SUNNY’S POV
Lumipas ang ilang araw at napagpasyahan ko munang hindi pumasok dahil sa nangyare noong nakaraan. Hindi ko alam bakit ako ganito samantalang hindi naman dapat. Sa palasyo ay hindi nagtataka ang mga kalalakihan na lapitan o tignan ako dahil alam na nila ang mangyayare sa oras na gawin nila iyon. Pero hindi ko alam na iba ang mga nandito kaysa sa mundo ko. Bumuntong hininga ako at saka ako lalabas sana ng bigla nalang na sumulpot si Rianna sa harapan ko.
“Hindi ka pumasok ng isang linggo na Sunny.” Nakangusong sabi ni Rianna at saka ako tinabihan.
“Gusto ko muna na magpahinga,” sagot ko at nangunot ang noo nya sa ‘kin.
“Pahinga? Isang linggong pahinga? Seryoso ka?” inis na sabi nya at saka ako umiwas ng tingin.
“Hindi pa kasi ako sanay, Rianna,” sabi ko at saka sya bumuntong hininga.
“Tingin ko nga. Siya nga pala nand’yan si Lili at Xena.”
“Ano ang ginagawa nila dito?” tanong ko.
“Dinalaw ka?” sambit nya at saka tumayo at sumunod ako.
Hindi ko inaasahan na mero’ng bibisita sa ‘kin dahil nasanay akong hindi binibisita ng kahit na sino at hindi ako nakikipagkaibigan sa kahit kanino kahit pa sila ay mga royalties din. Minsan nga ay hindi ako allowed na lumabas dahil ayaw ni Papa na kahit sino na lang ang nakakasalamuha ko lalo na sa lalake. Nang makababa ay nakita ko ang dalawang babae na no’n ay naghihintay sa akin at ng makita nila ako ay saka ko nakita ang ngiti mula sa kanilang mga labi. Hindi ako makapaniwala sa nararamdaman ko na kakaiba. Ewan ko kung ano ‘yon pero parang matagal ko ng kilala si Lili kahit na ngayon ko lang naman sya nakilala.
“Uyy! Kamusta? Isang linggo kang absent, may nangyare ba?” tanong nito at saka hinawakan ang kamay ko dahilan para mapasinghap ako.
Nang gawin nya iyong ay bigla nalang may kakaibang imahe ang biglang lumitaw sa isip ko at hindi ko aam kung ano ‘yon. May isang babae ang hawak ang kamay ko at pareho sila ni Lili kahit na sa mukha. Hindi ko maintindihan at ang nakakapagtaka ay hindi ko maalala na mero’n akong kaibigan kahit na minsan.
Ngumiti ako sa kanila at saka sinabi ang dahilan kung bakit ako absent at parehong tumango ang dalawa na tila naiintindihan ang dahilan ko. Hindi ko naman p’wedeng sabihin na may sakit ako dahil hindi pa ako nagkakasakit kahit na noong bata palang ako. Naghatid ng meriyenda si tita Anna sa amin at nakakatuwa na kung sino man ang nasa bahay nya ay nagagawang maging close kahit kaibigan ito ng anak nya.
Binabago nila ang anyo nila na magkaroon ng edad para hindi gaanong halata na hindi sila tumatanda kagaya ng iba. Nagkuwentuhan lang kami tungkol sa ibang bagay at ng sumapit na ang gabi ay saka umuwi sila Lili. Buti nalang at sabado ngayon at wala namang ginawa. Sinabihan nila ako ng kailangan ko ng pumasok sa lunes at hindi naman ako tumanggi pa.
Kinabukasan ay napagpasyahan namin ni Rianna na magpunta sa park at sa pet shop dahil may gusto akong bilhin at hanapin. Hindi ko alam kung ano ‘yon at hindi ko alam kung bakit ganito ang pakiramdam ko. Nang makarating sa park ay saka ako tumingin sa paligid at agad akong nilibot ni Rianna sa buong park. Ang daming magkakapamilya ang nandito at ang daming mga bata ang nasa paligid lang at naglalaro. Ang saya at ngiti mula sa mga labi nila ay hindi naaalis at ang kakaibang yakap ng kanilang ina para sa kanila ay tila pampapawi ng pagod sa kanilang paglalaro.
Nakita ko ang isang bata na papatakbo papunta sa kanyang ina at nang malapit n asana ay bigla naman syang nadapa dahilan para mag-alala ang kanyang ina at agad na nilapitan sya at saka niyakap at tinanong kung ayos lang ito. Napahawak ako sa kaliwang dibdib ko at nakaramdam ng sakit mula doon.
“Tingin ko hindi magandang dinala kita sa park,” sabi ni Rianna at napatingin ako sa kanya at ngumiti ako kahit na pilit lang.
“Hindi ayos lang,” sabi ko naman at saka sya bumuntong hininga at hinawakan ako sa balikat ko at tumingin sa mga mata ko.
“Hindi mo man sabihin ay alam kong nangungulila ka sa ina, Sunny,” sabi nito na syang ikinatingin ko sa kanya.
Kakaiba ang nararamdaman ko sa mga mata ko at tila nag-iinit ito sa hindi ko malamang dahilan. Ang ganitong pakiramdam ay ramdam ko noong mga panahon na muhay pa ang Reyna. Sya ang nagpuna ng pakiramdam ko na magkaroon ng isang ina at noong buhay pa sya ay hindi ko makakalimutan kung paano nya akong inalagaan. Napaupo ako at ko naramdaman ang panlalabo ng paningin ko at sa pakiramdam na ‘yon ay ang kirot sa puso ko. Pumatak ang tubig mula sa pisngi ko at natulala ako.
“Ano bang nangyayare, Rianna?” takang tanong ko at tila walang idea.
“Hindi ko rin alam, pero isa lang ang nasisiguro ko, Sunny,” sabi nito at saka ako tumingin sa mga mata nya. “Nangungulila ka iyon lang ‘yon.”
Sa sinabi nya ay tuluyan na akong umiyak at saka ko sya niyakap at niyakap nya rin ako. Wala akong ibang magagawa kung hindi ang umiyak na lang. Kahit na gano’n ay hindi ko naman sinisisi si Papa sa nangyayare at isa pa ay sinabi naman nya na wala na akong ina at napulot nya lang ako at inalagaan. Hindi ko alam kung totoo nga ba iyon o isa lamang kasinungalingan. Gano’n pa man ay unti-unti na akong tumahan at saka kami pumunta ni Rianna sa pet shop.
Ang isang kakilala nila ay isang pet shop owner. Habang naglalakad ay napadako ang tingin ko sa isang aso at agad ko iyong nilapitan pero agad ding nakatakbo palayo kaya naman napanguso ako. Tumingin ako kay Rianna na tinawanan ako pero sinundan ko ang aso. Hindi ko pinansin ang tawag ni Rianna sa akin at hindi ko alam sa sarili ko kung bakit ko nga ba ito sinundan.
“Doggy,” tawag ko at napahinto ako ng mapagtantong wala na ako sa kalsada kung hindi nasa gubat na. “Hala,” sabi ko sa sarili ko.
Iginala ko ag tingin ko sa pag-aakalang kasunod ko lang din si Rianna at hindi ko naramdaman ang presensya nya. Naramdaman kong maraming mata ang nakatingin sa akin at alam kong hindi lang ito basta-basta. Med’yo madilim na rin at hindi ko alam kung saang parte ako ng gubat at saan ako banda. Nilahad ko ang kamay ko at saka ako naglabas ng apoy at tumingin sa buong paligid. Kahit na hindi ko sila nakikita ay alam kong marami sila at mukhang mababangis.
“SUNNY!!!” Napalingon ako ng bigla kong marinig ang boses ni Rianna.
Pero hindi ko sya makita sa laki ng gubat at hindi ko alam kung nasaan sya banda at hindi ko mahanap ang presensya nya dahilo na rin sa dilim ng buong paligid. Tanging ang apoy ko lang ang nagbibigay liwanag sa akin at nagpapawi sa dilim ng buong kapaligiran. Sa pagkakataon na ‘yon ay napasinghap ako ng makita ang maraming mapupulang mga mata sa buong paligid.
Sa totoo lang hindi naman ako natatakot at hindi ko na nga alam ang salitang takot matapos akong sanayin ni Papa na makipaglaban sa mga halimaw. Madalas kaming nasa gubat at alam ko ang ganitong pakiramdam kaya naman hindi na ako magtataka kung bakit ganito.
“Rianna!!!” sigaw ko at umalingawngaw ang sigaw na iyon sa buong gubat.
Sa puntong iyon ay isa-isa kong nakitang lumabas ang mga hayop na syang totoong nakakatakot nga at tila gutom silang lahat. Pero hindi ako ang tipo na mananakit ng hayop at hindi ko naman babalakin iyon.
“Hindi nyo naman ako kakainin hindi ba?” saad ko at bahagyang natawa sa sarili ko dahil sa tanong kong wala naman k’wenta. “Tingin ko nga ay gutom na kayong lahat, hehehehe,” saad ko saka ako naglabas pa ng apoy sa kabilang kamay ko.
Nakapalibot sila sa akin at nakalabas ang mga pangil nila at alam kong kahit na anong oras ay maaari nila akong sugurin. Kaya naman ng aatake na sila ay agad akong gumawa ng harang na syang naging dahiklan para tumama sila doon at sa pagkakataon na ‘yon ay kinulong ko ang sarili ko sa kapangyarihan ko upang hindi ko lang din sila masaktan.
