CHAPTER 13

2231 Words
SUNNY’S POV Ilang araw ang lumipas at nagkaroon ng activity sa school para sa P.E. Nandito kami ngayon sa labas para maglaro ng isang laro kung saan pautakan ang laban ay ang lakas mo. Ang init ng araw ngayon at sa totoo lang ay hindi ako sanay na nabibiladan pero kailangan kong gawin dahil hindi naman basehan kung ano ang nakasanayan mo. Nakatingin ako sa buong paligid at nag-eenjoy ang lahat sa P.E iyong iba ay nagkukuwentuhan ay ang iba naman ay naglalaro. Nagsip’westo na kami at nakinig sa instraction ni Ma’am sa kung anong gagawin namin. Ngayon kasi ay magba-valley ball kami at sabi nya ay kung sino ang magagalin ay syang isasali sa intrams. Hindi ko gustong sumali sa kahit na anong patimpalak sa gaganapin na celebration ng mga college students. Pero dahil mga senior high kami ay iba ang sa amin kesa sa mga college. “Game!” ani ng prof namin. Kanya-kanya na kaming p’westo at hindi ko alam kung paanong laruin ang isang ito. Hindi ko gusto ‘to at gusto ko na lang na magpahinga sa isang gilid kaso sayang ang grade. Nag-umpisa na ang laro at nag-umpisa na rin kaming magsaya. Pero hindi ko naman sinasabi na gusto ko ‘to pero nag-eenjoy ako. “Oh! Ang daya!!!” sabi no’ng isa kong classmate kay Lili. “Anong madaya? Hindi ko naman sinalo,” sabi naman ni Lili. “Nakita ko! Ini-spike mo!” “Wala kang nakita!” inis na sabi ni Lili. “Hindi mo ‘ko maloloko Lili. Kahit pa ikaw ang matalino sa klase aminin mo rin na nagkakamali ka!” sabi nito na syang ikinatahimik ni Lili. Hindi ko alam kung sino ang kakampihan ko kasi hindi ko naman nakita ang nangyare. Narinig ko syang bumuntong hininga at saka sya tumalikod at umupo sa isang tabi. Kaya naman huminto na rin ako at saka ko sya tinabihan at napalingon sya sa ‘kin at ngumiti naman ako sa kanya. “Ok lang ‘yan. Lahat naman tayo nagkakamali,” saad ko. Bumuntong hininga sya at nagpangalungbaba. “Alam ko,” sagot nya at saka ngumiti sa ‘kin. “Bili tayo ice cream?” aya ko sa kanya at saka sya natawa. “Ginawa mo naman akong bata nyan,” sabi nya naman. “Bakit? Bata lang ba ang nag-a-ice cream?” curious na tanong ko at mas natawa sya. Tumayo sya at saka nilatag ang kamay nya at sabay kami na lumabas. Hindi naman kami pagbabawalan dahil P.E naman namin at isa pa ay hindi rin naman kami magtatagal. Nang makabili na kami ay saktong nakasalubong naman namin sila Xena at Rianna na no’n ay parehong nakataas ang kilay at nakapamewang sa aming dalawa. Nagkatinginan kami at hindi namin alam kung anong hanas nila sa buhay. “Bakit kayong dalawa lang ang nag-a-ice cream?” mataray na tanong ni Rianna. “Oo nga! Bibili rin lang kayo hindi nyo pa kami inaya,” sabi naman ni Xena na nakanguso. Minsan talaga ay hindi ko alam kung anong mero’n sa mga utak nila at ganito sila. Minsan gusto ko na lang din na lumayo muna para naman magkaroon ako ng katahimikan. Kaya naman para manahimik ang dalawa ay inaya namin sila at lumabas kami para bumili ulit ng ice cream. At dahil doon ay masaya kaming nag-ice cream na apat at nakisali pa ang prof namin sa amin. Pinanood na lang namin ang iba na naglalaro habang kami ay nagpapalipas ng oras na matapos ang klase. Isa lang naman ang klase ngayon at mamaya ay pupunta kami ng field para mag-ensayo. Hindi ko pa nakikita si Blaze nitong mga nakaraan at hindi ko rin sya nakita kaninang umaga upang manggulo sa ‘kin. Hindi ko nga alam kung anong year level nya at isa pa ay balita ko may hinahanap sya. E, ano bang pakialam ko sa hinahanap nya? Napahilamos na lang ako ng mukha ko at nang matapos ang klase ay pumunta muna kami sa café shop na malapit lang sa school. “Hindi ako makapaniwala na walang Blaze na panggulo sa ‘yo ngayong araw, Sunny,” sabi ni Xena. “Hindi naman kailangan araw-araw manggulo si Blaze,” saad naman ni Rianna. “Ay ano ‘to pahinga?” “Ano ba, hindi nyo ba alam na baka iniiwasan na ni Blaze si Sunny kasi alam nyang malakas si Sunny?” sabi naman ni Lili at natawa na lang kami. Hindi rin kami nagtagal sa café at umalis na rin kami at pumunta na ng field para sa pag-eensayo. Nang nandoon na kami ay pansin kong tahimik ngayon ang buong lugar dahil sa konti lang din ang estud’yante. Hindi ko tuloy maiwasan ang hindi mapangiwi dahil sa katahimikan. Sanay naman ako sa tahimik pero hindi ko maitnindihan kung bakit ganito. Pumunta ako sa gitna at saka ko tinaas ang kamay ko at naglabas ako ng espada. Ito ang huling ginamit ko noon kay Lyn at naaalala ko na ‘yon ngayon. Hindi ko inaakala na magagawa ko ang bagay na hindi ko naman kayang gawin talaga. Hinarap ako ni Lili at saka rin sya naglabas ng espada at saka kami nagkatinginan at nagkaroon ng pagkakaisa ang isip naming dalawa. Sa puntong iyon ay sinugod namin ang isa’t-isa at saka namin sinalag ng parehong espada. “Matira matibay?” saad nya at tumango ako. “Kapag natalo manlilibre?” sabi ko naman at sumang-ayon sya. Hindi ko alam kung anong nakain naming pareho at naisipan namin ito. Ang kanyang lakas ay pantay lang ng lakas ni Rianna kaya naman hindi ko alam paanong titirada ng tama. Ang ganitong klasing pakikipaglaban ay kailangan kong maging mahinahon at kontrolin ang mainis o magalit. Umikot ako sa ere at saka ako huminga ng malalim at saka lumanding ng dahan-dahan. Gano’n din ang ginawa ni Lili kaya naman nang magkaharap kaming dalawa ay sabay na naman kaming sumugod sa isa’t-isa. “Ang galing naman nilang dalawa,” rinig kong sabi ni Xena habang nanonood sa amin. “Uyy tignan n’yo may laban,” sabi naman noong mga estud’yanteng abala pero napabaling sa amin ang atensyon. “Waw ang galing nila,” puri nila sa amin. Habang tumatagal ay pabilis ng pabilis ang kilos ni Lili kaya naman mas binilisan ko pa kahit na alam kong mababasa ko naman ang bawat kilos at galaw nya kahit na mabilis pa. Natutunan ko ang ganitong technic kay Papa at alam ko ang lahat ng mga sangga at sa kung paanong titirada. Pero ngayon ay kailangan kong gawin ang magkontrol. “KYAAAAA!!! AYAN NA SI BLAZE!” biglang sigaw ng isang babae at nakita kong napalingon si Lili kaya naman ginawa ko iyong t’sansa upang sugurin sya. Nang magawa ko ‘yon ay saka sya bumagsak sa lupa at saka napahiga at nakatingin sa akin at ngumiti. “Naks, ang galing!” sabi nito at tinulungan ko syang tumayo. “Ikaw ah, may gusto ka ba kay Blaze?” asar ko na syang ikinaayos nya ng tingin. “Nako… wala ‘no. Baka ikaw d’yan?” saad naman nya at umiling ako. “Hindi ko sya lilingunin ko gusto ko sya,” makahulugan kong sabi na syang ikinaiwas nya ng tingin. LILI’S POV Nakakainis. Ano ba ‘tong ginagawa ko? Napabuntong hininga na lang ako at nang makita ko si Blaze ay grabe ang t***k ng puso ko. Sa totoo lang noon ko pa sya gusto at ang balita ko ay wala pa syang nagugustuhan na kahit sino. Gusto kong mapansin nya ako at gusto kong magustuhan nya ako. “Oh? Anong ginagawa mo dito?” tanong ni Sunny sa kanya at nagtaas sya ng kilay. “Hindi naman ako bawal dito. Isa pa… hindi mo ba narinig ang tilian ng mga girls sa akin?” sabi nya na may pagmamayabang pa. Kahit ako ay titili para sa ‘yo, Blaze. Natawa na lang ako sa iniisip ko pero nagulat ako ng sikuhin ako ni Xena. “Ano ba!” inis na sabi ko. “Masyado kang obvious,” bulong nya at napatingin ako sa kanila. “Hindi naman funny ang sinabi ko Lili,” saad nito at tinarayan ko lang sya. Kailangan kong hindi magpahalata at para ng sa gano’n ay hindi nya malaman. “Tara na gusto ko ng umuwi may demonyo na kasi dito,” pagpaparinig ni Sunny sa kanya na syang ikinaseryoso nya. “G’wapong demonyo?” “Ayan na nagkukumbulsyon na,” pang-uurat ni Sunny na syang ikinatawa namin at ikinainis nya. “Oh? Gumaganti lang ako sa mga pang-aasar mo sa akin noong mga nakaraan. H’wag kang pikon kalalake mong tao pikon,” sabi nito at saka tuluyang umalis. Iniiwasan nya ba si Blaze? Pero kung gano’n man ay may chance ako dahil alam kong walang gusto si Sunny kay Blaze. Tumalikod na rin ako at saka ako sumunod kay Sunny. Nang makalabas kami ay napahinto kaming pareho ng nandoon si Lyn at ang iba pa nitong mga kaibigan. Hindi ko alam kung anong balak nito at ang nakakainis ay marami sila at mukhang naghanap sya ng mga kakampi nya. Nakita ko kung paanong nangunot ang noo ni Sunny sa kanila at sa kung paanong nangilid ang labi nito. Kontrolado naman nya ang sarili nya hindi ba? Pinag-cross ko ang braso ko at saka ako tumingin kay Lyn at sa mga kasamahan nya. Sakto naman na lumabas na rin sila Xena at Rianna. Nandito na rin si Blaze at talagang sumiksik sya sa pagitan namin ni Sunny at ngayon ay dumampi ang balat nya sa balat ko na syang ikinakaba ko. Kingina kung ganito talaga kalapit ang crush ko sinong hindi kikiligin? Gano’n pa man ay nangunot ang noo nya ng makita si Lyn. “Ano na naman ‘to Lyn?” tanong nya. “Hindi ka kasali, Blaze,” saad naman nito. “Bakit naman hindi ako kasali? Aba kung magsasaya ako dapat kasali ako!” sabi nito ng nakangiti na akala mo ay nakikipagbiruan ang kalaban. “Si Sunny lang ang pakay ko kaya h’wag kayong makigulo,” sabi ni Lyn na seryoso. “Aba? Kung gusto nyo ay inyo na sya.” “Eh?” “Ha?” Hindi ko sya maintindihan at hindi ko alam kung bakit parang alam nya ang kung anong mangyayare. “Tsk. Ako pala pakay nyo bakit hindi nyo sinabi agad,” sabi naman ni Sunny na ikinalingon naming tatlo bukod kay Blaze. Anong binabalak nya? “Sunny nababaliw ka ba?” inis na sabi ko. “Hindi panaman,” sagot nya. “Putek naman Sunny kung gusto mong pumatay h’wag ngayon,” sabi naman ni Rianna. “Hindi ako papatay Rianna,” sabi naman ni Sunny at natahimik si Rianna. Sa totoo lang ay kinakabahan ako at hindi ko alam ang kung anong gagawin sa ngayon. Kung manonood lang ba ako o pagkatiwalaan si Sunny sa sinabi nyang hindi sya papatay. Umabante si Sunny at saka lumapit sa p’westo ni Lyn. Alam namin ang kung anong kilos ni Lyn dahil sa tagal na rin nyang estud’yante rito. Ang totoo nyan ay halos nga lahat ng magagandang babae ay naging jowa na nya. Ewan ko lang doon sa iba. Babae sya pero babae rin ang gusto nya. Lumapit sya kay Sunny at saka nya hinawakan ang mukha nito at saka hinapit ang bewang nito na syang ikinasinghap namin pero walang anong naging reaksyon si Sunny. Ngumiti lang sya dito at nanatili lang man din kami sa p’westo namin. Pero ang susunod na nangyare ay hindi namin inaasahan. Kusang gumalaw si Sunny at hindi ‘yon namamalayan ni Lyn dahilan para matumba sya at agad na masalo ni Sunny. Para silang sumasayaw pero alam kong may ginagawa si Sunny  Ang bawat kilos na ginagawa nya ay naglalabas sya ng kung anong kapangyarihan na no’n ko lang din nakita pero sa pamamagitan naman ng apoy. Ang kanyang bawat hakbang ay tila isang alon na kailangan mong sabayan. Lumalaki ang pumapalibot na apoy sa kanilang dalawa at napapaatras kami sa ginagawa nito. Nag-uumpisa na akomg kabahan dahil alam ko ang kakayahan nya. “May gagawin na ba tayo?” tanong ni Xena pero si Rianna ay nanatiling nakatingin lang at tila may hinihintay at gano’n din si Blaze. Nang umangat na ang apoy ay mistula itong isang rosas at mula sa tuktok ay nagkaro’n ng bunga. Nang makita namin ang resulta ay halos hindi kami makapaniwala. Ang kaninang apoy ay naging mga rosas na bumabagsak sa lupa. Sinalo ko ‘yon at saka ako napangiti. Well, hindi na masama. “Ang galing!” manghang sabi ni Xena. “Kapag sinabi nya, sinabi nya,” sabi naman ni Rianna. Lumapit kami kay Sunny at saka tinignan si Lyn na kanina ay itim ang suot ngayon ay pula na. Hindi ko mapigilan ang hindi matuwa at hindi ko maiwasan ang hindi mamangha. Ang ganda naman pala nya kapag nakaayos na at hindi lang ‘yon. Si Sunny ay nakangiti lang sa kanya at saka sya yumuko kay Lyn. “Mas bagay naman pala sa ‘yo, e,” sabi nito. Tinignan ni Lyn ang suot nya at mula sa likuran ay nandoon ang isang lalakeng may itim na buhok at g’wapo sa kanyang tuxedong itim. Para syang Koreano sa kanyang ayos. “I found you,” sabi nito at lumapit kay Lyn na syang ikinanganga namin. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD