***Hundred years ago***
THIRD PERSON’S POV
Maagang nag-asikaso si Sunny para sa kanyang pagpasok at mula sa labas ng kanilang palasyo ay naro’n si Lili na naghihintay sa kanya. Nang makababa ay saka sya nagpaalam sa ina at kumaway naman sa kanya ang kanyang ina bilang paalam. Pero hindi pa rin maiwasan ni Mysty ang hindi mag-alala sa kanyang anak.
“Handa ka na ba para mamaya?” masiglang tanong ni Lili sa kanya.
“Oo naman! Isa pa ay maraming taon na akong sinanay ni Ina para dito,” sabi naman ni Sunny at sabay na silang pumasok.
Habang naglalakad ay napasinghap si Sunny nang biglang lumitaw si Zank mula sa kung saan at saka sya tumingin kay Lili at agad na nagtago sa likuran nito. Hindi naman sa mahiyain si Sunny pero hindi nya kasi gusto ng prisyesya ng prinsipe at hindi nya gusto na nilalapitan sya ng lalake.
“Mukha ba akong nakakatakot?” tanong nya.
Hindi sya sinagot ni Sunny pero hindi naman sya kayang hindi pansinin ni Lili dahil gusto rin ito ni Lili. Naiinggit nga si Lili dahil napapansin si Sunny ng mga kalalakihan sa kanilang school kahit na hindi naman nito gusto ang kung anong atensyon ang nakukuha.
“Nako mahiyain kasi itong si Sunny,” sabi nito at saka hinawi ang kanyang buhok papalikod sa kanyang tainga at tumingin kay Zank pero hindi sya nito binalingan ng tingin man lang.
“Gusto lang naman kitang maging kaibigan,” sabi naman nito at saka sya pumunta sa harapan ni Sunny at dahil do’n ay napahinto si Sunny at tinignan sya sa mga mata.
Alam ni Lili ang ugali ni Sunny at ayaw nya sa lahat ay ang pinipilit sya sa ayaw nya kaya naman agad na humarang sya dito at saka hinila si Sunny papalayo kay Zank at naiwan naman si Zank na hindi alam ang nangyare at ang gagawin na tila ba natakot rin sya sa titig sa kanya ni Sunny. Sa puntong iyon ay biglang natauhan si Sunny at saka nya namalayan na hawak sya ni Lili at saka sya napahinto at napakagat ng labi. Nawala na naman sya sa kanyang sarili at hindi na naman nya maaalala ang nangyare ngayon-ngayon lang.
Ngumiti na lang sa kanya si Lili at saka sya ngumiti at saka sila sabay na pumasok. Mahal ni Lili si Sunny bilang kaibigan pero hindi nya maiwasan na hindi mainggit minsan dahil sa atensyon na nakukuha nito at mga papuri na natatanggap pero hindi naman tanggap ni Sunny. Nang makarating sila sa kanilang silid ay saktong nandoon na si Habriyon na kanilang guro.
Pumunta na sila sa gym at saka sila naghanda para sa kanilang activity. Hindi alam ni Sunny kung ano ang kanyang gagawin dahil ang naunang activity nito’y nakat’yamba lang sya at hindi nya alam kung ano na ang nangyare sunod. Bigla na lang syang nakatanggap ng isang papuri na hindi nya alam kung bakit. Iyon ang bagay na alam ni Lili na hindi naman alam ng iba bukod rin sa kanyan ama at ina na hindi sinasabi sa kanya.
“Ok, ang gagawing aktibidad ngayon ay hindi katulad nang nauna. Ang ngayon ay hindi pang grupo kung hindi indibidwal na. Ang inyong gagamitin ay ang inyong pisikal na lakas at hindi lang ang iyong kapangyarihan. Nakukuha nyo ba ang ibig kong sabihin?” sabi nito at saka sumagot ang lahat sa kanya.
Ang totoo’y kinakabahan si Sunny at hindi nya alam kung magagawa nya ba ito ng tama at hindi nya alam kung may maaalala pa ba sya pagkatapos ng mga magaganap. Umupo muna sila sa kani-kanilang p’westo at ang mauuna ang syang unang maglalaban. Hiwalay ang panalo sa talo at hindi naman ibig sabihin no’n ay talo sila dahil ginawa naman nila ang kanilang makakaya.
Sa mga naiwan na malalakas ay magpapahinga sila ng saglit at saka ulit maglalaban. Kung sino ang matitira sya ang panalo at sya ang itatanghal bilang isang makapangyarihang goddess sa academy. Magkakaroon sya ng isang katungkulan na syang mamamahala sa lahat ng mga bagong pasok sa academy at sya rin ang naatasan na mamuno sa magaganap na kasiyahan.
Habang hinihintay ang kung sinong matitira ay hindi nya alam ang kung anong gagawin nya upang kumamalma. Si Lili naman ay hinahanda ang sarili upang maging malakas at makuha ang gusto nyang makamit. Kahit na kaibigan nya si Sunny ay hindi naman nya ito hahayaan na makuha ang isang bagay na gusto nya at hindi nya makamit ang atensyon na dapat ay sa kanya.
Nanalo si Lili sa unang sabak at gano’n din sa mga sumunod pa. Ang tanging natira na lang ay silang dalawa ni Sunny at hindi nya alam kung paanong kokontrolin si Sunny at paanong magagawa nyang manalo laban dito. Ang totoo ay takot sya kay Sunny sa oras na sumeseryoso ang mukha nito.
“Kailangan mong manalo,” hindi inaasahan ni Lili ang bulong sa kanya ni Sunny.
“A-ano?” takang tanong nya.
“Hindi ko na uulitin ang sinabi ko,” sabi nya at saka ngumiti.
Gano’n pa man ay nakuha naman ni Lili ang ibig sabihin ni Sunny kaya naman ay gagawin nya ang lahat upang manalo. Kung nagawa nyang malagpasan ang maraming pagsubok ay magagawa nya rin itong magawa kay Sunny. Pero kinakabahan sya at alam nya ang abilidad na mero’n ang kaibigan nya. Habang nakatingin si Habriyon kay Sunny ay hindi nya maiwasan ang hindi mapalunok habang pinagmamasdan ito. Ang kakaibang kaba sa kanyang dibdib na hindi nya naman nararamdaman ay hindi nya maiwasan ang hindi mailing.
Hindi nya alam kung ano ang tumatakbo sa kanyang isip at napahilamos na lamang sya ng kanyang mukha. Huminga sya ng malalim at saka tinignan ang dalawa na no’n ay nagkatinginan sa isa’t-isa. Hindi alam ni Lili ang iniisip ni Sunny kaya naman hindi nya alam kung anong magiging kilos nito.
“Ano kaya ang nasa isip ni Sunny?” tanong ni Lili sa kanyang isip at hindi alam kung mauuna syang kumilos o hihintayin nya na mauna si Sunny.
Ang nakikita ng lahat ay isang matinding laban na hindi nila alam kung baka totohanin ng dalawa at mauwi sa isang hindi kaaya-ayang aktibidad. Naghihintay ang lahat sa gagawing kilos ng dalawa at mula naman sa isang sulok ay nandoon si Zank at pinapanood lang ang mangyayare. Si Ulap naman ay pinagmamasdan si Sunny.
Naunang kumilos si Sunny kaya naman agad na sumunod si Lili. Sa ginawa nya ay agad nyang tinirada ito ng espada pero agad na nasalagan ito ni Sunny gamit lamang ang kamay nya. Napasinghap ang lahat sa nakita at mula sa tahanan ng kanilang palasyo ay pinapanood ni Mysty at Al ang kanilang anak na no’n ay nakikipagtunggali sa kaibigan nito. Alam nila na hindi ipapahamak ni Sunny ang kaibigan nya at hindi ito gagamit ng ano mang sandata na syang magiging dahilan upang masaktan ito.
Hindi alam ni Lili paanong nagawa iyon ni Sunny kahit na ang kamay lang nito ang kanyang gamit. Ang nakikita nya ngayon na Sunny ay isang maamo at mero’ng kontrol sa sarili.
“Sunny lumaban ka,” sabi ni Lili kay Sunny pero isang iling lang ang iginawad nito na syang ikinalito nya.
Sa pagkakataon na ‘yon ay sinipa ni Sunny si Lili na syang hindi nito inakala at saka sya nag-teleport sa likuran nito na agad nyang nagawang ilagan. Kaya naman ang paa ni Sunny ay bumaon sa lupa at tinignan nya si Lili at saka ito sinenyasan na sumugod. Ginawa ni Lili ang sinabi ni Sunny at sa pagkakataon na ‘yon ay nagawa ni Lili na tapatag ng espada ang leeg ni Sunny at saka ngumiti sa kanya si Sunny at tinulungan nya itong tumayo.
“Binabati kita,” sabi ni Sunny sa kanya na syang ikinatuwa nya.
“Na-nagawa ko?” hindi makapaniwalang saad nya at saka tumayo ang mga kamag-aral nila at binati si Lili.
Pero alam ni Habriyon ang ginawa ni Sunny at hindi sya sang-ayon sa ginawa nito kaya naman sa pagkakataon na ‘yon ay tumayo sya at saka pinuntahan si Lili at Sunny at saka nya ito sinenyasan.
“Ngayon, ang iyong huling t’yansa,” sabi nito na syang ikinaseryoso ng mukha ni Lili. “Ang talunin ako Lili,” sabi nito na hindi naman inaakala ni Sunny.
“Pero ang akala ko ba ay kami---“
“Hindi nyo ba alam ang patakaran?” tanong nito na syang ikinatinginan nilang dalawa.
“A-ano pong patakaran?” tanong ni Lili at nauutal pa.
“Na kapag natalo mo ang pinakamalakas ay ikaw na ang tatanghaling pinakalakas,” sabi ng kanilang kamag-aral.
“Tama, pero ang pinakamalakas na ‘yon ay ang lalakeng nakaupo banda doon.” Sabay turo sa kinalalagyan ni Ulap at napatakip ng bibig si Lili dahil do’n.
Alam nya ang tungkol sa patakaran pero hindi nya alam na si Ulap ang pinakamalakas na sinasabi. Iyon ay ang sa buong esk’welahan lang at sa pagkatapos no’n ay ang buong kaharian na ng mga dyos at dyosa. Hindi alam ni Lili ang sasabihin nya at ang pag-aakalang makukuha na nya ang gusto nya ay hindi pa pala. Hindi alam ni Sunny ang gagawin at isa pa ay ginawa ni Sunny ang bagay na iyon upang umiwas sa mga atensyon na makukuha nya dahil hindi naman ito ang gusto nya.
“Ang duga nyo naman po, mero’n bang gano’n,” inis na sabi ni Sunny na syang ikinangiti ni Habriyon, Ulap at Zank.
“Mero’n no’n Sunny,” sabi naman nito at saka ginulo ang buhok ng dalaga na syang ikinakuyom naman ng kamay ni Ulap at Zank.
Gano’n pa man ay sinabihan ni Habriyon si Lili na maghanda sa susunod na laban at iyon ang pinangangambahan ni Lili dahil alam nyang wala pa syang gaanong alam pagdating sa pakikipaglaban. Hindi umalis ang dalawa sa gym at hinintay naman ni Sunny si Lili na matapos magsanay habang nakaupo sa may isang gilid. Hindi naman maiwasan ng ilan na hindi kausapin si Sunny kaya naman habang nagsasanay si Lili ay hindi nya maiwasan ang hindi mapatingin dito. Dahil kahit na sya ang nanalo ay hindi pa rin nya makuha ang gusto nyang atensyon dahil nasa kay Sunny pa rin ang mga atensyon ng mga ito.
Hindi nya matiis ay hininto na nya ang pagsasanay at saka lumapit kay Sunny at agad naman na tumayo si Sunny at saka sya nito nginitian pero tila hindi nya ito alintana at kinuha lang ang bag at saka umalis na tila walang nakitang Sunny. Hindi alam ni Sunny ang nangyare at saka sya tumingin sa mga naging kaibigan na rin nya at saka nagpaalam sa mga ito na susundan ang kaibigan na agad naman sinang-ayunan ng lahat.
Nang sinundan na ito ni Sunny ay pumunta sya sa harapan ni Lili at saka tinignan ito sa mata pero hindi pa rin sya nito pinansin.
“Hindi ko maalalang may nagawa akong mali Lili,” sabi nito sa malungkot na boses.
“Wala ka naman ginagawang mali at ang nakakainis ay hindi mo alam kung ano ang gusto ko at ayaw ko, Sunny,” sabi nito at saka nalungkot si Sunny.
“E’di sabihin mo sa ‘kin,” sabi naman nito at saka napahinto si Lili at tumingin sa kanya.
“Paano kung sabihin kong ayaw ko sa ‘yo?” sabi nito na syang ikinalungkot ni Sunny.
“Teka lang Lili ano ba ang ba ang nagawa kong mali?”
“Ang mapunta ang atensyon ng lahat sa ‘yo Sunny. Ayon ang mali, dahil hindi nila ako napapasin!” Naiiyak na sabi ni Lili at saka sya napayuko.
Pumatak ang luha ni Sunny na syang ikinainis naman ni Zank kaa naman nilapitan nya ang dalawa at saka napatingin sa kanya si Lili. “Hindi mo naman kailangan sabihin ang kataga na ‘yon sa kaibigan mo Lili,” sabi ni Zank sa mahinahon na boses.
“Hindi ka po kasali dito at isa pa ay panay ang papasin mo sa kanya kahit na hindi ka naman nya pinapansin,” sabi nito na mas ikinainis pa lalo ni Zank kaya naman akmang sasaktan nya sana ito ng hawakan ni Sunny ang kamay nya dahilan para mapatingin sya dito.
“Hindi ka dapat nangingialam sa away magkaibigan,” sabi ni Sunny sa walang buhay na boses kaya naman nangamba si Lili.
Ito rin ang kanyang ikinatatakot mula kay Sunny dahil sa tuwing may lalakeng lumalapit kahit na ang kanilang guro ay bigla na lang nag-iiba ang aura at ang mga mata nito pati na ang kamay nito. Kaya naman hinawakan nya ang kamay ni Sunny at saka sya yumuko kay Zank at saka sila umalis. Nakita iyon ni Habriyon kaya naman hindi nya rin maiwasan ang hindi magtaka. Hindi naman sa hindi nya ito napapansin dahil sa ganda at amo ng mukha ni Sunny pero napapansin nyang pagnatatapos ang kanilang mga pagsasanay ay walang naaalala si Sunny at nagiging masayang bata ulit kinaumagahan.
“Tingin ko ay hindi nga rin iyon normal,” sabi ni Ulap na nasa may sanga ng puno.