CHAPTER 11

2170 Words
SUNNY’S POV Matapos ang nangyare noong nakaraang araw ay hindi ko alam kung bakit parang hindi naman ako ngayon tinatantanan ni Balze sa pang-aasar. Sa bawat pangugulat nya ay katumbas no’n ang isang talsik nya rin na iginaganti ko. Minsan ay babatuhin nya ako ng bola ng kapangyarihan nya at kapag tinatanong ko sya kung para saan ‘yon ay isasagot nya sa akin na trip nya lang dahil nakita na naman daw nya ang mukha ko. Malamang ay sa sama ng loob ipinaglihi itong si Blaze kaya sya ganito at ang nakakainis ay halos araw-araw nya itong ginagawa. “Tigilan mo na sabe ako!” inis na sigaw ko sa kanya pero mula sa harapan ko ay babagsak ang isang malaking bato na hindi ko alam kung saan nanggaling. “Hindi kita titigilan hangga’t hindi mo ‘ko sinasagot baby ko,” sabi nito na may pagnguso pa. “Ano ba kayong dalawa para kayong aso at pusa,” suway naman ni Lili sa amin. “Iyang hindot na ‘yan ang pagsabihan nyo at h’wag ako,” sabi ko naman na syang ikinalingon ni Lili kay Blaze. “Ayaw mo no’n? Isang g’wapong katulad ko ang makikita mo araw-araw,” sabi nito sabay porma na akala mo talaga nakakatuwa. “Blaze stop it!” sabi ni Lili. “Nako Lili iisipin kong crush mo din ako,” asar nito na syang ikinatahimik ni Lili at ikinagulat namin. “Crush mo sya?” tila nandidiring tanong ko. “Hindi ‘no!” agad na sabi nya at saka ako dumila kay Blaze. “Tsk. D’yan na nga kayo at may klase pa ako. Isa rin akong butihing estud’yante at g’wapomg Prinsipe,” pagmamayabang nya bago sya umalis. Hindi ko na lang sya inintindi at saka ako nag-focus sa ginagawa ko. Nandito kasi kami ngayon sa gym at ang nagsasanay akong gumawa ng hukbo gamit ang bato at apoy. Katulad nang ginawa ko noong nakaraan at ngayon ay nagagawa ko naman silang pagalawin at sa pagkakataon na ‘to ay napangiti ako dahil nagagawa nilang lumaban. Nilabas ko ang espada ko at saka ako nakipaglaban sa kanila at sa pagkakataon na ‘to ay buhay na sila at hindi ko na sila kailangan pang kontrolin gamit ang isip ko. Nilagyan ko sila ng isang bilog na kapangyarihan mula sa kanilang gitnang dibdib na nagsisilbing kanilang puso at buhay. Nagsasanay rin sila Rianna, Lili at Xena. Hindi ko aakalain na magkakaroon din pala kami ng klase bilang estud’yanteng may mga kapangyarihan. Habang nagsasanay ako at abala ay biglang may lumapit sa akin na babaeng matangkad at naalala ko sya dahil noong nakaraan ay nagpakilala sya sa akin. Napahinto ako sa ginagawa ko at saka ako ngumiti sa kanya. “Hi, I hope you remember me,” sabi nito at tumango ako sa kanya bilang sagot at saka sya ngumit ng matamis. “Lyn?” sabi ko at tumango sya. “Tama ka!” sabi nito at saka nya pinagdikit ang kamay nya at napakamot sa ulo nya. “A-ano kase… noong nakaraan anao… niyaya kita pero naudlot. A-ano… p’wede ba kitang---”naputol ang sasabihin nya ng bigla namang sumulpot si Blaze sa harapan ko at napasinghap ako sa ginawa nya. “Blaze!” asik ko at saka sya lumingon sa akin. “Oh? Bakit ba?” tanong nya. “Bastos ka ba?” “Hindi ‘no! Hindi naman ako nagpapakita ng maseselang parte—AW! Fck!” sabi nya dahil binato ko sya ng kapangyarihan ko. “Ano bang problema mo!” “Ikaw! Tantana mo ‘ko!” sabi ko at saka ako tumalikod sa kanila at umalis sa gym. Hindi ko na nilingon pa sila Rianna na tinatawag ako at hindi ko na rin pa nabigyang pansin si Lyn. Hindi ko alam kung anong nasa isip ni Blaze at naiinis akong bigla na lang syang sumusulpot kahit na hindi naman sya kailangan. Kaya naman nang hahabulin ako nila Lili ay agad naman akong nag-teleport papunta sa kung saan ay mapag-iisa ako at walang panggulong damuho. Nang makarating sa rooftop ay saka ako napapikit at saka ako ngumiti at huminga ng malalim. Hindi ko aakalain na sa pagkakataon na ‘to ay magkakaroon ako ng kaibigan at hindi ko rin aakalain na mero’ng isang lalakeng sisira ng bawat araw ko. Habang nasa rooftop ay pinagmasdan ko ang buong paligid at hindi ko maiwasan ang hindi mapangiti sa ganda ng araw ngayon. Pero may isang bagay ang gumugulo sa isip ko at hindi ko alam kung bakit parang paulit-ulit na napapanaginipan ko ito. Hindi ko alam kung ano ang kahulugan no’n at tangin ang tatlong lalake at isang babae lang ang nandoon. Parang kilala ko nga ang babae at hindi ko maintindihan kung bakit gano’n. Napagpasyahan kong bumaba na at sa hindi inaasahan ay lumitaw na naman si Lyn at nakangiti sa ‘kin. Hindi ko maiwasan ang hindi mangamba sa ngiti pa lang nya. Ewan ko ba pero may kakaiba kasi akong nararamdaman at ang pakiramdam ko na ‘yon ay tila hindi maganda. “Hi, Sunny!” bati nito sa ‘kin. “L-Lyn,” banggit ko naman sa pangalan nya. “Ano ang ginagawa mo dito?” tanong ko at tumingin sya sa paligid at saka lumapit sa ‘kin at hinawakan ang kamay ko. “Sinundan talaga kita at pinagmasdan mula sa taas,” sabi nya sabay turo sa kung saan ako nakap’westo kanina. “Ahh…” hindi ko alam ano ang isasagot ko sa kanya. “Ngayon na tayo na lang p’wede na ba kitang yayain?” tanong nya at hindi ko maiwasan ang hindi kabahan. “Sa totoo nyan kasi… marami pa akong gagawin,” saad ko na syang ikinawala ng ngiti nya. Mas dumagundong ang kaba sa dibdib ko ng sumeryoso ang mukha nya. Hindi ko sya maintindihan at hindi ko alam anong gagawin ko dahil mas humihigpit ang hawak nya sa braso ko na syang ikinaiinda ko. “Sasaama ka ba sa ‘kin o hindi?” matigas na tanong nito at napakagat ako sa labi ko dahil sa ginawa nya. “O-oo,” sagot ko at saka nya ako binitawan at muling ngumiti. Ano bang nangyayare sa kanya? Kahit na hindi ko ito gusto ay sumama pa rin ako sa kanya at pumunta kami sa isang restaurant na malapit lang din sa school. Hindi ko alam na mero’n palang resto na malapit sa school? Pumasok kami sa loob at saka kami nito binati. Actually nasa loob lang din sya ng campus iyon nga lang ay nasa likod ng building. Masasabi ko bang malapit sa school? Mali pala ako. Malapit lang sya sa building ng mga may not ordinary human like me. Nang makapasok kami doon ay saka ako napatingin sa buong paligid nito. Puro’s pula ang lahat at ang daming petals sa buong paligid. Sinalubong kami ng isang lalakeng may anyong asong lobo at saka ito yumuko sa amin. Tao sya pero ang ulo nya pang asong lobo. Nang makaupo ay saka ako tumingin kay Lyn na no’n ay hindi naaalis ang tingin sa akin. Hindi ko tuloy maiwasan ang hindi mailang dahil sa ginagawa nya. “May dumi ba ako sa mukha?” tanong ko sa kanya at bahagya syang natawa. “Wala naman, ang ganda mo kasi,” sabi nya at ngumiti lang ako. Hindi naman bago sa akin ang masabihang maganda pero bakit parang nakakakilabot ang sinabi ni Lyn? Kailangan kong makahanap ng paraan para makaalis dito at kailangan kong makatakas mula sa kanya. Sinenyasan nya ang lalake at saka ito muling yumuko sa amin at mas lumalakas ang kaba sa dibdib ko sa hindi ko malamang dahilan. Tumingin ako sa may gawing kanan nya at naroon ang salamin kaya naman nakikita ko ang sarili kong repleksyon. Pero hindi ko inaasahan na makikita ko ang kanya at sa punto na ‘yon ay tumingin ako sa kanya at hindi ko sya binigyan ng ano mang reaksyon. Hindi ko hahayaan na matalo ako ng nilalang na ‘to at alam kong hindi naman talaga sya gano’n lang noong una pa lang. Nang inihanda na sa harapan namin ang pagkain ay bahagya akong napangiwi. Anong klasing pagkain ‘to? Takang tanong ko sa sarili ko. Gumagalaw pa ito at tila tumitibok. Teka… tumitibok? “A-ano…” Tumingin ako sa kanya at saka nya pinatong ang kanyang baba sa kanyang kamay at ngumiti sa ‘kin. “Hindi mo ba nagustuhan ang puso ng isang tao?” tanong nya sa ‘kin na may halong pagkasarkastiko. Puso ng isang tao? Tama nga ang hinala ko. Isa syang bampira. Ngumisi ako sa kanya at saka ko hinawakan iyon ng walang ano mang takot na syang ikinagulat nya pero agad na sumeryoso. “Hindi ba mas masarap ito kung luto?” tanong ko at saka ko ito binitawan at agad akong tumayo at naglabas ng espada. “Hindi mo ‘ko gano’n kadaling matatakot sa pamamagitan nito, Lyn,” saad ko at hindi sya gumalaw sa kinalalagyan nya. “Ang akala mo mahina ako? Tsk.” Tinignan ko ang talim ng espada at saka ako tumingin sa kanya at saka sya tumayo at hindi alam ang gagawin kung susugod o tiringin na lang. Tinapat ko ang espada sa kanya at napasinghap sya ng makita ang talim nito pero ngumisi lang ako sa kanya bilang isang pang-aasar. “H’wag kang mag-alala. Hindi kita papakialaman pero nagkakaroon tayo ng isang kasunduan.” “Hindi mo ‘ko madadaan sa ganyan mo, Sunny,” sabi nito at tinatago ang takot nya at pilit na pinapakalma ang kanyang sarili. “Wala pa akong ginagawa pero grabe na ang kaba sa puso mo? Ano pa kaya kung nay ginawa na ako e’di naihi ka na sa sobrang takot?” asar ko na syang ikinakuyom nya ng kamay nya. Sinugod nya ako at agad akong tumalon upang makaiwas at saka ko nadaplisan ang kanyang likuran dahilan para mapunit ang kanyang suot. Tumagas ang kanyang sugat pero agad din iyong gumaling at saka ako ngumiti sa kanya. Hindi ko na naman maintindihan ang sarili ko at tila iba na naman ako ngayon. Sumugod sya ulit at agad kong tinapat ang kamay ko sa kanya at saka ako naglabas ng apoy at sya naman ay naglabas ng maraming paniki at napayuko ako dahil doon. Hindi ko iyon alintana pero ang sakit nila sa tainga ko. Kaya naman hindi ako nakatiis at sinunog ko silang lahat. “AURGH!” galit na sigaw nya. Sa pagkakataon na ‘to ay ako naman ang sumugod sa kanya pero bigla na lang lumitaw sa harapan ko si Lili kaya napahinto ako ng wala sa oras. Hindi ko alam kung ano ang ginagawa nya dito at paanong nalaman nyang nandito kami. Tumingin ako sa may gawing entrada at naro’n si Rianna at Xena. Napatingin naman ako sa gilid ko ng biglang may humawak sa kamay ko at si Blaze iyon. Tumingin ako kay Lyn at hindi naaalis ang masamang tingin nito sa akin. “Bitawan mo ‘ko,” walang ganang sabi ko kay Blaze pero hindi nya ginawa. “Sunny huminahon ka nawawala ka na naman sa sarili mo,” sabi ni Lili at saka ako tumingin sa kanya. Nangunot ang noo ko sa sinabi nya at hindi ko alam kung paanong nasasabi nyang nawawala ako sa sarili ko. Hindi ko pinansin ang sinabi nya ay saka ko sinipa si Blaze at sinugod ko si Lyn saka iniwasan si Lili. Nang magawa ko syang masugod ay napahiga sya at hawak ang talim ng espada at pilit na nilalabanan ang lakas ko. “Naman, Lyn anong ginawa mo!” rinig kong sabi ni Rianna. “That fcking heart of human that I ate,” sabi naman nito at saka tinignan ang lamesa. “Pusang gala ka naman!” galit at inis na sabi ni Rianna. “Galit ba sya sa puso?” tanong ni Blaze at lumingon ako sa kanya na syang ikinagulat nya. “Ito naman hindi mabiro, joke lang naman. Isa pa… normal lang naman na kumain ng puso ang mga bampira?” “Pero hindi dapat puso ng tao,” sagot ko na syang kinapanindig ng balahibo nila. Mas diniin ko ang espada at pilit pa rin iyong nilalabanan ni Lyn at naiinis ako doon. Kaya naman ginamit ko na ang kapangyarihan ko. Tumayo ako at saka ko tinapat ang kamay ko sa kanya na para bang sinasakal at sa pagkakataon na ‘yon ay napaangat sya sa ere. “SUNNY!!! TAMA NA!” sigaw ni Rianna pero hindi ko sya pinakinggan. “Hindi ko kailangan ng makaawa nyo,” sabi ko at saka may sinakal si Lyn. Napalingon ako ng biglang hawakan ni Lili ang kamay ko at napatingin ako sa kanya. Hindi ko alam pero parang nangyare na ‘to dati at hindi ko lang siguro maalala. Unti-unting nanlabo ang paningin ko at saka ako unti-unting nawalan ng malay. Pero narinig ko pa ang huling sinabi ni Blaze kay Lili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD