SUNNY’S POV
Kinabukasan ay maaga akong nag-asikaso kasi maaga akong nagising sa biglang damba sa ‘kin ni Chacha. Maaga syang nagutom at ang nakakainis ay ang likot nya pala kapag sa umaga o kaya naman minsan ay maharot na para bang nakikipaglaro. Nang matapos na akong magbihis at mag-ayos sa sarili ko ay saka ako bumaba at sumunod naman sa ‘kin si Chacha.
“Good morning little girl,” bati ni Tita kay Chacha at binati rin sya nito ng tahol. “Hala OMG baby look at her she’s so pretty!!!” sabi ni Tita kay Rianna at napanguso ito dahil tinawag syang baby.
“Mommy!!!” N/akangusong sabi nya at natawa nalang ako.
“Hmp! E’di si Chacha nalang ang baby ko,” sabi nito at saka ako tumingin kay Rianna at mas ngumuso sya.
“Mommy naman!!!” sabi nya at mas natawa ako dahil do’n.
Hindi ko alam kung ano ba ang gusto nya at hindi ko alam kung mas gusto nya ba na baby sya o mas gusto nyang nasa kanya lang ang atensyon ng mommy nya. Kumain na kami ng breakfast at sa totoo lang ay mas masarap ang pagkain ni Chacha sa amin kasi nilutuan sya ni tita ng isang buong manok.
“Hala mommy mauubos ba ni Chacha ‘yan?” tanong ni Rianna at tumango naman si tita.
“Kapag hindi nya naubos ‘yan wala syang dinner mamaya,” sabi naman nito at saka tumingin sa kanya si Chacha na tila naintindihan ang sinabi ni tita.
Matapos naming na mag-almusal ay saka kami sumakay sa kotse papunta sa school. Pero hindi ko pa rin makalimutan ang nangyare kagabi dahil sa pagsunod ko kay Chacha. Alam kong may kakaiba ng gabi na ‘yon at alam ko na hindi lang ako o si Rianna ang nasa gubat noon. Alam kong may iba pang tao bukod sa aming dalawa at hindi ko alam kung sino ‘yon. Nang makarating sa school ay saka ako bumaba at hindi ko alam saan napunta ang utak ko sa lalim ng iniisip ko at hindi ko nakita ang bato na nakaharang sa daan ko.
Sa pagkakataon na ‘yon ay nasubsub ako pero hindi pa man ako tuluyang lumapag sa sahig ng may biglang humawak sa kamay ko at agad akong napatingin sa kung sino. Inalalayan nya ako na tumayo at saka ako ngumiti sa kanya.
“Mukhang malalim ang iniisip mo Sunny,” saad nya at saka ako umiwas ng tingin.
“Oo nga hindi ko napansin iyong bato,” sabi ko naman at sumulpot sa pagitan naming si Rianna.
“Oh Sunny ano ang katangahan na ginawa mo?”
“Wala,” sabi ko naman at saka ako tumalikod sa kanila.
Wala ako sa mood na makipag-usap sa ngayon at hindi ko gusto ang aura ko. Ganito ako sa tuwing may kakaiba akong nakikita at ganito ako sa tuwing may hindi ako magandang nararamdaman. Habang naglalakad ay hindi ko alam saan na ako nakarating kaya napatingin ako sa paligid ko at nakita kong nasa grade building pala ako. Mula sa harapan ko ay nakita ko ang bata at saka ito dali-daling tumakbo papunta sa mga kaibigan nya.
Napapikit ako ng mariin dahil sa imahe na nagpakita sa ‘kin at saka ako napahawak sa ulo ko. Hindi ko alam kung ano ‘yon pero isa lang ang nasisigurado ko at alam ko sa sarili kong may nangyare na marahil ay hindi ko na maalala ngayon. Naramdaman kong may humawak sa kamay ko at saka ko minulat ang mata ko at nakita ko ang mukha ni Lili na nakakunot ang noo sa ‘kin. Bumuntong hininga ako at saka ako umayos at mula sa likuran ay nandoon si Xena at Rianna.
“Ano bang nangyayare sa ‘yo? Isang linggo ka lang na absent ay ganyan ka na?” takang tanong nya
“Wala lang. Tara na baka nand’yan na ang professor natin.” Tumango sya sa ‘kin at saka kami sabay na naglakad at pumasok ng room.
Maya-maya ay dumating na ang prof naming at tinuon ko na lang ang sarili ko sa topic namin. Kahit na alam kong wala akong gaanong idea sa kung anong topic basta may tanong ay nagtataas ako ng kamay para sumagot. Lahat sila ay namamangha kasi ang bilis ko daw sumagot. Ang simple lang naman ng mga tanong at isa pa ay napapansin kong kada sasagot ako ay gano’n din si Lili. Hindi ko na lang pinansin at after ng discussion ay nagpa-quiz si Ma’am.
Habang abala ang lahat na magsagot sa quiz ay mabilis ko naman itong natapos. Tumayo ako at nagulat si Ma’am sa ‘kin at saka ko binigay ang papel ko at lumabas ng room. Kung sino daw kasi ang unang matatapos ay maari nang lumabas. Dahil mabilis kong natatandaan ang lahat kanina ay madali ko lang din nakuha ang sagot kaya mabilis lang din ako na natapos.
Nang makalabas ako ay bigla namang may humarang sa harapan ko at nakita ko ang mukha ni Blaze na nakakainis. Ngumiti sya sa ‘kin pero hindi ko sya pinansin at akmang lalagpasan sana ng humarang sya at sinubukan kong umiwas ulit pero hindi nya ako tinanatanan. Tumingin ako sa kanya at saka ako ngumisi at saka ko sya malakas na sinipa dahilan para tumalsik sya at sa punto na ‘yon ay hindi agad sya nakatayo. Tuluyan ko na syang nilagpasan at saka ako pumunta sa field kung saan malaya kong magagawa ang bagay na gusto ko.
Noong nakaraan ay nag-umpisa na rin pala ang pasok sa Mystic Academy para sa may mga kapangyarihang hindi ordinary. Tumingin ako sa paligid ko at abala ang lahat at wala silang pakialam sa kung sino man ang papasok o lalabas.
“Hindi ko alam na matapos mong mawala ng isang linggo ay ganito ka na?” asar na sabi ni Blaze at saka ko nilapag ang gamit ko at napatingin ako sa paligid dahil sa mga babaeng tumili dahil sa kanya.
Hindi ko naman sinasabing pangit sya o ano pero sa totoo lang ay hindi ko talaga gustong nakikita ang mukha nya lalo na sa araw na ito. “Hindi ba uso sa ‘yo ang salitang tahimik?” inis na sabi ko at saka ako tumalikod at bigla nalang syang nasa harapan ko.
“Hindi kita tatantanan hangga’t hindi mo ‘ko pinapansin,” sabi nito na syang ikinakunot ng ko ng noo.
“Hindi ko ugaling sayangin ang oras ko sa taong gaya mo kaya kung p’wede ay umalis ka na,” walang ganang sabi ko at saka ako ulit tumalikod sa kanya.
Pero hindi talaga nya ako tatantanan hangga’t hindi nababaling ang atensyon ko sa kanya. May gusto akong gawin na hindi ko magagawa kung nandito ang lalakeng ito at ginugulo ang pananahimik ko. Tinapat ko nang kamay ko sa kanya at saka ako walang ganang tumingin sa mga mata nya. Hindi ko gustong may bumubulabog sa pananahimik ko at naiinis ako kapagkinukulit ako. Ang alam ko ang mga lalakeng nakakakita sa akin ay nahuhumaling pero iba sya sa mga iyon na syang kinainisan ko.
“Aalis ka o tatalsik ka?” sabi ko at nakita kong ngumisi sya sa ‘kin.
“Papansinin mo ‘ko o maglalaban tayo?”
Napapikit ako ng mariin dahil sa sinabi nya at punto na ‘yo ay naiinis na ako. Kaya naman naglabas ako ng espada at saka ko sya sinugod at sa pagkakataon na ‘yon ay agad nya naman ako na nailagan dahilan para tumingin ako sa likuran ko at agad ay sa harapan ko saka ko sinalag ang espada nya.
“Sunny!” rinig kong tawag ni Rianna pero hindi ko sya pinansin.
Nakipagtagisan sya ng lakas sa ‘kin at sa pag-aakalang malalakasan nya ako aat mapapatalsik nya ako. Hindi ko sya hinayaan na gawin iyon kaya naman sa pagkakataon na ‘to ay umikot ako at saka ko tinapon ang espada ko pataas at sinundan nya ito ng tingin at sa pagkakataon na ‘yon ay nagawa ko naman na sipain ang mukha nya. Hindi nya inaasahan ang ginawa ko kaya naman ngumisi ako sa kanya at saka ako lumapag sa harapan nya.
“Kapag sinabing umalis ka, malis kana, hindi mo makakaya ang kung anong lakas ko kaya h’wag mo ng subukan pa,” babala ko sa kanya.
Dahil nawalan na ako ng gana ay umalis nalang ako ng field at saka ako nag-teleport papuntang roof top para mapag-isa. Nang makarating ako doon ay saka ako pumuwesto sa may mismong gilid upang makita ang mga estud’yanteng papasok at lalabas. Pumikit ako at saka ako bumuntong hininga at saka minulat ang mga mata at ngumiti. Kailangan ko lang siguro ng sariwang hangin at siguro ay na-miss ko lang ang Mystica. Iba kasi ang mundong ito sa mundo namin.
Nakikita ko si Rianna na naghahanap sa ‘kin kasama nya si Lili at Xena. Hindi nila ako makikita kung naka-invisible ako para sa kanila. Hindi nila ako madaling mahahanap dahil hindi naman ako nagpapahanap kapag wala ako sa mood. Napasinghap ako ng biglang tumunog ang phone ko at tumingin ako sa gawi ni Rianna at hindi naman nya hawak ang phone nya at kahit na si Lili at Xena ay gano’n din.
Kinuha ko ‘yon at saka ko tinignan kung sino ang tumatawag. Walang nakalagay na pangalan kaya naman sa kuryosidad ko ay sinagot ko ito at saka ko nilagay sa tainga ko.
“Ate!” Napasinghap ako at napatayo ng marinig ko ang tinig ni Chichi.
“Chichi!!!” Masayang sabi ko at sa hindi inaasahan ay na-out of balance ako.
Napasinghap ako sa nangyare at hindi ko namalayan na nasa dulo nga pala ako kaya naman sa pagkakataon na ‘yon ay naramdaman kong nahuhulog ako. Bakit ganito ang pakiramdam ko? Bakit ganito ang katawan ko at tila hindi ko magamit ang kapangyarihan ko? Kakaiba ang pakiramfam ko at alam kong may hindi tama sa ‘kin. Narinig ko ang boses ni Papa at bigla akong natauhan at saka ako pumuwesto at ng magawa ko iyon ay saka naman ako maayos na nakababa.
Sinalo ko ang phone ko at saka ako napabuntong hininga at tumingin sa paligid at nagulat ako ng makita ko ang mga batang nakatingin sa ‘kin at mga seryoso ang mga mukha. Hindi ko alam ang gagawin ko at hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa bata. Tinapat ko ang palad ko sa kanila at saka ko binura ang nakita nila at saka ako nag-teleport pabalik sa p’westo ko.
“Ano ba ‘yon?” takang tanong ko sa sarili ko at saka ako napahawak sa dibdib ko. “Kakaiba ang pakiramdam ko,” sabi ko pa at saka ako tumingin sa baba.
“Sunny?” Napatingin ako sa phone ko ng mapagtantong si Papa nga pala ang kausap ko.
“Papa!”
“Ano ang nangyare?” tanong nito.
“Wala po, na-out of balance lang,” sabi ko at narinig ko ang matunog nitong buntong hininga. “Papa h’wag ka pong mag-alala sa ‘kin ayos lang po ako,” sabi ko at saka ako tumayo. “Uuwi ako nasa’n po ba kayo?” tanong ko.
“Ahh--- hindi na, Nak. A-ano… we’re just visiting your aunt. Babalik din ako agad, si Chichi iiwan ko muna saglit sa ‘yo,” sabi nito.
Hindi ko alam kung bakit parang nararamdaman kong iniiwasan ako ni Papa. Napakagat ako sa labi ko at saka ako tumingala at saka bumuntong hininga. Ngumiti ako saka pumayag sa sinabi nya.
“Si-sige po,” sabi ko at saka nya binaba ang tawag.
Pinigilan ko ang sarili ko na hindi umiyak at pinigilan kong hindi mainis. Nang maayos na ako ay saka ako tumingin sa ibaba at halos mabaliw na si Rianna kakahanap sa akin at naisipan ko na puntahan sya. Nang makababa ako ay saka ako tumingin sa kanya at ngumiti ako at sya naman ay nakanguso at tila nababaliw na dahil sa kakahanap sa akin.
“Ano ba naman Sunny!” inis na sabi nya at nagulat ako sa ginawa nya.
“Naman, Rianna! Hindi naman ako binggi!” inis na sabi ko at napalingon sa papalapit na Lili at Xena.
“Mabuti naman at nakita kana naming,” sabi ni Lili.
“Grabe ka naman Sunny, ganyan ka ba?” sabi naman ni Xena.
“Masyado lang akong maraming iniisip,” sabi ko at saka ako ngumiti at niyakap si Lili.
“E, bakit si Lili ang niyakap mo?”
“Bakit naman hindi?”
“Ayan nako, Sunny ako ang pinsan mo dapat ako muna ang yakapin mo.”
Tumawa na lang ako sa kanya kasi para syang bata na kulang sa aruga. Kaya naman niyakap ko sya at saka naming napagpasyahan na umuwi na. Pero habang papalabas ng campus ay biglang sumulpot sa harapan ko si Blaze at saka nya ako hinapit sa bewang at napasinghap ako sa ginawa nya. Hindi ko alam kung ano ang balak nya at naiinis ako sa ginagawa nya. Unti-unti nyang nilapit ang mukha nya sa akin at halos maghalikan na kami sa ginawa nya.
“H’wag kang gagalaw,” sabi nito na syang ikinalito ko.
“Ha?”