CHAPTER 8

2284 Words
RIANNA’S POV Nang makaak’yat si Sunny ay napabuntong hininga na lang ako at saka ako tumingin kay Lili na no’n ay sinundan ng tingin si Sunny. Maya-maya ay nagpaalam si Hring Svan na nagbabanyo lang at tumango si mommy sa kanya. Sa totoo lang kanina pa ako may napapansin sa kanya na kakaiba at hindi ko gusto ‘yon. Una ko pa lang na kita ko sa kanya ay mukhang may hindi na sya gagawing hindi maganda. “Hindi maganda ang kutob ko, Rianna,” bulong ni Lili sa ‘kin. “Kahit ako rin,” sabi naman ni Xena. “Maski ako ay gano’n rin,” sabi ko at saka ako tumayo ay nagpaalam na magbabanyo lang. Nang makarating ako sa banyo ay saka ako nagtago sa may gilid at ginawang tubig ang sarili ko upang makinig sa usapan ng mga lobo. Habang nasa may gripo ako banda ay nakita ko sya may hawak na kakaiba sa kamay nya at saka sya tumingin sa salamin at nakita ko kung paanong mag-ilaw iyon. Naalala ko ang sinabi ni tito sa ‘kin tungkol kay Sunny. Kaya hindi nya ito gaanong pinapalabas ng palasyo ay dahil na rin sa katotohanan na mero’n si Sunny na angking ganda na syang bumibihag sa mga lalake. Hindi ako magtataka kung isa ang Hari ng mga lobo doon. “Hindi ako makakapayag na mapunta ka sa iba munti kong binibini,” sabi nito na syang ikipanindig ng balahibo ko. Para syang half American half Canadian. Ang g’wapo nya napakaliteral at inaamin kong crush ko sya kahit na slight lang. Pero hindi pa rin ako papayag sa kung anong gagawin nito sa pinsan ko at hindi ako makakapayag sa kung anong balak nya ngayon. Bumalik na ako sa p’westo ko at saka ako nakaramdam na ng itim na kapangyarihan na syang hindi dapat ko maramdaman. Nagtinginan kaming lahat at saka mabilis na kumilos papuna sa taas kung nasaan si Sunny. Agad kong kinatok ang pinto nya at gano’n din ang ginawa ni Lili at Xena. Pero hindi ko alam kung bakit tila may kakaiba sa pinto at hindi naming ito mabuksan. “Sunny!!!” tawag ko pero wala akong marnig kung hindi ang alulong ng mga aso. Sa pagkakataon na ‘yon ay ginamit ni Mommy ang kapangyarihan nya at saka bumukas ang pinto at mula sa harapan naming ay nakita naming na nasa hawla si Sunny na tila kinulong at tila nahihirapan na huminga. Tingin ko ay hindi naman sya gano’n kalakas at hindi naman gaanong naapektuan pero nagagawa no’n na patulugin ang sistema ni Sunny. “Hindi mo dapat ‘yan ginawa sa kanya!” sabi ni Mommy na syang ikinakunot ko ng noo. May mga bagay pa akong hindi alam ktungkol kay Sunny at alam kong hindi ko pa sya gano’n kakilala at hindi ko pa alam ang kakayahan nyang talaga lalo na ang lakas nya. “Hindi ko hahayaan na kontrahin nyo ang plano ko,” sabi nito at saka nya sinenyasan ang mga alagad nya dahilan para maaleeto kaming lahat. “Ako na ang bahala sa kanya iligtas nyo si Sunny,” sabi naman ni Blaze at hindi na ako tumutol doon. Agad na nakipaglaban si mommy sa mga alagad ni Svan at kami naman ay pilit na lumalapit kay Sunny pero may kung ano ang bakal kaya naman hindi naming ito mahawakan. Tumingin ako kay Lili at saka nya ako tinanguan at saka nya tinapat ang kamay nya dito at saka bumalot ang kakaibang liwanag sa hawla na syang naglabas ng kung anong kakaibang bagay na syang ikinamangha ko. Hindi ko naman nakakalimuitan na isang witch si Lili. “Hindi gumana,” sabi nito at saka tumingin sa paligid na tila may hinahanap. “Ayon!” Turo nito sa may pants ni Svan at mula ro’n ay nakita naming ang susi. “Kailangan nating makuha ‘yan,” sabi naman ni Xena. Tumingin ako kay Blaze at saka ako tumingin sa may pants ni Svan at nakuha nya naman ang ibig kong sabihin. Agad na sumugod sya kay Svan at saka kami pumunta sa may likuran nito pero hindi pa man kami nakakalapit ay bigla nalng itong nag-iba ng anyo dahilan para mapahinto kami. Tumingin ako sa likuran ko at nakita ko sya kaya naman agad na sinugod ko sya pero dahil sa anyo nya ay nakaiwas sya sa akin. Napakuyom ako ng kamay ko at tumingin kay Lili at sumugod sya kaya naman sumunod ako sa kanya. Nang makalapit ako sa kanya at saka ko sya pinuluputan ng tubig sa may paa nya at saka sya napatingin sa akin. Ngumisi ako sa kanya pero hindi ko inaasahan ang ganti nya sa akin at sa puntong iyon ay nagin anyong tao sya at saka ako sinipa dahilan para tumalsik ako. “Putangina!” inis na sabi ko at saka ako inis na tumingin sa kanya. Hindi ko alam paano nyang nagagawa na mabilis na magpalit ng anyo nang gano’n-gano’n lang. Sinugod ko sya ulit at sa pagkakataon na ‘yon ay nilabas ko ang kapangyarihan ko at saka ko sya nito pinatamaan pero nag-anyong asong lobo sya ulit at hindi ko maiwasan ang hindi mainis sa kanya kaya hindi ko matiis ay sa ibang paraan ko sya tinirada. Sa pagkakataon na ‘to ay hindi ko sya pupuntiryahin. Kailangan ko lang syang lituhin at kailangan ko lang syang aliwin. Tinaas ko ang kamay ko at saka ako tumingin sa kanya at wala akong kahit na anong pinakita kung hindi ang inis. Kanina pa talaga ako naiinis sa kanya at inaamin kong hindi ko na ito matiis ngayon. Nang makapagpakawala ako ng tubig ay saka ako nagpakawala ng mga halaman sa palibot at iniangat ito upang mapuluputan ang mga alagad nya. Napatingin sya sya sa mga ito at ginawa ko itong chance at saka ko pinapuluputan ang paa nya. Tumingin ako kay Blaze at saka sya lumikha ng isang bilog na apoy at saka ito binato sa kanya at ako naman ay kinulong sya sa isang malaking bilog ng tubig at saka sya nag-anyong tao at sa punto na ‘yon ay kumawala sya at saktong tumama ang kapangyarihan ni Blaze dahilan para tumalsik sya papunta sa labas ng bahay. “Yaz!” sabi ko at saka ako nakipag-apir kay Blaze at gano’n din sya sa ‘kin. Tumingin ako sa harapan ko at napangiti ako ng gumana ang idea ko at nakita kong nakuha ang susi. Agad na lumapit ako kay Sunny at saka ko sya pinakawalan at nawala ang kakaibang bumabalot sa may palibot ng hawla. Kinuha ko sya sa loob no’n at saka ko sya sinubukan na gisingin pero hindi sya nagigising. “Sunny! Ano ba gumising ka hindi ito ang tamang oras para matulog,” sabi ko at saka ako tumigin kila mommy. “Alisin mo sya dito,” sabi nito at saka ako tumango sa kanya. Pinalutang ni Lili si Sunny sa ere at sumusunod lang ito sa amin at hindi ko maiwasan ang hindi mag-alala tungkol sa kanya kaya naman hindi ko rin maiwasan ang hindi magalit sa lalakeng iyon. “AHHHH!!!” sigaw ng isang tinig at napalingon ako dahil do’n. “Hindi nyo sya mailalayo sa ‘kin!” galit na sabi nito na syang ikinakuyom ko ng kamay ko. “Hindi mo sya makukuha sa ‘min!” inis na sabi ko at saka ko binuhat si Sunny at saka tumakbo. Pero hindi ko alam na mas madami pala syang mga alagad kaya naman hindi rin ako madaling makaligtas at makatakas. Naglabas ako ng espada at saka ko ito tinapat sa kanila at sa pagkakataon na ‘yon ay napaatras sula. “Tingin ko hindi nga tayo makakatakas,” sabi ni Xena. “Humanda talaga sa ‘kin ang hindot na Hari na ‘yan,” inis na sabi ko. “Kami na ang bahala dito,” sabi ni Lili na syang ikinalingon naman ni Xena. “Ano? Idadamay mo ako?” “Kailanagan mo na syang ilayo,” sabi nito at hindi pinansin ang sinabi ni Xena. Ginawa ko ang sinabi nya at hindi ko nasila nilingon pa. Kung ano man ang nangyare kanina kaya hindi pa nagigising si Sunny ay humanda talaga sya sa oras na malaman ko kung ano ‘yon. Habang tumatakbo ay alam kong may nakasunod sa amin at hindi ko magawang lumingon kasi baka madapa kaming pareho. Patuloy lang ako sa pagtakbo at bigla akong napahinto ng biglang lumitaw sa harapan ko ang puting aso. Pero hindi ako nabahala dahil kilala ko naman sya kaagad at saka nya ako sinenaysan na sumunod sa kanya at ginawa ko naman. Nakarating kami sa isang bahay at saka ko nailapag si Sunny doon at nagbago na ng anyo si Scott at tumingin kay Sunny. Hinawakan nya ang ulo nito at hindi ko na sya pinakialaman dahil alam kong hindi naman sya anib sa ama nya at hindi naman sya masama. Sa ginawa nya ay unti-unting nagkamalay si Sunny at agad ko syang niyakap at napahawak sya sa ulo nya dahil sa sakit. “Putik ang sakit ng ulo ko,” sabi nito at nakanguso pa. “Scott, anong nangyare?” tanong nya at saka tumingin sa ‘kin. “Teka, si Svan! Humanda sa ‘kin ang lalakeng iyon.” “Teka lang Sunny---“ hindi ko na sya nagawang mahabol pa at pareho kami ni Scott ang naiwan. “Nakakainis!” inis na sabi ko at saka ako tumayo. Sumunod kami kay Sunny at bumalik kami sa bahay at ng makarating do’n ay hindi ako makapaniwala sa nakita ko. Hindi ko alam kung paanong nangyare pero isa lang ang nasisiguro ko. Si Sunny ang may gawa nito at si Sunny lang ang may kakayahan na ganito. Tumingin kami sa taas kung nasaan si Sunny at nakatingin sya kay Svan at halata ang inis nya. Naiinis palang sya? Paano na kaya kung galit na sya? “Bakit nyo ginising!” inis na sabi ni Mommy. “Hindi ako ang gumising sa kanya,” sabi ko at saka tinuro si Scott. “Hay nako kang bata ka awatin mo ‘yan!” sabi nito at saka ako tumingin kay Scott at tumango naman ito. Hindi ko alam kung makikinig sa kanya si Sunny dahil ang kakaibang aura nya ay hindi ko gusto at ang kakaibang kisap sa mata nya ay hindi ko rin gusto. Kung ano man ang nasa mata nya at kung ano man ang nangyare kanina ay hindi ko na alam. Pero isa lang ang nasisigurado ko at isa lang ang alam ko, hindi lang sya naiinis dahil galit na sya ngayon. Bigla ko naman naisip ang nasabi ni mommy noon nang magalit si Sunny at hindi nya daw iyon gugustuhin na maulit at hindi na daw dapat pang maulit. Hindi ko alam paanong magpahinahon at hindi ko alam paano akong lalapit sa kanya. Pero sinubukan ko pa rin kahit na alam ko sa sarili kong imposible. Lumapit ako at saka sya tumingin sa ‘kin at hinawakan ko ang kamay nya. Hindi nya ako nilingon at nakatingin lang sya kay Svan na no’n ay marami na kaagad sugat at pinsala dulot ni Sunny. Saglit lang sya nawala sa paningin ko at pagkadating ko dito ay ito na kaagad ang kinahinanat nya. “Sunny, huminahon ka. Hindi mo kailangan magalit. Hindi ka naman nya nasaktan ‘di ba?” sabi ko at saka sya lumingon sa ‘kin. Wala akong makita sa mga mata nya at wala akong mabasa. Hindi ko alam kung ano ang nangyare noon pero hindi ko hahayaan na maulit ‘yon ulit ng dahil lang sa lalakeng ito. Hinawakan ko ang isa nya pang kamay at saka ko hinaplos ang mukha nya at ngumiti ako. “Lahat naman ay nagkakamali, Sunny. Gusto mo bang mawalan ng ama si Scott?” Tumingin sya kay Scott at saka sya umiling sa ‘kin. “Kaya nakikiusap ako sa ‘yo. Huminahon ka, pangako bukas ay magiging maganda ang umaga at magiging maayos na ang lahat,” sabi ko at saka ko nakita ang unti-unting pagbabago nya. Niyakap ko si Sunny at saka sya nawalan ng malay na agad ko naman nasalo. Agad naman na lumapit sa ‘kin si Blaze at saka binuhat si Sunny at tumingin ako kay Svan at saka ko sya kinulong sa tubig ko at pinagaling ang sugat nya at hinagis papunta sa pinanggalingan nya. Lumapit naman sa ‘kin si Xena at Lili at saka ako bumuntong hininga. “Iyong maawain ka pero demonyo ka,” sabi ni Lili. “Pinagaling bago hinagis,” sabi naman ni Xena. “Hindi naman ako gano’n kabait na tao pero sa oras na may nangyare talaga kay Sunny yari sa akin ang malanding Svan na ‘yon kahit na sya pa ang Hari,” saad ko naman at napatingin ako kay Scott. “Nako, Scott, sorry sa ginawa ko ah.” “Ayos lang po,” sabi naman nito at saka ngumiti sa ‘kin. ”Bukas ay magigising si Papa na walang maaalala. Kaya po ako ang dapat na humingi ng tawad.” Yumuko sya sa ‘min at saka ako ngumiti sa kanya. “Hindi bale na, tara sa loob at baka nagutom ka pa kasi nabitin ang kain natin.” Aya ko sa kanya pero umiling na sya. “Aalis na po ako. Pakisabi kay ate Sunny salamat. Paalam po.” Kumaway sya sa amin at saka naging aso ulit at tumakbo na. Tumingin naman ako kay Blaze na tinititigan lang si Sunny. “Hindi sya magigising sa titig mo. Dalhin mo na sya sa k’warto nya,” sabi ko at saka ako naunang maglakad. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD