CHAPTER 15

2212 Words
SUNNY’S POV Nag-umpisa na ang labanan sa pagitan ni Lili at Lyn. Nakaupo ako ngayon sa tabi ni Lolo at ang iba naman ay nandoon sa baba na nakaupo. Pakiramdam ko may gagawin akong masama dahil bantay sarado nila akong dalawa ni Lola. Nakatingin lang ako sa dalawa na no’n ay parehong seryoso ang mukha. Sila Xena, Rianna, Roland at Blaze naman ay nanonood lang ng tahimik. “Bakit naman kasi ang bantot ng pangalan nya?” Nakangiwi kong sabi at saka ako siniko ni Lola na syang ikinagulat ko. “Sinong mabantot ang pangalan?” tanong nya at saka ako umiling. “Wala po,” sagot ko na lang. Pinanood na lang namin sila at ngayon ay nag-umpisa na ang laban ni Lili at Lyn. Hindi ako makapaniwala na makikita ko kung paanong makipaglaban si Lili. Hindi rin ako makapaniwala na gagawa ng ganito si Lolo at ang mga nandito naman ay na-engganyong manood sa amin. Ang bilis ng kilos ni Lyn at nakakaya nyang maglabas ng mga kakaibang hayop na para bang mga peste sa ilalim ng lupa. Si Lili naman ay nagagawang lumipad sa ere na walang pakpak at nakakaya nyang gumawa ng sandata sa pamamagitan ng mga kamay nya. Ang bawat yabag ng paa nila’y tila mabigat sa lupa at naririnig kong dumadagundong ang bawat hakbang nila. Ang mga mata ni Lili ay mabilis na tumitingin kaliwa, kanan, taas at baba. Ang bawat tirada ni Lyn sa kanya ay nagagawa nyang ilagawan, iwasan at salagan gamit ang kanyanh kapangyarihan at kung maari rin ang kanyang physical na lakas. Mula sa likuran ni Lyn ay tumalon si Lili at hindi nya agad iyon nakita lalo na nang nagpakawala ito ng kakaibang usok sa ere. Nagawa nyang mapailalim si Lyn. Napatakip ako sa bibig ko at sa totoo lang ay namangha ako. “Ang galing!” sabi ko habang pumapalakpak. “Shh!” suway ni Lola Ji. Agad na natahimik ako at saka muling tumingin sa field. Susunod ay sina Xena at Rianna. Ang panalo ngayon ay si Lili kaya naman umupo sya sa kabilang bahagi ng field para makapagpahinga. Sa totoo lang hindi ko naman masyadong naintindihan ang proseso pero maghihintay na lang din siguro ako ng anunsyo ni Lolo. Nagharap na ang dalawa at saka sila ngumiti. Masyado silang friendly at masyado silang banayad kumilos. Habang magkaharap sila ay nagyukuan pa silang dalawa at matapos ‘yon ay saka nila pinuwesto ang kanilang mga katawan. Hindi naman siguro sila magsu-sumo fight hindi ba? Napabuntong hininga na lang ako at nakaramdam ako ng konting bagot kaya naman naipikit ko ang mga mata ko. ********** Isang magandang palasyo ang nasa harapan ko at ang lahat ng mga tao dito’y tila makakapangyarihan. Mula sa harapan ko ay nakita ko ang babaeng nakita ko na sa may dingding nila tita. Ang kakaibang mga mata nito at kulay ng buhok ay nakakabighani. Mula sa harapan nya ay may pinangangalagaan itong limang salamin at lahat ng iyon ay binibigyan nya ng lakas. Parang gusto ko syang lapitan at yakapin. “Hindi ka pa ba kakain?” tanong ng lalakeng nasa likuran nya at napalingon ako doon. “Susunod na ako. Mamaya ay pupuntahan ko sila Destin,” sabi nito at saka ngumiti. Ang kakaibang ngiti nya ay may tinatagong sakit at pangungulila. Ramdam ko ‘yon at nakikita ko ‘yon sa mga mata nya. Hindi ko alam kung bakit ako nandito. Nakakapagtaka lang din dahil sa puntong ito umiiyak ako. ********** “Sunny?” Napamulat ako sa tumawag sa ‘kin at nakita ko ang mukha ni Lola Ji na no’n ay tila nag-aalala sa ‘kin. “A-ano pong nangyare? Tapos na po ba?” tanong ko at ngumiti sya. “Si Blaze at Roland na ang naglalaban. I saw the tears in your eyes, kaya ginising kita,” saad nito at ngumiti ako. “Salamat po,” sabi ko naman at saka yumuko. Bumalik na sa upuan si Lola at saka ako tumingin sa baba at nakita ko ang seryosong mukha ni Blaze at gano’n din si Roland. Hindi ko naman din masisisi si Blaze kung may galit sya kay Roland. Pero I wonder if kamusta na ‘yong mga naghanap sa kanya noong nakaraan. Ano na kaya ang nangyare at ano na ang balita sa kanila. Nag-umpisa na silang maglaban at nabigla pa ako dahil sa bilis nilang dalawa. Mas doble kasi ang kilos nila sa kilos nila Lili kanina. Hindi ko maiwasan ang hindi mamangha lalo na kay Roland kasi ngayon ko lang din nalaman na isa syang earth user. Tinignan ko lang ang kanilang bawat kilos at galaw at hindi ko alam kung sino ang titignan dahil sa bilis. Walang nagpapatalo at walang sumusuko. Hindi ako makapaniwala na nagagawa ni Blaze pagsabayin ang physical at kapangyarihan nya ng isang iglap lang. Ang bawat kilos nya ay banayad bagamat nakakaengganyo. Dahil sa apoy na nilalabas nya ay tila isa itong liwanag na nagbibigay tanglaw sa lahat. “Waw? Hindi ko alam na mero’ng ganyan sa panahon ngayon?” sabi ni Lolo at napalingon ako sa kanya. “Bakit po?” tanong ko at tumingin sya sa ‘kin. “May kilala akong isang elementalist na isa na ring dyos ngayon, Sunny. Isa syang Fire God at Animal God. Ganyan din ang kaya nyang gawin lalo na nang maglaban sila ni Mysty noon,” sabi nito at napasinghap pa ako ng banggitin nya ang pangalang Mysty. “Mysty po?” takang saad ko at saka tumingin sa ‘kin si Lola Ji. “Oo, ija. Hindi mo ba kilala ang Lola Mysty mo?” Umiling ako at saka tumingin si Lola kay Lolo at ako naman ay bumaling ang tingin kala Blaze at Roland. Habang nasa ere si Roland ay nagagawa naman ni Blaze na kumilos na para bang kidlat at nagagawa nyang utakan si Roland dahilan para hindi ito makabawi sa kanya. Sa totoo lang no’ng nakasama ko sya noon sa Mystica hindi ko inaakala na makakaramdam ako ng kagaangan sa loob ko. Pakiramdam ko ay magkaibigan na kaming dalawa kahit na lagi kaming nagtatalo. Ngayon naman ay kasama namin syang naparusahan kahit na wala rin naman syang ginawa noong araw na ‘yon. Nakikita ko ang inis ni Roland dahil hindi nya magantihan si Blaze. Bukod kasi sa pagiging earth user nya ay mero’n syang kakayahan maging isang wolf. Pansin ko lang na masyadong sineseryoso ni Roland ang laban at si Blaze naman ay tila naglalaro lang mula sa kawalan. Hindi ko alam kung bakit parang kinakabahan ako sa sitwasyon nilang dalawa. “Ano ang ginagawa nya?” takang tanong ko. “H’wag kang mag-alala, hindi naman ‘yan magiging malala,” sabi naman ni Lolo pero hindi ko initnindi. Nakakainis naman ‘tong Roland na ‘to. Mula sa likuran ni Blaze ay nagawa ni Roland na sipain ito at napabagsak ito sa lupa. Agad na gumawa ito ng isang kulungan para hindi ito magawa at saka gumawa ng batong espada. Nang makalapag sya ay tinapatan nya ng espada si Blaze at ngumisi lang ito sa kanya. Tumingin sya sa ‘kin bagay na ikinakunot ko ng noo at saka nakuha ang ibig nitong sabihin. Tumingon ako kay Blaze at saka ko sya tinanguan bilang senyas. Tumango sya sa ‘kin at saka tumingin kay Roland at tinaas ang kamay na para bang sumusuko na. Ang kaninang laban sa pagitan ni Rianna at Xena ay si Rianna ang nanalo. Ngayon si Rianna, Lili at Roland ang natira. Sa unang laban ulit ay si Lili ang makakatapat ko. Kaya naman tumayo na ako at saka pumuwesto sa harapan nya. Pero bago ‘yon ay kinausap ko sya gamit ang isip ko. “Magpatalo ka,” sabi ko na syang ikinagulat nya at ikinakunot ng noo. “H’wag mo na akong tanungin kung bakit. Basta gawin mo, gusto kong makalaban si Roland,” paliwanag ko at umingin sya dito saka tumingin sa ‘kin. Nakuha naman nya ang ibig kong sabihin kaya naman nag-umpisa na rin kaming dalawa. Hindi ko alam kung ilang oras na kaming ganito pero hindi ko na rin ‘yon namamalayan. Sinugod ako ni Lili sa likuran na agad kong hinarap at saka ko sya sinipa. Tumalsik sya sa puntomg ‘yon pero agad namang nakabangon at saka ako sinugod. Lumipad ako paitaas at saka naghanda ng pana at tinutok ‘yon sa kanya. Hindi ko pa man ito naipapana ay nasa harapan ko na sya at sa gulat ko ay nawala ang pana ko at saka ko pinag-cross ang braso ko para salagin ang tirada nya. “Gusto ko muna masukat ang lakas mo, Sunny,” sabi nya na syang ikinangiti ko. “Game,” sabi ko naman na para bang ginawa na lang naming laro ang laban. Sa pagkakataon na ‘yon ay nagtagisan kami ni Lili ng lakas. Ang bawat kilos nya ay sya ding kilos ko kaya hindi alam kung sino ang babagsak sa aming dalawa. Pero ramdam ko ang diterminasyon ni Lili na matalo ako. Hindi ko alam kung magagawa ko nga ba syang bangasan ko patimbahin ko na lang na walang gasgas. Habang tumatagal ay palakas ng palakas ang tirada ni Lili sa ‘kin at nararamdaman ko ang tila bigat ng bawat kilos nya na syang pinangangambahan kong baka hindi ako makapagpigil. Mula sa taas ay may hawak syang espada at saka sya naglabas ng kapangyarihan na bumalot sa espasa at nakita ko kung gaano iyon kadelekado. Agad kong binalot ang sarili ko ng barrier at saka ko ko sya binalot ng kapangyarihan ko at pumalit sa p’westo nya at saka ako naglabas ng espada. Nang magawa ko ‘yon ay sinipa ko sya sa t’yan at nang mapahiga sa lupa ay saka ko tinutok ang espada sa leeg nya. Pareho kaming hiningal sa ginawa namin pero ngumiti ako sa kanya at saka ko nilatagan ng kamay ko at tinulungan syang tumayo. Nang makatayo ay saka ngumiti sa ‘kin pero biglang sumakit ang ulo ko sa hindi malamang dahilan. “Oh? Ayos ka lang?” tanong nya at saka ako tumango. “Sigurado ka?” “Oo, med’yo sumakit lang ng kaunti,” sabi ko naman at tumango sya. Hindi ko na pinahalata pa ang sakit at saka sya bumalik sa p’westo nya. Ngayon naman ay makakalaban ko si Rianna. Lumapit sya sa ‘kin at tinanong ako kung ayos lang ba ako. “Hindi ko alam kung anong nakakasakit sa ulo mo. Wala ka naman ibang ginawa kung hindi ang sumalag?” “Alam mo ikaw ang dami mong sinasabi, tara na at nang matapos na,” sabi ko at saka sya natawa. “Hindi ko alam kung saan ka nagmana pero, hindi ko naman iisiping ampon ka.” Napaisip ako sa sinabi nya at saka ako napalingon. Ampon? Hindi ko alam pero parang may kakaiba sa sinabi nya kahit na wala naman. Pumuwesto na kami at saka ako ngumisi sa kanya at gano’n din sya sa ‘kin. Sinugod nya ako at agad kong pinag-cross ang braso ko at tumalon papunta sa likuran nya at saka ko sya sinipa at ginamitan ng kapangyarihan. Agad naman na nasalagan nya ito ng kanyang kapangyarihan at saka ako napangiti dahil sa bilis nya. “Hindi na rin masama,” sabi ko at napanguso sya. “Alam mo wala na akong ibang narinig mula sa ’yo kung hindi kahambugan.” “Anong hambog do’n?” “Tsk. Ewan ko sa ‘yo. Gaganti ako!” sabi nya na syang ikinatawa ko. Nagsabay kaming sumugod dalawa at saka kami parehong natumba dahil sa lakas ng p’wersang pinakawalan namin. Napahawaka ako sa ilong ko at saka napatingin sa kanya. Hindi pa man nakakatagal ang laban ay bigla na lang syang nawalan ng malay. Agad na tinignan ko ang kalagayan nya at nakahinga ako ng maluwag kasi buhay pa sya. “Luh, wala pa nga nahimatay agad?” sabi ni Xena. “Ang parehong p’wersang nilabas ay hindi pareho. Oo nga’t magkasing lakas iyon pero ang kapangyarihan ng tubig sa apoy ay hindi talaga uubra,” paliwanag naman ni Lili na syang ikinatango ni Xena. Ngayon ay ang huling laban ko at ang sunod ay si Roland. Nakangisi na sya sa ‘kin at pinapatunog na ang kanyang buto-buto na parang sasabak sa isang suntukan. Tumingin ako kay Lolo at tumayo sya at saka napahinto sa pag-uusap ang lahat. “Ngayon ay ang huling laban. Kung sino ang mananalo, s’yempre sya ang papaburan. Gano’n pa man kailangan nyong gawin ang kung anong nararapat. Manalo, matalo,” sabi nito. Tumingin ako kay Roland at saka ako nagbigay ng kakaibang ngisi sa kanya na syang ikinakuyom nya ng kamay nya. Masyado syang mainisin at nakikita ko rin na masyado syang pikunin. Tinaas na ni Lolo ang kamay nya bilang hud’yat habang ako naman ay naglabas na rin ng espada. Alam kong gagamitin nya ang espadang bato at alam kong bihasa sya doon base sa nakita ko kanina. Nang bumaba na ang kamay nito ay sabay naming sinugod ang isa’t-isa at saka kami parehong nagtagisan ng lakas. “Hindi ako magpapatalo sa iisang babae lang,” sabi nito at saka ako ngumiti. “Sana all,” sabi ko naman na syang ikinaseryoso ng mukha nya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD