SUNNY’S POV
Hindi ako makapaniwala sa nakita ko at hindi ko alam kung anong sasabihin ko kay Lyn. Lumingin sya sa lalake at saka humiwalay sa ‘kin at sa pagkaatras ko ay nawalan pa ako ng balanse dahilan para saluhin ako agad ni Blaze. Agad naman na umayos ako at saka lumapit kay Rianna at Lili at sila din ay hindi makapaniwala.
“A-anong ginagawa mo dito?” tanong nito na nauutal pa.
“I’m looking for you, Mom and Dad will be here in a minute,” sabi naman nito at muli kaming nagkatinginang apat.
“Jason!” inis na sabi nya.
“Hindi mo na p’wedeng gawin ang bagay na ginagawa mo sa tuwing nandidito ka sa school, Lyn.”
“Labas kasa kung anong buhay ko sa loob ng campus!”
“Pero ako pa rin ang fiancé mo at sa ayaw at sa gusto mo ay sa akin pa rin ang bagsak mo,” sabi nito na may diin sa tono nya.
Hindi ko nagustuhan ang sinabi nya at med’yo pantig sa tainga ko ‘yon. Kaya naman hinatak ko si Lyn at napasinghap sya sa ginawa ko. Pero hindi ko siya tinignan kung hindi ang lalakeng g’wapo na nasa harapan ko. Hindi ko alam kung anong sapak nya at kailangan nyang sabihin iyon sa harapan ng mga nandito.
“Masyado ka naman atang kump’yansa?” saad ko na syang ikinakunot nya ng noo.
“Sino ka naman para mangialam sa aming dalawa?”
“Ako ang kaibigan nya,” agad na sagot ko.
“Hindi sya nakikipagkaibigan sa babaeng talunan.” Napatawa ako ng pagak sa sinabi nya. Kaya naman sa inis ko ay tinapat ko ang kamay ko sa kanya at saka ko sya masamang tinignan sa mga mata nya. Pero hinawakan ni Blaze ang kamay ko kaya naman agad ko rin syang binaba.
Pero hindi ko inalis ang masamang tingin ko sa kanya at nakita ko kung paano syang maghingalo sa ginawa ko. “Tingin ko ay may hindi kayo nauunawaan,” sabi ni Rianna at tumingin ako sa kanya.
“Oo nga! Kasi alam nyo bawal maliitin ang babaeng maamo ang mukha kasi aakalain nyo lang na anghel sya pero demonyo ‘yan,” sabi naman ni Xena at hindi ko alam kung maasar ba ako sa kanya o matatawa.
“Wala akong pakialam!” sabi nito at akmang susugurin ako ng inunahan ko na sya.
Sa puntong iyon ay nagkagulo na ang lahat at naging labanan ang kaninang pagtatalo lang. Hindi ko naman inaakalang pikunin ang isang ‘to sa iisang dahilan lang. Pero dahil sabi ni Papa na h’wag akong magpatalo s’yempre hindi ko naman gagawin ang magpatalo. Kaya naman nang sinugod ko nya ako ay agad akong limipat sa likuran nya at saka ko sya sinipa at napatingin sya sa ‘kin at saka ko tinapat ang espada sa leeg nya dahilan para mapaangat sya ng ulo nya.
Hindi ko alam kung anong k’wento nila at hindi ko naman gina-judge si Lyn sa kung anong pamilya ang mero’n sya. Dahil umaga ngayon alam kong hindi sya gano’n kalakas. Habang nagkakagulo ang lahat ay bigla na lang kaming nakulong sa isang hawla na kasya lang sa amin. Napatingin kami sa pinanggalingan nito at nakita ko ang mukha ni Lolo na syang ikinalaki ng mga mata ko. Napatingin ako kay Rianna at hindi nya rin alam ang kung anong idadahilan.
Pinakawalan ako ni Lolo ng makita nya ako at saka ako yumuko sa harapan nya at gano’n din ang ginawa ni Rianna. Ang seryoso ng mukha nito at pati na rin si Lola Ji. Napakagat labi na lang kaming dalawa dahil sa nangyare. Gano’n pa man ay dinala kaming lahat sa dean. Habang nasa dean ay nakayuko lang ako at hindi makatingin ng diretso kay lolo.
“Ano at nagtatalo kayong lahat at tila may digmaang naganap sa aking paaralan?” sabi nito na may mataas na boses.
“Kasi po sila ang nauna!” sabi naman ni Rianna sabay turo sa lalakeng fiance ni Lyn.
“Anong kami? Iyang babaeng may dilaw ang buhok ang nauna!”
“Hindi mag-uumpisa ng gulo ang apo ko,” seryosong sabi ni lolo na syang ikinatayo ng balahibo ko dahil sa laki ng boses nya.
Hindi naman nakapagsalita ang lalake sa sinabi nito at saka ako ngumisi sa kanya. “Ngayon, hindi ko sinasabing kinakampihan ko sya pero… pare-pareho ang parusa sa bawat isa sa inyo,” sabi ni Lolo na syang ikinalingon ko sa kanya.
Gano’n pa man ay wala na rin akong magagawa dahil dawit na rin ako sa gulo. Kung bakit ba naman kasi napakakupal ng isang ‘to, e. Sinabi sa ‘min ang parusa namin at iyon ay ang tungalian sa susunod na araw at kung sino ang panalo ay syang hihingian ng tawad at ang talo ay luluhod sa kanyang harapan. Dito daw masusukat kung sino ang mas malakas at syang magiging bagong councilor ng Mystic Academy.
Nang makauwi ay dumeretso ako sa k’warto ko at saka ako napahiga sa kama ko. Hindi ko alam kung anong mangyayare pero tingin ko naman ay maganada ang naisip ni lolo. Hindi ko na lang inintindi ‘yon at natulog ako at hindi ako naghapunan. Kinabukasan ay hindi ako pumasok at tinatamad ako. Kinatok pa ako ni Rianna kanina at halos sirain ang pinto ko nang dahil lang sa katok nya. Minsan ang sarap nyang balibagin. Bumangon ako sa higaan na sobrang tamad na tamad pero gusto kong lumabas ngayong araw.
Nagpaalam ako kila tita na lalabas lang ako at pinayagan naman nila ako. Habang naglalakad sa labas ay napapangiti ako sa mga magpapamilyang masayang naglalakad. Ang iba naman ay mga magkakaibigan.
“Ano ang ginagawa mo dito? Bakit hindi ka pumasok?” Napalingon ako sa nagsalita at saka ako nangunot ng noo sa kanya.
“E, ikaw anong ginagawa mo dito?” takang tanong ko.
“Well, I wonder if how’s the life outside of school?”
“Ako ba ginagago mo?”
Sumeryoso ang mukha nya at saka tumingin sa paligid. “May hinahanap ako,” sabi nito na syang ikinatingin ko rin sa paligid.
Hindi ko alam kung ano ang tinutukoy nya gano’n pa man ay hindi ko na rin inabala pa kung ano ‘yon at nagpatuloy na lang ako sa paglalakad. Hindi pa man ako naglalakad ng biglang hawakan nya ang kamay ko at napatingin ako sa kamay nya na nakahawak sa kamay ko. Nangunot ang noo ko sa kanya at saka ko agad na binawi ito pero wala naman akong makitang kahit na ano sa mukha nya. Hindi ko rin mabasa ang reaction nya at ngayon ko lang ‘to nakita.
“What?”
“Wanna join me?”
“Why?”
“If you don’t want, bye then.” Tumalikod sya sa ‘kin at saka ako nag-isip.
Ano naman kaya ang kalokohan ng isang ‘to? May saltik ba sya o may sayad sa ulo? Hindi pa man sya nakakalayo ay nagsalita na ako ng sandali. Huminto sya at saka tumingin sa ‘kin at wala pa rin akong makitang kahit na ano sa kanya. Napagpasyahan ko na lang din na sumama kesa naman ang maiwan at walang ibang gagawin kung hindi ang tumunganga.
Nakarating kami sa isang lugar kung saan ay maraming halaman ang tumubo sa lugar at nababalot ito ng mga kakaibang hayop. Ngayon ko lang sila nakita at para silang mga hayop mula sa kabilang mundo. Lumulutang sila na parang mga isda at ang kakaibang kinang nila ang nagbibigay ng kulay sa kanila. Hindi ko alam kung anong lugar ‘to pero ang ganda ng mga hayop na nandito. Umupo sya sa may isang gilid kung nasaan ang isang puno at ako naman ay gano’n din ang ginawa.
Ipinikit ni Blaze ang mga mata nya habang ako naman ay namamangha pa rin sa nakikita ko. Hindi naman kasi ako nakakalabas masyado ng palasyo kaya hindi ko alam kung anong itsura ng nga nasa libro o kung totoo man din sila. Sabi kasi ni Papa na kapag nasa tamang edad ako ay mauunawaan ko rin ang lahat. Pero hanggang ngayon hindi ko pa rin maunawaan ang sinasabi nya Humiga ako sa damuhan at saka nilanghap ang sariwang hangin.
“Madalas akong nandito,” sabi nya at napamulat ako.
“Mukha nga,” sabi ko naman at saka tumingin sa kanya. “Pero bakit?” tanong ko naman.
“Gusto ko ang mga nandito. Pero dito nare-relax ang utak ko at dito ako nakakapag-isip,” sagot nya.
“Nang ano naman?” muling tanong ko at sa pagkakataon na ‘to ay tumingin sya sa ‘kin.
“Nang kung anong maaring gawin ko,” sagot nya ng nakangiti.
“Alam mo ok ka naman pala, e. Pero noong una talaga hindi.”
“Tsk. Masyado lang talagang mainitin ang ulo mo.”
“Ikaw nga ‘tong mapang-asar.” Nakangusong sabi ki at natawa sya.
“Pikunin. By the way, ano na ang balak mo?”
“Saan?”
“Sa sinabi ng Lolo mo? Alam ko bukas na ‘yon?” Napaisip ako sa sinabi nya at saka ako umiling. “Wala kang balak?”
“Hindi rin naman ako tatakas o babalik sa Mystica para magsumbong kay Papa. Pero s’yempre naalala mo naman siguro ang sinabi ni Papa sa ‘kin tungkol sa kapangyarihan ko hindi ba?” Tumango sya bilang sagot.
Pareho kaming napabuntong hininga at saka natahimik. Hindi ko alam kung ilang oras o minuto kaming nakatambay doon. Pero ang sarap lang kasi talaga sa pakiramdam na mero’ng ganong klaseng lugar na maari kang makapagpahinga ng saglitan. Hinatid nya ako pauwi sa bahay at buti na lang at wala pa si Rianna. Si Tita Anna naman ay wala rin at hindi ko alam kung nasaan sya. Mag-isa ako sa bahay ngayon pero bukod doon sa katulong.
Nagpagpasyahan kong maglibot sa buong bahay since hindi ko naman ito nalibot kahit noong unang salta ko dito. Ngayon ay tahimik at wala akong maririnig na asaran nila Tita Anna. Lagi kasi silang nag-aasaran dalawa at madalas na nananalo talaga si tita at si tito naman ay laging talo. Habang naglalakad ako sa hallway ay may napansin akong litrato na minsan ki na ring nakita noon. Napahinto ako at saka tinignan iyon at namangha sa ganda nito.
“Waw?” hindi makapaniwalang usal ko.
Lumapit ako doon at saka iyon hinawakan. Mula sa baba noon ay nakasulat ang isang pangalan na minsan ko na ring narinig pero hindi ko maalala kung saan at kanino. Ang kakaibang pakiramdam ko ay namutawi at hindi ko alam kung bakit parang naiiyak ako. Ang sama ng loob ko na para ba akong napabayaan at ewan ko pero ang nasa litratong ‘yon ay gusto kong makita at makilala kung sino.
“SUNNY?” Napalingon ako sa tawag sa baba at agad na pinunasan ang luha ko at mabilis na nag-teleport papunta sa k’warto. Humiga ako sa kama at saka kinuha ang libro at kunwaring nagbabasa. Pumasok si Rianna sa k’warto at may dalang pasalubong na ani mo’y namili sa palengke.
“Ano ‘to?”
“Pagkain ‘yan. Binili ko kanina since pauwi na rin naman ako at naisipan kong bilhan ka,” sabi nya at saka ako napangiti “Oo nga pala, nabalitaan mo na ba?” tanong nya at nangunot ang noo ko.
“Alin?”
“Si Blaze wala rin kanina sa school at hinahanap sya ng ibang kalalakihan na tila galit na galit.”
“Kasama ko sya kanina,” sabi ko at nanlaki ang mata nya. “Kung ano man ‘yang iniisip mong hindi maganda… hindi ‘yon ang ibig kong sabihin. Dahil nakasalubong ko sya at mukha syang… malungkot.”
“Malungkot?”
“Oo, ang tamlay nya at hindi nya ako inasar kanina. Actually, sinama nya ako sa lugar kung saan maraming hayop na hindi taga rito.” Masayang sabi ko.
Sinabi ko sa kanya ang naging usapan namin kanina at hindi nga rin sya makapaniwala dahil sa nangyare. Pero ang dami daw talagang naghahanap kay Blaze at tila galit ang mga ito. Kung ano man ang naging kasalanan nya ay sana masulusyunan nya ito. Kinabukasan pumasok ako at dimeretso kami sa field. Ang lahat ng mga tao ay nandoon maski ang mga prof at ibang estud’yanteng bago pa lang. Si Lyn, ako, Blaze, Rianna, Xena at Lili ay nasa mismong gitna kasama sina Lolo at Lola.
Tinignan ako ng kasama ni Lyn ng masama at tila sinisisisi ako dahil dawit sya sa parusa. Gano’n pa man ay hindi ko hahayaan na manalo sya sa laban namin mamaya. Mula sa harapan namin ay naro’n ang isang uri ng salamin na para bang tubig at mula ro’n ay nakikita namin ang mga pangalan namin. Isa-shuffle ‘yon para malaman kung sini ang magkakatunggali. Sa unang laban ay si Lili at si Lyn. Pangalawa naman ay si Roland at Xena. Si Roland ang fiance ni Lyn. Ang pangatlo naman ay si Rianna at Blaze. Pero dahil ako ang walang partner, kung sino ang mananalo sa huli sya ang makakalaban ko.
“Kapag natalo ni Lyn si Lili o si Lili si Lyn, sya ang makakalaban mo Sunny. Ang sunod ay kay Roland at Xena tapos si Rianna at Blaze. Get’s mo ba?”
“Hindi po kaya lugi ako?”
“Sino ba ang masusunod?” Napanguso ako sa sinabi nya at natawa naman si Lola Ji.
“Umpisahan na,” sabi naman ni Lola at pumuwesto na sila Lili at Lyn sa gitna.