MYSTY’S POV
Mula sa harapan ko’y unti-unting naging bata ang anak ko. Hindi ko inaakalang magiging ganito ang lahat. Nasaksihan ko ang buong pangyayare at sa kung paanong nagbago ang lahat. Naramdaman kong bumalik ang panahon at bumalik ang lahat sa dati. Ito ba ang naging sanhi kung bakit nasa pangangalaga ni Zemji si Sunny noon?
“S-Sunny…” Tumayo ako at saka ko nilapitan si Sunny.
Walang malay ang mga tao sa buong paligid dahil sa nangyare. Nakabalot si Sunny ng dilaw na tela at may hulma itong araw sa mismong gitna. Napangiti ako ng makita ko ito pero nalulungkot akong nakita ko syang ganito. Inilabas ko ang salamin at saka ako pumasok doon upang bumalik sa Mystica. Mula sa harapan ko bumungad sa akin ang mukha ni Zemji.
“Inaasahan ko ang pagdating mo tita Mysty,” sabi nito at saka tumingin sa dala kong bata. “Sya ba?” tanong nito.
Tumingin ako kay Sunny at saka ako muling tumingin sa kanya at tumango. Pumapatak ang luha ko at hindi ko mapigilan ang sarili ko. Sa totoo lang ay sobrang nalulungkot ako. Nang makita ko ang mukha nya kanina’y sobrang sakit sa dibdib ko. Lumapit sa akon si Zemji at panay pa rin ang iyak ko. Hindi ko kayang iwan si Sunny.
“Hindi ito ang nakita kong pagbibigay mo kay Sunny sa ‘kin. Pero tingin ko naman parehong senaryo lang din ang mangyayare,” saad nya.
“Hindi ko kayang mawalay sa ‘kin ang anak ko, Zemji.” Umiiyak kong sabi.
Bumuntong hininga sya at saka itinaas ang kamay at umalis ang mga kawal. Ngayon ko lang napagtantong nandito pala kami sa garden. Umupo kami sa may gilid malapit sa puno at saka ko tinitigan si Sunny na no’n ay natutulog sa braso ko.
“Hindi ko alam bakit ganito ang nangyare at bakit naging ganito ang lahat, tita.”
“Kahit ako’y walang idea.”
“Wala sila ama ngayon dahil nasa mundo sila ng mga tao. Habang ako ay nandito ay ako ang nangangalaga sa Mystica. Nakita ko ang mga nagawa mo noon na isinulat ng ako sa ibang panahon.”
“Nagawa mo ang sinabi mo,” sabi ko saka tumingin sa kanya. “Natutuwa akong malaman na mero’n akong nagawa na ibinahagi mo sa iba.”
“Hindi iyon mawawala. Mananatili at mananatili iyon.” Nakangiting sabi nya at saka ako huminga ng malalim.
Tumayo ako at saka ako humarap sa kanya at ibinigay si Sunny. Kailangan kong maging matatag sa oras na ito dahil buhay ni Sunny ang nakasalalay dito. Kinuha nya si Sunny at saka sya ngumiti sa ‘kin. Kahit paman labag ito sa loob ko’y ito ang kinakailangan kong gawin. Bilang isang ina at dyosa para sa lahat.
“Hindi ko alam kung anong mangyayare sa hinaharap at hindi ko alam kung paanong magiging buhay ko sa mga sandaling wala si Sunny sa piling ko. Pero sana’y pangalagaan mo sya at h’wag pababayaan. Bigyan mo sya ng atensyon at h’wag mo syang hahayaan na magalit ng basta. Hindi ko alam ang mangyayare sa kung sakaling mangyare ‘yon. Ang kakayahan ni Sunny ay halong kakayahan namin ni Al. Pero higit na mas malakas ang kanya kaysa sa amin. Kaya ipangako mong aalagaan mo sya at ituturo ang lahat ng bagay na alam mo. Pakikipaglaban at ang tamang paggamit ng kapangyarihan,” mahabang litanya ko sa kanya.
Hindi sya kumibo pero alam kong magagawa nya ang mga sinabi ko. “Hindi ko ipapangako pero gagawin ko ang lahat, para sa ‘yo at kay Sunny.” Ngumiti ako at saka lumapit kay Sunny at hinalikan ang noo nito.
Sa huling pagkakataon ay tinitigan ko ang mukha nya. Alam kong babalik ka upang ayusin ang lahat. Hindi pa ito ang katapuan dahil nag-uumpisa pa lang ang lahat. Hindi ko maipapangakong makakatulong ako pero gagawin ko ang lahat ng makakaya ko upang protektahan ka at gabayan sa lahat ng bagay. Ngumiti ako at naramdaman kong papatak ang luha ko pero pinigilan ko ito.
Unti-unti akong lumayo pero nakatingin pa rin ako sa kanila at kay Sunny. Sobrang bigat sa pakiramdam at sobrang sakit sa kalooban. Hindi ko alam ang gagawin ko at sa totoo lang hindi ko alam kung kakayanin ko. Nang makapasok na ako sa salamin ay do’n ko na nakita si Destin na no’n ay nakabungad na sa akin. Bumalik na ulit sa dati ang lahat pero tanging si Destin lang ang nandito.
Nagkatitigan kaming dalawa at wala ‘ni isa ang nagsasalita pero nilapitan ko sya at saka ko sya niyakap at doon na ako umiyak. Niyakap nya ako pabalik at dama kong alam nya kung anong nararamdaman ko. Sobrang bigat sa pakiramdam ko at dama ko ang kirot sa dibdib ko.
“Ginawa mo ang dapat, Mysty,” sabi nito habang pinapatahan ako. “Kailangan mong maging malakas dahil hindi lang ito para sa anak mo kung hindi kapakanan ng buong mundo at mundo natin.” Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko at tuluyan na akong umiyak ng umiyak.
SUNNY’S POV
***15 years after***
Nagising akong tumama ang sikat ng araw sa mukha ko. Nang imulat ko ito’y saka ko tinaas ang dalawang braso ko at ngumit sa labas ng bintana. Excited akong tunayo at saka ako naligo at nagbihis. Nang makalabas ng k’warto ay do’n ko nakita si Papa na hawak si Chichi. Ngumiti sya sa ‘kin at saka ako lumapit sa kanila at umupo sa kung saan ako naka-p’westo.
“How was your sleep?” tanong nito.
“Nasa Mystica po tayo hindi po ba p’wedeng magtagalog?” tanong ko.
“Yea I know.”
“Papa gusto ko maglaro kasama si ate Sunny mamaya.” Nakangusong sabi ni Chichi.
Tumingin sa ‘kin si Papa at saka sya tumingin kay Chichi. “She need to train, Chichi.”
“Pero wala na po kayong oras sa ‘kin.” Naiiyak na sabi nya na syang ikinagulat namin ni papa.
Bumuntong hininga ito at saka ngumiti kay Chichi at hinawakan ang kamay nito. Tumingin sa kanya si Chichi at gano’n din ako. Sa totoo lang makalipas ang mahabang panahon ngayon ko lang naramdaman ang makakalaya ako sa training namin ni papa dahil sa hiling ni Chichi. Ngumiti si Chichi at natuwa sa pagpayag ni papa. Ngumiti rin ito at saka kami bumalik sa pagkain.
Sa totoo lang hindi na masyadong nabibigyan ng atensyon si Chichi simula ng bumalik kami dito sa Mystica. Tumingin ako sa labas ng bintana at saka ko naalala ang nangyare sa mundo ng mga tao. Hindi ko man maalala ang lahat ay alam ko sa sarili kong nagkamali ako ng araw na ‘yon.
Alam ko sa sarili ko kung anong kakayahan ang mero’n ako. Pero hindi ko napigilan ang sarili ko ng araw na ‘yon kaya nangyare ang bagay na hindi naman dapat, dahilan para bumalik kami sa Mystica. Matapos kumain ay lumabas kami kasama ang mga kawal upang maglibot sa Mystica at alamin ang mga kaganapan sa labas ng palasyo. Sobrang ganda ng buong paligid at napatitig ako sa isang bata na no’n ay pinupunasan ng kanyang ina ng pawis.
May kung ano sa puso ko na para bang kumirot sa hindi ko malamang dahilan. Ang bigat sa kalooban at inaamin kong hindi ko ito gusto. Napasinghap ako ng hawakan ni papa ang balikat ko at napatingala ako sa kanya. Tumingin lang sya sa ‘kin na walang kahit ano ang mga mata at saka kami ulit naglakad.
Simula ng mawala ang reyna ay naging ganito na ang aura ni papa. Simula rin ng mangyare ang hindi inaasahang pangyayare five years ago ay mas naging seryoso pa sya at naging istrikto. Nag-enjoy kami sa naging paglilibot namin sa buong bayan. Sobrang nakakatuwa na kilala kami ng lahat ng tao ng nandito at hindi sila nakakalimot. Nang makabalik sa palasyo ay nakatulog na si Chichi. Pinahatid ni papa ito sa k’warto nya at saka ito tumingin sa ‘kin. Alam ko na ang gagawin.
Pumunta kami sa field at saka ko hinanda ang sarili ko. Mula sa dulo ng field ay nando’n si papa na nakahanda ang espada at kapangyarihan. Hindi ko pa alam paanong kontrolin ang kapangyarihan ko ng maayos kahit na matagal na akong ine-ensayo nito.
“Focus, Sunny,” sabi nito at saka ako tumango.
