SUNNY’S POV
Hindi ko alam ang nangare kagabi at hindi ko alam kung ano ang ginagawa ni Blaze sa k’warto ko. Hindi ko alam paano syang nakapasok dahil pagkagising ko ay nasa tabi ko na sya. Kaya naman sa inis ko ay tumalsik sya papalabas ng k’warto at sa ingay ay nagising ang mga tao.
“Oh my gosh! Blaze ano ang nangyare sa ‘yo?” tanong ni Tita Anna at saka ito tumingin sa ‘kin.
“Nasa k’warto ko po sya Tita!” asik ko at saka tumingin sa ‘kin si Tita.
“Ayy hala? Hindi kasi pinapagamit ni Roy ang masters bedroom, Sunny kaya sabi ko ay dito na lang sya sa k’warto mo matulog,” sabi nito na syang ikinakunot ko ng noo.
“P-po?”
“Mommy naman alam nyo naman po na ayaw ni Sunny na may katabi!” sabi naman ni Rianna.
“Ayy nako kayong dalawa. Hali na at mag-almusal. Mag-asikaso na kayo at mero’n kayong pasok.” Tumalikod ito sa amin at nakuha pa akong asarin ni mokong at wala akong ibang nagawa kung hindi ang mapakuyom ng kamay ko.
Umalis na sila sa k’warto ko at ako naman ay nag-asikaso na para matulog. Hindi ko alam ano ang gagawin ko para lang makaganti sa Blaze na ‘yan at hindi ko sya mapapatawad sa pagtabi nya sa ‘kin sa kama. Bumuntong hininga na lang ako at saka ako bumaba at nakisabay sa umagahan. Hindi ko na sya nakita at nakahinga naman ako ng maluwag dahil do’n. Sumakay na kami ni Rianna sa kotse at saka kami nagkuwentuhan tungkol sa nangyare kahapon. Sinabi nya sa akin ang nangyare at ako naman ay hindi ko maalala na nangyare ‘yon kahapon.
“Nakakapagtaka naman na hindi mo maalala?” sabi nito at napangiwi na lang ako.
Hindi ko na inintindi pa iyon at nang makarating sa school ay nakita kong nagkakagulo ang lahat. Tumingin ako kay Rianna at wala daw syang maalalang may event ngayon ang school kaya naman tinignan naming kung ano ang mero’n. Mula sa hindi kalayuan ay nakita ko ang hindi inaasahan na pangyayare na syang hindi ko rin naman alam kung ano ang ibig sabihin.
“Hala ka?” sabi ni Rianna at napatakip pa ng bibig.
“Ano ang ibig sabihin nyan?” tanong ko kay Rianna.
“Ahh… kasi alam mo may hindi ka pa alam sa mga tao na bagay na kinakalito rin nila sa sistema nila bago sila humantong sa wastong gulang,” sabi nito at nangunot ang noo ko.
“Hindi kita naiintindihan Rianna,” sabi ko at hinawakan nya ang kamay ko at saka kami pumasok sa room.
Saktong nandoon na sila Xena at Lili pero hindi na sinagot ni Rianna ang tanong ko kanina. Alam ko naman ang ibig sabihin no’n pero ngayon lang ako nakakita ng babae sa babae. Hindi kasi ‘yon p’wede sa Mystica at mahigpit na ipinagbabawal ‘yon ni Papa kahit na ang naunang Hari na si Lolo. Hindi daw kasi magkakalahi ang mga tao kung magiging gano’n sila. Hindi ko maintindihan.
Nag-umpisa na ang klase at doon ko na lang itinuon ang pansin ko. After ng lesson ay saka nagpa-quiz at hindi ko namalayan na nasagutan ko ang lahat ng tanong. Hindi naman ako masyadong focus pero siguro naman ay p’wede na rin ‘to. Tumayo na ako para magpasa at nagulat sila dahil saglit ko lang din itong nasagutan. Nang ipapasa ko na ay bigla na lang sumingit si Lili at saka ako tumingin sa kanya.
“Tapos na rin po ako,” sabi nito nang hindi lumilingon sa ‘kin.
“Sige na maari nakayong lumabas dalawa,” sabi naman ng prof naming at saka ako tumango sa kanya.
Wala akong maalala na may nagawa akong mali kay Lili pero siguro ay normal lang naman sa kanya ‘yon. Nang makalabas kami ay napahinto ako sa may pinto ng may babaeng humarang sa ‘kin. Matangkad ito sa ‘kin at ang buhok nya ay hanggang sa may balikat nya. Maganda sya at makinis ang balat at halatang masayahin din. Nagkatinginan kami ni Lili at nagkibit balikat lang sya sa ‘kin habang ako naman ay kinakabahan sa babaeng nasa harapan ko.
“Hi,” bati nya sa ‘kin.
“Hello,” bati ko naman sa kanya.
“P’wede ba kitang yayain?” tanong nya at hindi ko alam ang isasagot ko.
Ngayon ko lang sya nakita at ngayon ko lang sya nakaharap tapos ay yayayain nya ako? Wala akong maisagot kung hindi ang pagtango kaya naman mas nakita ko ang sigla ng mga mata nya at tila nakakuha ng malaking score sa test. Tumingin akong muli kay Lili at saka sya tumingin sa babae.
“Kailangan kasama kami,” sabi nito at tumingin sa kanya ang babae at nangunot ang noo.
“Nino?” tanong nya.
“Kami ng mga kaibigan nya. Hinihintay lang namin ang mga kaibigan namin,” seryosong sabi ni Lili at saka tumingin sa akin ang babae.
“Hehehehe. O-oo… ano---“
“Ayos lang,” putol nito sa ‘kin at saka ako nahihiyang tumingin sa kanya. “Ako si Lyn, ikaw si Sunny ‘di ba?” Tumango ako at saka nakipag-shake hands sa kanya. “Ang lambot ng kamay mo,” sabi nya pa at agad ko itong binawi.
“Ayy nako hindi Bi ang kaibigan naming. Straight ‘yan at may boyfriend na sya,” biglang singit naman ni Rianna at hindi ko naman alam sino ang tinutukoy nya. Tututol sana ako ng bigla nya akong suwain. “Nand’yan na pala sya, e,” sabi pa nito at saka ako lumingon sa tinutukoy nya.
“Hi my Lady,” bati ni Blaze at masama ko syang tinignan. “Oh? Lyn tawag ka pala ni Minda,” baling nya kay Lyn.
Hindi ko alam ano ang sinabi ni Lyn pero halata ang inis nya. “Sige una na ako, next time na lang Lili,” paalam nito sa ‘kin at saka umalis.
“Tsk. Bakit ba nahuhumaking sila sa ‘yo, e, hindi ka naman maganda?” tila hindi makapaniwalang sabi nito.
“Ang kapal naman ng mukha mo, ikaw nga hindi naman g’wapo mukha pang besugo,” inis na sabi ko at tumawalang sya sa ‘kin.
“At least mahal ako ng mga girls.”
“Kapal,” sabi ko at saka ako tumalikod sa kanila.
Malaki ang problema ni Blaze sa pag-iisip at hindi ko alam kung paano nyang nasasabi ang mga salitang iyon na walang hindi ‘ni mag-isip. Nakakainis pa ay hindi man lang sya gumalang sa babae. Wala syang pakundangan at wala syang k’wentang nilalang. Hindi nya ba alam kung ano ang salitang pakundangan? Bumuntong hininga na lang ako sa kanya at saka ako tumingin sa buong paligid. Naalala ko ang sinabi ni Papa at naisipan kong pumunta ng gym.
Nilapag ko muna ang bag ko at saka ako tumingin sa kanila at saka ako naglabas ng kapangyarihan mula sa palad ko. May kapangyarihan si Papa na hindi ko namana at ang kapangyarihan naman ni Chichi ay namana nya sa kanyang ina. Gumawa ako ng taong apoy at saka ako naglabas ng isa pang tao na gawa naman sa mga bato. Hindi ko alam paano ko itong natutunan pero alam kong kusa na lang itong lumalabas sa ‘kin.
Hindi ko nasasabi ang tungkol dito kay Papa at lalo na sa kapangyarihan kong maglabas ng apoy sa bibig ko. Hindi ko naman kasi alam paanong sasabihin sa kanya at isa pa ay minsan natatakot ako sa paggiging istrikto nya.
“Hi.” Napatingin ako sa nag-hi.
Isang lalakeng may maputing balat at med’yo may singkit na mata at med’yo magulong buhok ang nasa harapan ko ngayon. Ngumiti ako sa kanya at saka ako yumuko at tinignan ang ginawa kong taong apoy at bato.
“Isa ka rin pa lang hindi pangkaraniwang babae,” sabi nito pero hindi ko sya pinansin.
Wala sila Rianna kaya hindi ko sya pagtutuunan ng pansin at isa pa ay hindi ko naman sya kilala. Napahawak ako sa ulo ko ng bigla akong may maalala at hindi ko aakalain na mabilis kong makalimutan ang nangyare kagabi. Agad na dumistansya ako sa kanya at hindi ko na rin magawa pang magtiwala sa mga lalake ngayon. Bakit nga ba ako natatakot kung kaya ko naman silang labanan? Pero hindi ito ang tamang pagkakataon.
“Hindi ako nangangain, Miss,” sabi nito at natatawa pa.
“Wala akong pakialam,” sabi ko naman at saka ko kinuha ang bag ko at akmang aalis na sana ng bigla syang mag-teleport sa harapan ko.
“Ako na nga ang nakikipagkaibigan sa ‘yo ikaw pa ang masungit.” Tinaasan ko sya ng kilay at saka ako pagak na natawa.
“So utang na loob kong lumapit ka sa ‘kin sa pananahimik ko dito at nakikipagkaibigan?” sabi ko ng sarkastiko. “Hindi ko kailangan ng pakikipagkaibigan mo, aalis na ako at umalis ka d’yan sa harapan ko,” walang ganang sabi ko.
Pero imbis na gawin nya ang sinabi ko ay nginisihan nya lang ako at saka nya ako biglang hinawakan sa braso ko. Madiin ‘yon at dama ko ang lakas nya at mula sa likuran nya ay naro’n ang mga taong nakatingin sa amin na tant’ya ko’y mga kaibigan nya.
“Hindi mo ba alam ang salitang respeto?”
“Hindi mo rin ba alam ang salitang wala akong pakialam sa ‘yo?”
“WOAHHH!!! Wala ka pala Alex, e,” sabi no’ng lalakeng may kayumanging kulay.
“Manahimik ka!” galit na sabi nya at saka ako binalingan ng tingin.
Hindi ako nagpatalo sa kanya at nilabana ko ng tingin ang tingin nya. Narinig ko ang malutong nitong mura at akmang sasampalin ako ng biglang may kamay ang pumigil sa kanya at lumingon ako doon at nagulat ako ng makita ko si Blaze.
“Hindi ka ba tinuruan ng nanay mo kung paanong gumalang sa babae?” sabi nito at wala akong makita sa mga mata nya.
“Hindi rin ba tinuro sa ‘yo na h’wag makialam sa away ng iba?” sabi ko naman at pareho silang napatingin sa ‘kin.
“Ikaw na nga tinutulungan ikaw pa ang ganyan?”
“Sino ba kasi ang may sabi na kailangan ko ng tulong mo?” walang ganang sabi ko na syang ikinainis nya.
“E’di h’wag,” sabi nya at saka binitawan ang kamay no’ng lalake at saka ako tumingin dito at ginapat ko ang kamay ko sa kanya at sa punto na ‘yon ay tumalsik sya.
Hindi ko naman nakalalimutan kung ano ang kakayahan ng mga taong nandito kaya hindi ako magtataka kung sa pagtalsik nya ay mabilis syang makabangon upang sugurin ako. Hindi naman din ako ang tipo ng babaeng mahina porket maamo ang mukha at mukha akong anghel sa paningin ng iba. Tinuruan ako ni Papa na matutuong mawalan ng pake sa iba at lalo na sa mga kalalakihan dahil hindi daw sila mapagkakatiwalaan.
Sinugod akong muli no’ng lalake at saka ko nilabas ang espada ko at napahinto sya ng tinutok ko ito sa leeg nya at hindi agad sya nakapalag ng buhayin ko ang ginawa ko kanina na taong apoy at taong bago. Hindi sya nakawala dito at saka ko tinapat ang kamay ko sa ulo nya at akmang gagawin ko na sana ang pagpatay sa kanya ng hawakan naman ni Rianna ang kamay ko saka sya umiling.
Hindi ko maintindihan kung bakit tila bumabalik ang masalimuot na nangyare sa ‘kin noong bata pa ako. Agad na bumalik ako sa katinuan ko at saka ako napatingin sa kamay ko at napahawak sa ulo ko. Unti-unti kong naramdaman ang panlalabo ng mga mata ko at pumatak ang kuha mula rito.
“Umalis ka na bago pa ako ang tumapos sa ‘yo,” rinig kong sabi ni Lili at saka naman ako inalalayan ni Rianna.
Bakit sa tuwing nakikipaglaban ako ay nawawala ako sa sarili ko at hindi ko na alam ang sunod na nangyayare pagkagising ko. Tila ba kasabay no’n ay ang kakaibang galit sa puso ko na hindi ko alam kung paanong nag-umpisa. Nakaramdam ako ng hilo kaya naman nawalan na ako ng malay.
**********
“Sabihin mo sa ‘kin, kaibigan pa rin tayo ‘di ba?”
“Simula nang nasa ‘yo ang atensyon ng lahat sinimulan na kitang kamuhian. Hindi mo ba alam? Matagal ko ng tinapos ang pagkakaibigan natin Sunny.”
“A-ano…”
**********
Nagising ako na may luha sa mata sa hindi ko malamang dahilan. Tinignan ko ang buong paligid ko at nandito ako ngayon sa clinic. Napahawak ako sa ulo ko at hindi ko na naman naalala ang nangyare kanina at hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Naiinis ako dahil sa tuwing nagagalit ako ay nawawala ang alaala ko ng panandalian. Bumuntong hininga na lang ako at saka ako tumayo at kinuha ang bag ko. Nang lalabas na sana ako ay napatingin ako kay Blaze na nakalagay ang kamay sa pocket nya at nakatingin sa ‘kin.
“Mabuti at gising ka na,” walang ganang sabi nito at saka ako tinalikuran.
Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Parang ang sama sa loob ko nang talikuran ako ni Blaze at hindi ko alam kung bakit parang nanghihina ako. Ano ba ‘tong nararamdaman ko.
“B’wisit,” inis na sabi ko at saka ako lumabas ng clinic.