Tinaas ko ang kamay ko at saka ako naglabas ng mga karne at saka sila napatingala doon at nakita ang nakakatakam na laman na syang ikinalaway nila. Nang mabigay ko na ito sa kanila ay saka ako napaupo. Inilabas ko ang pakpak ko at saka ako lumipad at hindi na nila ako pinansin. Nang makarating sa taas ay saka ko tinignan ang buong paligid at nakita ko mula dito ang pet shop. Hindi ko alam kung gaano iyon kalayo at hindi ko alam kung paano akong nakarating sa gubat ng sundan ko ang aso.
“Nakakapagtaka?” sabi ko sa sarili ko at saka ko nilahad ang parehong kamay ko at sa pagkakataon na ‘yon ay naglabas ako ng liwanag. “Hanapin mo ang aso na sinundan ko kanina at dalhin mo ako sa kanya,” sabi ko at saka ito pinakawalan.
Sinundan ko ito hanggang sa makarating sa may bungad ng gubat at saka ako bumaba at ng nakita ko ang aso ay saka ko sya nilapitan. Naguguluhan ako sa nangyayare at hindi ko maintindihan kung paanong nakarating ako sa loob ng gubat. Bumuntong hininga na lang ako at saka ako ngumiti at hinawakan sya. Nakita ko ang dugo mula sa may gilid ng kanyang katawan at hindi ko inaasahan na makita ang bakal na tumagos mula doon at hindi pa naalis.
“Sunny!” Napalingon ako sa likuran ko at nakita ko si Rianna na kalalabas lang ng gubat at mukhang hinihingal. “Anak ka ng nanay mo Sunny, hindi mo ba alam na nag-alala ako sa ‘yo? Ang nakakainis pa ay…” Tumingin sya sa likuran nya at nanlaki ang mata ko ng makita ang mga asong lobo na galing sa gubat at saka ko binuhat ang aso.
“Naman Rianna!!!” inis na sabi ko at saka kami tumakbo.
“Bakit ako? Kasalanan ko bang habulin ako ng mga aso?” inis na sabi nya na syang mas ikinainis ko pa.
Agad kong binalot ang katawan ng aso ng kapangyarihan ko upang hindi sya mapaano. Tumingin ako sa mga asong lobo at saka ko tinignan si Rianna. Tumango lang ito sa akin at saka sya naglabas ng tubig at lahat ng mga iyon ay kinulong nya sa iisang bola lang. Nang magawa nya iyon ay saka nya ito ito tinapon papunta pabalik sa gubat. Unti-unti kong binaba ang aso at saka ko ito dinala. Napagpasyahan naming na umuwi at nang makauwi ay saka ko dinala iyon sa k’warto ko.
“Talaga?” hindi makapaniwalang sabi ni Rianna ng sabihin ko ang nangyare kanina.
“Oo, hindi ko rin alam paano akong napunta sa gitna ng gubat, e,” sabi ko at saka sya napatango.
“Hindi ko alam kung bakit mo sinundan ang aso na ‘yan, Sunny, ano bang mero’n?” tanong nya at marahan kong hinawakan ang bakal sa may tagiliran nito.
“Hind ko rin alam,” sagot ko at saka koi to binunot at narinig ko ang pag-inda nya dahilan para bumilis ang paghinga nito.
“Bakit mo naman binigla!” inis na tanong ni Rianna.
“tatanggalin ko nga, e!”
“Ano ba naman ‘yan hindi ka naman doctor!”
“I know!” saad ko at saka ko tinapat ang kamay ko sa sugat nito at saka koi to pinagaling.
Nang gumaling na ito ay hindi makapaniwala si Rianna sa ginawa ko. “Ay bongga ka naman pala, e,” sabi nya at ngumiti ako.
Kumawag ang buntot no’ng aso at nakita ko ang ganda nito na syang ikinatuwa ko pa. Kumahol ito at saka dali-daling lumapit sa ‘kin at saka ako dinilaan sa mukha na syang naging dahilan para tumawa ako. Marahil ay iyon ang kanyang way ng pasasalamat at saka ako tumayo at binigyan ko sya ng pagkain. Habang kumakain sya ay hindi ko mapigilan ang sarili ko na hindi mapangiti dahil sa ngayon ay nakikita ko syang masaya at tila natutuwa dahil sa pagkakataon na ibinigay ko sa kanya.
“So ano ang pangalan nya?” tanong ni Rianna.
“Hindi ko pa alam,” sagot ko naman at pareho kaming napatingin ni Rianna sa biglang pagbukas ng pinto at nakita naming ang mukha ni tita Abba.
“Ano’t nandito pa kayo? Halina at kakain na tayo,” sabi nito at saka kami nagkatinginan tumayo na.
Bago ako lumabas ay nagpaalam muna ako sa aso at saka ako nagsabi na babalik ako. Nang makababa kami ni Rianna ay nakita kong saktong kabababa lang din ni Tito Roy. Umupo na kami sa puwesto naming at sabay-sabay na kumain. Ang kulitan nila Tita Anna at tito Roy ay nakakagiliw at hindi naaalis ang pang-aasar ni Tito kay Tita. Ang sweet nilang tignan sa totoo lang.