Chapter 3

1123 Words
Matapos pumayag ni Alixane sa misyon ay inayos na agad ni Mr. Carpio ang fake identity namin. Mula sa pangalan, at mga legal documents na kakailangin sa requirements ng school na papasukan namin. Si Mr. Carpio na din ang nag-enrol sa amin online. Dahil sa mga connections niya sa iba’t-ibang organization nagawa niyang ma-enroll kami as transfer student sa kursong Business Management. Hindi halata ang edad namin ni Alixane dahil parehas kaming baby face at kapwa pa kami twenty six years old. Nag-briefing na rin kami sa pagpasok doon sa susunod na buwan. "What! Paps naman bakit magkasama kami sa dorm? Yung totoo?!" Inis na wika ni Alixane nang sabihin ni Mr. Carpio na sa iisang kwarto kami titira. "Wag kang mag-alala Alixane, hindi naman ako manyak" Direchong sabi ko sa kanya bahagyang tumaas ang kilay niya hindi niya ata nagustuhan ang joke ko. "Baka nakakalimutan mo Master Sergeant? Mas mataas ang posisyon ko sayo? Matuto kang rumespeto." Inis na wika niya sa akin, inirapan pa niya ako bago humarap ulit kay Mr. Carpio. "Sorry po" Sambit ko. Pero hindi niya ako tinapunan ng tingin. "Alixane, wala akong choice hindi pwedeng mag-isa sa dorm at isa pa dalawang studyante talaga ang nakatira sa isang kwarto mabuti nga at nakakuha tayo ng isang available na pwede ko kayong ipasok dalawa masyadong delikado kung magka-hiwalay kayo ng kwarto at magkaiba pa kayo ng kasama, kaya sana maintindihan mo." Paliwanag ni Mr. Carpio kay Alixane. Napabuntong hininga na lamang siya. Dahil wala na rin kaming magagawa pa. "By the way kailangan ko ang mga sukat niyo para sa uniporme niyo. At bago ko makalimutan, kailan mo ipapaputol ang buhok mo?" Tanong niya kay Alixane. "Paps naman, masyado po kayong excited, siguro one week pa bago kami pumasok sa university para ma-enjoy ko naman ang inalagaan at pinagkagastusan kong buhok" Pangungunsensya ni Alixane. "At isa pang bilin ko sa inyong dalawa, iwasan niyong magustuhan ang isa’t- isa. Dahil pag nagkaroon kayo ng relasyon masisira ang magiging plano niyo maprotektahan lang ang isa’t-isa importante kayong dalawa sa akin. Actually lahat kayong mga agents parang anak ko na kaya mag-iingat kayong mabuti kung kailangan niyo ng tulong o pag nasa panganib kayong dalawa. Wag niyong kalimutan na humingi ng tulong sa ibang agents o sa akin. Para agad ko kayong matulungan naiintindihan Alixane? And last Brian ibibigay ko kay Alixane ang pagpaplano na maari niyong gawin para mag-tagumpay. Dahil bukod sa mas mataas ang rank niya sa iyo. Mahalaga para sa kanya ang misyon na ito kaya sigurado akong gagawin niya lahat para matapos ag misyon niyo ingatan niyo ang isa’t-isa." Habilin ni Mr. Carpio. Labag man sa loob ko na maging sunod- sunuran sa isang babae. Wala akong magawa kundi sundin ang bilin ni Mr. Carpio. "Narinig mo yun Master Sergeant? Kaya makikinig ka sa instruction ko okay?" "Yes Lieutenant!" Napilitan kong sagot. Nag-salute pa ako sa kanya. "Good, mabuti na yung malinaw tayong dalawa dahil partner tayo. Kaya dapat wala tayong gap sa isa’t-isa. At isa pa makakasama mo ako sa dorm kaya tangalin natin ang ilangan." Dagdag pa niya sa akin. Paano ko kaya tatangalin ang ilang ko sa kanya kung una palang ay nakuha na niya ang atensyon ko. "Bakit hindi niyo subukan magsama sa pagtratrain habang nasa labas pa kayo?" wika ni Mr. Carpio. "Ano pong ibig niyong sabihin Sir?" Tanong ko sa kanya. "Sabay kayong mag-training for shooting, boxing or martial arts lahat ng self defense na kakailanganin niyo. Matagal pa ang isang buwan pwede pa kayong sabay na magsanay." Suggest ni Mr. Carpio. "That's a good idea Paps," Nakangiting wika ni Alixane. Bumaling sa akin ang tingin niya. "Mag-jogging tayo sa Quirino grandstand bukas Master Sergeant." "O-Okay ma’am what time po?" Tanong ko sa kanya. Napansin kong tumaas ang kilay niya sa akin. "Po? Hala hoy! Magka-edad lang tayo ah! Four AM sharp, wag kang malalate" Seryosong sabi niya sa akin. Napilitan akong tumango dahil never naman ako nalalate. Bumaling ulit ang tingin niya kay Mr. Carpio. "Good! Paps pwede bang umuwi muna ako kailangan ko pang paliguan si mushu eh." Mushu? Aso siguro ang tinutukoy niya. Maya-maya pa ay nag-paalam na si Alixane. Sumunod narin ako para pumunta sa headquarters. Ang alam ng mga tauhan ko ay ililipat ako sa ibang department kaya kukunin ko na ang mga gamit ko doon para tumutok sa kasong hahawakan namin ni Alixane. Kinuha ko ang files ng university pati narin ang kabuo-ang blue print ng building para kung sakali alam ko ang pasikot-sikot na labasan sa university hindi kami pwedeng pumalpak dahil delikado ang misyon namin bukod sa bigating drug lord ang makakabanga namin kailangan bawat galaw namin ni Alixane ay kalkulado. Kinaumagahan ay nagising na ako ng alas-tres ng madaling araw dahil sa usapan namin ni Alixane. Nag cold shower muna ako para mas masarap sa pakiramdam. Pagkatapos kong maligo ay sinuot ko na ang black jogging pants ko at puting plain t-shirt pati na rin rubber shoes nagkabit din ako ng cellphone holder sa braso at blue tooth earphone. Sampung minuto bago ang call time ay nasa Quirino Grandstand na ako dahil motor ang gamit ko para makarating dito.   Nagwarm-up at stretching muna ako sa parking lot ng  mga sasakyan para hindi masayang ang oras ko sa pag-iintay. Maya-maya pa ay tanaw ko na ang itim na motorbike na pagmamay-ari ni Lieutenant Alixane, napatigil ako nang tunguhin niya ang direction ko dahil napansin ko ang suot niyang white crop top shirt at white jogging pants. Itinigil niya sa tabi ng motor ko ang kanyang motorbike. "Kanina ka pa?” Tanong niya sa akin bago tangalin ang helmet niya at lumaglag ang mahaba niyang buhok. "H-hindi masyado kararating ko lang po Ma’am." Sagot ko sa kanya. "Xane na lang ang itawag mo sa akin Brian para mas comportable" Wika niya sa akin. Kinuha niya ang tali sa kamay niya at itinali pataas ang mahaba niyang buhok. Napanganga ako nang makita ko ang abs niya hindi masyadong maumbok pero ang sexy tignan. Alam mo talagang hindi lang proper diet kundi hard training ang ginawa niya para ma-achieve ang ganda ng katawan niya. "Wag mo kong tignan ng ganyan Brian remember what Paps said?" Saway niya sa akin ng mahuli niya akong nakatingin sa kanya. Bahagya akong nahiya. "I’m sorry Xane" Napa-alis ang tingin ko sa kawalan, bago ituloy ang pag stretching. Nagsimula na rin siyang mag stretching. Saktong four AM na nang mag-umpisa na kaming tumakbo.  ********************************************************************************* Hi mga mahal!  this story is already signed contract under DREAME property. I will start the daily update on sept 1 2021 kapag may signed badge na po siya..... please follow my sss page "proserfina" for latest update of this story thank you very much.!!! love,  PROSERFINA
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD