Brian POV
Kaka-promote ko pa lang sa pagiging Police Executive Master Sergeant (SPO4). Naging mabilis ang pagtaas ng rango ko, hindi dahil sa connection ng ama ko na isang Police Major. Kundi dahil sa mga matagumpay na mga kasong hinahawakan ko. At alam yun ng mga kasamahan ko sa kapulisan ng Quezon City head quarters. Isang araw nagulat nalang ako sa sinabi ni Dad na ipapasok niya ako sa secret organization na tumutugis sa mga high class criminals na tao. Hindi ako tumutol sa kagustuhan niya dahil personal daw akong pinili ni Mr. President. Pinakilala niya ako kay Mr. Carpio at dinala ako sa hide out. One week kong pinag-aralan ang organization nakilala ko din ang ibang agents namangha ako sa mga kasong hinawakan nila. Dahil puro matataas na officials ang kanilang targets. Yung iba naman ay nakikita ko na lang sa balita. May mga maliliit din na kaso pero kakaunti lang. Pagkatapos ng isang linggo ay ipinatawag na ulit ako ni Mr. Carpio. Dahil isasabak na ako sa unang misyon. Excited ako pero kinakabahan dahil firstime kong hahawak ng confidential case. Nagtataka ako dahil nagpahanda si Mr. Carpio. Uuwi daw kasi ang anak-anakan niya mula sa U.S.
Maya-maya ay tumunog ang cellphone ko. Isang tawag ang natangap ko mula sa presinto. Kaya lumabas muna ako sa hideout para puntahan ang nambibiktima na riding in tandem. Nasa kahabaan na ako ng Quezon City nang matanaw ko ang dalawang motor na naghahabulan. At namukhaan ko agad na yun ang mga kriminal na isang linggo na naming pinaghahanap. At malamang yung humahabol ay ang nabiktima nila. Nagmadali akong mahabol ang riding in tandem pero dahil sa pick-up ang dala kong sasakyan nahirapan akong sumingit sa mga sasakyan. Lalo kong binilisan nang magpaputok na ang mga kriminal dahil baka tamaan ang sumusunod sa kanyang nakasakay sa mamahaling motorbike. Natanaw ko sa malayo na tuluyan nang naharang ng naka-motorbike ang riding in tandem kaya bumaba nalang ako at mabilis na tinakbo ang kinaroroonan nila. Nagulat ako nang bumaba ang nakasakay sa motorbike. Dahil kung hindi ako nagkakamali isa siyang babae napansin ko sa suot at tindig niya at matapang niyang hinarap ang mga kriminal ng nag-iisa. Napansin kong tatakas na naman sila. Kaya agad kong hinugot ang baril ko sa beywang at pinaputukan ang isa sa kanila. Tinangal ng babae ang helmet niya. Napatingin ako nang lumaglag ang kulay chocolate brown at hanggang bewang niyang buhok. Nakita ko din ang light brown niyang mga mata dahil tinatamaan ito ng sikat ng araw. Pero hindi ko siya tuluyang nakilala dahil naka-facemask ito. Hiniling kong sumama siya sa presinto dahil akala ko siya ang inagawan ng bag pero hindi pala hanggang sa sumulpot na ang tunay na may-ari ng bag. At tuluyan na ring umalis ang babae matapos kong ipasalo ang kaso sa mga kasamahan ko sa presinto ay bumalik na agad ako sa hideout. Nagulat ako nang makita ko sa car park ang motorbike na dala ng babae kanina. Pati na rin ang sira niyang helmet. At mas lalo akong nagulat na ang babae kanina ay nasa harapan ko na ngayon.
"Siya!?" Turo niya sa akin.
"Magkakilala na kayo?” Tanong ni Mr. Carpio.
"Yes Paps, siya yung pulis kanina." Sabi ng babae sa akin.
"Yung kinuwento mo na nangyari kanina?" Tanong ulit ni Mr. Carpio.
"Yes po, yung dumampot sa riding in tandem na hinarang ko." Dagdag pa niya. Bumilis ang t***k ng puso ko akala ko mata lang niya ang maganda. Hindi pala pati ang matangos na ilong niya at mapulang labi na kasing pula ng rosas. At may pantay at maputing mga ngipin. May tama na agad ako sa kanya.
Bumalik ako sa sarili nang magsalita na ulit si Mr. Carpio.
"Let me introduce you formally, Alixane he is Police Executive Master Sergeant Brian Mendoza. Anak siya ni Major Eduardo Mendoza." Napansin kong nagulat siya sa sinabi ni Mr. Carpio.
"Brian, she is first class High Lieutenant Alixane Alvarez"
Pero mas nagulat ako dahil mas mataas ang rank niya kaysa sa akin at isa pa siyang babae.
"Nice meeting you Lieutenant." Nanlalamig na inilahad ko ang kamay ko sa kanya at ngumiti.
"Me too, Master sergeant. Kaya pala kahit malayo ka pa sa amin nagawa mong tamaan ang paa ng kriminal kanina" Wika niya sa akin. Hindi ko alam kung papuri ba iyon o pagkutya.
"Yes, dahil kaylangan natin silang hulihin ng buhay" Seryosong sagot ko sa kanya. Wala sa itsura niya ang pagiging Lieutenant pero kung talagang nag-train siya sa Michigan baka nga mas magaling pa siya kaysa sa akin. At pinipigilan lang niya ang kakayahan niya kanina.
"By the way agents sumunod kayo sa akin." Wika ni Mr. Carpio. Sumunod kami sa kanya at dinala niya kami sa loob ng isang secret room. Na kung susukatin ay 50 square meters ang lawak. May malaking black na couch at may malaking white board sa harapan at may projector din sa likod. Kinuha ni Mr. Carpio ang remote at binuksan ang projector.
Tumambad sa amin ang isang larawan ng skwelahan na kung di ako nagkakamali ay ang University na exclusive lang para sa mga lalaki.
"Paps bakit yan ang pinapakita niyo sa amin?" Nagtatakang wika ni Alixane.
"Hayaan mo muna akong magsalita Xane, mamaya ko sasagutin ang mga tanong niyo." Seryosong sabi ni Mr. Carpio.
"Okay," Sagot ni Alixane at umupo na kami sa couch.
"Ito ay ang Murray University, sa Laguna. Isa itong exclusive university for boys. Ang main target niyo ay si Gustavo Murray. Ang president at nagmamay-ari ng skwelahan. Siya ay half Scottish and half pilipino. Based sa information na natangap ko. Siya ay isang drug lord na malawak ang impluwensiya sa autoridad in short marami siyang connection at ginagamit niya ang ibang faculty members o mga studyante para sa pagpapalaganap ng droga hindi lang sa ibang malalakas gumamit pati na rin sa malalakas magbenta. Kabilang dito ang mga mahihirap na pushers para mabigyan nang kakaunting kita. Wala sila pinipiling biktima mapabata man o matanda pati narin kababaihan. Dahil lahat ng klase ng mga droga ang ibinebenta nila. Mapapulbos man, injection or party drugs pa ito. Ang mission niyo ay pumasok sa loob ng unibersidad at magpanggap na isang normal na studyante."
"Wait Paps, sabi mo all boys university yan so paano ako papasok diyan?" Nagtatakang tanong ni Alixane habang umiinom ng tubig sa plastic bottled.
"Simple lang we will faked your identity, at papasok ka bilang lalaki.”
Nabulwak ni Alixane ang iniinom niyang tubig kahit ako ay nagulat sa sinabi ni Mr. Carpio. Dahil malabong mangyari na magmukhang lalaki si Alixane.
"That’s ridiculous! Ako?! Magpapangap na lalaki at papasok sa isang all boys university?! Paps naman wag kang magbiro hindi bagay sa inyo!?” Na-iinis na wika ni Alixane.
"I’m sorry Alixane, pero buo na ang pasya ko wala akong ibang agents na makakagawa nito kundi ikaw lang." Paliwanag ni Mr. Carpio.
"Paps, tingin mo ba mukha akong lalaki tignan mo nga itsura ko? Hindi kalakihan ang dibdib ko pero sa ganda kung ito baka pagkamalan pa nila akong tomboy." Tumayo na si Alixane dahil sa inis.
"Alixane! Gusto mong malinis ang pangalan ng ama mo diba? Binibigyan na kita nang pagkakataon na linisin ang pangalan ng ama mo." Galit pero mahinahon na sabi ni Mr. Carpio.
Biglang sumeryoso ang mukha ni Alixane. At lumapit kay Mr. Carpio.
"So you mean may kinalaman si Gustavo sa nangyari sa papa ko?" Tanong ni Alixane. Tumango naman si Mr. Carpio.
"Kailan kami papasok diyan?" Wika ni Alixane. Nagbago ang mood niya nang marinig ang tungkol sa kanyang ama. At hindi lang yun pati ang aura niya.
"Next month Xane, ihahanda ko na ang fake identity niyong dalawa. May isang buwan kayo para mag-sanay pa at paghandaan ang pagpasok sa unibersidad at kung may kailangan kayong malaman pumunta lang kayo dito dahil kompleto ang files na yan. And Alixane I’m sorry to tell you na kailangan mong ipaputol ang mahaba mong buhok para sa misyon."
Napapikit si Alixane sa sinabi ni Mr. Carpio. Malamang dahil yun sa kanyang buhok. Nanghihinayang ako dahil napakaganda pa naman niya at bagay sa kanya ang kulay ng buhok niya.
"Yes Paps," Mahinang sagot nito.
"I’m sorry Xane, I know you can do it." Sabay hagod sa likod niya.
"Yes Paps, basta sagot mo ang pa-rebond ko pag humaba ang buhok ko ha?" Nakangiting wika ni Alixane.
Binatukan naman siya ni Mr. Carpio hindi ko alam na ganoon sila ka close ang sabi sa akin ni Mr. Carpio ay ten years old palang si Alixane mula nang mapunta ito sa pangangalaga niya. At nag-umpisang humawak ito ng baril nang 13 years old na ito. Pero hindi ko akalain na ang anak-anakan niya ang makakasama ko sa dilikadong misyon namin.