CHAPTER 16

2206 Words
THIRD PERSON’S POV Hindi alintana ni Sunny ang bawat kilos na ginagawa ni Roland. Dahil alam nya kung paanong sasalagan ito at kung paanong iilagan. Kanina habang naglalaban sila no Blaze ay nabasa na nya akaagad ang kilos nito. Hindi nya binantayan ang kung anong gagawin pero sinusundan nya ng tingin at pinag-aaralan ang bawat atake. Hindi naman makapaniwala ang lahat sa nakikita nila at si Zem naman ay tila may naaalala sa kilos at galaw ni Sunny mula sa kanyang kapatid na si Mysty. “Bakit parang may kahawig sya?” takang sabi nya at saka napatingin sa kanya ang kanyang asawa. “Sino naman?” tanong nito. “Si Mysty,” sagot nya na syang ikinataka ni Ji. “Matagal na mula nang hindi nagparamdam si Mysty. Isa pa bawal ang dyosa sa lupa.” “E, bakit si Mysty at Al?” “Oo nga ‘no?” “Ikaw alam mo minsan pangit mo kausap,” sabi nito sa asawa na syang ikinanguso nito. Hindi na sila kumibo at pinanood na lang ang dalawa. Habang naglalaban sila ay mas lalong nanggigigil si Roland na mapatumba ay matalo sya. Pero hindi alam ni Roland na ang bawat kilos nya ay nabasa na ni Sunny kanina habang naglalaban sila ni Blaze. Nag-teleport sa likuran ni Sunny si Roland at saka naman mabilis na lumingon si Sunny sa likod na syang iknagulat nya at sa hindi nya inaasahan ay tinapat ni Sunny ang espada nya kay Roland.  “Tsk, magaling.” Nakangising sabi nito at saka sya ngumisi rin. “Hindi ako ‘yong tipo ng babaeng aakalain mong gano’n lang kadaling matalo,” sabi nito na mas ikinangisi ni Roland lalo. Akala ni Roland ay isa lang itong pagmamayabang na ginagawa ni Sunny upang itago ang kanyang takot. Hindi nya alam na mero’n itong kakayahan na hindi nya aakalaing mero’n. Sa pagkakataon na ‘yon ay sinipa sya ni Sunny at saka hinawakan sa mukha at tinuhuran ang mukha nya. Napainda sya sa ginawa nito. Namangha ang lahat sa nangyare at sa puntong iyon ay kinulong ni Sunny si Roland sa isang bolang tubig at halos hindi makahinga si Roland sa ginawa ni Sunny. Tinaas nya ito at saka binalibag pababa dahilan para ubuhin ito. Bumaba si Sunny at saka tumayo sa harapan nya. Nakataas ang ulo na tila sinasabing ‘ako ang mas nakakalakas sa ‘yo,’ sa pamamagitan ng kanyang mga tingin. “Hindi ako nakikipagbiruan at hindi ako nakikipaglaro sa ‘yo. Ang bawat salita ko ay itatak mo d’yan sa isip mo at ang bawat kilos ko ay hindi katulad ng sa ‘yo kaya kung akala mo gano’n ako kadaling matalo… p’wes mali ‘yang instinct mo,” sabi nito sa malamig na boses. Hindi nakapagsalita si Roland at hindi agad sya nakabawi sa ginawa sa kanya ni Sunny. Nakita ni Zem ang kilos at bawat kilos ni Sunny na nahahalintulad kay Mysty na syang ikinatataka nya. Tumayo sya at saka napalingon ang lahat sa kanya at si Sunny naman ay tila nalungkot dahil tapos na kaagad ang laban nilang dalawa. Hindi man lang nakaganti si Roland at hindi man lang nya naranadang bumagsak sa lupa. Walang ano mang sinabi si Zem sa kanila at umalis na lang ito. Hindi alam ng lahat kung anong nangyare pero base sa resulta ay panalo si Sunny. Tumalikod si Sunny at saka umalis ng field at si Ji naman ay sinundan si Zem. Pagkarating sa office nito’y saka umupo si Zem sa kanyang p’westo at hindi alam ang kung anong iisipin. Nagtaka si Ji sa kanyang kilos at hindi malaman kung anong itatanong sa kanyang asawa. “I’m not manghuhula para malamang kung anong iniisip mo. But, can you please say it to me?” Tumingin si Zem sa kanya. “Can’t you see what happened?” saad nito at ikinakunot ni Ji ng noo. “If I know, hindi ako magtatanong. Ano ba naman Zem!” inis na sabi nito. Bumuntong hininga muna si Zem at saka muling nagsalita. “Mysty and Sunny have a same personality! I wonder if that kid is her child but I can’t imagine the goddess became a normal elementalist like her,” sabi nito at nalilito pa rin si Ji. “Those words from you, Zem. Hindi ko naman nakasama si ate Mysty ng matagal. Ano ba?” “I want to talk to Zemji.” “For what?” “About that kid!” “She is your grandchild!” “She’s not!” asik nito. Nagulat si Ji sa sigaw na ‘yon ni Zem. Pero inintindi na lang nya dahil alam nyang na miss na naman nito ang kanyang kapatid. Pumasok sila sa isang silid kung saan ay naro’n ang isang salamin na lagusan papunta sa Mystica. Nang makarating sa kanilang palasyo ay agad nyang hinanap ang kanyang anak na no’n ay nasa silid ng kanyang apo at pinapatulog ito. Tumingin sa kanya si Zemji at nagtinginan silang dalawa at nakuha naman ni Zemji ang ibig sabihin ng kanyang ama. Hindi man iyon sabihin ay alam nya ang kahulugan. Lumabas sila ng k’warto ni Chichi at saka pumunta sa k’warto kung saan ay sila-sila lang din ang tao. Hindi alam ni Ji ang gagawin at napabuntong hininga at kumuha na lang ng maari nilang makain. Naiwan ang dalawa at nanatiling tahimik pero nakatingin lang si Zemji sa kanya at wala itong ideya. Pero gano’n pa man ay nag-umpisa na itong magsalita at umayos na si Zemji. “Si Sunny,” umpisa nito na ikinakunot ng noo ni Zemji. “Tell me the truth son,” saad pa nito. “She’s your grandchild, Dad,” sagot nya. “She isn’t,” balik nito. “What?” “Si Chichi lang ang apo ko at hindi si Sunny, sabihin mo sa akin ang totoo o ako mismo ang aalam nito,” seryosong sabi nito. Hindi alam ni Zemji kung paanong nalaman ng kanyang ama iyon pero kinakailangan nyang sabihin ang katotohanan kung hindi ay mananagot sya. Huminga sya ng malalim at saka pinatong ang kamay sa ibabaw ng lamesa. Sakto naman na dumating ang kanyang ina at umupo ito sa pagitan ng dalawa. “Anak ni tita Mysty si Sunny,” sabi nito na syang ikinalaki ng mata ni Ji. “What?” hindi makapaniwalang sambit nya. “I told you,” sabi naman nito sa asawa. “Aba malay ko ba?” “What happened? Nakita mo si Mysty? Anong lagay nya?” “Wait dad, isa-isa lang. She’s fine, but Sunny is not.” Tumingin si Ji kay Zemji at kumunot ang noo. “What? Paanong hindi?” tanong nito. “I trained her for almost a year just to control her powers. There’s a story behind why she’s here right now. Basta ang sabi sa ‘kin ni tita Mysty, I need to take good care of her. Giving her a special treatment ‘till she became a Lady.” Namutawi ang kaba sa dibdib ni Zem dahil alam nyang may hindi magandang mangyayare. Mula sa dyos at dyosa ay nakita ni Mysty ang pag-uusap ng mag-ama kaya naman napagpasyahan nyang magpakita sa kanila. Napatayo si Zem, Zemji at Ji dahil sa biglang paglitaw nya. Nakasuot ito ng mahabang gown na bumabagay sa kanyang mahabang kulay itim na buhok at kumikinang iyon. Ang kanyang magandang mga mata na tila bituin sa langit at ang kanyang maamong mukha na parang anghel. Katulad ng kay Sunny. “Wala akong balak magtagal. Pero ipapaliwanag ko lang ang kay Sunny,” sabi nito at saka umupo sa tabi ni Ji. SUNNY’S POV Nang makalabas ako sa field ay sinundan ako ni Blaze at saka sumabay sa ‘kin. Gano’n din ang ginawa nila Xena, Lili at Rianna kaya naman napangiti ako. Hindi ako makapaniwala na kaya kong masabi ‘yon at hindi ko alam saan ako humugot ng lakas ng loob. Napatingin ako sa kamay ko at saka bumuntong hininga. “Ang astig mo talaga Sunny!” puri sa ‘kin ni Xena. “Salamat,” sabi ko naman at saka napahinto ng biglang may babaeng humarang sa aking harapan. “Ang ganda mo po talaga!!! Ang galing mo din po! Sobrang nabibilib po ako sa ‘yo. Nakita ko po ang laban nyo kanina!” sabi nito at pumapalakpak pa. “Ako po si Bonnie! I don’t have powers but… I choose to visit here. Hindi ko naman pinagsasabi ang lugar na ‘to kasi may kaibigan akong may powers!” “Natutuwa akong marinig ‘yan.” Nakangiting sabi ko at saka tinap ang ulo nya. “Naks, may fan ka kaagad,” sabi ni Blaze. Napangiwi ako sa sinabi nyang may fan ako kaagad. Pero sinama na lang namin si Bonnie kasi pupunta kami ngayon sa resto para kumain. Nilibre ko si Bonnie dahil nakakatuwa sya at ang daldal nya rin. Para syang batang sabik makakita ng mga kakaibang bagay. Matagal na pala syang nagagawi doon at hindi naman sya pinagbabawalan kasi gusto nya lang ang manood at makakita ng mga bagay na hindi nakikita ng iba. Sa bawat k’wento nya ay kumikinang ang mga mata nya at sobrang nakakatuwa dahil sa dami ng k’wento nya hindi na namin namalayan ang oras. Unang umalis si Blaze at sumunod si Lili at Xena. Kami naman ni Rianna ay tumambay muna dahil natutuwa kami kay Bonnie. Pumunta kami sa mall at saka ko siya binilihan ng mga fantasy books. Hindi sya gano’n kayaman kaya hindi nya daw mabili ang mga uto. Gusto nya ang pagbabasa kaya madalas din syang tumatambay sa library ng mga may kapangyarihan kahit na wala naman sya noon. “Gusto ko rin magkaroon ng unexpected powers! Pero…” Napatingin sya sa palad nya at saka napaisip. “Impisibleng mangyare kasi tao lang ako.” Natatawang saad nya at hinawakan ko sya sa balikat. “Don’t worry, starting today, we’re friends! Si ate Rianna mo, ako, si Blaze, Xena at Lili. Maari mo silang maging kaibigan kung gugustuhin mo,” sabi ko sa kanya na syang ikinangiti nya. She’s just a 14 years old girl with imaginative mind. I wonder if Chichi also have imaginary brain. Pero sabi nila ang mga bata ay talagang imaginative. Gano’n pa man hinatid na rin namin si Bonnie sa bahay nila. Dumaan kasi sa isang makipot na daan at mula sa dulo no’n ay naro’n ang bahay nila. Hindi ko alam pero bigla akong nahabag ng makita ang sitwasyon nila. Tumingin ako kay Rianna at napataas ang kilay nya sa ‘kin. “Hindi ako magtatanong Sunny. Kung gusto mong tulungan e’di tutulong din ako,” sabi nito at ngumiti ako. Sa totoo lang masyadong malambot ang puso ko para sa gaya nila. Kaya naman nang maihatid namin si Bonnie ay umalis na kami. Mero’n akong alam na bahay na t’yak akong magugustuhan nya at t’yak kong magiging safe sila. Masyado kasing maliit ang bahay nila at parang iisang tao lang ang kasya. Kinabukasan ay wala kaming pasok kaya naman sinamahan ako ni Rianna na maghanap ng lokasyon at lote para sa bahay. Nang makapaghanap kami ay saka sya tumingin sa paligid at ginawa ang balak nya. Isa sa kapangyarihan ni Rianna ang makabuo ng isang bahay gamit ang kapangyarihan nya. Ako naman ay pinaganda ito at nilagyan ng gamit sa loob at para hindi na rin sila bibili. Nang natapos ay saka kami nag-apir dalawa at umalis saka pumunta ng mall para mamili ng pagkain. Pumunta naman kami sunod sa bahay nila Bonnie at nang makarating ay napasinghap kaming pareho ng makitang biglang nasubsub si Bonnie sa lupa galing sa kanilang bahay. Lumapit kaming dalawa ni Rianna at saka sya inalalayan. “NAPAKAWALA MONG K’WENTA!” sigaw ng isang lalake sa kanya. “Papa… patawad po.” Iyak na sabi nito at pinagdikit ang parehong palad. “Teka nga ano bang ginawa mo?” “Papa please…” “Ano bang nangyayare?” tanong ko at lumabas na ang iba nilang kapitbahay kaya pinagtitinginan na rin kami. “Ayan na naman sya sa anak nya. Bakit ba hindi na lang umalis si Bonnie d’yan kesa naman pinagtat’yagaan nya ang ama nya,” bulong ng isang babae. Tumayo ako at saka ko hinarap ang lalake at nagulat sya sa ginawa ko. “Ikaw sino ka!” “Ako ang kaibigan ni Bonnie,” sagot ko na syang ikinangisi nya. “Hindi ko alam na mero’n ka na palang kaibigan? Ikaw!” turo nito sa ‘kin at talagang dinutdot nya ako ng hintuturo nya. “Hindi ka dapay nangingialam dito,” sabi nito at lumi akong dinutdot. “Hindi ka parte ng pamilya namin kaya h’wag kang nakikisawsaw.” Sa huling pagkakataon ay tinulak nya ako dahilan para mainis ako. Hinawakan ko ang kamay nya at saka ko ito binali at napainda sya. Hinawaka ko ang leeg nya at saka ko sya sinandal sa pader at mas napainda sya. Tinignan ko sya sa mga mata nya at nakikita ko ang takot at inis nya. “Ako ‘yong tipong gumagalang sa nakakatanda. Pero ako rin ‘yong tipong walang hiya lalo na sa kagaya mong walang k’wenta,” sabi ko at saka ko sya binalibag. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD