CHAPTER 12

2199 Words
BLAZE’S POV “Magiging maayos lang sya,” sabi ni Rianna at saka ko binuhat si Sunny. “Ano ba ang nangyayare sa kanya?” nalilitong tanong ko at napabaling ng tingin sa akin si Rianna. “Sa susunod kilalanin nyo muna kung sino ang kinakalaban nyo. Hindi ito ang magiging una at huli. Kaya kung ako sa ‘yo lubayan nyo si Sunny,” babala nito at saka tuluyang umalis at sumunod na lang ako. Nang makarating kami sa bahay nila ay saka ko nilapag si Sunny sa kama nya at saka ako bumuntong hininga. Ang kakaibang kulay ng mga mata nya ay indikasyon na hindi lang sya basta-basta. Nang maihiga ko na sya ay hindi ko maiwasan ang hindi mapatitig dahil sa ganda nya. Hindi ako magtataka kung maraming nagkakagusto sa kanya at hindi ako magtataka kung bakit pati babae ay habulin sya. Napasinghap ako ng biglang sumulpot si Lili at napatingin ako sa kanya at saka nya ako nilapitan at saka sya nag-cross ng braso nya at tumingin kay Sunny. Hindi ko alam kung anong iniisip nya at hindi ko alam pero may hindi ako magandang pakiramdam kay Lili. “Ang ganda nya ‘no?” sabi nito ng hindi nakatingin sa ‘kin. “Oo,” sagot ko naman at saka sya tumawa ng pagak. “I wonder if may gusto ka rin sa kanya,” sabi nito na syang ikinakaba ko kasi baka marinig kami ni Sunny. “Tsk. Bakit naman ako magkakagusto sa babaeng mainisin?” sabi ko na syang ikinakunot nya ng noo. Hindi ko kailangan na sabihin sa kanya ang bagay na dapat ay ako lang ang nakakaalam. Umalis na ako sa k’warto ni Sunny at saka ako bumaba at mula sa may sala ay nakita kong nag-uusap sila Rianna at ang kanyang ina tungkol kay Sunny. Umupo ako at saka ako tumingin sa kanila. May mga bagay akong gustong malaman sa babaeng ‘yon. “Hindi ko lang kasi maintindihan Mommy bakit gano’n?” tila nalilitong tanong nya. “Kaya nga kailangan nasa tabi ka lang nya parati, Rianna,” sabi naman ni Tita. “Teka lang po nakakalito po kasi, e,” sabi naman ni Xena at napatingin sa kanya si Tita at Rianna. “Sa tuwing nagagalit sya o naiinis ay nawawala sya sa kanyang sarili? Ano ‘to may dalawa syang katauhan na hindi nya alam? Demon at anghel?” sabi nito ng tuloy-tuloy at nakalatag ang dalawang kamay na parang demonstrate. “Kaya nga hindi nyo dapat sya iniinis. Kung maaari ay maging mahinahon kayo at h’wag kayong gagawa ng kung anong ikagagalit nya maliwanag ba?” pagpapaintindi nito at saka kami tumango sa kanya. Sa ngayon ay ayon palang ang alam ko at hindi ko na kailangan pang malaman kung paano ‘ko syang papakalmahin. Nagpaalam na ako sa kanila at nauna na akong umalis. Nang makarating ako sa bahay ay saktong nandoon naman sila CJ at Kian. Umupo ako sa sofa at saka ako bumuntong hininga at tinignan ang litrato ng kapatid ko. Hindi ko na alam kung anong balita sa kanya ngayon dahil hindi ko pa alam kung anong makakapagpalunas sa kanya. “Ano na ang balita?” tanong ni Kian. “Wala pa,” sagot ko naman at saka ako napahilamos sa mukha ko. Nababaliw na ako kakaisip sa kung anong maaaring maging lunas sa karamdaman ng kapatid ko. Hinandaan ako nila Kian ng makakain at saka nila ako sinabayan. Sila ay mga kaibigan at mapagkakatiwalaang mga kawal sa palasyo kaya sinama ko na rin sila sa mundong ito para na rin sa hinahanap naming lunas. Ako ang sususnod na hari at ako ang unang anak kaya naman kailangan kong maging responsable. Nang matapos kaming kumain ay nauna na akong umak’yat at napagpasyahan na matulog. Kinabukasan ay nakita kong maganda ang umaga at maaga rin akong nag-asikaso kahit na wala rin naman kaming pasok ngayon. Pero ang alam ko ay may pasok sila Sunny kaya naman makikigulo ako sa kanila. Nang makapagbihis na ako ay nagpaalam na ako kay Cj at Kian at saka sila kumaway sa akin. Hindi ko nga maintindihan kung bakit parang escited akong makita si Sunny kahit na aasarin ko lang naman sya ngayong araw. Pero gusto kong malaman ang lagay nya at kung may maaalala sya sa nangyare kahapon. Habang nagtititingin ako ay nakita ko si Rianna na naglalakad at kasama sina Lili at Xena pero wala si Sunny. Kaya naman naisipan ko silang lapitan at napasinghap si Lili ng makita nya ako sa mismong harapan nya at ngumitin ako sa kanya. “Good morning girls! Nasa’n si Sunny?” tanong ko. “Hindi daw sya papasok kaya naman---” hindi ko na pinatapos pa si Rianna na nagmasalita at agad akong umalis at saka ako pumunta sa bahay nila. Nang makarating ako doon ay saka ako sumilip sa may gate at nakita ko syang nakaupo lang sa may balkonahe at tila malalim ang iniisip. Nagteleport ako sa tabi nya at tila hindi naman nya ako alintana kaya naman tinapat ko ang mukha ko sa mukha nya na syang ikinagulat nya. “What the hell are you doing here?” tanong nya sa akin at saka ko hinawi ang buhok ko at nagpa-cute sa kanya. “Hindi mo man lang ba ako yayayain sa loob?” “Bakit ko gagawin ‘yon?” “Dahil ako ang g’wapo mong bisita?” saad ko na syang ikinasuka nya at ikinakunot ko ng noo. “Anong nakakasuka sa sinabi ko?” inis na tanong ko na sya namang ikinatawa nya. “Alam mo mayabang ka talaga,e ‘no? Ang dami mong alam hindi ka na lang manahimik,” sabi nito at saka tumayo. Minsan talaga hindi ko maintindihan ang mga babae at madalas ay hindi sila madaling basahin sa kung anong magiging kilos at galaw nila. Ang nakakainis pa ay lagi nalang silang galit na parang mga dragon. SUNNY’S POV Pumasok kami sa loob ng k’warto at saktong may pagkain naman sa ref ko kaya naman ibinigay ko ito sa kanya. Bumuntong hininga ako at saka ako umupo sa tabi nya at tinignan ko sya at nangunot ang noo nya sa akin. “Ano ang nangyare kahapon?” tanong ko na syang ikinaubo nya. Hindi sya agad nakasagot at tinignan ang mga mata ko at hindi ko alam kung anong nasa isip nya at kung anong tinitignan nya mula sa mga mata ko kaya naman pinitik ko ang noo nya at napahawak sya dito. “Aw! What the?” inis na sabi nya kaya naman tumawa ako. “Nagtatanong ako nakatitig ka lang wala naman akong dumi sa mukha ko kaya anong tinitignan mo?” inis na sabi ko na syang ikinanguso naman nya. Sa totoo lang nakukulitan lang naman talaga ako sa kanya at hindi ko naman sya kinamumuhian. Mabait naman sya iyon nga lang ay talagang nakakapikon din sya minsan. “E bakit kailagan mong mamitik?” inis na sabi nya at saka ako tumayo at saka tumingin sa labas ng bahay. Hindi ko alam kung bakit sa tuwing may nangyayareng hindi maganda ay hindi ko na ito maalala kinabukasan. Nakakapagtaka nga at gano’n ako kahit na ang totoo ay hindi naman ako nasanay na ganoon. Sa mundong ito ko lang ‘yon nqraranasan. “Bakit kaya hindi mo itanong ‘yan sa ama mo?” tanong nya at napalingon ako sa kanya. “May punto ka naman,” saad ko at saka ko sya hinawakan sa kamay at pumunta kami sa secret room kung saan ang lagusan papunta sa Mystica. “Ano ang gagawin natin d’yan?” tanong nya at saka ako tuningin sa salamin at tinanggal ang harang nito. Pinakita ko sa kanya ang kakaibang kulay nito at namangha sya dahil doon. Hinatak ko sya at nauna akong pumasok at saka kami binungaran ng mga tao sa bayan. Napatingin ang mga tao sa amin kaya naman ngumiti ako sa kanila at halos hindi sila makapaniwala na nandito ang prinsesa ng Mystica. Magiliw ang lahat ng tao dito at hindi sila madamot sa kung anong mero’n sila. Lahat sila ay nabibigayan at walang damutan. “Mahal na Prinsesa!” masayang bati ng isang bata. Ngumiti ako sa kanya at saka ko sya pinantayan at ginulo ang buhok nya. “Kamusta?” tanong ko. “Maayos naman po!” magiliw na sabi nya. Tumayo ako at saka tumingin kay Blaze at saka ako nagpaalam sa kanila na kailangan naming pumunta sa palasyo. Nang makarating sa palasyo ay saka ako pinapasok ng mga kawal at yumuko sila sa akin bilang galang. Habang naglalakad ay napahinto ako ng makita ko si Papa na no’n ay tinututukan si Chichi sa paggamit ng kapangyarihan. Hindi ko maiwasan ang hindi mapangiti dahil sa wakas ang atensyon na gusto ni Chichi ay makukuha na nya. Naglakad kami papunta kay Papa at yumuko ako sa kanya. Napatingin naman sya kay Blaze na no’n ay kasama ko at saka nikagay ni Blaze ang kamay sa kabilang dibdib at saka yumuko. Bumaling ulit ng tingin si Papa sa ‘kin at saka ako umayos at lumapit sa kanya. “Anong ginagawa mo dito Sunny?” tila nanunuway na tanong nya. “Papa… kasi po…” hindi ko maituloy ang sasabihin ko dahil sa takot at pangamba. Tumaas ang kilay ni Papa at hinihintay ang sasabihin ko. “Ano?” “Kasi po gusto nyang malaman kung bakit---” “Ano ba naman ‘yan! Hindi naman kita sinama dito para lang ikaw ang magtanong ng bagay na ‘yan!” inis na sabi ko. “E’di sabihin mo na ng diretsahan,” sabi naman ni Papa. Ang lakas ng kabog ng puso ko at hindi ko alam paanong uumpisahan na sabihin ang gusto kong sabihin sa kanya. Med’yo kasi mahina ako pagdating sa ganitong bagay at lalo na kay Papa. Hindi naman sa istrikto sya pero tingin palang nya matatakot ka na talaga. “Sunny?” “Kasi Papa gusto ko pong malaman kung bakit tila nag-iiba ang ugali ko sa tuwing nagagalit o naiinis ako. Ito rin po ba ang dahilan noong bata ako kaya tayo bumalik sa Mystica?” diretsang tanong ko at walang hinto. Hindi agad nakasagot si Papa sa tanong ko pero alam ko naman na nabigla sya. Alam kong marami syang bagay na alam kong tinatago nya sa akin at inaamin kong naiinis akong hindi man lang nya iyon masabi sa akin. Pakiramdam ko bata pa lang ako may tinatago na syang bagay na importante at hindi nya iyon pinapaalam sa akin. Sinenyasan nya kami ni Blaze at saka kami sumunod papasok sa palasyo. Nang nasa loob na kami ay saka sya umupo sa kanyang trono at si Chichi ay gano’n din. Ako naman ay nakatayo sa kanyang harapan at gano’n din si Blaze. Huminga sya ng malalim at saka sinenyasan ang mga kawal na dumistanya at saka sya naglagay ng barrier upang hindi nila kami marinig. Nag-angat ako ng magsisilbing upuan namin ay saka kami umupo. “Sa totoo lang ay iyon ng ang bagay na dapat ginagawan mo na ng paraan upang makontrol, Sunny,” sabi nito ng seryoso at walang ano man akong makita mula sa mga mata nya. “Hi-hindi ko maintindihan?” “Hindi mo maiintindihan kung hindi mo sususbukan na intindihin, Sunny,” saad nya. Napahawak ako sa baba ko at saka ako tingin sa kamay ko. Ang kakaibang kinang ng kamay ko at kakaibang pakiramdam sa tuwing nawawala ako sa sarili ko ay hindi pangkaraniwan pero paulit-ulit na nangyayare nitong mga nakaraan. Gusto kong umiyak at gusto kong mainis sa sarili ko dahil dito at hindi ko na rin alam paano pa akong naging ganito. Tumingin ako kay ama at saka ako tumingin kay Blaze na no’n ay nakatingin pala sa akin. “Ngayon na alam mo na ang tungkol dito ay kinakailangan mong magsanay sa kung paanong kokontrolin ang sarili mo, Sunny. Hindi mo naman siguro gustong maulit ang nangyare dati hindi ba?” Tumango ako sa kanya bilang sagot at pagkatapos no’n ay saka namin napagpasyahan na bumalik na sa mundo ng mga tao. Nang makabalik na kami ay saka ako bumalik sa k’warto at hindi ki pinansin si Blaze. Hindi ko na nga narinig ang sinabi nya bago sya umalis dahil tila nabingi ako sa sobrang pag-iisip. Habang nakaupo sa kama ay nakatingin lang ako sa labas at napainda ako sa biglang kirot ng ulo ko. Tila may kung anong alaala akong nakita na hindi ko alam saan nagmula. Napalingon ako sa pinto ng dumating si Rianna at saka sya humiga sa kama at maraming kinuwento sa nangyare kanina sa school. Lalo na nang tanungin sya ni Blaze kung nasaan ako kaya naman hindi na rin ako nagtaka kung bakit sya nandito kanina. Gano’n pa man ay sinabi nyang papasok kami bukas dahilkailangan kong sanayin ang sarili ko at kontrolin ang pag-iiba ng ugali sa oras na mainis, mapikon at magalit ako. Kailangan ko daw maging mahinahon dahil hindi na ako marunong mangilala ng tao. “Tara na, tawag na tayo ni Mommy handa na daw ang hapunan,” sabi nito at saka kami tumayo at sabay na bumaba para maghapunan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD