Chapter 4

1514 Words
Brian POV Tahimik lang kami sa pagtakbo nakasampung ikot din kami sa grandstand bago tumigil si Xane sa pagtakbo. Napatukod ako sa tuhod dahil sa pagod ramdam ko din ang patuloy na pagtulo ng pawis ko sa aking katawan. "Grabe ang stamina mo Xane," Humihingal na sabi ko sa kanya. Samantalang siya huminga lang nang malalim. "Naku Brian, wala pa ‘to sa kalingkingan ng training ko sa Michigan" Sagot niya sa akin. Kahit puno ng pawis ang mukha niya pati na rin ang damit niya parang lalo siyang gumanda sa paningin ko. Tumutulo pa ang pawis niya sa leeg niya. "Brian isarado mo yan baka pasukin yan nang langaw mahirap na!" Seryosong sabi niya sa akin pero hindi siya nakatingin. Hindi ko alam napanganga na pala ako sa kanya. "Let’s go," Yaya niya sakin. Naglakad na kami papunta sa iniwanan naming mga motor. Mag aalas-sais na ng umaga nang matapos kami sa pagtakbo sobrang pagod ko. Pero di ko man lang nakitang hiningal siya. "May lakad ka ba ngayon?" Tanong niya sa akin. "Wala naman siguro pag-aaralan ko nalang ang misyon sa condo ko." Sagot ko sa kanya. "Sige pero mamaya magkita tayo 3 PM sa gym tatawagan kita mamaya. Gusto kong malaman kung gaano ka kalakas sumuntok." Sabi niya sa akin sabay suot ng helmet niya at umalis na rin siya. Hindi man lang siya napagod mamaya may training ulit. Napabuntong hininga na lang ako. Bago sumakay sa motor ko. Bago mag ala-una ng tanghali ay nakatangap ako ng tawag mula sa kanya sa Quezon city boxing gym daw kami pupunta. Kaagad naman akong nagprepare kakatapos ko lang kasing tignan ang files ng university lalo na yung part ng faculty members. Marami din akong nakitang secret passage na pwede naming labasan ni Alixane in case na manganib kami sa loob ng school. Marami na akong hinawakang kaso tungkol sa drugs pero karamihan sa kanila ay mga ordinaryong kaso lang. Kaya medyo excited at the same time kinakabahan ako sa kasong hahawakan namin dahil hindi lang isa ang envolve sigurado akong mas marami pa kaming malalaman ni Xane sa loob. Ten minutes bago mag alas-tres nasa boxing gym na ako. Nakita ko agad si Xane. Habang tumatagal lalo siyang gumaganda sa paningin ko. Napakalakas din ng dating niya sa akin. Kasalukuyan siyang nagtatali ng boxing gloves sa kamay niya. Napansin niya agad ako kaya lumapit siya sa akin. "Palit na nang gloves! Sparring tayo" Sabay tapik niya sa balikat ko. Ramdam ko tuloy ang bigat ng kamay niya. Agad akong nagpalit ng gloves at umakyat na rin ako sa ring. Naroon na kasi siya at inaantay ako. "Anong rules?" Tanong ko sa kanya. "Wala basta tamaan mo ko" Seryosong sabi niya sa akin. "Paano kung mapuruhan kita?" "Brian shunga ka ba? Syempre hindi naman ako tatayo lang dito at aantayin ang pagsuntok mo, titira din ako." Nakangisi niyang sagot sa akin. "Okay! Humanda ka Xane!" Sa una jab muna ang ginagawa ko. Gusto ko kasing malaman kung paano siya kikilos. Sinasalag niya ang mga tira ko. Mabagal muna sa una pero binibilisan ko na rin ang kamao ko. "Nice" Nakangiting wika niya sa akin. Hindi ko maiwasan na mapatingin sa mapula na niyang labi kahit alam ko naman na wala siyang lipstick. Nakakadistract din ang mga tingin niya.  Focus Brian, eh ano kung maganda ang babaeng nasa harapan mo? Hindi ko na namalayan na humihina na pala ang suntok ko sa kanya at tuluyan na akong nawala sa focus. Nanlaki ang mga mata ko. Sobrang bilis ng pangyayari.  Nakita ko na lang ang kamao niya at kahibla na lang ang layo sa gwapo kong mukha. “Tsk! Kung tinuloy ko to sa mukha mo sigurado akong mababawasan ang kagwapuhan mo Brian. Baka ilang araw ka ding may blocked eye.” Inis na sabi niya sa akin. Lumapit pa siya sa akin. As in malapit na malapit isang dangkal na lang ang layo namin sa isa’t-isa kaya naamoy ko na rin ang mabango niyang hininga. Lalong lumakas ang t***k ng puso ko. "Sa misyon natin hindi lang lalaki ang makakalaban natin, kaya kong natatakot kang sumuntok dahil sa babae, sigurado akong bago ka pa makalaban patay ka na," Napatda ako sa sinabi niya. Hangang sa tuluyan na niya akong tinalikuran. "Wait Xane!" Tawag ko sa kanya dahil bumaba na siya nang ring. "Nawalan na ako nang gana!" Nagpatuloy siya sa paghuhubad ng gloves bumaba ako para puntahan sana siya. "Oi! What a coincidence!"  Harang sa akin ni Caloy. Siya lang naman ang lalaking hinuli ko dahil sa illegal na pasugalan. Kakapasok pa lang nila sa gym. Kasama ang anim niyang alipores. "Caloy iba na talaga ang may kapit no? Kahit ipinasok na kita sa kulungan ay nagawa mo pa din makatakas?" Napangisi siya at lumapit sa akin. "Alam mo ba ang pinagdaanan ko sa loob ng kulungan? Isang buwan akong nakakulong dahil sayo!" Nakangisi pa ring sabi niya sa kin. "Dapat nga hindi ka na nakalabas pa don eh, para mas na-enjoy mo sana" Sagot ko sa kanya nagsukatan kaming dalawa. Wala akong paki-alam kong mas malaki ang katawan niya sa akin dahil alam kong puro hangin lang naman ang laman non at kayang-kaya ko siyang patumbahin sa isang suntok lang. "Brian, ano? Tara na!" Biglang sulpot ni Xane sa harap ko hindi niya ata napansin ang lalaking kausap ko. "Oi miss ang ganda mo naman at ang sexy, wowww hotty!" Nakangising sabi ni Caloy sa nakatalikod na si Xane. Mukha pa itong m******s na kulang na lang maglaway habang pinagmamasdan niya ang pang-upo ni Xane. Ganun din ang ginawa ng mga alipores niya. "Miss, sa amin ka na lang sumama may sports car ako ibibigay ko sayo." Dagdag pa niya sabay akbay sa balikat ni Xane. Nag-init ang ulo ko pero huli na. Dahil nakita ko ag madilim na aura ni Xane. "Sa lahat ng ayoko, yung mga bastos na gaya niyo!" Singhal ni Xane sabay balibag kay Caloy. Plakda sa sahig si Caloy at iniinda ang sakit ng balakang niya. "Ahhh….! Turuan niyo ng leksyon ang babaeng yan!" Utos ni Caloy sa mga alipores niya na agad namang sinugod si Xane. Mabilis ang naging pagalaw ni Xane at ganun din ako. Nakaka dalawang patumba palang ako napatumba na niya yung apat sa kanila." Walang isang minuto nasa sahig na silang lahat. "Ang babae hindi binabastos! Nirerespeto!" Singhal ni Xane kay Caloy pagkatapos ay binigwasan niya agad ang mukha nito. "Brian let’s go!" Tinapunan ko sila ng masamang tingin bago ako sumunod kay Xane. "May araw ka din!!!” Namimilipit na sigaw ni Caloy. "Sige iintayin ko!" Sagot ni Xane habang papalabas na kami ng gym. Namangha ako sa kakayanan niya. Mukhang puro vital signs ang tinamaan niya sa mga alipores ni Caloy kaya hindi na halos makabangon. At hindi man lang tumagal nang isang minuto. Lalo akong napahanga sa kanya. "Saan tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya. "May alam ka bang pwedeng kainan nang street foods?" "Ha?" "Hakdog" "Hindi, anong klaseng street foods?" "Wait mali ata ako nang tanong, kumakain ka ba nang street foods?" Saad niya. "Ah, oo naman, kwek-kwek, turon, nilagang mani at bananaque. Yun lang." Ngumiti siya. "Yun palang nakakain mo? Hay naku! Ang hina mo talaga! Tara samahan mo ko! miss ko na kumain ng ganun eh" Dinala niya ako sa malaking karinderya na specialty ang mga inihaw na iba’t- ibang uri nang karne. Nakahilera ang lahat ng klase na pwedeng ihawin. Tamang-tama gutom na ako dahil wala pa akong lunch, sobrang bango din ng usok na naamoy ko. Agad kaming kumuha ng plato ni Xane para mamili ng ipapaluto. Puro barbeque ang kinuha ko. Hmmm! Amoy palang masarap na. Limang tuhog ng barbeque na baboy ang kinuha ko. Napatingin ako sa plato ni Xane. Bituka, paa, ulo ng manok at pwet? Napatingin ako kay Xane. "Why?" Tanong niya sa akin with beautiful eyes. Ang puso ko. "N-nothing" Nag-order na rin ako ng tig two cups of rice. Baka mapalaban ako ng kain. Ilang minuto pa ang nakalipas nang ihatid na nang serbedora ang order namin dahil luto na ito. "Sigurado ka bang kakainin mu lahat yan? Tig-lilimang tuhog yan eh kaya mo bang ubusin yan?" Tanong ko sa kanya. Sa halip na sagutin niya ang tanong ko ay dumampot siya ng isang tuhog ng ulo ng manok. "Eat this sigurado akong masasarapan ka dito!" "Wait! Hindi ako nakain nito Xane." Ibinalik ko sa plato niya. "Ano ka ba! Kaya nga ipapatikim ko sa iyo eh! Taste it!" Nakangiti niyang sabi. Napatitig ako sa mga mata ng manok. Napalunok ako. "Ahm, Xane mukha kasi silang galit. Hindi ko talaga kaya" Binalik ko na ulit ang stick sa kanya. "Tsk! Para ulo lang nandire ka na?" Inis na sabi niya sa akin sabay subo ng isang ulo nang manok. Nagulat ako sa ginawa niya pero mas nagulat ako ng wala nang natitirang laman sa ulo nang niluwa niya. Parang babaligtad ang sikmura ko. "Okey ka lang?" Tanong niya sa akin. "O-o sige kain na tayo" Hindi ko na lang siya tinignan habang nilalantakan niya ang pagkain niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD