SUNNY’S POV
Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko at hindi ko alam kung ano ang nangyayare. Sa totoo lang kanina pa ako hindi talaga mapakali at alam kong may nangyayareng kakaiba. Tumingin ako sa likuran ni Blaze at napasinghap ako ng makita ang isang malaking apoy na tila tatami sa amin. Agad kong tinapat ang kamay ko upang makontra ito at sa ginawa ko ay nagawa ko itong mawala sa ere upang hindi tumama sa amin.
Naririnig akong nagkakagulo ang lahat at agad akong tumingin sa likuran naming at nanlaki ang mata ko ng makita ang mga asong lobo na ang alam ko’y niligaw na naming. Tumingin ako kay Rianna at nakikitang walang ano mang idea sa nangyayare at hindi nya rin alam kung anong mero’n.
“Bakit nandito sila?” tanong nya sa ‘kin.
“Bakit ako ang tinatanong mo,” inis na sabi ko.
“E, ikaw lang naman ang sinundan nyan kahapon, Sunny,” sabi nya at saka ako tumingin sa mga ito.
Tumingin ako kay Blaze na nakahawak pa rin sa akin at saka sya tumingin sa akin at agad ko naman na tinulak sya at saka ako tumingin ulit sa mga asong lobo. Pero sa hindi inaasahan ay nagulat ako sa sunod nilang ginawa na hindi ko naman inaasahan. Hindi ko alam kung ano ang gusto nilang ipahiwatig pero tingin ko ay may ginawa akong hindi ko alam na tama.
“Hindi ka naman pala nila kakainin,” sabi ni Xena at saka tumingin sa akin.
“Tingin ko nga,” sabi ko naman at mula sa gitna ay may naglalakad na isang lalake na may makisig na pangangatawan.
Nakasuot sya ng itim na t-shirt at pants. Ang g’wapo nya at sa totoo lang inaamin kong napapanganga ako ngayon dahil sa lalakeng ito. Nang makalapit sa harapan ko ay saka nya hinawakan ang kamay ko at unti-unti nyang nilapit sa labi nya at saka nya ito hinalikan. Ang kakaibang kiliti sa sitema ko ay dumaloy sa katawan ko sa hindi ko inaasahang pagkakataon.
Ngumiti sya sa akin at saka nya ako kinindatan at saka niluhod ang isang binti at tumingala sa akin na par aba akong isang prinsesa. Prinsesa naman talaga ako hindi ba? Pero bakit parang iba ang pakiramdam ko sa ginawa ng isang ito.
“Ako’y lugod na nagpapasalamat sa iyong pagtulong sa aking munting prinsesa,” sabi nito na syang ikinalito ko lalo.
“Munting prinsesa?” sabi naman ni Blaze at saka nya binawi ang kamay ko mula sa lalake.
“Wala ka naman sigurong hintutule?” pilosopong sabi nito na syang ikinatawa ko.
“Hindi ako nakikipagbiruan sa ‘yo tanda,” asar naman nito na syang ikinaseroso naman ng lalake.
“Hindi ko alam ang tinutukoy mo,” sabi ko at saka ako lumapit kay Rianna at Lili.
“Sino po ba kayo?” tanong ni Xena.
“Ako si Svan, ang hari ng mga lobo,” sabi nito at saka sya yumuko sa amin.
Buti na lang talaga at nandito kami ngayon sa area kung saan ang mga tao ay may mero’ng mga kapangyarihan. Nakikita ko ang mga kisap sa mga mata ng ibang kababaihan na syang ikinakunot ko ng noo. Hindi ako natutuwa sa Svan na ‘yan at isa pa ay hindi ko naman kilala ang anak na sinasabi nya. Pero biglang sumagi sa isip ko si Chacha. Tumingin ako sa kanya at saka ako lumapit at ngumiti sya sa akin. Ang bata pa nya para maging ama.
“Ang ibig mo bang sabihin ay iyong puting aso?” sabi at saka sya tumango. “Hala?”
“Ha?”
“Iyong asong tinulungan natin,” paalala ko pa kay Rianna at ngayon ay na-realize nya ang ibig kong sabihin.
Hindi ako makapaniwala na sa puntong ito ay may hindi pa natutuklasan ang mga tao. Lalo na sa gitna ng gubat kung saan ay naro’n ang mga mababangis na hayop na syang magsisilbing tagapangalaga ng kalikasan. Sinabi kong sumama sa ‘min si Svan upang masundo nya ang anak nya at nang makarating sa bahay ay naririnig kong tila may kausap si Chacha at sa punto na ‘yon ay nakita ko ang isang batang lalake na may kulay abong mga mata at gano’n din ang kanyang buhok.
Hindi ako nakakilos sa kinalalagyan ko ng hawakan nito ang kamay ng kapatid ko at hindi ko alam na mero’n syang pinagmanahan. Agad na lumapit ako kay Chichi at saka ko sya tinignan. Ngumiti sya sa ‘kin at saka ako niyakap at sa pagkakataon na ‘yon ay tumingin sya sa kanyang ama na no’n ay nakatingin lang din sa kanya.
“Papa!” Masayang sabi nya at saka mabilig na tumakbo papalapit sa kanyang ama.
“Natutuwa akong makita ka munti kong anak,” sabi naman nito at saka nya niyakap ang anak nya. “Wala na ang bakal sa iyong katawan.” Puna nito.
“Speaking of bakal hari ng mga lobo. Bakit po mero’n sya no’n?” tanong ni Xena.
Kasama kasi namin si Xena. Gano’n din si Lili at si Blaze at hindi ko alam kung bakit sya sumama. Hindi naman sya kasali sa amin at hindi naman naming sya kaibigan o kaya ay ka-close.
“Hindi ko rin alam kung ano ang nangyare,” sabi nito at saka tumingin sa ‘kin.
“Baka ako naman po ang pagbintangan mo,” sabi ko at natawa sya.
“Hindi naman, ikaw ang tumulong sa anak ko at nakita ko ‘yon,” sabi nya at ngumiti ako.
“So, ano nga po?” singit ni Rianna.
“Mero’ng isang babae ang nakita ko nang araw na ‘yon na may suot na isang mahabang cloak at mero’n syang kakaibang kulay na mga mata. Kahit na malinaw ang mata ko sa dilim ay hindi ko pa rin nagawang makita ang kanyang mukha. Isa pa ay mabilis na nawala ang kanyang amoy nang sundan ko sya,” k’wento nito at saka ako tumingin kay Rianna.
Tumango sya bilang naintindihan naming ang nangyare. Pero nahihiwagaan pa rin ako dahil alam kong hindi lang ito basta-basta. Niyaya namin sila na kumain at nakisalo sila sa amin. Sakto naman na nandito si tita ay sya ang nag-asikaso sa maraming bisita. Hindi na rin pinaalis ni Tita si Blaze kaya mas nainis ako sa nangyare. Habang kumakain ay inabutan ako ni Haring Svan ng manok at gano’n din si Blaze at ang anak ng Hari na si Scott. Ang tanga ng ipinangalan ko, lalake pala sya akala ko babae. Napatampal na lang ako sa noo ko at saka ko tinanggap ang kay Scott.
Hindi ko pinansin ang dalawa at nagpatuloy na lang ako sa pagkain. Mas lalo pa akong naiilang nang titigan ako ng hari na syang hindi ko naman ikinasayan. Kung nandito si Papa ay hindi nya hahayaan na maging ganito ang lamesa at hindi niya hahayaan na mero’ng tumititig sa akin. Napasinghap ako ng tumalsik ang malagkit na sabaw ng adobo sa mukha ko. Tumingin ako sa katabi ko na tila walang alam sa nangyare.
“Ano bang ginagawa mo?” inis na tanong ko.
“Hindi ko sinasad’ya, tumalsik kasi…” sabi naman nya at tila pinipigilan ang matawa.
“B’wisit ka!” asik ko at saka ako nagpunas ng mukha ko at tumingin ako sa Hari at nakatitig pa rin sa akin. “Kanina ka pa nakatingin sa ‘kin! Naaasiwa na ako sa titig mo! Hala sa pagkain ang tingin!” galit kong sabi na syang ikinaiwas nya ng tingin at saka ako umalis at umak’yat na lang.
Bago pa ako makaak’yat ay narinig ko pa ang sinabi ni Tita. “Nako kayo… lalo na ikaw Blaze. Hindi nyo alam ang ugali ni Sunny kapag nagagalit. Sa ngayon ay mahinahon pa ‘yan. Nako talaga,” tila nanunuway nyang sabi.
Naiiling na lang ako at nang makarating sa k’warto ay bahagha akong nagulat ng makita ko si Papa. Napangiti ako sa kanya at saka ako yumakap at niyakap nya rin ako. Sobrang na-miss ko sya at sa totoo lang ay nagtatampo talaga ako sa kanya.
“Papa.”
“Kamusta ka?” tanong nya at hinimas ang buhok ko.
“Maayos naman po,” sabi ko at saka sya ngumiti at saka kami umupo. “Hindi pa rin po ba kayo dito tutuloy ni Chichi?” tanong ko na tila bata.
“Hindi pa, e,” sabi naman nito at saka ako bumuntong hininga. “May mga mabay na kailangan ay ikaw ang gumawa at may mga pagkakataon na mawawala kami sa tabi mo, Sunny. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay lagi tayong magkatabi at lagi akong nasa piling mo upang alagaan ka. Ngayon na nasa tamang edad ka na ay kailangan mo na rin na alagaan ang sarili mo,” mahabang litanya nya.
Hindi ko maunawaan ang sinasabi ni Papa at hindi ko alam ang gusto nyang iparating sa ‘kin. Naguguluhan ako at tila hindi pumapasok sa utak ko ang sinasabi nya. Parang hindi ko nga rin ito naririnig, e. Ano ba ang ibig nyang sabihin?
“Papa alam ko naman po ‘yon, pero nangako po kayo sa ‘kin.” Naiiyak na sabi ko at huminga sya ng malalim at saka tumingin sa mga mata ko.
“Sa oras na humantong ka sa tamang gulang ay mauunawaan mo rin ako, Sunny,” sabi nya at saka ako yumakap sa kanya. “Hindi pa ako handang sabihin sa ‘yo ang totoo at hindi ko alam kung paanong ipapaunawa sa ‘yo. Sa ngayon ay h’wag mo muna kaming aalahanin ni Chichi at kailangan mong mag-focus sa pag-aaral mo.” Humiwalay ako ng yakap sakanya. “Sya nga pala nasabi na ba sa ‘yo ni Anna ang tungkol sa kung anong mero’n sa Mystic University?” tanong nya.
“Hindi po pero sinabi na po sa ‘kin ni Rianna.”
“Sa tuwing wala kayong pasok ay pumunta ka lang doon. Hindi mo dapat hayaan na hindi ka nagsasanay kahit na wala ako sa tabi mo,” paalala nya.
“Opo,” sagot ko naman at saka sya tumayo at gano’n din ako.
Hinawakan nya ang pisngi ko at saka sya ngumiti at saka ako hinalikan sa noo. Nang mawala na sya ay saka ako napahiga sa kama at saka ako napahilamos sa mukha ko dahil sa nangyare kanina. Hindi ko matiis at hindi ko makontrol ang sarili kong hindi mailabas ang kung anong gusto kong sabihin. Isa pa ang ginawa ni Blaze kanina. Tumayo ako para maghilamos at saka ako pumunta sa banyo.
Tinignan ko ang sarili ko at saka ako napaisip dahil ngayon ko lang napagtantong may kakaiba sa mga mata ko. Tila may mga maliliit na kumikinang sa mga iyon at napasinghap ako sa naramdaman kong kakaibang kapangyarihan na dumadaloy sa katawan ko. Napahawak ako sa dibdib ko at saka ako napatingin sa kamay ko. Nagliliwanag ito at ramdam ko ang kakaibang sarap no’n sa katawan ko.
“Ang galing,” manghang sabi ko.
Tingin ko ay may bago na naman akong kapangyarihan na lalabas at hindi ko pa alam kung ano iyon. Sa ngayon ay susundin ko ang sinabi ni Papa sa ‘kin. Nang matapos akong maghilamos ay nakarinig ako ng kalabog sa labas ng k’warto ko. Hindi ko alam kung sino ang pumasok at ang alam ko ay sarado ang balcony ko at ang pinto ng k’warto.
Nang makalabas ako ay napasinghap ako sa gulat sa nakita kong mga asong lobo sa labas ng k’warto at mula sa may balcony ay nandoon si Haring Svan. Hindi ko alam kung anong kailangan nya at ano ang pakay nya pero hindi ako natutuwa.
“Ano po ang kailangan nyo Haring Svan?” tanong ko at ngumisi sya ng kakaiba sa ‘kin.
“Simple lang naman munti kong Prinsesa,” sagot nito at bigla akong kinutuban.
“H’wag kang lalapit sa ‘kin,” babala ko sa kanya pero hindi nya naman ito pinakinggan.
“Kailangan mo lang sumama sa ‘kin,” sabi nito at agad akong naglabas ng espada.
“Bakit?”
“Dahil ikaw ang gagawin kong reyna ng aking kaharian.” Nakangiting sabi nya at saka ako nilapitan at hindi ko napansin ang kanyang kilos kaya naman nalaglag ang espada ko at nasa likuran ko na sya kaagad.
Hinawakan nya ang kamay ko at saka ako umikot pero hindi ko na nagawa ng biglang may lumitaw na hawla dahilan para makulong ako. May inihip sya na nalanghap ko at unti-unti akong nakaramdam ng hilo at panlalabo ng mata. Ang bigat ng katawan ko at hindi ako makakilos dahil sa ginawa nya at sinubukan kong labanan pero hindi ko mailabas ang kapangyarihan ko.
Narinig ko ang kalabog sa pinto at alam kong si Rianna ‘yon. Naririnig ko ang boses nya at narinig ko rin ang boses ni Xena at Lili. Hindi ko magawang makapagsalita at tila nawawalan ako ng lakas. Nakakainis ano ba ang ginawa ng lalakeng ito sa ‘kin.
“Papa?” Napatingin ako sa tumawag sa kanya at saka tumingin sa ‘kin si Scott. “Anong ginagawa mo kay ate Sunny?” tanong nya na may bahid ng pag-aalala.
Lumapit si Svan sa anak nya at saka nya ito binuhat habang ako naman ay unti-unti ko ng naipikit ang mga mata ko. Para akong kinakapos ng hininga dahil sa nangyare at isusumpa ko ang lalakeng ito sa oras na makabawi ako ng lakas ko.