Wala akong ibang gagawin kung hindi ang ilagan ang tirada ni papa. Gamit ang espada nya at ang kapangyarihan nya. Sumugod na sya sa ‘kin at agad akong tumalon paitaas. Agad naman na tumingala sya at saka binato ang apoy sa ‘kin. Umiwas ako at saka mabilis na pumunta sa likuran nya. Lumingon sya sa ‘kin at saka nya tinapat ang espada nya na agad ko ring nailagan.
Walang sinabi sa ‘kin si papa tungkol kay mama. Basta ang alam ko ay iniwan nya ako kay papa upang gabayan, bantayan at alagaan. Tumalon ako ng maramdaman ko ang atake ni papa sa likuran ko gamit ang espada nya at saka ako tumampa doon at saka ko sya sinipa ng malakas dahilan para tumalsik ito. Umusok ang pinagtalsikan nya pero hindi iyon alintana.
Sabi ni papa ay kailangan kong maging malakas at matutunan ang pagtitimpi. Hindi maaaring umasa sa kung anong kapangyarihan at kakayahan ang mero’n ako dahil hindi lang iyon ang magiging basehan ko sa laban.
“Great,” bati nito pero kasabay no’n ay nasa harapan ko na sya. Mabilis kong pinag-cross ang braso ko at saka ako umikot sa ere kasabay no’n ay ang dahan-dahan kong pag-landing sa lupa at tumingin sa kanya.
“Bakit po ba kailangan na ganito tayo araw-araw?” tanong ko at saka ako tumayo.
“Hindi ko pa maipapaliwanag ang totoong dahilan pero, kailangan mo ito sa hinaharap,” sagot nya na syang ikinalito ko.
“Hinaharap? Ano po ba ang mangyayare sa hinaharap papa?” takang tanong ko at hindi sya agad nakasagot.
Tinapat nya ang kamay nya sa ‘kin at saka ako tumalsik. Napainda ako sa ginawa nya at sa totoo lang ay hindi ko iyon inaasahan. Hindi ko alam kung paano nyang nagawa pero hindi ko iyon palalampasin. Agad akong sumugod at saka lumipat sa likuran nya. Tinapon ko ang espada nya at saka ako tumirada patalikod pero nahuli nya ang kamay ko na syang ikinasinghap ko.
Sa punto na ‘yon ay napahiga ako at hindi ko inaasahan na nabagsak ako. Nasa harapan ko si papa at saka sya bumuntong hininga. Tumayo sya at saka ako inalalayan at muling kinuha ang espada. Wala syang lingon-lingon pero dama ko ang kakaiba sa aura nya. Naiwan akong mag-isa sa field na blangko dahil sa ikinikilos nya. Hindi ko nalang iyon inintindi at saka ako lumabas na. Pumunta ako sa library namin at saka ko naisipan na magbasa muna. Nang makarating doon ay nakita ko ang isang kulay itim na libro at iyon ang nakapukaw ng attention ko.
Kinuha ko iyon at saka ko binasa ang nilalaman. Unang pahina palang ay pangalan na ang bumungad sa ‘kin.
“Mysty?” takang sambit ko. “Parang narinig ko na ito noon?” sambit ko pa at saka ako umupo sa sofa at binuksan ang susunod pang pahina.
Tahimik akong nagbasa at buti nalang ay walang sino ang gumambala sa ‘kin. Si Chichi ay alam kong tulog pa. Kaya naman sinamantala ko ang pagkakataon na iyon upang basahin ang libro. Habang nagbabasa ay do’n ko nalaman ang relasyon ni lolo Zem sa tinutukoy sa libro.
“Woah?” hindi makapaniwalang sambit ko. “Kung gano’n ay may lahi rin kaming dyos at dyosa?” natutuwang sabi ko.
Hindi ko alam bakit tila nagkaroon ako ng interes sa k’wentong ito. Gusto ko iyon at sa title palang ay curious na ako. Gusto ko ang nilalaman no’n lalo na ang paanong naging dyosa si Mysty. Habang nagbabasa ako ay hindi ko namalayan ang oras. Mula sa pintuan ay nando’n si Papa at agad kong sinara ang libro saka umayos ng upo. Inilagay ko ang libro sa likuran ko at saka ako napalunok.
“I was waiting for you,” seryosong sabi nya at unti-unti kong binaba ang libro sa likuran ko.
“A-ano… Papa nagbasa kasi ako,” sabi ko ng nauutal pa.
Tinignan nya ang nalaglag sa likuran ko at saka sya tumingin sa ‘kin at napapikit ako. Sobrang istrikto nito na para bang hindi ko na p’wedeng gawin ang bagay na gusto ko. Agad akong umalis sa library at dumeretso sa field at saka napabuntong hininga. Napasinghap ako ng nasa harapan ko na agad si Papa at seryoso ang mukha nya.
“H’wag kang papasok sa library na wala ang pahintulot ko. Malinaw ba?” sabi nito at agad akong napayuko.
“O-opo,” agad ko ring sagot.