami doon. Sobrang daming nangyare at ang daming nagbago. Gano’n pa man ay gusto kong ienjoy ang mundong ito at pagkakataon na ibinigay ni papa sa ‘kin. Nakangiti akong nakatingin sa labas ng bintana dahil na rin sa pagkamangha.   May nadaanan kaming park at mula ro’n ay nakita ko ang isang bata na papatawid ng kalsada. Agad kong tinigil ang oras at napatingin sa ‘kin sila tita Anna. Bumaba ako ng sasakyan at saka ko tinulungan ang bata. Inilipat ko sya ng p’westo at saka ko ulit pinagalaw ang oras. Tumakbo itong pabalik bagaman nagtataka sya. Bumaba ng sasakyan si Rianna at saka ako pinalo sa braso na syang ikinainda ko. Napanguso nalang ako dahil hindi ko daw p’wedeng gamitin ang kapangyarihan ko ng basta-basta.   Bumuntong hininga nalang ako at saka pumasok ulit sa sasakyan at saka kami nakarating sa isang bahay na simple lang. Nang makapasok ang sasakyan ay saka ako bumaba at agad na hinila ni Rianna papunta sa taas ng bahay. Agad na dinala ako nito sa magiging k’warto ko at saka ako napangiti ng makita ko kung gaano ito kaganda. Iyon nga lang ay hindi ko gusto ang naging kulay nito.   Itinaas ko ang kamay ko at saka ko binago ang kulay ng buong k’warto. Mula sa ceiling hanggang sa pader nito. Nang mabago ko na pati ang kukay ng higaan ay saka ako humiga.   “Ang daya mo talaga!” Nakangusong sabi nya.   “I just don’t like the color,” sagot ko naman at saka sya humiga sa tabi ko.   “Ang sabi ni mommy sa ‘kin ay mero’n ka daw kahawig na sobrang ganda rin. Hindi ko alam kung sino pero sabi nya basta daw.”   “Talaga?”   “Oo. Hindi bale na. By the way, nakahanda na ang mga gagamitin natin para sa school at saka nga pala iyong ibang gamit mo tignan mo nalang dyan. May gagawin pa kasi ako, e. Kita tayo mamaya,” paalam nya at saka umalis ng k’warto.   Napabuntomg hininga nalang ako at napangiti dahil sa asal ni Rianna. Sobrang nakakatuwa sya at hindi maipagkakailang madaldal talaga. Tumayo ako at saka tinignan ang sinasabi nyang gamit sa at nang makita ko ito’y namangha ako. Ang ganda ng mga damit at short. Kinuha ko ang isang box na may lamang cellphone.   “Woah, ang galing.” Nakangiting sabi ko.       MYSTY’S POV   Lumabas ako ng palasyo at saka ako dumeretso sa kung nasaan si Destin. Hindi ko alam kung anong nangyayare pero isa lang nasisigurado ko. Iba na ang takbo ng lahat ngayon at iba na rin ang tinatahak na landas ni Sunny. Kung maganda ba ‘yon o hindi ay hindi ko rin alam. Nang makarating sa kung nasaan si Destin ay agad ako nitong hinatak sa isang silid at mula ro’n ay nakita ko ang anak ko.   “Gusto ko man sabihin sa lahat ay hindi p’wede dahil nangangamba ako sa maaring mangyare. Pero sa ngayon ay ikaw muna ang sasabihan ko. Saka ko na sasabihin kila Asmodeus kung ano ito,” paliwanag nya at saka ako tumingin sa kanya.   “A-ano ba ang nangyayare? Hindi ito ang sinabi mo sa akin noon, Destin,” nauutal kong sabi.   “A-alam ko. P-pero kasi pati ako’y nagtataka na rin. Hindi porket alam ko ang kapalaran nila’y doon ko na ibabase ang lahat Mysty. Katulad ng nangyare sa ‘yo noon. Hindi ko alam kung paano pero tingin ko ay may kinalaman iyon sa pagiging sanggol nya noong ginamit nya ang kapangyarihan nya.” Nangunot ang noo ko at mas lalo akong naguluhan.   “A-ano?”   “Binabago ni Sunny ang kanyang kapalaran.” Pareho kaming napalingon sa nagsalita at mula do’n ay naro’n si Asmodeus at Thelia.   Nagkatinginan kaming dalawa at saka tumingin muli sa pigura ni Sunny na no’n ay nasa mundo ng mga tao. Nagpulong kaming apat at saka gumawa ng shield upang walang ibang makakarinig kung hindi kaming apat lang at walang makakalabas na ibang salita. Hindi ko alam kung magiging maganda ba ito o hindi. Pero isa lang ang gusto kong malaman. Kung magiging ligtas ba sya o mapagtatagumpayan nya ang magiging kapalaran at hangarin nya.   “Sinula ng mangyare ang hindi inaasahan ay hindi ko aakalain na magiging ganito ang lahat,” sabi ni Asmodeus.   “Paanong naging gano’n?” takang tanong ni Destin.   “Iyan din ang pinagtatakahan naming dalawa. Hindi kaya may mas lalala pa sa kung sakaling maulit ang mangyare?” Nag-aalalang sabi naman ni Thelia.   Hindi ko magawang makasagot pero sa totoo lang ay nangangamba ako. Gusto kong pumunta sa mundo ng mga tao upang gabayan at batayan si Sunny pero kinakailangan ko syang hayaan sa kung anong landas ang kanyang tatahakin. Napahawak ako sa ulo ko saka ako bumuntong hininga at tumayo.   “May tiwala ako sa anak ko,” sabi ko saka tumingin sa kanila. “Magtiwala tayo sa kanya sa kung anong kanyang gagawin. Iyon lang ang tanging magagawa natin sa ngayon,” dagdah ko pa.   Tumingin sila sa isa’t-isa at saka tumango. “Paano nga pala si Lili?” tanong ni Destin kay Thelia.   “Iyon ang hindi ko alam. Si Habriyon ay abala ngayon sa pagtuturo pati na rin si Ulap at Zank. Si Lili ay hindi ko pa nakikita mula ng mangyare ang bagay na ‘yon no’ng araw na iyon. Hindi ko na naramdaman ang ora nya,” saad ni Thelia.   “Sige, ako na ang bahala kay Lili.” Prisinta ni Destin.   Matapos ang pag-uusap namin ay nakasalubong ko si Al na no’n ay papunta sa Academy. Agad akong lumapit sa kanya at saka ko sya niyakap at gano’n din sya sa ‘kin.   “Ano ang ginagawa mo dito?” tanong ko.   “Hinahanap kita. Pagkagising ko ay wala kana. Ano ang nangyare?” tanong din nya.   Huminga ako ng malalim at saka ko sya hinatak pauwi at pinaliwanag ang napag-usapan namin nila Destin. Totoong hindi ko na rin naramdaman pa ang ora ni Lili simula ng araw na iyon. Pero kung nasaan man ang batang iyon ay sana hindi sya bumalik sa kung ano sya noong magkakilala pa sila ni Sunny. Alam kong mas magiging mabigat kay Sunny sa kung sakaling maging kaaway nya ang matalik nyang kaibigan. Kapag nangyare ‘yon ay tiyak akong gagawin nya ang lahat mapatawad lang sya nito kahit na hindi naman nya kasalanan.   “Magiging matatag sya, Mysty. Kaya ng anak natin ‘yon. Tiwala lang.” Ngumiti ako sa kanya ng pilit ay saka ko sinandal ang ulo ko sa balikat nya.   “Sana nga.” 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD